Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SC: Fatima, Dylan and Jared

-Special Chapter: ›FATIMA, DYLAN & JARED

 

Dylan's POV

 

"Crush! Pansinin mo naman akooooo~" Pangugulit ko kay Crush!

"Ano ba Dylan! Kanina ka pa!" Sinigawan na naman ako ni Crush! Huhu *insert crying baby face with sipon*

"Huhu! Crush naman eh! Ihahatid lang kita! *puppy eyes* "

Sana naman pumayag na si Crush! Para pag naihatid ko sya sa bahay nila! Diretso na akong papasok sa bahay nila tas sasabihin ko kina Tita at Tito na papakasalan ko na ang anak nila! Hehe. I really love my Crush!!! Hihihihi.

"Ayoko nga!"

"Pleaseeeee? *puppy eyes* "

"Dylan, please ayoko."

"Crush, please. Gusto ko."

"Dylan naman eh! Ang kulit!" Napakamot na sa ulo si Crush! Hala! Baka naiinis na sa akin si Crush!

"Kahit sa may kanto lang! Pleaseeeee?" Pagmamakaawa ko kay Crush.

Inirapan ako ni Crush! Hala.

"Crush, ayaw mo ba talaga?" Nag-sad face ako. Pero syempre, yung cute pa din dapat ako. Para maging crush din ako ni crush.

"Ayoko. Ayokong-ayoko." Tapos nauna na syang maglakad.

"Ah! Alam ko na! Bukas nalang kaya Crush?"

"DYLAN!!! PLEASE! AYOKO! A-Y-O-K-O!" Halos madurog ang puso ko sa pag-sigaw sa akin ni Crush. Huhuhu. My eardrums.

Pagkatapos ay lumakad na sya papalayo sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext sya.

To: Crush <3

Crush, ingat ka. Love, crush

-Sent-

 

Hayy Crush. Kailan kaya kita maabot?

Fatima's POV

 

Crush, ingat ka. Love, crush.

 

Iritang-irita ako na nakatingin sa screen ng cellphone ko. CRUSH?!! Eh noong bata pa kami nya tawag yun sa akin eh!! Hanggang ngayon ba naman college?! Ano yun taon, height, weight, itsura (konti) at buhok lang ang nagbago sa kanya?! Bakit ang utak nya hindi na-develop?! Bakit pang-bata pa din?!

Ugh! Dylan kairita kaaaaaa!!!

"Oh Fatima, san ang punta mo?" Tanong sa akin ni Jared ng magkasalubong kami sa daan.

"Uuwi na." Sabi ko sa kanya. Napatitig ako sa mukha nya. Ang cute cute nya talaga! ^^

"Hatid na kita." Sabi nya sa akin.

"Oh sige." Naka-ngiti kong sabi.

Sabay kaming naglakad papuntang parking lot ng University. Ang dami naming tanong sa isa't isa. Hanggang sa makasakay kami sa sasakyan nya. Kung ano-ano rin ang napagkwentuhan namin. We also exchange our numbers. Tas napag-usapan din namin na mag-skype kami mamaya. Nakakatuwa lang dahil parang close na kami kaagad.

Pagdating ko sa bahay, kaagad kong inopen yung laptop ko at nag-sign in sa skype. Ilang sandali lang ay nag-online na din si Jared. Friends na din naman kami noon pa dito dahil nga gawa din ng barkada nya.

Nag-bukas din ako ng google chrome para mag-online si facebook.

Crush! Online ka! Online ako! Mean to be tayoooo~

 

 

Naiirita akong nag-log out sa facebook ko. Hanggang facebook ba naman Crush pa din ang tawag nya sa akin?

(Bakit ka nag-log out sa facebook? May ipapalike pa naman ako. Haha!)

"Haha! Sorry. Bukas nalang! May nagcha-chat kasi! Nasira yung gabi ko!"

(Hulaan ko si Dylan! Haha! Alam mo namang crush na crush ka noon.)

"Nakakairita na din kasi minsan..."

(Haha! Ganyan talaga yang si Dylan! Para namang di mo kilala yan.)

"Sa bagay. Haha!"

Kung ano-ano pa ang napag-usapan namin ni Jared sa skype. Nag-webcam na din kami. Nakakatuwa talaga sya. At hinding-hindi ko talaga maiwasan ang hindi mapatingin sa pendant nya.

(Ang cute naman ng pendant mo.)

"Eto? Bigay sa akin to ni Dylan."

I heard his name na naman. *sigh*

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko --

From: Dylan

Crush. Huhu

 

 

From: Dylan

Huhu. Kay Jared nagpahatid ka -- Sa akin hindi? Asan ang hustisya?

 

 

From: Dylan

Crush, ipinagpalit mo na ko?

 

 

=______________________=

- - - - - - - - - - - - - -

[A/N: Ang Chapter 15 ay ipopost ko maybe Sunday. Haha! XD] 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro