Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SC: Daniele and Trevor

-Special Chapter: ›DANIELE & TREVOR

The best way to love someone is to be just their friend, and wait until they realize that they need you to be more than that.

Daniele’s POV

“Kuya Trevor! Asan ba tayo?! Madadapa ako dito sa ginagawa mo eh!” Medyo naiirita ko ng sabi. Simula pagsakay ng sasakyan, naka-blind fold na ang mata ko! Gusto ko ng makita kung saan ako dinala ni Kuya Trevor! Baka ipapa-kidnap na nya ako! Huhu! Wag naman sana! Crush ko sya ee! Hihi! Shh! Wag kayong maingay ah!

“Handa naman kitang saluhin pag nadapa ka eh.”

“AY TREVOR!”

“Di ba nga sabi ko, sasaluhin kita pag nadapa ka?” Ramdam ko ang lambing ng boses nya. Ayaw pa din nyang ipatanggan yung blind fold sa may mata ko. Ay nako! Pag ako nadapa ulit eh.

Tinayo nya ako at muntikan na kong mapasigaw ng buhatin nya ako, yung pang-kasal, “Waaa! Kuya Trevor tatanggalin ko tong blind fold pag di mo ko binaba!!” Sigaw ko at akmang tatanggalin na yung blind fold sa mata ko ng magsalita syang muli.

“Wag, Daniele. Wag na wag.” Medyo nakaramdam ako ng takot sa boses nya. Wooo! Scary! Pero pakiramdam ko ang hot ni Kuya Trevor nung sinabi nya yun! *u* Nanahimik naman ako at hinayaan nalang syang maglakad kung saan ba talaga kami pupunta. OMG! Baka itatapon nya ang katawan ko? Oh noes! Hindi pwede! Hindi ko pa naaamin kay Calvix na naging crush ko sya! Hindi pa ko nakakapag-sorry kay Brandon dahil ako ang nag-payo kay Jamiatra na si Clarence ang piliin nya! Hindi ko pa natutulungan si Seth kay Stephanie! Hindi ko pa alam kung sino ang makakatuluyan ni Janelle! Si Calvix ba o si Andrei?! Hindi ko pa naaamin ang nararamdaman ko kay Kuya Trevor! Tas itatapon nalang nya basta-basta ang katawan ko? Huehue! Hindi pwede!

“Umm, Kuya Trevor? Hindi mo naman ako itatapon sa may river ano? Alam mo namang hindi ako marunong lumangoy. Hehe.” Pagbibiro ko habang sya ay patuloy pa din sa paglalakad. Hindi nya ako sinagot. Hindi kaya’t nabibigatan na sya sa akin? Wag naman sana! Gusto ko tong gantong pwesto! Kulang na nga lang naka-wedding dress ako at sya naka-black suit! Omg! *u* <3

“We’re here.” Binaba na nya ako. Aysh! Kainis! Feel na feel ko pa ang pagkalong nya sa akin eh!, “You can take off the blind fold, Daniele.” Sinunod ko naman sya.

O___O

“R-Roller coaster?” Nilibot ko ang mata ko sa buong paligid. Ba’t kami lang ang andito sa Enchanted?!!

“K-Kuya…”

Tinaas nya ang isang papel at nakita ko ang nakasulat don, 10 things to do with someone I love.

“Hindi ako ang mahal mo. Pero, pwede bang gawin mo ang lahat ng to kasama ako? Ga-graduate na’ko sa isang buwan. Yeah, I maybe selfish guy. Pero, hindi ba pwedeng etong 10 things na to, 10 things to do with my Kuya nalang? I like you, Daniele. I really like you. I have this feelings for you when Stephanie introduced you as her friend to me. Alam kong Kuya lang ang tingin mo sa’kin. Pero… Ngayong araw na’to… Pwede bang wag mo muna akong ituring na Kuya o tawagin man lang ako na Kuya?” My eyes watered from happiness. I can’t believe this! H-He just c-confessed right now?!

Tumango lang ako bilang sagot at kaagad itong niyakap, “I like you too, Trevor. And yes, I want to that 10 things with you.” Sa tagal naming nagkakasama, hindi ko akalain ang tinatago nyang pagtingin sa’kin. Napakagaling sa lihiman nitong si Ku – Trevor!

**

“Roller coaster lang? Wala na tayong sunod na sasakyan?” Pigil ko kay Trevor dahil papalabas na sya, “Sayang naman yung bayad kung isa lang ang sasakyan natin. Saka, pina----“

“Gagawin natin ang second sa list mo. Pupunta tayo sa zoo.” Nanlaki ang mata ko. Omg! Is he really serious about this?! As in gagawin talaga naming araw to ngayon?! Tumingin sya sa orasan nya at kinapitan ang kamay ko, “Mahalaga ang bawat segundo, Daniele. Come on!” Nakangiti nyang sabi. Napangiti nalang ako habang naglalakad kami pabalik ng sasakyan.

Hindi kami nabigo ni Trevor. Mahigit dalawang oras kami sa may loob ng zoo. Nag-picture na nga kaming dalawa. Halos mapuno na nga yung memory ko sa cellphone kaya ang cellphone namin ni Trevor ang ginamit namin pang-picture sa aming dalawa.

“Three down. 7 more to go.” Nakangiting sabi ni Trevor sa akin. Kaya namin pinahidan ko sya ng ice cream sa may pisngi nito.

“Trevor!” Saway ko dito dahil gumanti sya ng pahid!

“Haha! Ikaw nagsimula eh!” At nauwi kami sa pahidan ng ice cream.

Sunod naman kaming pumunta sa mall dahil balak naming bumili ng panibagong damit dahil ang lagkit naming dalawa. Syempre, kakain rin kami dahil 2pm na at hindi pa kami nananghalian.

“Okay na ba to?” Tanong ko kay Trevor habang nakaharap ako sa salamin. Tiningnan ko ang reaksyon nya sa may salamin. Ayan na naman sya sa ngiti nyang yan. Kinikilig ako eh!

Tumango at ngumiti lang sya bilang sagot. Ako rin ang pumili ng damit na isusuot nya dahil mas malagkit pa sya kesa sa’kin.

Nagulat ako ng bigla nya akong paupuin at – OMG! Napatakip ako sa bibig ko, “T-Trevor…”

“Eto yon di ba? Yung gusto mo?” Sabi nya habang sinusuot sa paa ko ang high heels na pinapangarap ko. Balak ko tong balikan noong isang linggo pero masyado akong busy. Nahampas ko sa braso si Trevor dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko.

Tinayo nya ako at tumitig sa paa ko, “It suits you.”

Nantutubig na ang mata ko ng tumingin ako sa mukha nya. Bakit ilang oras pa lang kaming nagkakasama pakiramdam ko mahal ko na yata sya? Crush lang naman ang nararamdaman ko sa kanya eh… dati.

“Let’s go. May kailangan pa tayong gawin.” Lumabas na kami sa may boutique na yon at kumain muna sa Kenny Rogers. Kahit ang favorite restaurant ko, alam nya. Kung pagsilbihan nya ako, para akong prinsesa.

Pagkatapos naming kumain, sumakay na kami ng sasakyan. Buong akala ko uuwi na kami pero hindi. Inihinto nya ang sasakyan sa isang liblib na lugar. Kinabahan nga ako noong una dahil akala ko rereypin ako ni Trevor! Pero akala ko lang yon! Hindi nya sa’kin yun magagawa ano!

May nilatag syang isang mahaba at malambot na tela sa may unahan ng sasakyan nya at umupo sya don. OMG! Eto ba?! Eto ang isa sa scene na napapanood ko sa mga koreanovelas! *u*

Ngumiti sya sa akin, “Hindi ka ba uupo? O baka gusto mo buhatin pa kita papunta dito?”

Namula naman ako sa sinabi nya. Kaagad ko syang sinunod at umupo na rin don. Medyo naiilang ako dahil para bang iba na ang atmosphere na nabubuo sa aming dalawa. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

“Daniele…”

“B-Bakit?” Nautal kong tanong dahil kinakabahan talaga ako! Idagdag mo pa ang titig nya sa akin ngayon!

“Tanda mo ba ang panlima sa may planner mo?” Napaisip ako.

Fifth, be with someone who loves me.

Humarap ako sa kanya at akmang magsasalita na para sagutin ang tanong nya ng bigla nya akong halikan sa labi. OMO! M-My first kiss.

“Can I be that someone?”

Napahawak naman ako sa may labi ko at tila ba huminto sa pagtibok ang puso ko. Bumalik ako sa ulirat ko ng hawakan ako ni Trevor sa may balikat, “I-I’m sorry if I kissed you. I just can’t help it.”

“O-Okay lang.” Sagot ko. I heard him chuckled! Napaangat tuloy ang ulo ko! Nagulat ako ng higitan nya ako papalapit sa kanya at dahan-dahang humiga. Nakapatong ang ulo ko sa may dibdib nya. Rinig na rinig ko ang pagtibok ng puso nya. That beats for me, right? Yiee! I’m so kilig! Nakayakap naman sa akin ang isa nyang kamay kaya naman mas lalo akong kinikilig. At ang isa naman nyang kamay ay –

“One… Two… Three…” Is he –

“Tulungan mo’kong magbilang ng stars.” Natawa nalang ako sa sinabi nya. Sabay kaming nagbilang ng mga bituin. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon. Kakaibang kilig ang nararamdaman ko ngayon di tulad ng nararamdaman ko sa kapag nakakasama, nakakausap, nagkakalapit kami ng mga crush ko.

“Daniele?”

“141…142…143…”

“I love you.” Then, he kissed me again on the lips. Not just a kiss, but a long passionate kiss.

--

“Are you okay?” Tumango lang ako bilang sagot kay Trevor. Nakaramdam na din kasi ako ng pagka-antok. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Hayy. Pag sa bahay nga, minsan nga madaling araw na ako natutulog. Ay! Minsan pala hindi na ko natutulog. Hehe. Umiwas ako ng tingin kay Trevor dahil nahihiya pa din ako sa nangyari kanina. I responded to his kisses! That’s why I felt embarrassed infront of him now! Ano kaya yung halik ko?! Did I satisfied him?! Huhu! I don’t even know how to kissed! Basta sinabayan ko nalang ang bawat galaw ng labi nya! Omg! Omg! Ayoko ng maalala!

“A-Anong ginagawa natin dito?!” Taranta kong tanong kay Trevor. Akala ko iuuwi na nya ako! Tandang-tanda ko ang kasunod ng pang-anim na nasa planner ko! Seven, meet his parents. Hindi ba pwedeng ipagpabukas to?! Haggard na haggard na’ko! Pero na-realize ko na andito naman si Steph, ang twin soul ko! Hihi! :’33 Kaya hindi naman siguro ako maiilang sa kanila.

“You’re pretty. Don’t be shy. Matagal ka na nilang gustong makilala.” Inalalayan ako ni Trevor pababa ng sasakyan at papasok sa bahay nila. Pamilyar na ang bahay sa akin nila Trevor dahil palagi rin akong nandito. Bahay ko na nga rin yata to eh. Hehe.

“So it’s Daniele. Hi hija. I’m Trevor’s mom. Just call me Tita Stella.” She kissed me on the cheeks.

“It’s nice to meet you. I’m Trevor’s Dad. Just call me Tito Tristan.” Akmang hahalikan ako ni Tito Tristan sa cheeks ng humarang dito si Trevor.

“Umm, kitchen na tayo Dad?” Sabi dito ni Trevor. Natawa nalang ako at napangiti. Ganto ba magmahal ang isang Trevor Josh Montano? God. Hindi talaga ako magdadalawang-isip kung bakit ginamit nga ni Aubrey si Calvix para lang mapalapit sa kanya. Napakadali nyang mahalin at halos laaht ng hinahanap mo sa isang lalaki nasa kanya. Hindi man sya ang dream guy ko dahil actually… si Calvix ang dream guy ko. Oo, lahat ng tipo ng lalaki na gusto ko na kay Calvix na. Except for being a player. Ayun lang ang ayoko sa kanya. Kaya nga ang swerte ni Janelle because she made this heartless player to fall inlove on her.

“Si Steph po?” Tanong ko sa gitna ng kainan namin sa hapag-kainan. Bakit wala ang sis ko?! Huhu!

“May date ang anak ko pati sino nga ba yon, hon?”

“Juztine yata? Oo, Juztine nga hon.” So ganon? Paano ko matutulungan si Seth kong na-diskarte na pala tong si Juztine. Hayy. Mas boto pa naman ako kay Seth! Kasi sino ba namang lalaki ang mapapaginipan ang isang babae na naglalakad sa may altar at hinihintay mo?! Oh di ba?! That’s what you called DESTINY! Pero, ba’t parang mukhang wala ng pag-asa tong si Seth?! *shake head* Hindi pa naman ending eh. May mga ilang chapters pa bago epilogue. Di ba author?! Pwede pang maging si Steph at Seth! Wuhooo! Team Steph at Seth. Sorry, Juztine! Libre mo muna ko boto na’ko sayo! :P

Masaya kaming nagkwentuhan ng kung ano-ano nina Tita Stella at Tito Tristan. Ang sweet nga nila eh. Sana ganyan kami pagtanda ni Trevor. Hihi! Akala ko maiilang ako sa magulang ni Trevor. But no, I feel comfortable being with them. Nag-picture pa nga kaming apat sa may sala eh. And I swear to God, this is the picture I’ll keep in my whole life! We look like a family! Sayang nga wala si Steph! Pero shet! Ang ganda ko dito! Syempre ganun din si Tita Stella! At syempre, gwapo si Trevor dito at si Tito Tristan. Para nga lang na magkakasing-edad kami nila Tita at Tito eh.

/

“WHAT?!” Halos malaglag ang eyeballs ko dahil sa sinabi ni Trevor. Hindi nya ako sinagot at kinuha ang maleta ko sa may ilalim ng kama ko at nagtungo sa may cabinet ko. Nilagay nya ang mga damit ko don. Pilit ko syang pinipigilan pero hindi na naman nya ako pinansin at nagpunta naman ng banyo para kuhanin ang mga shampoo, soap, facial wash, feminine wash, and napkin?! God! Nakakahiya!

Nang makatapos sya sa pag-impake ng mga damit ko, napatingin sya sa akin mula ulo hanggang paa, “Perhaps, do you planning to go to Disneyland in Hongkong with that clothes?” Tinuro nya ang damit ko. Oh ano namang masama sa damit ko?! Naka-dress kaya ako habang natutulog! As in dress talaga! Yung mga pang-alis?! Yung tulad ng mga damit nina Yoona at Jessica pag nasa photoshoots sila. Haha! Pangtulog ko nga lang ang mga sinusuot nilang damit eh! *Palipad ng buhok*

“Oo. Maganda naman ang damit ko eh. Halika na.” Hinila ko na sya papalabas ng kwarto ko. Ang totoo nyan, alam ko na ang mangyayari ngayong araw na’to. Hihihi. Kaya nga pinili ko ang pinaka-favorite at pinakamaganda kong dress. Saka, tinatamad akong gumising ng maaga para mag-ayos pa! Mas gusto ko makikita ako ni Trevor na bagong gising. Para alam mo na, mala-diyosa pa rin ang face ko pag gising sa umaga. Hihi! Chikret lang natin yun guys ha! :’33

“Daniele, sigurado bang hindi mo pinaghandaan to?” Tanong sa akin ni Trevor habang papasakay kami sa private plane nila. Umiling lang ako bilang sagot.

“Ayos na ayos gamit mo. High heels mo nasa may kama mo na. Maleta mo nasa ilalim lang ng kama mo. Pero last time sabi mo sa’kin na lahat ng mga maleta nasa may guest room nyo. Pero kaninang umaga, nasa ilalim lang ng kama mo. Tas yung mga gamit mo sa mukha at balat mo, sama-sama ng lahat. Yung totoo? Pinaghandaan mo na’to noh?” Tinusok ako sa tagiliran nito dahilanan naman para halos mamatay na ako sa sobrang kilig!

Hindi ko sya sinagot at naupo nalang. Balak ko sanang mag-gm pero bawal nga pala mag-cellphone. Paano nalang kung sumabog to?! Eh di hindi ko na maisasakatuparan lahat ng mga pangarap ko?! Gusto ko pa namang ma-meet si Song Joong Ki! Hihingi pa’ko ng hug at magpapa-picture pa kami sa isa’t isa!

/

Masaya kaming namasyal ni Trevor sa Disneyland. Ang dami na rin naming picture sa isa’t isa. Halos laaht yata ng sulok dito ay pinicturan ko! Grabeh! This is the best day ever! Kahit medyo masakit pa ang katawan ko dahil pagod ako sa byahe! Susulitin ko to!

“Trevor?” Hinahanap ko si Trevor. Asan na ba sya?! Bakit nya ako iniwan dito?!

“Daniele.” Inis akong tumakbo kay Trevor at niyakap ito! Bakit ilang minuto lang syang nawala pakiramdam ko namiss ko sya kaagad?! Bakit pakiramdam ko ayoko na syang mawalay sa tabi ko?!

“Akala ko iniwan mo na’ko…” Saad ko ng humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya, “San ka ba kasi pumunta?! Hindi ako pamilyar sa lugar na’to tas iiwan mo’ko?! Paano nalang kung maligaw ako?!”

“Eh di hahanapin kita. Kahit baligtadin ko pa tong buong Disneyland para lang mahanap ka, gagawin ko.” Napatungo ako dahil ayokong makita ni Trevor ang pamumula ng pisngi ko!

Pinisil nya ang ilong ko kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng pag-init ng pisngi ko at ng sobrang pagbilis ng tibok ng puso ko. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng kuhanin nya ang kamay ko at sinuot ang isang – SINGSING?!

Tinaas naman nya ang kaliwang kamay nya at halos magsiliparan lahat ng paru-paro ko sa tiyan ko.

“C-Couple ring?” Tanong ko sa kanya.

Napakamot nalang sya ng ulo, “Hindi pa nga pala tayo. Nakalimutan ko. Sorry.” Akmang huhubadin na nya iyon pero pinigilan ko sya.

“Paano ba naman kasi magiging tayo eh hindi ka naman nanliligaw.” Sabi ko sa kanya. Waa! Lord! Kunin nyo na po ko! Lumabas ba talaga yun sa bibig ko?!

Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko, “Then, I’ll court you.”

Muli sana syang magsasalita pero pinigilan ko sya gamit ang labi ko. Gets nyo ba?! Eh di hinalikan ko sya! OMG! Nalandi ako! Hihihi! :’33

“Sinasagot na kita.” Nakangiti kong sagot sa kanya ng ihiwalay ko ang labi ko sa labi nya.

Nagulat ako ng bigla nya akong buhatin, “Yes!” Para bang nagtatalon sa tuwa ang puso pati na rin ang mga paru-paro sa tyan ko na nagsiliparan na.

Binaba nya ako at niyakap ng mahigpit, “Thank you, Daniele for making me this happy. I love you.”

“I love you too, Trevor.”

-

[✖]First, ride on a roller coaster.

[✖]Second, go to zoo.

[✖]Third, buy ice cream.

[✖]Fourth, have a lovely pair of high heels.

[✖]Fifth, be with someone who loves me.

[✖]Sixth, count stars with him.

[✖]Seven, meet his parents.

[✖]Eight, go to Disneyland with him.

[✖]Nine, buy a couple ring.

And lastly,

[✖]Be his girlfriend and made him feel love the way she show you his love.

DANIELE’S PLANNER (10 THINGS) DONE! ♡

 

- - - - - - - - - - - - - -

[A/N: I'll update the Chapter 55: The Hardest Thing soon. One of the most awaited chapter. More chapters to go and epilogue naaaa. Huhuhuhu.]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro