Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

SC: Brandon, Jamiatra and Clarence


-Special Chapter: ›BRANDON, JAMIATRA & CLARENCE 

 

Good things fall apart sometimes, so better things can fall together.

 

 

Jamiatra's POV

 

"Are you really sure about this?" Hinawakan ni Clarence ang balikat ko, "Basta pag may nangyaring hindi maganda, tumakbo ka lang sa may tindahan na yun ha? Nakain lang ako dun."

Binatukan ko naman ito,"Hanggang dito ba naman pagkain pa rin ang nasa utak mo?! Tss! Palibhasa hindi ka nataba eh!" Yeah, hindi talaga sya nananaba! And I hate it! Kasi ako, mapabayaan lang sa kusina ng isang linggo nadadagdagan na ko ng bigat!

"Patangkad kasi ako. Ikaw, palapad!"

Akmang babatukan ko na naman ito pero kaagad na itong nakatakbo, "Tatanggapin ka nya, Jam! Don't worry! Smile ka na!" Napangiti ako ng isigaw sa akin iyon ni Clarence. He'always gives me hope and believe that I can do everything. And that's what I liked about him. Yes, I like him. If you asked me if I'm inlove with him, I think I really did.

Napaupo ako sa damuhan sa may ilalim ng puno. I'm easy to fall, I admit that. Pero, masisisi nyo ba ko? Napakadali nyang mahalin. Ewan ko nalang kung bakit noong magbiyaya ang Diyos ng every girls dream ay napapunta dyan kay Calvix at kahit teacher, nagugustuhan sya, tulad ni Ms. Laine. Eh height pa lang talbog na sya kay Clarence!  Pero... wala eh. Love yan. Age, weight, and height are just numbers.

"J-Jamiatra?"

Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakatungo. Bumilis na ang tibok ng puso ko. Kaagad akong napatayo mula sa pagkakaupo ko sa damuhan. Pinagpag ko pa ang aking puwetan, "Uhh, B-Brandon..." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nakikipagkirerahan ang puso ko.

"Ikaw si Jeyemyem?" Halatang nagulat ito. I heard him laughed kaya inangat ko ang ulo ko, "So, you like me?"

Wait – Did he just laughed at me?! Napabuntong hininga na lang ako. As what I expected, he'll be like this, disappointed of me being as his textmate.

Lumingon ako sa store kung saan tinuro ni Clarence na andun daw sya. I want to run to him! God! But why can't I even step just a little?!

"Now, tell me Jamiatra that you like me." Mas lalo syang lumapit sa akin dahilanan para mas maamoy ko ang pabango nya. Napatungo nalang ako. Hiyang-hiya ako sa kanya. I know he's not expecting me to be that 'Jeyemyem'. I was actually lied about my hair color that is brown, while I actually having a black hair. I also lied about my height and weight to him. I said I'm 5'9! While I actually 5'4! My weight?! I told him that I'm just 45kg! But it's actually 55kg! Yeah, I really lied about everything. And I feel guilty for that. I just want to be his dream girl.

 

"What if I get into her shoes?" Tanong ko kay Stephanie habang parehas kaming nakatingin kay Janelle na naiyak dahil sa ginawang pag-iwan sa kanya ni Calvix papuntang Switzerland, "What if I'm the one who's been left? The one who's being hurt? What is actually the feeling of that? I want to know."

 

"Kung gusto mo, sabihin mo na kay Brandon na ikaw si Jeyemyem! Yang pagtetext nyong yan na halos lumampas na ng ilang taon?! Baka sabik na sabik ka na rin nyang makakilala! Eh kung lahat ba naman ng gusto nya sa isang  babae ay sinabi mong katangian mo!" Stephanie just rolled her eyes at me. Yeah, si Arianne nga ang nagsabi sa akin tungkol sa mga ideal girl ni Brandon dahil matagal na naman nya itong kilala. Kumuha rin ako ng informations kay Clarence para mas makilala si Brandon.

 

We don't take calls. Really. I don't know but I guess, we prefer just typing/texting to express each other's feelings towards each other. Well, it's kinda like effort, you know, the typing.

 

I took a deep breath, "Hindi ko naman akalain na aabot sa ganto. Akala ko nga hindi kami tatagal ng ganto sa pagtetext lamang. Akala ko rin na... Nahulog na sya sa akin. Pero mukhang ako lang yata ang mismong nahulog. Nakakatawang isipin."

 

"Dyan tayo nadadali sa mga akala akala natin eh. Dyan tayo nagsisimulang maniwala sa una at natatalo sa huli. Kung ako tatanungin mo... Yang lintik na 'akala' na yan ang sakim sa buhay ko. Puro nalang ako akala! Akala ko nahulog na sya sa akin! Akala ko okay na ang lahat para sa amin! Akala ko... Mahal na din nya ako. Pero... Akala ko lang pala. Oh di ba? Ang saya ng nagawa sa akin ng akala na yan?!" She laughed trying to hide her tears. She's actually referring to Juztine.

 

I tapped her shoulder, "Akala ko ma-ala wattpad ang lovestory ko. Pero, isang normal lang din palang storya ang mangyayari sa kin. Sa isang panloloko sa text nagsisimula." I laughed, so she did.

 

"Akala ko nga ang lovestory ko ay yung may maiinlove daw sa kin na isang gangster. Pero, tangna lang! Asan na ang mga gangters?! Bakit para bang tinataguan nila akong lahat?!" Natawa nalang ako dito. Ganto kami ni Steph. Pag nagseryoso sa aking usapan, maya-maya ay magiging biro na ang lahat.

 

"Kaya yang salitang 'akala' na yan?! Ay nako! Ang laki na ng atraso nyan sa kin! Tinanggal ko na nga yan sa vocabulary ko!"

 

"Pero Steph, hindi naman siguro lahat ng akala pangit ang kinakalabasan hindi ba? Malay mo... Yung akala ko na nagustuhan na pala ako ni Brandon ay... totoo pala."

 

"Jam, wag kang mag-akala. Wait, mas magandang pakinggan to. Don't assume. There is a word called 'confession'. Try it. He'll accept you. I believe in that. You're not that close as friends, but I swear to you, she might accept you. You're the reason why he now smiles, right? You changed him. You turned that cold guy into now a friendly, funny and a happy guy, unlike before. Not as Jam but as Jeyemyem, his textmate. Confessed now friend. We're always on your back."

 

 

"5'9 pala ha?! Hahaha! Hanggang balikat nga lang kita eh! And wait, ano nga pala yung sabi mong weight mo?! 45kg?! Eh mukhang nasa 60kg na eh! Hahaha!" Napahawak pa sya sa tiyan nya dahil sa pagtawa nito.

Napatungo nalang ako dahil sa sobrang hiya ko. Ni-hindi ako makatingin ng diretso sa mata nya, "Ok. Tell me. Why you lied?" Inangat nya ang ulo ko, "Dapat noon pa lang sinabi mo na ikaw si Jamiatra." Akmang lalapitan nya akong muli pero kaagad akong humakbang ng isa patalikod.

"Ok. I get it." Humanga ako ng malalim bago muling magsalita, "I'm not that Jeyemyem you're expecting for. I'm not that tall and skinny as you thought! And I'm not definitely you dream girl!" Inis kong pinahid ang luha ko. Taksil to! Ang sabi ko wag babagsak sa mismong harapan ni Brandon eh!

"Jam ---"

"Di ka makapaniwala ano? Na ako lang pala ang babaeng katext mo sa araw-araw? Na ang babae na nakakasama mo sa loob ng classroom pati na rin ang buong barkada! Alam mo kung bakit ayokong magkausap tayo sa phone?! Kasi ayoko na malaman mo na ako ang nakakatext mo! Ayokong magpakilala sayo bilang Jamiatra dahil natatakot ako na baka i-reject mo rin ako! Pero... Eto... Nangyari na nga." Tumawa pa ako para magmukhang okay ako sa harapan nya. Pero, hindi eh. Bwisit tong mga luha kong to!

Hinawakan nya ako sa balikat, "Jam, listen to me first."

I shaked my head, "No. I don't want to. I meet you up this time to let you know my side, not yours. I liked you Brandon." Napatakip nalang ako sa mukha ko. Ayoko na. Ayoko na talaga! Clarence puntahan mo na ko dito! Kalimutan mo muna yang pagkain mo!

Tinanggal nya ang pagkakatakip ng kamay ko sa mukha ko, "I also want you to know my side."

Wala pa din akong tigil sa kakaiyak. Sinubukan kong ngumiti sa kanya, "Don't worry. Just spill everything. If it's about rejecting me, it's okay. I don't like you anymore anyway."

"W-What?"

I looked directly to his eyes and said, "I'm inlove with Clarence."

He looked away and asked, "So what are you saying?"

"I'm saying that I prepared myself for falling for someone else incase you rejected me."

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin, "You made a wrong preparation. You're always thinking that I'll reject you. But the truth is... I like you, Jamiatra." Kakalas na sana ako sa pagkakayakap nya pero hindi ako mawala sa kanya, "Not as Jeyemyem but as you, the real Jamiatra. The one who expressed everything in her actions not in her texts."

Kasabay nito ang pagtulo na naman ng luha sa mata ko. Mas lalong humigpit ang yakap nya sa akin, "Noon pa lang alam ko ng ikaw si Jeyemyem." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Akmang aalis na ako sa pagkakayakap nya ng bigla na naman nya akong yakapin, "That was Calvix's birthday. Gamit ni Janelle ang cellphone mo noon. Magkatext tayo ng araw na yon. Pero, biglang na-expire ang unli ko. Eh ayokog mapuputol ang usapan natin. Kaya naisipan ko na makitext muna sa iba. At sakto iyon na makita ko si Janelle na naglalaro sa cellphone mo. Nakitext ako dito and I was really shocked na ang mismong text ko ay natanggap ng cellphone na iyon. And that cellphone  belongs to you. Sinabi ko nga noon kay Calvix at ang sabi ko isikreto muna namin to dahil mukhang ayaw mo pa din magpapakilala sa akin. Di mo ba napapansin na pag sinasabi kong tatawagan kita tas natanggi ka, hindi kita pinipilit di ba? Kasi alam kong hindi ka pa handa para umamin sa akin na ikaw yun."

"At matagal na ring alam ni Calvix na ikaw nga iyon. Hindi ko alam kung paano nya nalaman eh. Wag kang mag-aalala, kami lang ni Calvix ang nakakaalam sa barkada. And my ideal type? It's not actually 5'9, it's 5'4. It's not 45kg, it's 54kg." Naramdaman ko ang init ng hininga nya sa may leeg ko. Hindi ko alam pero sadyang kumilos ang mga kamay ko at binalikan ang yakap nya.

"I like you." Halos lumabas na ang puso ko dahil sobra ng nagwawala! God! Tama ba ang narinig ko? Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, "No. I love you. Not as Jeyemyem  but as Jamiatra. Will you accept my heart?" Hinawakan nya ang kamay ko at nilagay ito sa kaliwang dibdib nya.

Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko sa kanya at napatungo, "I'm sorry... "

"Is it because of Clarence?" Napaangat muli ang ulo ko. Pero dahil sa hindi ko kaya syang tingnan sa mata, muli akong napatungo.

"If I say no, I lied."

Hindi sya sumagot kundi nakatingin lang sa akin. Hindi ko maintindihan ang gusto nyang iparating sa mga titig nya sa akin.

"Why this things can be happened?" Finally, he spoke, "Now that I love you."  

Clarence's POV

 

"I love you Jamiatra."

Halos manlumo ako sa narinig ko. Tila ba nanghina ang mga tuhod ko. Kitang-kita ko sa mata ni Brandon kung gaano sya ka-sincere sa sinasabi nya. Magkatitigan silang dalawa. Unti-unti akong naglakad papalayo sa kanila.

Bakit ba ganto ang lovelife ko? Para bang may sumpa na meron sa akin ah! Bakit ni-hindi ako nagawang mahalin ng taong minahal ko? Bakit hanggang kaibigan lang ang turing sa akin ng isang tao na sobrang minamahal ko na.

Oo, mahal ko na si Jamiatra. Ang sabi ko pa nga nung una, sobrang imposibleng mangyari yun dahil si Laine talaga ang gusto ko. Pero para bang isang araw ay nagising nalang ako na gusto ko na si Jamiatra.

"Hayyy buhay..." Sambit ko habang naglalakad. Hindi naman sya siguro magagalit sa kin kung iniwan ko sya doon di ba? Happy ending sila ah!

Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa kalangitan, "Sana maging masaya si –"  

"TANGKAD!"

Napalingon ako sa boses na nanggaling na iyon, "J-Jam?" Kinusot ko pa ang dalawa kong mata para masigurado na si Jamiatra nga ba ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Hingal na hingal ito.

"B-Bakit ka ---"

Nagulat ako ng bigla nya akong batukan, "Ofcourse I followed you!"

"A-Ako? E-Eh anong nangyari kay Brandon?! Di ba –"

"I love you!"

O__O

"H-Huh?"

"I said I love you!"

Tinuro ko ang sarili ko, "A-Ako?"

"Syempre ikaw! Eh may tao pa ba dito bukod sa ating dalawa?!" She rolled her eyes.

"Oo! Yung nasa likod mo."

"WAAAAAAAAAAAAAA!"

"Hahaha! Joke lang!" Pinaghahampas naman ako nito sa braso ko, "Aray ha! Violence is a crime!"

She just rolled her eyes. I smiled and asked her, "Ano nga ulit yung sabi mo kanina?" Tinusok ko pa ito sa tagiliran.

"I said I love you." Sagot nya sa akin na nakatingin ng diretso sa mata ko. Damn! Saan sya nahugot ng lakas para magtapat ng ganto na wala man lang kahiya-hiya?!

"It's okay if it's still Ms. Laine. I understand." Mahinang tono ng boses nya, "Gabi na. Uuwi na ako." Kaagad kong hinawakan ang kamay nya.

"You don't give me a chance to respond on what you just said." Akmang magsasalita na itong muli pero kaagad ko syang hinalikan.

"I love you. And one more thing, I already forgot about Laine. Thanks to you. Thanks for coming to my life, Jam." And I kissed her forehead.

Brandon's POV

 

"Why this things can be happened?" My voice almost cracked, "Now that I love you." Pilit kong pinipigilan ang pagpatak ng luha ko. Jamiatra, bakit ngayon pa kung kailan may lakas na ko ng loob na aminin sayo ang lahat ng nararamdaman ko?

"Hindi kasi tayo ang para sa isa't isa. Yun lang yon, Brandon." I laughed, but dying inside. She's really pretty good at this, saying words that she didn't meant in the first place.

"Madaming tao ang hindi talaga para sa isa't isa pero ginagawa nila ang lahat para magkatuluyan sila sa huli." Malamig kong sagot sa kanya.

"Sila sa huli dahil parehas silang lumaban at lumalaban."

"You liked me before. There's a chance you'll fall for me again." Luha! Wag kang tutulo! Please lang!

"But I already fall for someone else. I'm sorry Brandon. Pero si Clarence na talaga." Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin, "Alam mo bang noon pa lang gusto ko ng gawin to? Sana Brandon, walang magbago sa tin. Kakausapin mo pa rin ako ha? Kasi ako kakausapin pa din kita kahit isang word lang naman ang nagiging sagot mo." Pakiramdam ko nadudurog ang puso ko. Ngayon ko lang naramdaman ang gantong sakit.

Ilang sandali ay humiwalay na sya sa pagkakayakap sa akin, "I love you Jamiatra." Mga salitang lumabas sa bibig ko. Ngumiti lang sya bilang sagot.

"Aalis na ko. Mukhang nagselos si Clarence eh. Sige, pupuntahan ko na sya." Sabi nito at naglakad ng papalayo sa kin.

"Jamiatra..."

"...mahal na mahal kita." Kasabay ito ang pagtulo ng luha na kanina ko pa pinipigilan.

- - - - - - - - - - - - -

Readers! May group na po ang His Game! :) Click the external link. #HisGameFamily


And ang pogi daw po ni DYLAN SILVESTRE. Sabi nya. Haha! Joke! Peace tayo Dylan! Mwah mwah! :* 

Sa Sunday ako maguupdate ng Chapter 46 <3


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro