Chapter 60: Unheard truth
Chapter 60: Unheard truth
Calvix's POV
-THE DAY OF JUZTINE AND STEPHANIE'S WEDDING-
"Babe?" I turned my back on Alison when she entered my room. She smiled and ran towards at me. She hugged me tight and give me a peck kiss on the lips, "They're waiting for us downstairs." She said.
I nodded and stoop up, "Yeah. Let's go?" Hinawakan ko ang kamay nya at sabay kaming bumaba.
Napangiti nalang si Mama ng makita kami ni Alison na magkahawak kamay. Sumakay kami ng sasakayan. Ayokong mag-drive kaya naman si Dad ang magda-drive ngayon papunta sa simbahan. Nagpakawala ako ng malalim ng buntong hininga ng maisandal at maikipit ko ang mata ko katabi ng driver's seat. Nasa likod sina Mama, Nathalie at Alison. Ang saya nga nilang magkwentuhan at nagtatawanan pa.
Pinikit ko ang dalawa kong mata para sana matulog muna dahil ilang gabi na kong walang tulog halos dahil sa nangyari noong nakaraang araw. Ang makita ang babaeng pilit kong kinakalimutan kasama ang anak nya.
-Flashback-
"Calvix..."
"Janelle..."
All the memories, the pain, the love... came back.
"Mommy! Mommy! His name is Calvix. Is he the boy in the story you're telling with?" Tanong nito kay Janelle kaya naman bumaling ang atensyon dito ni Janelle. Lumuhod ito ng kaunti at ginulo ang buhok nito at n-ngumiti. Para bang tumigil ang mundo ko ng makita ko ang ngiti nyang yon. Limang taon... Limang taon kong hindi nakita ang ngiting yon.
"Baby Megan, want to see your Dad? Want me to take you to him? I-I need to talk with him." She points at me. Umiwas ako ng tingin at napakagat labi dahil pakiramdam ko, nangiinit ang mata ko at ilang sandali lang ay may maaari ng mga luha ang bumagsak. Si A-Andrei? A-Andito din? What a happy big family nga ano? Ni-wala man lang nagsabi sa akin ng balitang to. Ni-wala man lang nakabanggit sa'kin na may pamangkin na pala ako. Sa bagay, ako nga pala ang nagdesisyon na kahit anong balita mula sa Pinas, walang makakarating sa'kin. Ni-hindi man lang ako nakapaghanda para muling harapin ang nakaraan. Lahat ng sakit at pagmamahal ko sa kanya... bumalik.
"Daddy?! Yey! I'll go to him Mommy!" Hinalikan nito sa pisngi si Janelle at nagtatakbo na palayo. Tumayo na si Janelle at muling humarap sa'kin.
"Calvix... Let's talk."
I tried my best to smiled, "How dare you to let your daughter walked by herself? What if she lost again?" I joked.
Akmang hahakbang sya para lumapit sa akin pero kaagad akong humakbang papaatras. Napatungo ako at napakagat labi. Inangat ko ang ulo ko at muling ngumiti, "Baka h-hinahanap ka na ni A-Andrei." And saying my cousin's name strikes my heart.
"C-Calvix... "
I smiled, "Janelle, it's been 5 years. I moved on. Kung inaakala mong nasasaktan pa din ako. You're mistaken. You're now a mother, have a husband and daughter. Don't worry about me. I already find someone too. I moved on 4 years ago. The day you left me and choose him. That was the day I forget you too. You don't need to explained about you having a daughter. I'm happy for you and Andrei. Naiintindihan ko naman. Si Andrei na kasi ang talagang mahal mo di ba? ---" I was out of words when I saw tears on her eyes.
"C-Calvix..."
Nagulat ng bigla nya akong yakapin. Bumilis ang tibok ng puso ko at para bang lahat nag-slow motion. Napapikit ako at binalikan ang yakap na'yon. The feelings that I felt years ago all came back. On our very first meeting, the memories I spend her with, the pain I caused her, the game she played on me, and the day she left me for Andrei. Everything came back.
"Si Andrei."
"Si Andrei na ang mahal ko."
"Ayoko ng magsinungaling sa'yo Calvix. Ayoko ng patagalin pa. Ayoko rin na mawalan ng tuluyan sa akin si Andrei. Mahal ko si Andrei. Mahal ko ang pinsan mo."
"Calvix, I'm actually waiting for you to wake up –"
"—To say goodbye."
Minulat ko ang mata ko kasabay ang pagtulo ng mga luha ko. Humiwalay ako sa pagkakayakap nya at pinahid ang mga luha ko. Ngumiti ako sa kanya at pinahid ang kanyang luha gamit ang daliri ko, "Bakit ang laki ng tinaba mo? Nasobrahan naman yata si Andrei sa pag-aalaga sayo?" Biro ko at tumawa ng mahina. Pero ang totoo niyan, hindi naman ganoon kalaki ang tinaba nya. Tama lang sa katawanan nya at mas bumagay sa kanya dahil nagkalaman pa sya ng kaunti hindi tulad ng dati.
"I'm pregnant, Calvix..."Words that strike my heart... S-She's pregnant – a-again?
"Babe!" Parehas kaming napalingon ni Janelle sa isang pamilyar na boses sa akin.
Humakbang ako palayo ng kaunti kay Janelle at pasimpleng pinahid ang mga luha ko, "A-Alison..." I called out her name. Naglakad syang papalapit sa min at humalik sa labi ko.
Humarap sya kay Janelle at ngumiti dito. Inilahad pa ni Alison ang kamay nya dito, "Hello. I'm Alison. And you are?"
"J-Janelle. Calvix's friend." Nag-shake hands silang dalawa.
"Ah. Nice to meet you. By the way, I'm your friend's fiancée." Tumingin sa akin si Janelle na kunot noo at maluha-luhang mata na para bang gusto nya pa na sa bibig ko magmula na talagang nagsasabi ng totoo si Alison. B-Bakit? Anong nangyayari kay Janelle? H-Hindi ko maintindihan.
Tinaas ko ang kamay ko para maipakita sa kanya ang singsing, "I'm getting married this year... with Alison. And you know what? She's pregnant too..." I fake smiled and looked directly to her eyes. Why am I feeling pain by looking at her eyes? Is s-she in pain too?
-End of flashback-
"Son, wake up. We're here." Minulat ko ang dalawa kong mata ng alugin ako ni Dad, "Tulog na tulog. Nagpupuyat ka ba?" Tanong sa akin nito. Umiling nalang ako bilang sagot at kinusot ang dalawa kong mata. Tumingin muna ako sa may bintana at nakita ang magandang simbahan. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan ng hindi inaalis ang tingin dito. Buti pa si Juztine, maikakasal na. Sa babaeng talagang mahal nya.
"Babe, let's go?" Hinawakan ni Alison ang kamay ko at naglakad na kami papalapit sa barkada ko.
"C-Calvix..."
"B-Bro..."
"CALVIX!" Sinunggaban ako ng yakap nina Jared at Bryan, "Kamusta ka na?! Bakit mas matangkad na sa kin?" Tanong ni Jared. Ngumiti nalang ako bilang sagot. Tinapik at nagkayakapan din kami nila Brandon.
Hinanap ng mata ko si Andrei, pero wala ito. Ganoon na rin si Seth., "Si Seth asan?" Tanong ko. Tinuro lang sa akin ng barkada si Seth na kasama si Juztine. He's the best man of this wedding.
"Si Seth? B-Best man?"
"Yeah. Weird, right? They've been bestfriends, bro. Kahit na may nararamdaman pa rin si Seth kay Stephanie, hindi yon naging rason para hindi sila muling bumalik sa dating pagkakaibigan nila." Hinampas naman sa braso ni Nathalie si Christopher.
"Nagpaparinig lang Kuya Christopher? Don't worry! Move na si Kuya kay Ate Janelle! Pwede na sila ulit maging friends ni Kuya Andrei! Di ba Kuya?" Tanong sa akin ni Nathalie.
"A-Ah. Oo. Umm, guys, si Alison... fiancée ko." Pagpapakilala ko.
"F-Fiancée?"
"Oo. Ang ganda nya di ba Kuya Bryan?!" Singit na naman ni Nathalie.
"Ah. Oo. Hello, I'm Bryan. Calvix's friend." Pagpapakilala ni Bryan kay Alison.
"Hello." Bati naman dito ni Alison. Napansin ko ang seryosong paguusap muna nina Gio, Troy, Clarence at Dylan na natingin-tingin sa direksyon namin bago muling humarap sa amin at binati si Alison.
"Alison, si Chandria, girlfriend ko." Pagpapakilala ni Dylan sa girlfriend nya kay Alison. Ganoon rin ang ginawa ni Clarence. Pinakilala nya din si Jamiatra kay Alison. Napatingin ako sa direksyon ni Janelle na nakatingin lang sa aming dalawa ni Alison. Nagkatitigan din kaming dalawa ni Janelle na para bang may gusto syang sabihin. Naputol ang pagtitigan naming iyon ng humigpit ang pagkakakapit sa kamay ko ni Alison.
"Why, babe?" Tanong ko sa kanya.
"I hate when my fiancée looking at another girl." Nakaiwas sya ng tingin ng sabihin nya iyon pero ramdam ko ang pagkairita nya sa tono ng boses nito.
Napakunot ang noo, "She's not just another girl for me, Alison. Have you forgotten? She's my –"
"Friend? Stop fooling me, Calvix. I know she's you ex-girlfriend." Nanlaki ang mata ko. Paano nya --!, "She's the reason why I'm having a cold treatment from you these past few days, right? Hindi ka na masyadong sweet. Hindi mo na ako masyadong naaalala. Ni-hindi mo pa ko magawang ipakilala kanina sa harap ng mga kaibigan mo. Buti nalang at andun si Nathalie para maalala mong ako 'tong fiancée mo. Hindi ako manhid para hindi mapansin non Calvix na umiyak ka ng magkita kayo ni Janelle sa dati nyong University." Tinanggal nya ang pagkakakapit nya sa kamay ko.
"Babe –"
"No. Wag natin 'to dito pag-usapan. Let's just talk about this later. Ayokong masira ang kasal ng kaibigan mo." Pagkatapos ay naglakad papalayo sa akin si Alison at pumunta sa kinauupuan nina Mama. Inis akong napamura nalang sa sarili ko.
Napahinto ako ng isang batang babae ang yumakap sa mga hita ko. At laking gulat ko kung sino iyon, "M-Megan..."
Lumuhod ako ng kaunti at pilit na ngumiti dito, "Hi Megan." Why calling her child name makes my heart like this? Why am I feeling the pain I felt on the first time seeing her?
Parehas kaming napalingon ni Megan ng tumunog na ang kampana ng simbahan. Maguumpisa na ang kasal. Hinalikan ako sa pisngi nito bago umalis dahil flower girl sya. Napangiti ako doon. Pakiramdam ko tuloy, labi na din ni Janelle ang dumampi sa pisngi ko.
May kung ano ang nararamdaman ng puso ko bago ako bumalik sa upuan kasama ang mga barkada ko. I'm having this strange feeling. Ba't parang may mali?
Ilang sandali lang ay narinig ko na ang pangalan ni Andrei. Gusto kong lumingon pero ayoko. Hindi ko pa din matanggap sa sarili ko na ipinagpalit ako ni Janelle sa kanya noon. Na sya ang pinili ng babaeng mahal ko kesa sa kin. Na sya na ang mahal ni Janelle noon pa lang at laro lang ang lahat ng meron kami.
Tinapik ako ni Dylan sa likod dahilanan para lumingon ako patalikod, "Bro, si Andrei." Ngumiti sa akin si Andrei.
Pilit akong ngumiti, "Yeah." Sabi ko nalang at muli ng tumalikod. Nasasaktan ako. Sobra.
Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga at inangat ang ulo ko. Sinubukan kong ngumiti habang sinasaksihan ng dalawa kong mata ang pagiisang dibdib ng dalawa kong kaibigan. May happy ending nga pala talaga ano? Mabuti pa sina Juztine at Stephanie. Ang swerte nila sa isa't isa. Nakakainggit.
Bigla tuloy bumalik lahat ng alaala sa utak ko simula ng maglapit ang landas namin ni Janelle.
"Mahal kita Calvix."
"I love you too, Janelle."
Yung panahon na akala ko isa lang din sya sa babaeng mapaglalaruan ko. Pero hindi eh. Nahulog din ako sa mismong laro ko. Hanggang sa dumating ang araw na ako na tong napaglaruan. Wala akong kaideya-ideya na magagawa nya sa kin iyon. Na kahit isang beses hindi sumagi sa isipan ko dahil buong akala ko, sya pa din ang Janelle na babaeng kilala ko at mahal na mahal ako.
"This game isn't fun anymore."
"G-Game?"
"You heard right. I'm done with this game."
Hinding-hindi ko makakalimutan ang senaryong 'yan. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nadadama ko ng mga oras na iyon. And also the d-day that I asked her to marry me.
"Please marry me, Janelle. I know you still love me. Please... marry me. I love you."
"Marry me, Janelle. P-Please."
"J-Janelle. P-Please. Marry me. I'm begging you. Be my wife."
"I'm sorry."
But she walked away from me and be with my own cousin, Andrei. Ang galing tadhana ano? Kung kailan natutunan ko na ulit ang magmahal saka naman ako ang mapaglalaruan. Ganon ba kalaki ang kasalanan ko at eto ang parusa ko? Kailan ba ko magiging masaya? Pagod na pagod na 'ko. Pagod na ang puso ko.
"You may now kiss the bride."
Nagsitayuan ang lahat at nagsipalakpakan. Gumuhit ang isang malawak na ngiti sa aking mukha. Ang sarap pagmasdan ang dalawang kaibigan ko na masaya ng magsasama pang-habangbuhay. Natapos ang kasal at nagpuntahan na kami sa reception na isa ring resort.
Hindi ako makakain ng maayos dahil sa sitwasyon namin ni Alison. Galit sya at hindi ko alam kung paano sya susuyuin. This is our first fight for all these years. That's why I don't have any idea how to relieve her anger.
"Ali..." I called her name, "Let's talk." Nauna akong maglakad at nagtungo sa may swimming pool sa ibaba ng reception na 'yon.
"What?"
I took a deep breath, "Don't be like this."
"Like what?"
"I don't know. I just..." I looked at her, "...don't know what's on you. Why you're being like this? It's not you anymore. This is not the Alison I've known." I said. Hindi ganto si Alison. Pag may mga babaeng akong nakakasama noon sa New York ay ni-minsan hindi sya nagagalit sa 'kin. Minsan naman, nakikipaglandian ako sa iba pero ni-minsan, hindi sya nagalit sa 'kin at lahat ng gawin ko, iniintindi at pilit nya akong iniintindi. Kaya ko nga sya nagustuhan.
She took a deep breath and hugged me, "I'm sorry, babe. Nasaktan lang ako kanina. Akala ko kasi talaga may feelings ka pa dun sa ex mo." Napapikit ako at niyakap ito pabalik.
Humiwalay sya sa pagkakayakap ng kaunti at inangat ang ulo nya, "You still love me, right?"
I nodded, "Ofcourse, I love you and our child." I even touched her tummy, then kissed her. After sharing our kiss, we decided to go back and have some desserts.
"Ate Alison, pa-picture tayo dun sa booth!" Aya ni Nathalie kay Alison. Sumama dito si Alison at masayang nakipila ang dalawa para makapagpapicture dun sa booth. Napatingin naman ako sa kabilang lamesa kung saan masayang nagkukwentuhan ang mga magulang ko. Wala pa ring nagbabago. Hindi pa din nawawala ang sweetness na meron ang mga magulang ko.
"Kuya..." I went back my senses when V hugged my arms.
"Yes baby?"
"I want you to meet my friend."
"A friend?" Ginulo ko pa ang buhok nito. Napangiti naman ako. May kaibigan na kaagad ang kapatid ko? Eh ang suplado kaya nito sa mga ibang bata.
At isang cute na batang babae ang lumabas mula sa likod ni V, "Hello po. Ako po si Erin." Simple lang ang suot nitong damit pero lutang ang kagandahan ng kanyang mukha.
Nag-hello ako at ngumiti din dito. Nagpaalam sila sa akin saglit dahil maglalaro daw sila. Nagulat nga din ako ng kalaro na din nila si Megan. Pakiramdam ko nga ay may tutulong luha sa mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Ang hirap itago ang sakit ng nararamdaman ko. Kahit ngumiti ako ng ngumiti, hindi pa din mapipigilan ang puso ko na masaktan.
Nilibot ng mata ko ang paligid. Wala na si Janelle. Hindi ko na din makita si Andrei. Magkasama siguro sila. Napatungo nalang ako at napayukom ang palad. Bakit ang hirap pa din tanggapin? Ilang taon na ang lumipas pero nasasaktan pa din ako.
"Yow Calvix!" Napaangat ang ulo ko ng may tumapik sa likod ko, "Kamusta?"
Pilit akong ngumiti, "Okay lang ako, Lucas. Ikaw?"
"Nakanaks! Ibang-iba na ah! Ayan ba ang epekto ng pangingibang-bansa? Hahaha! Astig! Laki ng pinagbago natin ah! Balita ko daw ikakasal ka na?"
Tumango lang ako, "Oo eh."
"Eh san ang kasal? Dito ba?"
I shook my head, "No. My fiancée and I actually planning to have our wedding in New York."
"So wala kang balak na imbitahin kami sa mismong kasal mo? Ang sakit ha!"
Natawa nalang ako sa reaksyon ni Lucas. Nakakamiss din pala ang lokong 'to, "Hindi ako ang may gusto 'non. Ang mapapangasawa ko. Eh alam mo naman... Medyo under ako ng girlfriend ko ngayon. Saka, buntis sya."
"Buntis? Ang tinik mo talaga bro! Hahaha!" Napatawa nalang kami sa isa't isa. Namiss ko ang tawanang ito na tulad ng dati.
Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano. Mabuti na lang talaga at hindi napasok sa usapan namin ang nakaraan namin ni Janelle. Naputol ang usapan namin ng may tumawag kay Lucas at yumakap dito.
"Daddy!"
"Baby! I told you not to run!" Saway dito ni Lucas. Napakunot ang noo ko.
"Daddy I'm tired. Let's go home."
"M-Megan..."
"Ohh... It's you again, sir. How are you?" Ngumiti ito.
"I-I'm fine..."
"Oh Calvix, kilala mo na pala anak ko?"
I slightly nod my head, because I'm still confused, "S-She's your daughter?"
"Oo. Bakit? Hindi ba kami magkamukha?" Pinaglapit pa ni Lucas ang mukha nilang dalawa ni Megan. Medyo may hawig pero bakit ganun? May mas pagkahawig sya kay Janelle? Naguguluhan ako.
"Mas kamukha ko po si Mommy..." Sambit nito, "Where is Mommy? I want to go home now, Dad."
Ginulo ni Lucas ang buhok ni Megan at hinalikan ito sa noo at sinabing, "Your Tita Janelle went home first. She said she's not feeling well."
Mas nanlaki ang dalawa kong mata. J-Janelle don't own this c-child?!
- - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro