Chapter 7: We're on trouble
Chapter 7: We're on trouble
Calvix's POV
"Ummm..."
"Ummm.C-Calvix..." Inilayo nya ang katawan nya sa katawan ko.
"We're not yet done Roxanne." I said in a seductive voice.
Inilapit nya ang mukha nya sa bandang taenga ko, "I know. Just not in here. Follow me." Sabi naman nya.Napa-ngiti naman ako. Isa sa Roxanne sa babaeng gustong-gusto kong matikman. Dahil sapagkakaalam ko, virgin pa sya. Sobrang ganda at hot nya.Kulang nalang mag-laway ako.
Nauuna syang maglakad sa akin ngayon. Sa sasakyan nya kami sasakay. Shet.Bawat paglakad nya nang-iinit ako.Buti nalang at may sasakyan sya. Tinatamad rin kasi akong mag-drive kaya iiwan ko muna sa parking lot ng bar ang kotse ko.
//
"Calvix, where you going?" Tanong sa akin ni Roxanne. She's still lying on her bed, naked. At mukhang napagod ko talaga sya.
Malamang aalis na ko. Nakuha ko na ang gusto ko sa kanya. Wala na akong dahilan pa para mag-stay dito. Tss.
Hindi ko sya sinagot at lumabas na ng condo nya. Nag-taxi ako pabalik sa bar para kunin ang kotse ko ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko.
From: Janelle
I found your necklace. Andito pa ko sa school . Kung gusto mo, kunin mo sa akin. Wait kita.
Napahawak ako sa leeg ko. Yung n-necklace. Kailangan kong makuha yun. Nagmamadali akong sumakay ng sasakyan ko. Ang promise ko sa sarili ko, hinding-hindi ko hahayaang mawalay sa tabi ko yung necklace yun. Sa pagkaka-alala ko naiwan ko yun sa may ilalim ng desk ko. Nawala na sa isipan ko dahil nauna na naman ang pang-iinit ng katawan ko. Tss. Si Aubrey ang nagbigay nun sa kin. Hindi pwedeng mahawakan ng iba yun.
To: Janelle
I'm on my way.
Hindi naman siguro aalis si Janelle dun di ba? Kahit na napag-tripan ko sya nung isang araw? Hindi naman siguro masama ang loob nya sa akin kahit um-absent sya kahapon. Oo, absent sya kahapon. Ang sabi sa excuse letter na may sakit ito. Sus, ayaw pang umamin na hindi nya lang kayang pumasok dahil sa kahihuyan na binigay namin sa kanya kahapon.
Ipinark ko ang kotse ko sa parking lot ng Howard University. Tumingin ako sa orasan ko, gabi na. Bakit kaya nasa school pa tong si Janelle?
To: Janelle
Asan ka?
-Sent-
Naglakad-lakad muna ako habang iniintay ang reply nya. Ilang sandali lang ay natanggap ko na ang text nya.
From: Janelle
Andito ako sa may likod ng abandon building.
Naglakad na ako papunta sa may likod ng abandon building pa. Bakit naman kaya sa dami-dami ng pupuntahan andun pa sya sa building na yun? Tss.
**
Napahinto ako sa paglalakad ng hindi si Janelle ang nakikita ko. Limang lalaki na may takip ang mga bibig na kulay black. Kung hindi ako nagkakamali, mga taga-Miller na naman sila. Pero paano sila nakapasok dito? Wala bang nagbabantay na guards? Tss. Natutulog siguro.
Hinawakan ng dalawang lalaki ang balikat ko, "Anong kailangan nyo sa'kin?" Tinitigan ko sila ng masama. Away na naman ba ang gusto nila? Hindi pa ba sapat ang gulping inabot nila sa amin noon?
"Gaganti lang naman kami Patrick."Sabi naman nito. At sa boses pa lang, alam kong si Owen to.
"Mag-isa ka lang. Lima kami. Pano na yan? Eh di uuwi kang basagan ang mukha."Sabi pa nito. Napatingin ako sa kaliwang kamay nya na hawak ang isang cellphone.
"Kay Janelle ba yan?" Sabay turo ka cellphone na hawak nya.
"Eto?So, Janelle pala ang pangngalan nya. Haha! Girlfriend mo ba?"
"Paano napunta yan sayo?!!Asan si Janelle?!!" Pa-sigaw kong sabi, "Anong ginawa nyo kay Janelle?!!" Hindi ko alam pero pakiramdam ko makakapatay ako sa sobrang galit na nararamdaman ko. Baka kung ano ang ginawa nila kay Janelle.
Imbis na sagutin ako sa tanong ko, sinuntok ako nito sa aking sikmura, "A-Asan si Janelle?!!" Galit na tanong ko pa din sa kanya. Ayokong mapahamak na naman si Janelle ng dahil sa kin. Dalawang beses ko na syang nasasaktan. Ayoko ng gawing tatlong beses.
*BOGSH*
Napaluhod ako sa sakit na naramdaman ko. Fvck. Oras na para gumanti ako.
Agad akong tumayo at pinagsusuntok sila.
*BOGSH*
*BOGSH*
Pumaibabaw ako kay Owen at pinagsusuntok ang mukha nya, "ASAN SI JANELLE!!!SAGUTIN MO KO!!!!"
Janelle's POV
Andito ako sa classroom. Ginagawa ko yung report ko sa Physics. Pinag-aaralan ko din yung sa Calculus. Magkakaron kasi ng by partners. Tuturuan naming matataas ang grade sa Trigo ang mga mabababa ang grades sa Trigo. Bukas pa naming malalaman kung sino ang partners namin. Pero dahil sa tinatamad ako kanina, hindi ako nakinig at kumopya lang ng notes. Kaya dapat na pag-aralan ko to ngayon dahil isa ako sa magtuturo. Stressed!! T_T
Tss! Eh napag-aralan ko na din to ng High School e (basics nga lang) !Kailangan pa rin pala to hanggang ngayon?! -_-
Maya-maya na siguro ako uuwi. Mas feel kong gumawa ng report sa classroom. Ganto ako palagi pag may report. Nagpapagabi ako dito at late na nauwi.
"This graph is velocity-time with constant velocity but zero acceleration."
Nagsasaulo ako ng 'Graphic Analysis of Motion'sa Physics. Yung akin nga ang napakadali eh. Tss. Wala bang tiwala ang mga teacher ko sa kin? Nag-drawing na din ako sa cartolina nung sampung graph na irereport ko. Wag sana nilang pagtawanan ang hindi ko pantay-pantay na pag-graph. Hayy. Asa pa ko. Baka ipinopost ko pa lang ang report ko, laitin na nila Calvix ang gawa ko.
*Grrrrrrrrrr*
Napahawak ako sa tiyan ko. Gutom na ko. Hayyy.Konting tiis nalang.
Nagsaulo pa ko ng kaunti. Ilang sandali naman ay nakaramdam ako ng pagka-ihi. Kaya naman lumabas ako ng classroom para pumuntang ladies room at mag-cr.
~I said, "Oh my, what a marvelous tune
It was the best night, never would forget how we moved
The whole place was dressed to the nines, and we were dancing dancing
Like we're made of starlight, starlight
Like we're made of starlight, starli---
Kanta ko habang naghuhugas ako ng kamay. Kakatapos ko lang umihi. Hihihi. Natigilan ako sa pagkanta dahil nakarinig ako ng kalabog sa isa sa mga rooms. Sarado na ang lahat ng rooms. Yung room nalang namin ang bukas! Baka may magnanakaw na pumasok! Oh noes. Yari ako pag nagkataon!
Agad akong tumakbo pabalik ng classroom. Nilibot ng mata ko ang buong paligid. Wala namang nagbago. Baka daga lang siguro. Pero kadiri! Private ang school na'to! Tas may daga? Ewwness.
Bumalik ako sa upuan ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Kaya mo yan Janelle!
*Saulo*
*Saulo*
*Saulo*
Napatingin ako sa orasan ko, "7:30pm na pala!" Dali-dali kong hinanap ang cellphone ko para itext sina Mommy na hindi ako makakain sa bahay. Kasi... sa Red Ribbon ako kakain!! ^o^ Itetext ko din si bf (bestfriend) na samahan akong kumain sa Red Ribbon. *u*
"Asan cellphone ko?!" Halungkat ko sa mga gamit ko. Kyaaa! Minsan ko nalang dalhin sa school yun tas mawawala pa?! Naman eh!
~After 10 minutes
Huhuhu! Wala talaga syaaaaa!!!!! =_=
Padabog kong inimis ang mga gamit ko. Kainis! =_= 3 years kong iniingatanang cellphone kong yun!
Naglalakad na ako ngayon papalabas ng school. Hala! Ba't sarado? Tss. Dun nalang ako sa may back gate dadaan. Lagi namang bukas dun eh. Pero wait... Dun sa may abandon building ang daan nun eh! Huhu! Ayoko pa naman dun dumaan! Lalo na't gantong oras? Baka may multong kumuhit sa kin! Waa. Sana naman hindi totoo ang mga kwento ng mga ka-classmate ko about sa abandon building na yan.
*Lakad lakad lakad*
Napatigil ako sa paglalakad ko. Tumingin ako sa likod ko. Bakit parang may natakbo? Kyaaa! May multo nga yata dito.
Napalunok ako. Makakanta na nga lang habang naglalakad.
~ Ooh ooh he's talking crazy
Ooh ooh dancing with me
Ooh ooh we could get married
Have ten kids and teach them how to drea-----
"Shhhh." He whispered on my ears. I can feel his warm breath.
Tss. Sino ba ang lalaking to?Basta-basta nya nalang akong hinigit.At sa madilim pang parte ng lugar na'to!
Nakatakip ang kaliwa nyang kamay sa may bibig ko. At ang isa nyang kamay ay------
"Hmmmm!!!!!!" Pilit akong nakawala sa kanya. Waaaa!! LORD HELP!!!!!!!!!
"Shhh!!!" Bulong na naman nya sa taenga ko. Napatigil naman ako pagwawala ng mapansin kong may dumaan na limang lalaki na may takip na kulay black ang bibig nila. Mukhang eto ang tinataguan ng lalaking nasa likod ko ngayon.
"Hanapin nyo sya!" Sigaw ng isang lalaki at sumunod naman sautos nya ang mga kasamahan nya.
Tumingin-tingin muna ito sa paligid. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ng lalaking to sa ------ Kyaaaaa!!! Ayoko na!! Ayoko na talaga!! Patayin nyo nalang ako!! Pinagkakaingatan ko pa naman to!!! Huhu.
"Hm-----" Papalag sana akong muli ng bigla nyang hinigpitan na rin ang kapit ng kamay nya sa may bibig ko.
Sa wakas ay umalis na ito. Mukhang hindi nya kami nakita. Nasa dilim kasi kami. Ilang sandali lang ay tinanggal na nya ang dalawa nyang kamay sa pagkakahawak sa akin. Kyaaa!!
Agad akong lumayo sa kanya. Paurong ang bawat hakbang ko dahil unti-unti syang nalapit sa akin. At unti-unti ko ng nakikita ng mukha nya....
"J-Janelle?"
"C-Calvix?" Parehas kaming gulat na gulat sa isa't isa.
Napayakap naman ako sa katawan ko. Hinawakan nya ang isa sa pinagka-iingatan ko!!
He stared at me for a seconds at bigla syang tumawa, "HAHAHAHAHA!!!"
I glared at him, "Anong nakakatawa?" Mataraykong tanong sa kanya.
Imbis na sagutin nya ako ay nagsimula na sya maglakad papalayo sa akin. Pero hindi pa din mawala sa labi nya ang pagkatawa.
"Anong problema nun?Natawa mag-isa?" Bulong ko sa sarili ko. Napa-isip kasi ako. Baka nababaliw na si Calvix?
Inangat ko ang ulo ko. Nagulat nalang ako ng biglang makita si Calvix na nakatingin sa direksyon ko. Tila gulat na gulat. Napa-isip na naman ako. Nagulat nalang ako ng biglang may mag-takip sa bibig ko.
"Janelle!!!"
- - - - - - - - - - - - - -
[A/N: Next chapter will be Janelle and Andrei (Kai) chapter. Boyfriend ko kasi si Jong In! XD Saka, isa sya sa bida dito. Kaya kailangan andito talaga sya. Chos! Haha!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro