Chapter 9: Group study
Chapter 9: Group study
Janelle’s POV
“Ma, Pa… Sorry.” Halos maiyak-iyak ako. Eto ang kauna-unahang na-detention ako! Buong araw pa naman pag na-detention ka! Huhu! Yari ako nito pag nalaman nila Mama to! Napaka-bait kong estudyante tas mapapa-detention ako?! I’M INNOCENT!
Tinitigan ko si Andrei ng masama na halos mapa-utot na sa kakatawa, “Kasalanan mo to.” Sabi ko sa kanya. Kasalanan naman talaga nya di ba? Tss! Ilang hours pa bago kami makalabas ng detention room! Kaasar!
“Oh bakit ako? Haha! Kasalanan mo din ah!” Sabay tawa na naman nya. Gosh, bakit ba ako nakikipag-usap sa taong to?! Kung makapag-usap kami parang close na kami ah! T_T
Hindi ko nalang sya pinansin at tinungo nalang ang sarili ko sa lamesa. Apat kaming nasa detention room. Yung isa, nahuling nag-cutting. Yung isa naman, nahuling nag-cheating sa exam. Silang tatlo lalaki. Ako lang ang nag-iisang babae. Nakakahiya! -_-
Mukhang mataray pa ang nagbabantay sa amin. Makatulog na nga lang --
*KUHIT*
“Bakit?”
“Wala lang.” Tinungo kong muli ang sarili ko sa lamesa. Kukuhitin ako tas wala lang pala?! Ang lakas din ng trip eh!
*KUHIT*
“Bakit ba?!”
“QUIET!!”
“Haha! Wala lang.” Sabi naman nya. Pinagtitripan na yata ako nito ah! Padabog kong tinungo muli ang sarili ko sa may lamesa. Ilang sandali lang ay may naramdaman akong may naglalaro ng buhok ko.
Inangat ko ang ulo ko -- sobrang lapit na ng upuan sa akin ni Andrei, “Usod mo yang upuan mo.” Sabi ko sa kanya at inusod sya ng kaunti. 1 seat apart kasi dito sa detention room. Kung makadikit naman to parang close kami ah!
“Ayoko. Gusto ko dito.” Sabay usod ulit sa akin.
“Ayoko. Umusod ka.” Sabay usod ko sa kanya.
“Ayoko. Gusto ko dikit tayo.” Sabay usod ulit sa akin.
“Ayoko nga. Umusod ka sabi eh. “ Sabay usod kong ulit sa kanya.
“Ayoko nga. Gusto ko nga tabi tayo.” Sabay usod nyang ulit sa akin.
“Ayoko nga eh! Uso-----“
“Ms. Fortalejo and Mr. Rodriguez! Plus 2 hours both of you here in detention room! You’ll be leaving the time of 6pm. If you make some noise again, I’ll be adding 2 hours again!” Oh shit!
Nanahimik na naman kami ni Andrei. Umusod sya -- Konti lang. Badtrip eh ano?!
Dahil naman sa wala akong magawa, natulog na lang ako.
//
“Mukhang napasarap kayong dalawa sa Detention Room ah.” Napatingin kami ni Andrei sa nagsalita. Si Calvix na naka-sandal sa may bulletin board.
“Oh, iniintay mo ko? Ang sweet mo namang pinsan!” Pabirong sabi ni Andrei dito.
Tumingin ako sa orasan ko, gabi na. Tss. Asan na ba ang mga friends ko?
“Wala na sila. Kanina pa.” Napansin siguro ni Calvix ang paghahanap ko sa mga kaibigan ko.
“Ah, ganun ba. Sige, uwi na din ako.” Sabi ko at naglakad na.
“Teka -- Hatid na kita.” Tama ba ang naririnig ko? Ihahatid ako ni Andrei.
Dug dug.
“Si---“
“Si Lyka kanina ka pa inaantay sa may parking lot. Sabay kayong uuwi di ba?” Singit naman sa amin ni Calvix. T_T
Napakamot naman ng ulo si Andrei, “Ah. Oo nga pala. Eh sinong maghahatid kay Janelle? Ikaw nalang Calvix.” Sabi naman nito kay Calvix.
Hindi sumagot si Calvix at nakatingin lang sa akin, “Sige, aalis na ko. Sorry Janelle ah. Next time na lang.” Paalam sa akin ni Andrei at naglakad ng palayo.
“Hahatid mo nga ako?” Tanong ko kay Calvix na medyo nauunang mag-lakad sa akin.
Pero hindi nya ako sinagot at pinara lang ako ng taxi, “May gagawin pa ko. At wala akong balak na ihatid ka.” Awccch.
“S-Salamat.” Sabi ko sa kanya ng pinagbuksan nya ako ng pintuan ng taxi.
And as usual, hindi na naman nya ako sinagot. Grabeh! Ano bang nagawa kong kasalanan?! Parang puro kamalasan ako ngayong araw ah!
Sana naman bukas matanggal na ang malas na meron ako!
**
“Yow! Magkakasama na naman tayo! Haha!” Sabay tapik sa likod ko ni Andrei. Parang kahapon lang kami nagka-usap, feeling close na agad? Pero bakit ganun? Naging komportable na kaagad ako sa kanya.
Calculus time na naman kasi ngayon. Waaa! Please Lord, ayoko ng ma-detention!!!
“Sama tayo maya sa kanila? Group study daw.” Sabay turo dun sa mga kaibigan nya with my friends.
Umiling ako, “May pupuntahan ako.” Dahilan ko. Ayokong mag-group study kasama ang barkada ni Calvix. Delikado! Baka mamaya makatulog kaming magkakaibigan, tas pagkagising naming ---- BOOM! Wala na ang pinagkakaingitang bagay namin. Paano ba naman -- Medyo close na ang friends ko with friends of Calvix! Naunahan pa ko! =_=
“Weh? Saan naman?” Grabeh! Feeling close talaga eh ano?!
“S-Sa bahay nila ----- Trevor!! Oo tama! Bahay nila Trevor!” Ha! Ang ganda ng palusot ko!
“Ah. C-Close ba kayo nun?” Nag-iwas tingin naman si Andrei.
“Medyo -- Ewan -- Oo. Bestfriends kami eh! Kaya, oo. Haha!” Waa! Bakit ba sobrang komportable ako sa kanya?! =_=
“Bestfriends?! Weh?”
“Oo nga! Bestfriends kami!” Tinaas ko pa ang kanang kamay ko, meaning promise. Pakiramdam ko nga, nagpapanatang makabayan ako eh.
“Hindi halata! Sa amin ka nalang sumama!” Pagpupumilit nya sa akin.
“Busy tala----“
“Janelle!! Sama ka sa amin mamaya ha?! Pretty, pleaseeee? *puppy eyes*”
“We want to join them! Sama tayo ha?” Pagpupumilit naman sa akin nila Arianne.
Di kaya’t -- NAGAYUMA SILA?!
Kasi tingnan nyo, agad-agadan ang pagiging close nila? Teka, hindi kaya’t may something ng nagaganap?
ANG BILIS NAMAN YATA!!!!! Kabago-bago pa lang nila pero ka-close na nila kaagad? Samantalang ako, kahit siguro mag-10 years ako sa college. Hindi ko pa din sila magiging close -- Pwera nalang kay Andrei.
“FINE!” No choice ako eh. Pag hindi ako sumama, wala akong kasabay pag-uwi. Teka -- Anong bago dun?! Eh di ba sanay akong umuwi ng ako lang mag-isa?! Janelle! Anong nangyayari sayo?!
//
“Ako magtitimpla ng juice natin!” Sabay takbo ni Clarence papuntang kusina.
“Sama akoooooo!!” Sabay takbo at sunod naman ni Dylan sa bestfriend nyang si Clarence.
“Janelle, okay ka lang?” Tanong sa akin ni Daniele.
Hayyy. OP ako! As in OP! Bakit ganun? Nagka-partner lang sila sa Calculus naging friends na sila! Bakit nung naging partner kami ni Bryan, Gio, Brandon, at Juztine sa ibang subjects noon, hindi naman kami naging close. Ni-hindi nga nila ako halos kinakausap eh. Yung feeling na pakiramdam mo may sakit ka at iniiwasan ka nila -- Lalo ng apat na yan.
Tumango lang ako. Andito kami sa condo ni Calvix. Ang laki nga eh. Pero wala pa ding gaganda sa talagang bahay nila. Waa! Naalala ko na naman! Yung pumunta ako sa kanila. Yiiieee! Miss ko na sina Tita Aliyah, Tito Nathan at sister Nathalie! Hihihi! Wait -- Tita?! Tito?! Sister?! ANO BA TONG MGA PINAGSASABI KO?!!!
Pero teka lang… Asan nga pala si Calvix?
“Wag mong damdamin. May likod ka pa.” Sabay himas sa likod ko ni Daniele. ANO RAW?
“Oy, ano yan ha?” Sabay siko ko kay Andrei. May pinapanood na naman kasi sya sa cellphone nya.
Lumapit ako ng kaunti sa kanya para makita ang pinapanood nya, “Pft! Binago mo na noh?” *tusok sa tagiliran*
Tinitigan nya ako ng masama, “Ganun ba talaga ang tingin mo sa kin?”
Nag-peace sign naman ako. ‘I Got A Boy by SNSD’ kasi ang pinapanood nya. Baka pinagpapantasyahan ang SNSD? Sa bagay, ang sesexy kaya nila.
“Banyo lang ako ha.” Paalam ko naman sa kanila. Pero ni-isa sa kanila walang pumansin sa akin. Group study daw pero hindi naman nag-aaral. Puro laptop at kwentuhan lang ang alam.
Kahit hindi ko alam kung saan ang banyo pero patuloy pa din ako sa paglalakad. Kahit naman magtanong ako sa kanila, for sure wala ding sasagot sa akin.
“Asan ka?! Pupuntahan kita!”
“P-Patrick…”
“Aubrey! Tell me where you are!”
“Andito ako sa labas ng bahay nila Trevor. He j-just broke up with m-me.”
“That bastard! Intayin mo ko.”
Kitang-kita ko ang galit at inis na nararamdaman ni Calvix ng ibaba nya ang tawag.
“WHAT NOW?!” Nagulat ako ng bigla nya akong sigawan.
Napatungo nalang ako. Nagsimula na syang maglakad at nadanggi pa nya ako dahilanan para muntikan na akong matumba.
Napatingin ako sa mga picture frame na nasa isang table. Puro silang dalawa ni Aubrey.
Ganun pala talaga nya ka-mahal si Aubrey.
Pero -- Bakit ganto ang nararamdaman ko?
Bakit parang ang sakit?
- - - - - - - - - - - - - -
[A/N: Readers! Napa-aga po ang pag-update! Hehe. Umm. Gusto ko sanang gumawa ng Christmas day scene dito sa His Game. Kaya lang wala akong chapter nun sa softcopy. Sobrang layo na rin kasi. ;/ Mga nasa Chapter 30s na po ako eh. Hehe. But this Christmas vacation, I'll update more po. Thank you po ng marami sa patuloy na pagbabasa! :)]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro