SC: Seth
-Special Chapter: ›SETH
Seth's POV
♪Here in the deep of the dark
Your love found its way to my heart
Here in the midst of my insecurities
You showed me what true love is
Masaya ako dahil dumating sya sa buhay ko...
Nagpapasalamat ako dahil biniyayaan ako ng babaeng tulad nya...
Hindi lang maganda. Mabait, matalino, maunawain at masayahin ang babaeng mapapangasawa ko.
♪You taught me to stand on my own
You showed me how I can be strong
Even through tough times, I keep holding on
'Coz I know I am never alone...
♪For as long as I'm in your arms
For as long as I keep you here in my heart
There is nothing to fear
As long you're here with me
I'll be safe from all harm
For as long as I'm in your arms
♪So hold me and never let go
You know how much I love you so
Together forever, we'll see each other grow
Till the love that we have overflows
She's now walking at the aisle. I can't wait. Maikakasal na kaming dalawa.
She's wearing an elegant wedding dress. Bumagay rin ang bigay kong necklace sa damit nya. Bumaba ang tingin ko sa kamay nya. Kahit sa mismong kasal hindi pa rin nya tinatanggal yun. Her mother gave that to her. And it is also her lucky charm.
She's now here -- In front of me. I take her hand and ------
"GISING NA!" Napabalikwas ako sa kama ko.
"Aray!" Napahawak naman ako sa pwet ko. Kahit kailan talaga tong si Jared! Tss! Ang ganda na ng panaginip ko eh! Palibhasa, maaga syang nagigising!
"Magluto ka na!!" Utos naman nito sa akin. Tingnan mo to. Gigisingin ako para lang magluto? Tss.
We're leaving in the same dorm. Panahon naman na siguro para tumayo na kami sa sarili naming paa. At masyado na ring madami ang sakit na ulo na ibibigay ko sa magulang ko.
Para akong zombie na nagtungo sa kusina. Kung hindi ko lang mahal tong si Jared hindi ko to ipagluluto eh! Habang ako nagluluto, sya naman puro facebook ang inaatupag. Kung hindi facebook, may ka-iskype na babae. Aba! Matinik rin yan sa babae. Nadadaan sa cute/childish face nya.
♫Lying beside you, here in the dark
Feeling your heart beat with min---
Upcoming call: Dylan
-Accept-
"Hello? Dylan? Napatawag ka?"
(Seth! Samahan natin sina Fatima! Please? Magshoshopping daw sila! Ano game?)
Minsan lang humiling sa kin yang si Dylan! Saka, close ko na din naman sina Fatima eh. Lalo na si Jamiatra. Sa una ang tahimik nya, pero pag nagkakilala kayo ng mas matagal, daig pa nya si Stephanie sa sobrang daldal.
"Mga anong oras ba yan?"
(Mga mamayang hapon pa naman. Waa! Papa Seth sasama ka nga? Omggg! I love you!"
Inatake na naman ng kabaliwan tong si Dylan. Tss. Isip-bata talaga.
"Tayo lang bang dalawa ang lalaki?"
(Oo eh. May mga gagawin daw kasi sila Clarence. Tss. Ayaw akong samahan! Di na nila ako mahal. Huhu!)
Naging ma-drama na ngayon. -_-
"Tss. Bye na nga."
(Wait! Sa *******. 3pm sharp! Okay? Love youuu!)
Binaba ko na ito. Nakakairita ang boses ni Dylan! Ang sakit sa taenga! Sa tagal nilang pagsasama ni Clarence, buti at hindi pa sila nabibinging dalawa. Sila kasi ang pinakamakulit sa buong barkada.
"Baby Seth! Pabili ako ng pang-facial wash at lotion! Ubos na yung stocks ko dito eh!" Nagulat ako ng biglang pagsulpot sa harapan ko ni Jared. Kakalabas ko lang kasi ng banyo. Kakaligo ko lang dahil nga sasamahan namin sina Fatima.
**
"Hello?! Asan ka na?!! Ang daya mo naman eh!! Kanina pa ko dito!!" Pagrereklamo ko habang kausap ko si Dylan sa cellphone. Kanina pa kasi ako dito sa meeting place. Ni-isa sa babaeng barkada walang nadating.
(Ang tagal mag-ayos ng crush ko eh! Konting hintay nalang! Wala pa ba dyan sina Jamiatra?)
"Tatawag ba ko kung andito na?! Tss. Bilisan nyo! Mamaya ma-rape ako dito!" Sabi ko dito. Paano ba naman parang gusto na kong i-take home ng mga babae dito sa restaurant na meeting place namin. Para ngayong lang nakakita ng tao. Tss. Wala eh. Pogi talaga ako.
(Oh eto na! Sige babush! Tapos na si crush! Yiie! Ang ganda ganda talaga nya!)
Binabaan ko na sya. Nakakairita eh! Dumali na naman sya ng crush crush! Tss.
Tinungo ko ang sarili ko at pilit inaalam ang kasunod na mangyayari sa panaginip ko kanina. At gusto kong malaman kung sino ang babaeng yun. Blurred kasi ang mukha nya.
"Seth?" Inangat ko ang ulo ko.
"Ikaw pala Steph." Inayos ko ang upo ko. Umupo naman sya sa harapan ko.
"Wala pa rin sila? Tss! Kainis ang mga babaeng yun! Ang sabi agahan ko daw! Sya nga pala, sasama ka sa amin? Wow! For the first time in the history ah." Pabirong sabi nito. Ngayon lang kasi talaga ako sumama sa kanila. Pagdating sa classroom, hindi kami ganoon nakakapag-usap. Ganoon rin pag sabay-sabay kaming naglulunch.
"Oo nga noh. Nagpapasama lang din kasi si Dylan. Alam mo naman yun... Hindi ko matitiis." Sabi ko.
"Sus! Na-diskarte lang naman yun kay Fatima! Ummm, pasta muna tayo? Treat ko." Naka-ngiti nyang sabi.
"Treat? Gusto ko yan. Haha. Sige ba."
Tinaas nya ang kamay nya at tumawag ng waiter, "Waiter!"
"Two pasta please."
"Drinks?"
"Umm Seth, what do you want?"
"Iced tea." Sagot ko.
"Two iced tea."
Nakatitig pa din ako sa suot nyang bracelet. No way. This can't be.
"S-Steph, saan galing yang b-bracelet mo?" Tanong ko sa kanya. Hindi ako maaaring magkamali. Sa blurred ng mukha at ng paligid sa panaginip ko ay syang linaw ng bracelet na iyon.
"Eto?" Sabay taas ng kamay, "This is from my mom. She gave me this before she passed away. Ang ganda noh? This is also my lucky charm."
- - - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro