Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Characters

Characters: 

Patrick Calvix De La Vega Aranillo- Ang tinaguriang playboy ng Howard University. Ang lalaki na noon ay good boy, pala-aral, mabait na anak, mag-basketball/soccer at barkada lang ang inaaatupag ay naging typical playboy/bad boy na. And his game is breaking every girl's heart. But what if kung may mag-balik muli? And she already know how to play his game.


Janelle Rian Fortalejo- Ang babaeng loner ng Howard. Ang babaeng mamahalin ang playboy/bad boy na si Calvix. Ano kaya ang mangyayari sa love story nilang dalawa? Magiging kabilang rin ba sya sa mga babaeng nasasaktan nito? Or she'll be able to find out how to play his game?

Andrei Daniel De La Vega Rodriguez- Ang pinsan ni Calvix na may pagka-pervert! Oo, pervert! Pero, pagdating kay Janelle, he has a lot of respect. Bakit? Kasi mahal nya si Janelle noon pa lang. Sya lang naman ang napaka-dakilang torpe dahil hanggang ngayon hindi nya maaamin-amin ang nararamdaman nya kay Janelle. Pero... Paano pag trip ni Calvix si Janelle? Ano kayang gagawin ni Andrei? COUSIN VS. COUSIN kaya ang maganap?

Trevor Josh Montano-  Ang boyfriend ng ex-girlfriend ni Calvix na si Aubrey na magiging bestfriend ni Janelle. 

Aubrey Joei Dizon- Ex-girlfriend ni Calvix na mahal na mahal nya.

Juztine Bryce Francisco- Pick-up boy! Ang kinaiinisan na nilalang ni Stephanie.

Clarence Almonte- Ang pinaka-makulit, pinaka-maingay sa buong barkada. Sino ang nagugustuhan nya? Read his special chapter!

Bryan Tristan Ortega- He's a serious type. Bibihira lang sya kung ngumiti at ang ngiting yun ay nag-eexist lang pag kasama nya ang barkada nya.

Troy Zamora- Bad boy naman sila na maituturing dahil napaka-hilig ng barkada nila sa gulo. Pero ang lalaking to ang mismong pinag-uugatan ng lahat. Sya lang naman ang sinasabing Gangster ng barkada.

Jared Tan- Skype boy. 

Dylan Silvestre- Bestfriends sila ni Clarence Almonte. Parehas kasi silang maingay at magulo. Ang mahal na mahal ang kanyang crush. 

Gio Jimenez- Ang lalaking kinababaliwan ng mga babae dahil sa killer smile at mala-angel na boses nya! Pero iisang babae lang ang hindi mainlove-inlove sa kanya kahit ngumiti pa sya ng napakalawak-lawak! Dahil sya lang naman ang lalaking naglilihim na minamahal ang babaeng mahal na mahal ng kaibigan nya. Pero -- Hindi nya namamalayan na unti-unti na pala syang nahuhulog sa iba.

Brandon Louis Aguilar- Ang lalaking never makikitang ngumiti. Pero ng dahil lang sa texts ng stranger ay matututo na syang ngumiti at tumawa.

Seth Romestrio- Ang lalaking naniniwala sa panaginip. Panaginip na kung saan nakita nya ang babaeng naka-suot damit pang-kasal para sa kanya. At sa pag-gising nya, tanging isang bagay lamang ng babae ang natatandaan nya.

Christopher Villanueva- Ang lalaki na sa batang edad pa lang ay napilitan ng hawakan ang sariling company nila dahil sa maagang pagkamatay ng tatay nya. Sya rin ang pinaka-mature sa barkada at natayong ama ng barkada. Ang hindi nagkakaroon ng girlfriend sa barkada dahil mas busy sa pagpapatakbo ng kompanya. Pero, paano kung akitin sya ng Sekretarya nya? Maakit kaya sya? 

**

Arianne Jimenez- Ang kapatid ni Gio at ang bestfriend ni Andrei. Ang babaeng sikretong minamahal ang bestfriend nya.


Alexa Fuentes- Ang pinakamamahal na girlfriend ni Troy. Mawala na ang lahat wag lang ang girlfriend nya. Sya lang kasi ang meron si Troy. Don't you dare touch his girlfriend or else you're dead!


Jamiatra Ledesma- Ang babaeng tahimik pero nasa loob ang kulo! Haha! Sa texts sya nabawi ng kalandian nya!


Stephanie Montano- Ang babaeng galit na galit sa lalaking nagngangalang na si Juztine!


Fatima Anne Mondez- Ang first love ni Dylan pero masyado pa silang bata para magsama noon. Kaya, they settle as friends muna. At hanggang ngayon, nairrita pa din sya kay Dylan dahil sa pagtawag sa kanya ng crush! 


Daniele Escalada- Ang pinaka-makulit sa barkada. At ang babaeng makakapagpapa-ngiti sa serious type na si Bryan.


** 

[A/N: Para po hindi kayo malito sa pagkilala ng Characters. :)] 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro