SC: Clarence and Jamiatra
-Special Chapter: ›CLARENCE & JAMIATRA
Jamiatra’s POV
“Aysh!” Nagulat ako ng isalampak ni Clarence ang bag nya sa may katabing upuan ko. Itinungo nya ang sarili nya sa may table at inis na ginulo ang buhok.
“Anong problema?” Tanong ko sa kanya. Hindi kasi ako sanay na makita syang badtrip. Actually, ngayon ko lang sya nakitang ganyan. Palagi kasi ang saya nya pagdating sa classroom tuwing umaga. Feeling ko nga hindi nababadtrip ang taong tulad nya.
Inangat nya ang ulo nya ng kaunti, “Naranasan mo na bang magmahal?” Nakapalumbaba pa ito, “Hindi pa ano? Masyado ka kasing inosente.” Palihim akong tumawa. Inosente? Haha! Pag ba tahimik inosente na kaagad? Haha!
“Sa mukha mong yan parang hindi ka pa nasasaktan.” Dagdag pa nito.
“H-Hindi ah!” Sagot ko dito. Dahil ang totoo, nagmamahal ako and at the same time – Nasasaktan rin. Tumingin ako sa direksyon nya – Ng taong lihim kong minamahal. Hindi ko alam kung bakit ako nahulog sa kanya. Ni-wala syang ginawa para mapa-ibig nya ako. Pero tila may iba sa kanya na kinagusto ko at minahal ko.
“Bakit? Nagmahal ka na ba?” Nakakatitig nyang tanong sa akin.
“Lahat ng tao nagmamahal Mr. Almonte.”
“Pero di lahat ng tao nababalikan ng pagmamahal na yon. Bakit ikaw ba Ms. Ledesma mahal ka rin ng taong mahal mo?” Tanong pa nito. Ano bang nangyayari kay Clarence! Eto ang kauna-unahang nag-usap kami ng ganto! At tungkol pa sa pag-ibig!
Umiling lang ako, “Hindi mo kasi ako naiintindihan. Tss!”
“Naiintindihan kita.” Hinimas ko ang likod nya, “Pero, wag mo sanang ipagpilitan ang mga bagay na hindi naman talaga pwede.”
“Hindi nga pwede. Pero pag lumaon, magiging pwede na. Malay mo, balang araw mahulog din sya sa akin. Kaya lang -- bakit sa dinami-dami pa ng babae ay yung teacher pa natin ang minahal ko?” Muli na naman nyang itinungo ang sarili.
Oo, tama kayo ng dinig. Si Ms. De La Torre ang babae sa buhay ni Clarence. Pero -- Si Calvix ang gusto nito. Ilang years lang naman ang tanda sa amin nito kaya wala naman itong problema. At para kay Clarence, age doesn’t matter.
-Flashback-
“Mr. Almonte!”
“Laine…”
“Bumalik ka na sa classroom! Mamaya may makakita pa sayo dito…”
“Pero Laine…”
“Stop calling me Laine! I’m still your teacher! Call me Ms. De La Torre! Not my n-name!”
Nakatayo pa din ako sa may private room ni Ms. De La Torre. Ipapasa sana ko kasi ang project na hindi ko naipasa kanina.
“Pero hindi bilang isang teacher ang turing ko sayo! Mahal kita Laine… Wag mo na kong pahirapan. Noon pa ko nanliligaw sayo.”
“At ilang beses kitang bubustedin para tumigil ka na ha?! Pwede ba lumabas ka na… Baka may makakita ---“
“Si Calvix ba?”
“Lumabas ka na!”
“Si Calvix ba ang lalaking sinasabi mong mahal mo?”
“CLARENCE!!”
“SI CALVIX BA?!!”
Papasukin ko na sana ang doorknob ng pintuan para pasukin silang dalawa pero --
“Oo! Sya nga! Masaya ka na ngayong alam mo na ang totoo?! Na ang kaibigan mo ang gusto ko?! Pwede ba! Lumabas ka na! Walang pupuntahan tong usapan na’to!”
“Pero hindi ikaw ang mahal nya Laine. Masasaktan ka lang…”
“Lahat ng nagmamahal nasasaktan.”
“Pero bakit hindi nalang kasi ako? Ako hindi kita sasaktan.”
“Get off! Ugh! Stop this Clarence! Stop this childish love!”
“Laine…”
“Ms. De La Torre. You should called me that. I’m leaving.”
-End of flashback-
Nahuli ako noon ni Ms. De La Torre. Nagkunwari akong walang alam na nangyari sa loob. At alam kong napaniwala ko si Ms. De La Torre noon. Pero hindi ako nakawala sa pagtatago ko kay Clarence. Ginawa nya ang lahat para mapaamin ako sa nalalaman ko. Noong una, hiyang-hiya sya sa akin. Pag sa ibang subjects ang ingay at ang gulo nya. At sa subject lang ni Ms. De La Torre sya tahimik at seryosong nakikinig. Ngayon ko lang din napansin iyon.
“Tingin mo hindi ko alam?” Napa-angat ang ulo ko mula sa pagkakatungo ng biglang magsalita itong muli.
Huminga ako ng malalim, “Ang alin?”
“Textmate.” Naka-ngiti nyang sabi. Sa simpleng sagot nya alam ko na kung anong ibig sabihin nya.
“P-Paano mo…” Nanlaki talaga ang dalawa kong mata. Wala talaga kasi akong pinagbibigyan ng number ko. Tanging mga barkada ko lang. Ni-hindi rin ako nagcecellphone dito sa classroom. Sa bahay lang ako nakikipagtext.
“Na ikaw ang katext ni Brandon? Haha! Wag kang mag-alala. Mabait ako. Secret lang natin yun.”
“Pero paano mo…“
“Magkasama kasi kami ni Brandon nun. May kausap sya sa cellphone nya. Pinarinig pa nga nya ang boses mo eh. Dahil katabi kita at kilala ko na ang boses mo, alam kong ikaw yung nangtitrip sa kanya text. Nung una nga hindi ako makapaniwala. Saka, bakit Jeyemyem ang pangngalan na ibinigay mo sa kanya? Haha! Adik ka! Hindi ko akalain na sa text ka pala nabawi ng kaingayan ha.”
“Pero bakit hindi mo sinabi kay Brandon na ako yun?”
“Ayoko kasi kitang pangunahan.” Nanlambot naman ang puso ko sa sinabi ni Clarence. Nung una trip ko lang talaga na mangloko sa text. At noong may pinipirmahan kami na form at kami ni Fatima ang kailangan mag-ayos, nakita ko ang number ni Brandon. Hindi talaga ako makapaniwala sya ang lalaking napagtripan ko sa text. Binalikan ko pa ang form ko kung may nilagay ba akong number. Pero thank god at yung smart number ko ang nilalagay ko palagi sa ganun.
Noong nalaman kong si Brandon yun, gusto ko na sanang magpakilala bilang Jamiatra. Nung mga araw na yun hindi na ako nagtetext o natawag man lang dahil nakokonsensya na ako. Pero sa kabila ng pangdededma ko sa kanya, patuloy pa rin sya sa pagtext at pagtawag. Binalak ko na nga din na magpalit ng number. Pero hindi ko magawa.
At sa hindi inaasahan –
Parehas kaming nahulog sa isa’t isa.
Ako, sa kanya.
Sya, kay Jeyemyem na ka-text nya.
“Pumayag ka na kasi na magkita kayo. Ang alam ko ilang beses ka ng kinukulit ni Brandon na mag-meet na kayo. Pero palagi mo syang tinatanggihan.” Napatingin ako sa direksyon ni Brandon. Hawak-hawak nya ang cellphone nya. Ang sabi ko naman sa kanya hindi ako nakakapagtext pag school hours. Pero bakit parang naghihintay sya ng himala na mag-text ako? I mean, si Jeyemyem.
“Wala pa kong lakas ng loob eh.”
“Wag kang mag-alala! Tutulungan kita!” Hinawakan pa nito ang dalawa kong balikat. Ilang sandali lang ay dumating na si Ms. De La Torre. At nagsimula ng manahimik at magseryoso ang katabi ko.
//
“Go! Yayain mo na!” Tinutulak-tulak pa ako ni Clarence. Lunch time na kasi. Gusto nya kasing yayain ko si Brandon na mag-lunch. Yung kaming dalawa lang. Oh di ba nakakahiya!?!
“Ayoko!”
“Tss! Go na kasi!”
“B-Brandon…”
Imbis na sagutin nya ako, tinitigan nya lang ako.
“P-Pwede bang s-sabay tayong mag-lunch?” Shems! Pakiramdam ko maiihi ako nito!
Tumayo sya mula sa pagkakaupo habang hawak-hawak sa kamay nya ang cellphone nya. Hindi nya ako pinansin at nilagpasan lang ako.
“Okay ka lang?” Tanong sa akin ni Clarence.
I fake smiled, “Mas masakit pala, yung kahit wala na sya tinitingnang iba, di ka pa rin nya makita.”
- - - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro