Chapter 6: Guy bestfriend
Chapter 6: Guy bestfriend
Janelle's POV
Naglalakad ako ngayon sa may hallway. Nakakunot lamang ang aking noo dahil nakakapanibago. May dumi ba ko sa mukha? Kung alam ko lang na pagtitinginan nila ako ngayong umaga, sana nagpolbo o naglagay man lang ako ng lip gloss.
Narinig ko naman ang bulungan ng mga babae. Narinig ko ang pangalang Trevor. Bakit pinaguusapan rin si Trevor? Naalala ko bigla ang prank text sa 'kin kagabi.
From: Unknown number
Kung ako sayo, wag ka ng pumasok bukas. Or else, lumipat ka na ng University.
Kinabahan na ko. Ito ang kauna-unahang nakuha ang atensyon ng lahat. Ayoko sa atensyon. Pakiramdam ko, konting mali lang huhusgahan ka na nila.
Ugh! Bakit ba kasi ang layo pa ng College of Business Management?!
From: Unknown number
In the first place, ikaw ang pumili sa kalalagyan mo Janelle. Be prepared for the consequences.
Pinikit ko ang mata ko. Ayoko ng maalala ang mga texts na kagabi! Natatakot ako! Mas binilisan ko pa ang paglakad. Ilang minuto lang ay nakarating na ko sa may building namin. Patungtong palang ako sa may pintuan ng biglang may --
"Yun oh!! Sakto Calvix! Kita mo 'yon?! Tinanggal ko ang pagkakaharang ng isa kong kamay sa mukha ko. Napahawak ako sa buhok ko. Ang lagkit. Tiningnan ko ang kamay ko, kaka-itlog ko lang kaninang umaga. Hanggang sa school ba naman, itlog pa din ang sasalubong sa akin.
"My turn! Give me eggs!" Hinarang ko ulit ang kamay ko para sanggahan ang bato ni Brandon. May kasunod pang bumato pero hindi ko na nakita kung sino.
"Janelle, let's cook some eggs later, okay?" Nagtawanan silang lahat. May kumirot sa puso ko. Ayokogn umiyak sa harapan nila. I'm sensitive. Mapagsalitaan mo nga lang ako ng medyo na masakit na salita ay baka umiyak na ko. Ngayon naman na nasasaktan na ko, hindi ko kayang umiyak. Gusto ko na makita nila na malakas ako. Na hindi ako magpapatinag sa kanila.
Ngunit tinaraydor ako ng aking mga mata. Unti-unti ng tumulo ang luha ko ng sunod sunod na ang pagbato nila sa 'kin. May itlog at lobo na may tubig sa loob. Gusto kong tumakbo. Gusto ko silang pagsisipain lahat. Pero tila naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Napakadami ring nagvivideo at nakuha ng picture. You know what made my life worst? Wala akong matatakbuhang kaibigan pagkatapos nito.
"Stop!" Napatigil ang lahat ng marinig ko ang pamilayr na boses. Inangat ko ang ulo ko at nakita si Calvix. "Let me throw that to her." Hawak hawak nya sa kanang kamay nya ang malaking lobo na may tubig sa loob. Akala ko tutulungan niya ko. Nakalimutan ko nga pala... He's an evil person born in angelic face body.
Pinikit ko ang mata ko at inintay nalang ang lobong tatama sa 'kin.
Inangat ko ang ulo ko. Halos madurog ang puso ko ng makita ku
"T-Trevor." Halos maluha-luha ako ng makita ko ang itsura ni Trevor. His uniform was also ruined by that egg and water who's inside on the balloon.
"Okay ka lang ba?" Tanong nya sa akin. How can he even asked me that thing? Eh sya tong nasasaktan! Patuloy pa rin kasi sa pagbato ang barkada at si Calvix. Mga wala talaga silang awa.
"Saviour pala ni Janelle si Trevor! Hahahaha!!!" Sigaw naman ni Christopher, ang isa rin sa barkada ni Patrick.
"Hahahaha!! Ang saya nito!! Penge pang isa!!" Sigaw rin naman ni Juztine, ang isa rin sa barkada ni Calvix. Tanging mga tawanan lang ang naririnig ko sa buong paligid. Hindi ko na tinitingnan ang ekspresyon ng mga mukha ng mga estudyante. Alam ko namang bulong-bulungan lang ang meron. At hindi ko sila gawang tingnan dahil ang mata ko ay nasa direksyon lang ni Trevor. Naka-ngiti pa din sya sa akin. How can he even smiled like that? Pinagtitripan sya ng dahil sa akin!
"Woooooooo!!" Nagsihiyawan ang lahat dahil sa malakas na pagboto sa kanya ni Calvix ng lobo sa mukha.
Humakbang papalapit si Calvix dito at nagsalita, "Bakit ba lagi kang na-epal?! Sa relasyon namin ni Aubrey, sa buhay ko, tas ngayon sa babaeng pinagtitripan ko eepal ka din?" He smirked.
At akmang susuntukin na ni Calvix si Trevor pero hindi na nya naituloy dahil pumagitna ako. Tinitigan ko sya ng masama, "Just punch me instead of him." Nakatitig lang ako sa mga mata nya ang sabihin ang mga salitang yun. Shete. Saan ko kinuha ang lakas ng loob kong sabihin yun sa kanya? Wait... Masyado yata akong overprotective kay Trevor? -_-
Nagulat naman ako ng itaas ni Calvix ang kamao nya. Is h-he gonna r-really punch me?
Napapikit nalang ako ng marihin. Pakiramdam ko anytime may tutulong luha sa mata ko. I can't believe na gagawin nya talaga. I was just trying to stopped him.
Nabigla nalang ako ng biglang may humawak sa kamay ko.
We're running again. We're running as best as we can. This is the second time. And for the second time, we're running again because of Calvix.
Pinagbuksan nya ako ng pintuan ng sasakyan nya.
"Saan tayo pupunta?" Medyo naiilang ko pang tanong sa kanya. Nahihiya pa din kasi ako sa nangyari kanina. He shouldn't save me. Mapapasama na naman sya sa barkada nina Calvix.
Hindi nya ako sinagot kundi nag-drive nalang sya. Hala! Saan kami pupunta nito?
"Umm. Trevor." Tawag kong muli sa pangalan nya. Nilingon naman niya ako habang nagdadrive sya, "Saan ba tayo pupunta? May klase pa ko e. I'm a good student and I never skip classes."
"Papasok ka sa klase mo na ganyan ang itsura mo? Pagtatawanan ka nila at baka pagtripan pa ng barkada ni Calvix."
Nag-iwas ako ng tingin at tumingin na lamang sa labas ng bintana ng sasakyan, "I'm just an invisible girl in Calvix eyes..." at alam ko na hindi niya ako mapagtitripan ng muli. Sino ba naman ako para pagaksayahan niya ulit ng oras hindi ba?
//
"Hindi ka ba bababa?" Tanong sa akin ni Trevor ng pagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan niya.
"Bahay mo 'to?" Tumango lamang siya.
Nang makababa ako ay sinalubong kami ng dalawang katulong. Nagulat ito sa hitsura naming dalawa. Para bang naglaro kami sa kusina ni Trevor.
"Sir, ihahanda ko na po ang pampaligo niyo..."
"Sige ho, manang. Pakikuha na nga rin po sa kwarto si Steph ng damit. Yung medyo maluwang po sa kanya. Hindi ho kasi sila magkatawanan e." Napairap na lamang ako. Eh di ako na ang chubby.
"Halika na."
Sumunod ako sa kanya. Nakatungo lamang akong naglalakad ng mapahinto siya kaya naman napahinto rin ako. "Ladies first..." Pinauna niya ako sa paglalakad.
Medyo naiilang pa din talaga ako sa kanya. Ang awkward kayang maglakad pag alam mong may nakasunod sayo. Malaman kaya ito ng girlfriend niya? Hala! Mayayari ako nito.
Si Aubrey, ang lalaking pinapangarap ng halos lahat ng estudyante. Kaya hindi mapagkakailang madaming galit kay Trevor. Eh sa ganda ba naman ni Aubrey? Matalino, matangkad, angelic face, saan ka pa? Mabait? Ewan ko lang. Kasi hindi naman kami nagkakausap.
Naalala ko tuloy yung fourth year high school kami. They were the sweetest couple in the school. Walang couple ang hindi pangangarapin ang relasyon na meron sa kanila. I admit, nakakaiinggit talaga. Na minsan naiisip ko na may lalaki pa kayang tulad ni Calvix. Halos araw-araw parang Valentines dahil sa mga surprise palagi nito kay Aubrey. Para bang hindi siya nawawala ng ideas sa pagpapasaya kay Calvix.
But there's no such thing as forever. Kumalat na lamang ang balita noon na wala na ang dalawa. Bakit? Walang nakakaalam ng katotohanan. Iba't ibang sides rin kasi ang maririnig mo.
And slowly... he changed. Ang dating cute nerd, naging player and bad boy na. Wattpad lang ang peg 'no? Nagbabago pala talaga ang isang tao pag nasaktan.
"Woah... This is your room?"
Halos mamangha ako ng makita kung gaano kaganda at kalinis ang kwarto niya. Daig pa niya ang babae. His room was just a plain blue. On the right corner, there's his study table.
Ako ang pinauna niyang maligo. Halos nagtagal ako ng 30 minutes sa loob dahil sa sobrang lagkit ng buhok at katawan ko. Kinatok ako ng kanilang kasambahay at binigay sa 'kin ang damit nong kapatid niya. Hayy. Nawiwili na yata ako kakahiram ng damit ng mga kapatid ah. Kapatid ni Calvix na si Nathalie ay nahiraman ko na ng damit. Pati ba naman kapatid ni Trevor? Hayy Janelle. Minsan nga ay magbaon ka na ng damit.
"Gusto mo munang gumamit ng laptop? Maliligo lang ako saglit..." Sabi niya sa 'kin pagkalabas na pagkalabas ko palang ng banyo.
Napakagat naman ako sa 'king ibabang labi at napatungo. Bakit niya pa kailangang sabihin sa 'kin na maliligo siya? "Ah sige..." Nagtungo ako sa may study table niya at binuksan ang kanyang laptop.
Pagkabukas ko ay bumungad kaagad sa 'kin ang picture nila ni Aubrey. Bagay na bagay talaga sila. Kung tutuusuin, mas perfect silang tingnan kesa kay Calvix at Aubrey.
Pagkabukas ko ng facebook ay agad kong tiningnan ang mga online friends ko. Si Daniele online! Yes!
Daniele: Oy!
Ako: Oy ka rin!
Daniele: Oh kamusta ka dyan?
Pasimple muna akong tumingin sa may likod ko kung andon pa ba si Trevor o wala. Buti na lamang ay nasa loob na siya ng banyo at naliligo na.
Anong isasagot ko? Na napag-tripan ako sa school at pinagbabato ako ng itlog? O kaya kung gusto nyang makita ang nangyari sa akin, hanapin na lang nya ang video sa youtube? Or else -- Panoodin nalang nya ang Boys Over Flowers, yung episode 1!
Ako: Okay lang naman...
Daniele: Asan ka? Kwarto mo ba 'yan? Kailan pa naging blue ang kulay ng kwarto mo?
Ako: Ah eh... Andito ako sa bahay ng ka-schoolmate ko.
Daniele: Schoolmate? Sino 'yan? Is this a guy?
Ako: Oo e... Si Trevor...
Daniele: Trevor? TREVOR MONTANO?!
Ako: Oo... Bakit kilala mo?
Bago pa man ako muling makapagtype para sana ulit itanong kay Daniele kung kilala nga siya si Trevor ay sunod sunod na ang messages na nag-appear sa screen ng laptop.
PAANO KAYO NAGKAKILALA?!
ANONG GINAGAWA MO SA KWARTO NIYA?!
KAPATID 'YAN NI STEPH!
Ako: KAPATID?!
Daniele: KAPATID KO 'YANG GAGONG 'YAN! –STEPHANIE
Ako: Eh? Oh my... What a small world...
Daniele: Yari ka kay Ate Aubrey! Isusumbong kita! Hahaha. –Stephanie
Ako: Steph naman e...
Daniele: Don't worry! Mas boto ako sayo Sis!! Excited na tuloy akong umuwi! Bwahahaha. Good luck sa inyo ni Kuya!
Magtatype pa sana ako ng irereply ko pero may nagsalitang pamilyar na boses sa may likod ko. I can feel his warm breath, "Kakain na. Hindi mo ba naririnig?"
"Oh... Ka-chat mo pala si Daniele."
"Kilala mo rin si Daniele?"
"Oo naman. Daniele Escalada di ba? May crush sa 'kin yun e..." Biro niyang sabi sa 'kin.
Hinampas ko naman siya ng mahina sa braso niya, "Si Timothy kaya ang crush non!" Pakikipagtalo ko sa kanya.
"Wait! Ikaw nga 'yon!" Para bang hindi niya makapaniwalang sabi.
"Anong ako 'yon?"
"Kaya pala pamilyar ka e! Ikaw yung kasama nila Steph sa picture. Grabe. What a small world. Kaya pala magaan rin ang loob ko sayo. Kaibigan ka rin pala ng kapatid ko. Pero hindi talaga kita nakilala. May bangs ka kasi dun."
"Sir! Kakain na po!" Sigaw ni Manang sa labas ng pintuan.
"Opo!" Sigaw rin naman dito ni Trevor, "Halika na." Tinapik niya ako sa balikat at sabay kaming lumabas ng kanyang silid.
"Eat all you can..." Napalunok ako ng makita kung gaano karaming pagkain ang nakahain sa hapagkainan. Napadila ako sa aking labi.
Putek. Wala munang diet diet.
"Upo ka na..." Nakangiti niyang sabi sa 'kin.
Tumango naman ako at umupo na kagaya ng sinabi niya. Wala akong hiya hiya na kumuha ng kanin at glazed chicken na nakain doon. Kumuha rin ako ng grilled vegetables at ako na mismo ang nagsalin ng juice sa 'king baso.
"Hindi ka naman gutom ano?" Titig niyang sabi sa 'kin.
Nilunok ko ang aking pagkain at uminom ng juice bago ako magsalita, "Ikaw ba hindi nagugutom?"
"Ikaw ba hindi nabubusog?" Nagkasalubong ang aking mga kilay dahilanan para tumawa siya.
"De joke lang... Hindi ka naman mataba e. Chubby lang." Inirapan ko na siya. Dapat ba kong matuwa sa sinabi niya?
"You know what... I like you." Halos mabilaukan ako ng sabihin niya 'yon. Agad niya akong inabutan ng tissue, "No... It's not what you think. Ngayon na lang ulit ako naging komportable sa babae ng ganito..."
I felt my cheeks burning red!
"Will you be my bestfriend?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bestfriend? Tanga ba siya? Sino ba namang tao ang yayayain ang isang tao na kakakilala lang niya na maging bestfriend?
"It's just that I'm really comfortable with you..."
Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Anong isasagot ko? Chance ko na ba ito? Wala pa akong nagiging kaibigan na lalaki. I want to have a guy bestfriend!
Ngumiti ako, "Fine... bestfriends..."
Ginulo niya aking buhok at tumawa, "From now on... be comfortable around me..." Pinakita niya sa 'kin ang kanyang small finger, "Pinky promise?"
Natawa na lamang ako sa kanya dahil para siyang bata. Hinawakan ko yung kamay niya at ginawa ang pinky promise, "Oh ayan, pinky promise sa isip bata..." Natatawa kong sabi sa kanya.
"Babe, I bought your favorite –"
Parehas kaming napalingon ni Trevor kung saan nanggaling ang boses na 'yon, "Aubrey?"
- - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro