Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SC: Stephanie and Juztine

-Special Chapter: ›STEPHANIE & JUZTINE

 

Stephanie’s POV

 

“Woah! Talaga?! Sa condo ka nya mismo natulog?” Tanong kong muli kay Janelle, “Kwentuhan mo pa ko! Ano pa bang ibang nangyari?! May nangyari bang --“

“Of course wala!”

“I mean -- may nangyari bang something revenge?! Duh! Ikaw ha! Iba nasa isip mo!” Tusok ko sa tagiliran ni Janelle.

“Ah yun ba. Ummm, w-wala eh. Basta tinakasan ko nalang sya nung umaga eh.” Sabay kamot pa nito sa ulo.

“Yun lang? Omeged! Eh kung ako na kaya ang mag-revenge sayo?! Mamaya sa paghihiganti mo ma-rape kang muli ng Calvix na yan!” Sabi ko dito. Andito nga pala kami ni Janelle sa cafeteria. Iniintay namin ang pagdating ng aming ibang barkada.

“Hindi na ako tanga tulad ng dati na basta-basta nalang bibigay.” As she said those words, kita ko sa mata ng kaibigan ko ang galit at -- ang sakit na nararamdaman.

“I want to take revenge too.” Basta nalang lumabas ang mga salitang yun sa bibig ko. Mukhang nagulat si Janelle sa sinabi ko.

“With who?”

“Calvix.”

“You don’t need to. Ayokong madamay pa kayo. Tama na yung andito kayo palagi sa tabi ko at never akong iniwan. This is his game. I won’t let you guys be on this game. This is our game. Hayaan nyo na maglaro kaming dalawa.” Para bang tinusok ng sampung karayong ang puso ko. This isn’t my friend Janelle before.

Ilang sandali nalang ay dumating na ang barkada namin. Kasunod naman sa likod nito ang barkada ni Calvix. Tinaasan ko ng kilay ang kaibigan ko at binigyan ng ‘What-the-hell’ look. Bakit kasama nila ang barkada ni Calvix?

“Bakit nyo kasunod ang mga mokong nayan?” Tanong ko kina Jamiatra.

“Sis, masyado silang mapilit na sasabay sila ng lunch sa atin.” Sagot naman nito.

“Eh di dapat hindi pa rin kayo pumayag.”

“No choice. Sinabi nila ang magic word na ‘libre’.” Napapikit nalang ako sa sobrang inis. Mapapatay ko talaga si Calvix!

//

“Kwentuhan nyo naman kami tungkol sa summer nyo.” Kausap naman sa amin ni Seth. Pero as usual, walang sumagot.

“Oo nga. Ano bang nangyari sa inyo dun? Crush! Kwentuhan mo naman ako!” Pangungulit ni Dylan kay Fatima.

“Crush?! Pwede ba Dylan itigil mo na ang pagtawag sa akin ng ganyan! Hindi na tayo bata! Lumaki na ang lahat sayo pero bakit ang utak mo hindi na-develop?!” Halos ngumanga kaming lahat sa pagsigaw ni Fatima kay Dylan. Alam kong dati pa sya naiinis kay Dylan. Pero ngayon lang sya nagsalita ng ganyan dito.

“Sorry.” Nakatungong sabi ni Dylan at pinagpatuloy ang pagkain.

“Badtrip!” Nagulat kami sa biglaang paghagis ng cellphone ni Juztine sa may lamesa, “Hindi ko maintindihan si Joanne!” Ginulo naman nito ang buhok nito.

“Wag kang mag-aalala pre! Ganyan din ako kay Jeyemyem.” Hinimas pa ni Brandon ang likod nito, “May time talaga na ang gulo gulo nilang kausap. Minsan sweet, minsan ang cold.” Dagdag pa nito.

Halos maiduwal naman ni Jamiatra ang iniinom nya, “Okay ka lang?” Tanong ko dito.

“L-Ladies room lang ako. Daniele samahan mo ko.” Sabi nito kay Daniele at dali-daling umalis.

“Ganyan din si Yumi! Yung ka-skype ko! Ang labo nya! Buti nalang at hindi lang sya ang babae sa buhay ko.” Sabay kindat pa nito. Ew!

“Sa bagay! Bakit ko nga pala pinoproblema yang si Joanne?! Eh ang dami-dami pa dyang babae! Haha! Akala nya ha! Masyado akong pogi para lang maging sunud-sunuran sa kanya. M.U pa lang kami pero kung umasta parang kami na ah!”

“Ang mga babae parang mga prutas yan. May iba’t ibang flavor, kulay at itsura. Ang problema sa inyong mga lalaki, mahilig sa FRUIT SALAD.” Singit ko naman dito.

“Wooo! Fruit salad! Ang sarap nun!” Mukhang hindi naman na-gets ni Clarence ang sinabi ko. -_-

“Eh Juztine -- Naka-points ka na ba?” Tanong dito ni Christopher.

Naramdaman ko ang pagyukom ng palad ni Janelle sa may ilalim ng table, “Ayun lang ba ang gusto nyo sa babae?”

“Ummm. D-Depende naman yun sa lalaki eh.” Nautal pang sagot ni Christopher kay Janelle.

“Ikaw Calvix. Ayun lang ba ang kailangan mo sa isang babae?” Napatigil sa pagsubo ng pagkain si Calvix. Nagkakatitigan silang dalawa. Kahit rin ang barkada ni Calvix ay nagtaka sa gustong iparating ni Janelle sa sinabi.

Ang tagal bago sumagot ni Calvix. Magkakatitigan lang silang dalawa. At nakatitig lang kaming lahat sa kanila. Ewan ko ba pero parang nagbago ang atmosphere.

Tumawa si Calvix at sinabing, “Oo naman. Sa panahon ngayon, sino bang lalaki ang hindi gugustuhin yun?” Halos manggalaiti ako sa galit. Gusto ko syang sipain, tadyakan, saksakin ang malabato nyang puso, barilin, itakin, ipakain sa buwaya at pating, at kung ano-ano pa, in short patayin.

Padabog na tumayo si Janelle sa table at umalis.

“Oh anong nangyari dun?” Sabay sabay na tanong sa amin nina Jared.

“Hindi nyo pa rin ba alam? Oh Calvix, bakit hindi mo sinasabi sa kanila? Dagdag yan sa pride na meron ka di ba? I mean, para yang achievement di ba? Dahil ang isang inosenteng babae ay nagamit mo ---”

“Steph!”

“SIS!”

“O baka naman kaya hindi mo sinasabi kanila dahil -- nahihiya ka ba sa ginawa mo?”

“Calvix, ibig sabihin ----“

“She’ll never be this worst just because you’ve been played with her. She’s been worst because you’re already got what you wanted.”

“G*GO KA!” Nagulat kami ng biglang suntukin ni Andrei si Calvix dahilanan para makuha ang atensyon ng ibang estudyante.  

*BOGSH*

“HAYOP KA! PATI ANG BABAENG MAHAL KO BINABOY MO! G*GO KA! MAMATAY KA NA!” Pilit naming inaawat si Andrei pero hindi namin sya maawat. Buong barkada nito at kami ring barkada ay pinipigilan ito pero masyadong malakas si Andrei.

Ni-hindi man lang nanlaban si Calvix dito. Tila sinasalo nya lahat ang pagsuntok sa mukha nya ni Andrei.

*BOGSH*

*BOSGH*

“WALA KA NA BANG IBANG MAGAWA HA?!! PATI BA NAMAN ANG BABAENG WALANG KAALAM-ALAM SA LARO GINAMIT MO!! MAPAPATAY KI ----“

Lahat kami ay nagulat dahil sa ginawa ni Troy. Tumalsik si Andrei sa pader. Nagsilapitan kaming lahat kay Andrei. Alam naming nasaktan sya. Aalalayan namin sana syang tumayo pero itinabig nya lang ito. Pilit naming sinisilip ang mukha nya mula sa pagkakatungo.

“This is why she want to make revenge? Did she?” Tanong nito habang nakatungo pa din.

“Andrei…” Sabay sabay naming tawag sa pangngalan nya.

“Pre dalhin ka namin sa clinic.” Tulad ng ginawa nya sa amin. Itinabig nya rin ang kamay nina Seth.

“Bastard.” Pagkatapos nyang sabihin ito ay pilit nyang itinayo ang sarili. Bago sya maglakad papalayo binigyan nya ng isang masamang tingin si Calvix.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo papalayo. Pakiramdam ko ako ang may kasalanan kung bakit nangyari to. Hindi ko naman akalain eh. Akala ko alam rin ng barkada ni Calvix ang nangyayari. Kasi syempre magbarkada yun kaya sasabihin nya ang tungkol dun.

Umupo ako sa may bench at dun umiyak ng umiyak. Baka magalit sa akin si Janelle. Hindi ko naman talaga alam eh.

“Uy.”

“Uy Steph.”

Inangat ko ang ulo ko at nakita si Juztine sa harap ko. Umupo rin sya sa tabi ko,”May sasabihin ako ha?” Tinanong nya sa akin.

“Alam mo bang ayoko sa FEU,AU, CAU, MCU, LU, UST, DLSU, PCU, ADMU SLU. Alam mo kung bakit?” Napakunot noo lang ako. Ano ba kasi ang sasabihin nya. Wag nyang sabihin na magjo-joke sya ngayong naiyak ako?

Pero siguro naman hindi nakakabadtrip ang joke nya ngayon. Huminga ako ng malalim, “Bakit?”

“Kasi gusto ko SAU.”

At sinabi nyang iyon.

Hindi ako nainis o nagalit.

Dahil ang naramdaman ko ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko.  

- - - - - - - - - - - - - -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro