SC: Trevor
[A/N: Haha! Daming nagrereklamo kung bakit hinalikan daw ni Andrei si Aubrey! Eh si Aubrey kasi yung weakness ni Calvix. Syempre, kung sasaktan nya si Calvix. Uunahin nito yung kahinaan nya. Gets? XD]
-Special Chapter: ›TREVOR
Trevor’s POV
“Kuyaaa!”
“Hmmm.”
“Kuya!”
“Ano ba Steph! Natutulog pa ko oh!” Sabay bato ko dito ng unan, “Kung may kailangan ka mamaya na lang.” Sabi ko dito. Sobrang antok pa kasi talaga ako. 2am na nga ako natulog kagabi dahil ang dami kong sinearch kagabi.
“BF!” Halos mahulog ako sa kama ko ng marinig ang boses ng bestfriend ko. Dali-dali akong tumayo sa kama ko.
“Good morning. Haha!” Bati nya sa akin.
“G-Good morning din.” Napatungo nalang ako. Sh*t. Baka may muta at panis na laway pa ko.
“Gusto daw matikman ni sis yung carrot cake na pinabaon mo sa kin non.” Nanlaki ang dalawa kong mata.
“Pinatikim mo?”
“Syempre!”
“Proud pa nga yang pinatikim sa amin eh. Haha!” Tawa pa ni Janelle. Napangiti naman ako dahil nagagawa ng ngumiti ng bestfriend ko.
“Syempre naman! Gawa kaya yon ng Kuya ko.”
“Nambola ka pa! Shuuuuuu! Alis muna kayong dalawa! Magsho-shower lang ako.” Sabay tulak ko papalabas sa kanilang dalawa.
“Palibhasa may panis na laway pa. Bwahaha!” Rinig kong bulong ng kapatid ko dito.
“Rinig ko!” Sigaw ko.
“Pahidan mo yang panis na laway mo!” Balik nitong sigaw sa akin.
“Bwisit ka!”
“Maganda ako!”
Tuluyan ko ng sinarado ang pintuan ng kwarto ko at nag-diretso na sa banyo. 30 minutes akong nag-shower. Pakiramdam ko kasi kasalanan ko ang lahat. Ako kasi ang nag-plano ng lahat kay Gio at Aubrey noong summer. Ginawa ko talaga ang lahat para hindi malaman ng lahat na magkasama silang dalawa. Anong magagawa ko? Gusto ko silang maging masayang dalawa. May nangyari naman sa pinaghirapan ko di ba? Naging sila. Pero palihim lang… Ang totoo nyan, noon ko pa alam ang lahat – na sila na.
Noong una nagtataka talaga ako kung mahal nga ba ni Aubrey si Gio. Na kung wala na nga ba talaga ako sa puso nya. Pero kada-makikita o makakasalubong ko sya, hindi ko talaga maiwasan ang hindi maisip o maramdaman na may gusto pa rin talaga sya sa akin. Pagtama pa lamang ng mata namin sa isa’t isa para bang may gusto syang sabihin na hindi nya magawa. Ayokong dumating sa punto na parehas silang masaktan ni Gio.
Nung i-kwento sa akin ng kapatid ko ang nangyari sa birthday ni Calvix noong malaman nila ang totoo, hindi ako makapagsalita at wala man lang maibigay na reaksyon. Paano nalang pag nalaman ni Calvix na ako ang naging daan para maging sila? Hindi pwede. Last year ko na to sa college. Ayoko na ng gulo.
**
“Oh, san ang punta mo?” Tanong ko sa kapatid ko ng makitang ayos na ayos sya.
“Sa dulo ng walang hanggan. Sama ka kuya?” Pilosopong sagot nito.
“Hindi. Ikaw nalang. Wag ka ng bumalik dito ha?” Pabiro kong sabi dito.
Inirapan ako nito, “Whatever!” Tingnan mo, pikon talaga eh, “Sige aalis na ko. Basta kuya tiran mo ko ng carrot cake! Pag-uwi ko at walang nakahain dyang carrot cake ipapa-massacre kita!” Sabi nito papalabas ng bahay.
“Kailangan mo ng tulong?” Tanong sa akin ni Janelle ng maka-upo sa isang upuan sa may kusina.
“Hindi. Kaya ko na to.” Naka-ngiti kong sabi sa kanya.
“Mahilig ka palang magluto. Ang dami ko pang hindi alam sayo bf.”
“At marami na akong hindi nalalaman sayo. Mag-kwento ka nga.” Oo, nitong mga nakaraang buwan halos hindi na kami nakakapagkita at nakakapag-usap. Pareho kaming naging busy sa mga sari-sarili naming buhay, “Ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon?”
“Game.” Napatingin ako sa kanya, “I’m playing a game.” Seryoso nyang sagot. Ilang sandali lang ay ngumiti sya at tumayo at lumakad papunta sa akin.
“Narinig mo na ba?” Tanong nya sa akin ng kinuha nya yung panghalo sa akin at sya na ang naghalo.
“Ang alin?”
“Si Aubrey at Gio. Unbelievable, right? Halos lahat kami nagtataka kung paano naging sila.”
Nagsimula akong kabahan. Sabihin ko kaya sa bestfriend ko ang totoo? Na ako ang may kagagawan ng lahat. Na ako naging daan para maglapit silang dalawa.
“Kalat na nga din sa buong school. At alam mo ba na ang sabi ng iba ay inakit daw nyang si Aubrey si Gio. At ang sabi naman ng iba, may matchmaker daw ang tumulong na maglapit silang dalawa. Haha! Nakakatawa! Kung ano ano na ang naging mga opinyon sa relasyon nila!” Nakatitig lang ako dito. Halata namang hindi nya alam na ako yung matchmaker nung dalawa.
“Ikaw na nga! Hindi ko alam kung anong pinaggagawa ko. Hehe.” Sabi naman nya at kumuha nalang ng juice sa refrigerator namin at uminom. Pagkatapos ay umupo sya sa lamesa na malapit lang sa akin.
Huminga sya ng malalim at sinabing, “Hindi ko na alam ang gagawin ko…”
Umupo rin ako, “Go on. Handa akong makinig.” Sabi ko sa kanya. Gusto ko lahat malaman ang pinagdadaanan ng bestfriend ko. Game? She’s playing a game? And who’s game? Sana hindi. Dahil alam kong in the end… Sya ang masasaktan.
Alam kong malapit na syang mapa-iyak pero pinipigilan nya lang, “Hindi ko na alam ang gagawin ko para mawala ang pagmamahal ni Calvix kay Aubrey. Hindi ako galit sa kanya. Yan ang totoo. I’m just – Hurt. There’s actually a big difference. Ang hirap magpanggap na masaya sa harap nya.” At hindi na nya napigilan ang luha at tuluyan na itong bumagsak.
Unti-unti akong lumapit sa kanya at niyakap ito, “Then… Let go of him.”
Niyakap nya ako ng mahigpit, “No. I won’t let go until he say so.”
Inangat nya ang ulo nya. Pinisil ko naman ang pisngi nya, “Gusto mo talaga na sabihin nya mismo sayo na bumitaw ka na? Ugok ka ba? Haha! Eh kung iuntog kaya kita sa pader!” Humiwalay ito ng kaunti sa pagkakayakap sa akin at tumawa.
“Haha! I mean… Gusto ko sa bibig nya mismo labas na bitawan ko na sya. So that I can’t be choosing any options other than to let go.”
“Sir may natawag po sa ---- Ay. Sorry po.” Napaalis kaming dalawa ni Janelle sa ganong pwesto. Akmang aalis na si Manang pero muli itong bumalik at sinabing, “Si Ms. Aubrey po natawag.”
**
“Sige bf. Nag-enjoy talaga ako.” Naka-ngiting sabi ako nito, “Sana maulit. Kita nalang tayo sa school ha?” Lumabas na ito ng gate namin at sumakay ng sasakyan.
Binaba nya ang bintana ng sasakyan nya, “Bye! Haha!” Pang-uulit nya.
“Bye. Ingat ka sa pagda-drive. Haha!” Kaway ko dito.
Ilang sandali lang ay umalis na ito. Kaagad akong nag-tungo ng kwarto ko. Napahipo nalang ako sa noo ko. Pakiramdam ko lalagnatin ako sa sobrang kaba. Nakikipagkita kasi sa akin si Aubrey. Natatakot ako sa pwede naming pag-usapan. Natatakot ako na baka tungkol ito sa ginawa ko sa kanila ni Gio.
Pagkatapos ng ilang minuto kong pag-iisip ay naisipan ko na ang mag-shower para pumunta sa restaurant kong san kami magkikita ni Aubrey.
//
“Good evening Sir. Are you Ms. Aubrey’s date?” Natawa nalang ako dito.
“I’m not her date. I’m just her friend. Where is she?”
“A-Ah. Come over this way Sir.” Pagkatapos ay nauna na ito sa paglalakad. She really made a reservation for us.
“What’s this all about?” Tanong ko sa kanya bago pa lang ako uupo. Kailangang maka-uwi ako ng maaga dahil ang sabi ni Daniele dadaan sya sa bahay para magpaturo ng new lesson sa Math.
“Ayoko na.”
Napa-kunot ang noo ko, “Anong ayaw mo na?”
Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko, “Ayoko ko na sa relasyon namin ni Gio. Nasasakal ako. Para bang sinira ko ang pagkakaibigan nila ni Calvix.”
“I already warned that matter to you before you say ‘yes’ to him.”
“Basta ayoko na Trevor. Parehas kaming nasasaktan ni Gio sa sitwasyon. Hindi lang si Calvix ang tutol sa relasyon namin. Kahit magulang ni Gio. Pati na rin ang kapatid nya.”
Hindi ako maka-imik sa sitwasyon na’to. Para bang naubusan ako ng laway. Mas lalong humigpit ang pagkakakapit nya sa kamay ko at nagulat ako sa sunod nyang sinabi, “Sayo nalang ulit ako.”
Magsasalita pa lang ako ng biglang mag-ring ang cellphone ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakakapit nya sa kamay ko --
Daniele calling….
[LOUDSPEAKER] Eto nalang ang naisip kong paraan. Hindi ko mahal si Aubrey. Ayokong pumunta sa relasyon na isa lang ang nagmamahal at sya lang yun.
(Hello? Kuya Trevor asan ka? Andito na ako sa sala ng bahay nyo.)
“Lumabas lang ako saglit. Balak ko kasing bumili ng ingredients para sa paggawa ng Graham na favorite mo.”
(Waaa! Talaga! Love na love mo talaga ako ano?! Haha! Asan ka na ba?! Excited na koooooo!”
Nanginginig ang kamay ni Aubrey habang nakatingin sa cellphone ko naka-loudspeaker. Tinitigan nya ako na parang sinasabing, ‘Ba’t mo ginagawa sa kin to?’
“Daniele…”
(Kuya, ba’t wala si Steph? Umalis?)
“I love you.” Sinabi ko iyon na nakatingin ng diretso sa mga mata nya -- At unti-unti ng bumagsak ang mga luha nya.
- - - - - - - - - - - - - -
Click the external link for His Game's page on facebook :))
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro