Chapter 58: The most painful goodbye
Chapter 58: The most painful goodbye
Sometimes, it's not the butterflies that tell you you're in love, but the pain.
Janelle's POV
"Kumain ka nga. Mayayari ako nito kay Andrei eh." Medyo naiinis ng sabi sa akin ni Daniele. Kanina pa daw sya ngalay na ngalay. Kanina pa din nya kasi ako pilit na sinusubuan. Wala pa din ako sa sarili ko hanggang ngayon. Pagkalabas na pagkalabas ni Andrei ng pintuan kanina pagkatapos nyang sabihin ang mga katagang yon, para bang dinala na rin nya paalis ang puso at isipan ko.
"Janelle, di ka pwedeng hindi kakain. Ang sabi ni Andrei –"
"Mahal pa nya ko di ba?" Diretso kong tanong ng hindi pinatapos sa pagsasalita si Daniele, "Mahal pa ako ni Andrei di ba? Galit lang sya sa akin kaya sya nakipag-break sa akin di ba? Hinabilin pa nya ako sa'yo kasi takot syang may mangyari sa king masama. Ibig sabihin non mahal pa nya ako di ba? Di ba Daniele?! Daniele! Sagutin mo'ko!" Napakagat labi ako dahil tumulo na naman ang mga luha na kanina ko pa gustong ilabas. Galit na galit ako sa sarili ko dahil ako tong gumago kay Andrei! Wala syang ibang ginawa kundi ibigay ang lahat ng pagmamahal nya sa'kin. Tas anong ginawa ko? Nagpa-buntis ako sa lalaking halos kapatid na ang turingan nila sa isa't isa. Kung andito siguro si Trevor, matutulungan nya ako tungkol dito sa nararamdaman ko. Pero wala sya e. Wala sya sa tabi ng bestfriend nya. Paano ako makakapamili kung walang payo ng bestfriend ko? Trevor... Kailangan kita.
Niyakap ako ni Daniele kaya mas lalo akong napahikbi, "Mahal ko si Andrei, Daniele. Sya na yung mahal ko." Sambit at hikbi ko habang nakayakap ako kay Daniele.
"Shh. Mahal ka din ni Andrei. Higit pa sa pagmamahal mo. Nasaktan lang yon sa mga nangyari ngayon. Pero babalik yun, Janelle. Hindi ka kayang iwan ni Andrei. Kung iniwan ka nya ngayon, panandalian lang yon. Hayaan mo muna syang mag-isip. Pero eto lang ang alam ko, mahal ka nya at babalikan ka nya sa takdang panahon. Hindi man sa ngayon dahil masyado mo syang nasaktan pero, babalik yon Janelle. Kilala ko si Andrei. Eh halos mabaliw na yung lalaking yon pag hindi nakikita yang mukha mo eh." Tumawa pa ito at niyakap ako ng mahigpit, "Kung mahal mo si Andrei. Ano tong mga nangyayari ngayon? Anong meron kayo ni Calvix?"
Mas lalo akong napahikbi at sinubsob ang mukha sa may dibdib nito, "I love Andrei... But, I think I'm still in love with Calvix t-too! Ugh! Ang hirap Daniele. Hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko. Ang gulo! Sobrang gulo!"
"Pero Janelle... sa nakikita at nararamdaman ko. Si Calvix pa din. Sya pa din ang nilalaman ng puso mo." Napaangat ang ulo ko dahil sa sinabi ni Daniele. Si C-Calvix pa nga ba? Sya pa nga ba ang mahal ko?
*BLAG*
Humiwalay kami ni Daniele sa pagkakayakap sa isa't isa at humarap kay Bryan na basta basta nalang pumasok sa loob ng hospital room ko, "Oh Bryan? May kailangan ka?" Tanong dito ni Bryan. Iniwas ko ang tingin ko dito dahil pakiramdam ko kahit isa sa kanilang magbabarkada hindi ko kayang tumingin man lang ng diretso sa mga mata nila dahil sa guilt na nararamdaman ko sa sarili ko dahil sa ginawa ko kay Andrei.
"Si Calvix! Nasa emergency room!" Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Bryan.
"Ano?!"
"Bumangga ang sasakyan ni Calvix sa may poste!"
"Anong nangyari?!"
"Hindi ko din alam. Pero nasa may emergeny room sya ngayon." Akmang tatayo na ako pero pinigilan ako ni Daniele.
"Hindi pa pwede Janelle. Kailangan mo pang magpahinga." Pigil sa akin nito.
Tinabig ko ito at tinanggal ang nakakabit na dextrose sa akin, "H-Hindi. Kailangan kong p-puntahan si Calvix." Patuloy na sa pagtulo ang mga luha ko. Bakit kailangang mangyari to?! Bakit si Calvix pa?!
"Janelle..."
"Hindi. Kailangan ako ni Calvix. Kailangan nasa tabi nya ko."
"Janelle!"
"DANIELE! KAILANGAN AKO NI CALVIX! HINDI MANGYAYARI SA KANYA TO KUNG HINDI DIN DAHIL SA'KIN! NAWALA NA YUNG MAGIGING ANAK NAMIN. PATI BA NAMAN SI CALVIX?! DANIELE... HINDI KO KAYA. HINDI KO NA KAYANG MAWALAN PA..." Pinunasan ko ang luha ko. Inalalayan ako ni Daniele sa pagbaba ko sa stretcher. Huminga ako ng malalim at humarap kay Bryan, "Dalin mo ko kay Calvix. Please, Bryan."
***
-After 4 hours-
"Doc!" Lahat kami nagsilapitan dito, "Si Calvix po?! Ano pong nangyari?!" Halos natatarantang tanong nina Bryan at Jared na kanina pa din hindi mapakali tulad ko.
"Masyadong madaming dugo ang nawala sa kanya. Idagdag mo pa ang tama ng baril sa kanyang braso." Sabi nito. Nanlaki ang mata ko.
"T-Tama po ng baril?" Sabay naming lahat na tanong dito.
"Yes. He's been shot. I guess with that wounded arm lead him to car accident. Excuse me." Muntikan na akong mawalan ng balanse ng isang pamilyar na mainit na palad ang naramdaman ko sa may balikat ko at kamay ko ang humawak sa akin para hindi ako mahulog. Inangat ko ang ulo at nakita si Andrei. Mas lalo ako nakaramdam ng panghihina at ng unti-unting pagkadurog ng puso ko. Tama ng baril?! Ano yon?! Hindi ko maintindihan ang nangyayari!
Dali-dali kaming pumasok sa loob ng silid nito. Nakaramdam ako ng panghihina ng tuhod ko ng makita si Calvix na nakahiga sa stretcher at puro galos ang mukha. Putok ang kilay, labi at may pasa sa mukha. Nanginginig akong naglakad papalapit dito.
"C-Calvix..." Hinawakan ko ang kamay nya kasabay nito ang pagtulo ng maiinit kong luha sa magkabilang pisngi ko. Napatungo at napahikbi ako. Hinalikan ko ang likod ng palad nito at hinaplos ito sa aking pisngi.
"Calvix... Andito na ko. Hindi mo naman ako iiwan di ba? Di ba?" Nanginginig na ang boses ko habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Muli kong hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Calvix.
"He's been shot?! Anong ibig sabihin non!?" Narinig ko ang boses ni Troy na tila ba galit rin sa mga nangyayari.
"Troy... Ang t-totoo nyan. Nakasalubong ko si Calvix bago sya lumabas ng hospital. Tinanong ko sya kung saan ang punta nya. Tinitigan nya lang ako na para bang gusto nyang kumain ng tao. Eh hindi ko naman akalain na eto na pala ang ibig sabihin nya." Medyo naiiyak ng sabi ni Arianne.
"Ano?! Eh bakit hindi mo sinabi sa min?! Eh di sana hindi sya mag-isang pumunta don!"
"Eh hindi ko nga alam na ganto ang mangyayari!! Ano ba Troy! Para bang pinapalabas mo na kasalanan ko kung bakit nangyari to kay Calvix ah!" Akmang tatayo na si Arianne para sugudin si Troy pero kaagad syang pinigilan ni Alexa.
"Troy! Will you just shut up and be calm?!" Hindi ko magawang iangat man lang ang ulo ko para tignan ang tila hindi magkaintindihan na mga kaibigan namin. Mainit na palad ang humaplos sa may likod ko. Hindi ako maaaring magkamali kung kaninong palad ang nahaplos sa likod ko ngayon. Ang palad na iyon ang palad na kahit kailan ay hindi ako binitawan. Sa paghaplos nya sa likod ko, para bang nahihigop nya ang konting sakit na nararamdaman ko ngayon. Isa lang ang masasabi ko, nakakagaan ng loob kahit papaano. That's the thing that Andrei can do when no one else can't, to comfort you with just only his touch without saying any word... a hug from him can make you really feel comfortable and at the same time, you'll feel like you're a special someone on him. I guess that's why Arianne fall for him. Yes, Arianne liked him, she falls on him, the guy who she used to be called bestfriend. Isa rin ito sa dahilan kaya kung bakit nahihirapan ako sa sitwasyon namin ni Andrei. Hindi ko kayang saktan si Arianne.
Mas napapikit ako ng marahan dahil bumalik sa utak ko ang senaryong kung saan nakita mismo ng dalawa kong mata kung paano umamin si Arianne kay Andrei, ang araw na kung saan alam ko na sa sarili ko na unti-unti ko ng minamahal si Andrei, ang araw na kung saan nagkaroon kami ng celebration dahil hindi natuloy ang kasal nito kay Yuna.
-Flashback-
"Woaaa! Party party na! Inuman na!" Kaagad na pinasabog ni Clarence ang confetti. Andito kami sa rest house na tinatawag ng barkada ni Calvix kung saan eto ang tambayan nila pag wala silang magawa sa mga buhay nila. Wala kaming ibang ginawa kundi ang tumawa dahil sa kulit ni Clarence at ni Seth. Idagdag mo pa ang pagkanta ni Dylan ng ano ba yon? Kkaeb song? Ewan! Hindi ko sya maintindihan. Matatawa ka nalang talaga dahil sa tono ng boses nya.
"Oh ano Christopher?! KJ ka ah! Bwisit to ah!" Pinagbabato naman ng kung ano-ano ni Gio at ni Jared si Christopher dahil dali-dali itong lumabas at kausap na naman nito ang isa sa staff ng company nito.
"Brandon, chili cheese sticks oh?" Abot naman ni Bryan kay Brandon ng isang pinggan ng chili cheese sticks.
"Chili cheese sticks is not my style." He said coldly. Napailing nalang kami ni Jamiatra dahil mukhang may tama na naman tong si Brandon, "Ugh! Ang anghang! Shet!" Tila ba nataranta si Brandon at kung kaninong asong tubig nalang ang ininuman.
"Chili cheese sticks is not your style huh?! Hahaha! Pero kinakain mo?!" Sabay naming tawanang lahat.
Nagulat naman kaming lahat ng natumba si Arianne, lasing na ito siguro, "Aysh! Gio yung ---" Tatawagin ko sana si Gio para asikasuhin yung kapatid nya pero napansin kong busy sila ni Aubrey sa isa't isa. Napagdesisyunan ko naman na ako na ang magaasikaso kay Arianne pero pinigilan ako ni Andrei.
"Kumain ka na muna. Ako na bahala kay Arianne." Sabi nito. Naalala ko nga pala na kanina pa ko daing ng daing na gutom na gutom na ako habang nasa sasakyan pa lang kami papunta dito. Inalalayan na nito si Arianne papunta sa mga guests room sa itaas.
~Nan neoreul matgo tto neoreul masinda
Nae simjangi tteollyeowa gyesok deurikyeodo ajik mojara yeah
Sonkkeutkkaji jeonyulsikin galjeung isunganeul jaba
Jiljureul meomchuji ma neomu joha can't stop it
Halos bumilib kaming lahat dahil sa galing ni Clarence na mag-rap. Nagsipalakpakan kaming lahat ng sumunod na sa pagkanta si Bryan. Ang galing rin nyang mag-rap. Hinanap ng mata ko si Andrei dahil mahigit 10 minutes na syang hindi nabalik. Pakiramdam ko kasi ngayon, ilang segundo lang sya nawawala para bang kulang na kulang ako. Napansin ko ang pag-ilaw at pag-vibrate ng phone ni Arianne sa may table. Mukhang naiwan nya ito. Kinuha ko ito at tumayo na para sana ibigay ito kay Arianne at hanapin kung saan pumunta si Andrei pagkatapos nyang ihatid si Arianne sa kwarto upang makapagpahinga.
--
"Andrei... gusto k-kita." Tila na naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Ni-hindi ko na muling magawang humakbang. Bukas ang isa sa kwarto at doon nagmumula ang isang liwanag kaya alam kong nandon silang dalawa.
"Lasing ka lang Arianne. Sige, lalabas na ko."
"Andrei!"
"Mahal ko si Janelle! Girlfriend ko ang kaibigan mo!"
"Pero Andrei... mag-bestfriend tayo. Mas matagal na ang samahan natin –"
"Dati lang yon Arianne. Ikaw ang nagsabing gusto mo ko maging bestfriend. Pumayag ako kahit alam kong isa sa atin pwedeng mahulog sa isa't isa. Kaya nga dumistansya na ako dahil nararamdaman ko na iba na ang pakikitungo mo sa kin."
"Andrei! Halos ilang taon na ang nakakalipas! Bakit all these years ni-hindi mo ko magawang kausapin tulad ng dati?! Yung hindi pa nadating sa buhay mo si Janelle?! Yung dating tayo bago mo pa sya makilala..."
"Mahal ko si Janelle. Sapat na ba yon na marinig mo para itigil mo na ang nararamdaman mo sa'kin? Sigurado naman ako na ayaw mong masira ang pagkakaibigan nyo. Mahal mo ang kaibigan mo. Mahal ko rin ang kaibigan mo. Kalimutan mo na ang nararamdaman mo sa'kin Arianne. Just forget about your feelings for me and find someone better."
"Pero Andrei... Ikaw yung gusto ko. Simula ng tumungtong ka sa bahay namin noong 3rd year high school kayo ni Kuya. Yung pumunta ka sa bahay para magpaturo sa mga lessons na hindi mo naiintindihan. Tanda mo pa ba yon Andrei? Kasi ako tandang-tanda ko pa... Ang hirap pala pag yung taong mahal mo, yung kaibigan mo mismo ang gusto." Narinig ko din ang paghikbi ni Arianne sa loob ng kwarto. Para bang gusto kong puntahan sila at yakapin ang kaibigan ko. Pero paano? Mahal ng mismong kaibigan ko ang boyfriend ko.
Hahakbang na sana ako papaatras upang umalis at mag-kunwari nalang na tila wala akong narinig at walang nangyaring ganto ng muling magsalita si Andrei, "Kinalimutan ko na ang lahat Arianne. Si Janelle nalang kasi ang laman ng puso at isipan ko. Kung ayaw mong lumayo at sabihin ko kay Janelle ang tungkol dito, nakikiusap ako, isikreto mo ang nararamdaman mo sa akin. Wag mo ng ipaalam sa iba. Magkakaibigan tayo Arianne. Ayokong masira iyon." Mabilis akong naglakad papaalis. Dumaretso ako sa may kusina at uminom ng tubig. Napasandal ako sa may ref at napapikit ng madiin. Nagpakawala rin ako ng isang buntong hininga.
Bakit kung kailan okay na ang lahat saka ko malalaman ang lihim na pagtingin ng kaibigan ko sa mahal ko?
-End of flashback-
Naramdaman ko ang mga kamay ni Andrei sa may bewang ko at ang ulo nya sa may balikat ko, "He'll be fine. Calvix won't leave you like this." Alam kong nag-bend ng kaunti si Andrei para mayakap ako mula patalikod. Napapikit ako kasabay nito ang pagtulo ng luha ko.
"Andrei..." Akmang aalisin ko na ang kamay nya sa may bewang ko pero nagsalita syang muli.
"Hayaan mo munang gawin ko sa'yo to. Pagkagising ni Calvix, hindi ko na magagawa to. Dahil sa kanya ka na, at wala na akong papel sa buhay mo." Ramdam ko ang lungkot sa boses ni Andrei.
"A-Andrei..."
"I love you, Janelle. Goodbye." At naramdaman ko ang dahan-dahan nyang pagtanggal ng kamay nya sa may bewang ko. I turned my back on him pero tanging likod na lang nya ang nakikita ko. Para bang gusto kong tumayo at pigilan sya. Napatigil sya sa may pintuan. Akala ko nagbago ang isip nya at muling babalik sa direksyon ko. Pero hindi. Tuluyan na syang lumabas ng pintuan. Kasunod nito ang mga barkada nya.
Hinimas nina Jamiatra ang likod ko, "Are you really sure about this? Na si Calvix na ba talaga at hindi si Andrei?"
Hindi ako sumagot at nakatingin lang sa mukha ni Calvix na natutulog. Para bang unti-unting dinudurog ang puso ko kada mapapatingin ako sa mukha nya.
"Iwan ka muna namin." Jamiatra patted my head and leave.
**
-After 1 week-
Andito ako sa loob ng silid ko. Kating kati na nga ang mga paa ko at gustong-gusto ko ng puntahan si Calvix sa kwarto nya. Isang linggo na syang hindi nagigising, he's comatose. Kailangan na sa pagmulat ng mata nya, ako ang unang-una nyang makikita. He'll love that. Muli akong tumingin sa orasan ko at nakaramdam ako ng pagkainis dahil mamaya pa ako maaaring makapunta dito. Ang totoo nyan, pinagbabawalan ako ng doctor na maglakad-lakad muna dahil hindi pa ganoon kagaling ang sugat ko sa likod.
Mabigat pa din ang puso ko dahil sa nangyari sa anak ko na dugo pa lang sa sinapupunan ko pero nawala na kaagad. Araw-araw kong hinihimas-himas ang tiyan ko at mapapaluha nalang. Mas lalo akong nakakaramdam ng pagsikip ng dibdib tuwing maalala ang nangyari kay Calvix.
Hindi naman ako ganoon nahihirapan na dalhin ang sakit dito sa puso ko dahil kahit wala na kami ni Andrei ay hindi pa din sya napalya ng araw na hindi ako pinupuntahan dito. Minsan nga ay dito pa sya natutulog at sya ang palagi kong kasabay kumain. Nalaman na rin ng mga magulang ko ang tungkol sa batang dinadala ko na si Calvix ang ama. Noong una, galit na galit si Dad pero nawala naman kaagad ang galit nito dahil nagawang i-explain ni Lucas ang lahat dito. Hayy Lucas, dapat ikaw nalang pala ang naging anak nila. Mas nakikinig sayo si Dad. Si Mommy naman ay para bang mas apektadong-apektado kesa sa akin sa nangyari kay Calvix. Ang totoo nga daw nyan eh ay mas nauna daw nilang puntahan ang hospital room ni Calvix kesa sa akin dahil gustong-gusto daw ito makita ni Mommy. Sikreto yun ha. Sinabi lang sa akin ni Lucas. Kaya medyo nagtatampo ako. Nauna pang bisitahin ang ex-boyfriend ko kesa sa akin na anak?! Medyo masakit po.
Napangiti ako ng makita ang pinsan ko at si Andrei na magkasamang pumasok sa may pintuan ng kwarto ko at nilapag ang mga dalang prutas sa may table ko.
"Janelle! Gusto mo ba talaga yung tart?! Hindi ba pwedeng ibigay mo nalang sa kin?! Si Andrei kasi eh! Masasapak to to tingnan mo!" Pilit akong tumawa habang pinagmamasdan silang dalawa. Para silang aso't pusa na sobrang magbangayan. Pero kung tutuusin, para bang sila na ang mag-bestfriend ngayon.
"Halos 2 hours nga lang tulog ko para mai-bake yan! Tas ibibigay ko lang sa'yo?!" Sagot naman dito ni Andrei. Tumabi naman ito sa akin sa may stretcher at inayos ang kumot ko. Napangiti nalang ako. You never failed to make me smile, Andrei. I'm glad you're here... on my side.
"Pinsan ko ang girlfriend mo – ex pala! Sya ka! Hindi na ako boto sa'yo!" Umirap naman na parang bakla si Lucas dito. Natawa nalang kami pareho dito ni Andrei.
"Sige na nga. Kumuha ka na. Isa lang ha!" Sabi dito ni Andrei. Nagtatalon naman na parang bata si Lucas sa may table kung saan andon yung dalang pasalubong sa akin ni Andrei. Umayos ng upo si Andrei at humarap sa kin, "Okay na ba ang pakiramdam mo? Masakit pa ba sugat mo?" Nagaalalang tanong nya sa akin. I shook my head. Hindi na rin naman kasi ganoong kasakit tulad ng mga nakaraang araw. Bored na bored na nga ako dahil halos buong araw akong nakahiga lang at walang ginagawa.
Masaya kong pinagmasdan ang pinsan ko habang sarap na sarap na kumain ng paborito kong tart. Buntis ang girlfriend nya. Oo, tama kayo ng dinig. Buntis ang girlfriend nito. Nakaramdam nga ako ng lungkot na masayang sabihin ito sa akin ng mga magulang ko ang tungkol dito. Ayaw nga daw ipasabi ni Lucas sa akin dahil nga baka makaramdam ako ng pagkalungkot dahil nawalan ako ng magiging anak.
"Andrei, samahan mo'ko." Ngumiti lang sya bilang sagot at inalalayan akong makatayo. Alam kong alam na nya ang ibig kong sabihin. Ang samahan ako papunta sa kwarto ni Calvix.
--
"Do you feel that Janelle?" Andrei put my hand on his left chest.
"That beats for you."
"Ummm, Janelle?"
"Andrei?"
"I love you, Janelle." He fitted his hand on mine.
"I love you too, Andrei."
"Umm." Muntikan na kong mapabalikwas ng upo dahil sa napaginipan ko. Inayos kong muli ang pagkakaupo ko. Hinawakan kong muli ang kamay ni Calvix at hinaplos-haplos ito. Tumingin ako sa orasan. Napapapikit ako ng madiin dahil madaling araw na pala. Dito na din pala ako nakatulog. Nahagip rin ng mata ko ang hindi ganoon kalakihang sofa kung saan mahimbing na natutulog si Andrei.
Muli kong tinungo ang sarili ko sa may higaan ni Calvix. Hindi ko pa din binibitawan ang mga kamay nya. Hinding-hindi rin ako aalis sa tabi nya dahil gusto ko, pagmulat ng mga mata nya, ako ang unang-una nyang makikita. Malulungkot sya pag nagising sya at wala ako sa tabi nya. Kahit eto lang ang gawin ko para sa kanya, masyado ko na syang nasaktan.
"A-Andrei!" Tawag ko kay Andrei ng mapansin ko ang pag-galaw ng daliri ni Calvix!, "Andrei!" Kaagad namang bumangon ito at lumapit sa akin, "Y-yung daliri ni Calvix! Magiging na yata sya!" Pakiramdam ko para bang nagtatalon sa tuwa ang mga paru-paro ko sa tiyan. Kaagad rin namang lumabas si Andrei at tinawag ang doctor. Kinuha ko rin ang cellphone ko sa may bulsa ko at tinawagan sina Tita Aliyah na kakauwi lang para kumuha ng mga ilang damit nito.
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa saya na nararamdaman. Magigising na sya.
"Calvix... wake up now. I'm here."
*
Naglalakad-lakad ako ngayon sa may garden ng hospital. Pinayagan ako ng doctor na magpahangin muna kahit saglit lang. Pero huwag daw akong magpapakapagod dahil baka daw makasama ito sa sugat ko. Actually, kasama ko si Fatima pero umalis sya saglit dahil bibili lang sya ng pagkain naming dalawa.
Umupo ako sa bench sa may ilalim ng puno. Pinikit ko ang aking dalawang mata. Para bang kumirot ang dibdib ko ng maaalala ang nangyari kahapon ng madaling araw. Buong akala ko, magigising na sya. Pero ang sabi ng doctor, normal lang daw iyon sa isang pasyenteng comatose. Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko noong mga oras na yon. Para bang unti-unting dinudurog ang puso ko.
Tumulo na ang luha sa mata ko ng maaalala ko ang una naming pagkakakilala. Actually no, matagal na kaming magkakilala. Simula high school pa lang. Pero hindi nya ako napapansin. Siguro, hindi pa namin takdang oras iyon para maging close kami. Naging saksi ako sa first love nya, at first heartbreak nya. Naging saksi rin ako sa mga naging pagbabago sa kanya. An angel turned into player. Akala ko, ako na ang katapat nya. Akala ko, ako na yung seseryosohin nya. Akala ko, ako na yung mamahalin nya ng mas higit pa sa pagmamahal nya sa first love nya. Pero, nagkamali ako noong una dahil isang laro lang ang lahat para sa kanya.
Ngayong ako na tong mahal nya at alam ko na ang laro nya. Nagkaroon na ako ng opportunity to hurt and break him like what he did to me. Pero hindi ko akalain na ganto pala kasakit. I fell to my own game too.
Naalala ko rin ang mga araw na sobrang simple pa lang ng mga pananaw ko. Dati, wala akong pangarap sa sarili ko. Ni-hindi ko nga alam kung makakapaglakad pa ako sa harap ng altar para ikasal dahil sobra akong naiinsecure sa itsura ko noon. Pakiramdam ko, walang magmamahal sa kin. Hindi ko din akalain na isang lalaki rin ang makakapagpabago sa'kin at nagbigay ng kaisa-isang pangarap sa akin. Ang pangarap ko na kasama kong haharap sa pare at kapalitan ko ng salitang 'I do.' Yung kasama kong bubuo ng isang pamilya at sabay kaming tatanda. At hanggang ngayon, iisang lalaki pa din ang napasok sa isipan ko kada-naaalala ko ang natatanging pangarap ko, si Calvix.
"Miss?" Nilingon ko ang boses na iyon dahil sobrang pamilyar iyon. Hindi ako nagkamali at nakita si Andrei na natakbo papunta – Sino ang babaeng yon?!
Para bang nakaramdam ako ng inis at akmang hahakbang na para puntahan si Andrei pero tila ba naistatwa ako habang pinagmamasdan si Andrei kausap ang babaeng iyon. Ano ba tong nararamdaman ko?! Wala na kami ni Andrei kaya dapat hindi na ako makaramdam ng pagkaselos! Bakit ganon ang tingin sa kanya ni Andrei?! Wait! Don't tell me – He likes that girl?!
"Sis!" Kaagad na akong lumihis ng tingin at sinalubong ng isang ngiti si Fatima. Bakit ganun? Para bang gusto ko ulit silang balikan ulit ng tingin at tingnan kong ano na ba ang nangyayari sa kanila! Malay ko ba na baka nagpapalitan na sila ng numbers o ng kung ano! Kilala ko yang si Andrei! He's the same as Calvix pero alam natin na iba pa din si Andrei.
"Pasok na tayo. Parang biglang sumama yung ihip ng hangin." Aya ko kay Fatima at nauna na kong maglakad. Talaga namang biglang sumama yung ihip ng hangin eh. Kanina ang sarap pang hiphipin nung hangin. Ngayon? Parang ayoko ng huminga.
"Sumama ihip ng hangin o nagseselos? Yung totoo?" Tinusok ako sa tagiliran ni Fatima na natatawa pa, "Alam mo Sis. Ang cute cute mo pag nagseselos! Hahaha! Wag kang magalala! Ikaw pa din naman ang mahal ni Andrei! Saka..." Lumapit ito sa akin at bumulong, "Mahal mo si Andrei..."
Napakunot noo naman ako sa sinabi nya. Ngumiti ako at muling nagsalita, "Hindi ko naman tinatanggi di ba?"
"Pero naguguluhan ka pa din. Ang ibig kong sabihin, sa nakikita at nararamdaman ko, si Andrei na. Hidni na si Calvix. You'll just saying you love him because you have this idea of first love." Natigilan ako sa sinabi ni Fatima. Ano nga ba tong nararamdaman ko? Gulong-gulo na ko.
--
Play the song on the right side – Set Me Free (Taeyeon)
-After 4 days-
Nakaupo at hinihintay ko pa din ang pag-gising ni Calvix. Lumipas na ang apat na araw pero hindi pa sya nagigising. Para bang apat na taon na ang lumipas dahil gustong-gusto ko ng marinig ang boses nya, makita ang mapupungay nyang mata, at ang mga ngiti nya. Napatungo at isang malalim na hininga ang pinakawalan ko dahil sa loob ng apat na araw na iyon, unti-unti na akong nalilinawan sa nararamdaman ko.
"Janelle?" Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang isang pamilyar na boses.
"C-Calvix?!" Kaagad kong hinawakan ang kamay nya. Lahat kami ay nagsilapitan dito. Umupo ito mula sa pagkakahiga. Bakit parang may iba?
"Anak!"
"Kuya!"
"Bro! Welcome back!"
"Ma..." Napakunot noo ako dahil sa tila may pagbabago. Nagkatinginan kaming magbabarkada, "Ma... Ba't wala akong makita?! Asan si Janelle?!!! Ma! Andito sya kanina! Nasan sya?!" Para bang nanghina ang buo kong katawan at mas lalong nadurog ang puso ko na durog na noon pa.
"Ma! Asan si Janelle?!! Ma! Ba't wala akong makita?!!" Napatakip ako sa bibig kasabay nito ang pagtula ng luha ko. Ganoon rin ang lahat. Pati na rin ang mga barkada ni Calvix at kaibigan ko ay napaluha na dahil sa nangyayari. Si Tito Nathan ay kaagad na lumabas para tumawag ng Doctor. Sinalo naman ni Jared si Tita Aliyah na muntikan ng himatayin. Inupo nila ito at hinimas-himas ang likod ni Tita Aliyah na wala ring tigil sa pag-agos ang mga luha.
"Bro..."
"B-Brandon?! Brandon! Ba't wala akong makita?! Asan si Janelle?!" Napapikit ako ng marahan habang patuloy pa din sa pagtulo ang mga luha ko. Calvix... Ang sakit. Ang sakit tanggapin na nangyari sa'yo to.
"C-Calvix..."
"Andrei?! Andrei asan si Janelle?!! Ibalik mo sya sa kin!" Mas lalo kaming napahikbing lahat ng makita na tila ba pilit kaming inaapa ni Calvix, "Andrei! Asan si Janelle?! Ibalik mo sya sa kin... P-Please. K-Kailangan ko si Janelle..." Para bang nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha ko. Mas lalong sumikip ang dibdib ko at tumulo ang mga luha ko ng makita ang unti-unting pagbagsak ng mga luha sa mata ni Calvix.
"Andrei... A-Asan si Janelle?! D-Dalhin mo sya dito! Ibalik mo sya sa kin! N-Nagmamakaawa ako sa'yo..." His voice cracked and tears streamed down on his face.
Humakbang ako palapit dito at unti-unting hinawakan ang kamay nya, "J-Janelle?!"
"Oo, Calvix. A-Ako nga. Andito ako sa tabi mo."
"Janelle..." Inapa-apa nya ang mukha ko. Nilagay nya ang dalawa nyang kamay sa magkabilang pisngi ko. Pinunasan nya ang mga luha ko at sinabing, "Shh. Don't cry. I love you." Calvix, ba't ngayon pa? Kung kailan unti-unti na akong nalilinawan sa tunay kong nararamdaman.
Calvix's POV
"Car accident cause head trauma that can lead to loss of sight or blindness of both eyes either directly or through brain injury. There's a possibility that he can't see for more than a months or years. But I really think we need to have his eyes surgery. We will try to run another tests if there's another problem on his head. Excuse me." Narinig ko ang pagsarado ng pintuan.
"Ma..." Pilit ko inaapa si Mama, "Asan si Janelle?" Pagtatanong ko. Naramdaman ko nalang ang pamilyar na mainit na palad na humawak sa kamay ko. She fitted his hand on mine like we're perfectly meant for each other.
"Janelle..."
"Andito lang ako, Calvix." Hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng lungkot kahit alam kong nasa tabi ko sya. Nagagawa ko syang hawakan pero hindi ko sya makita. Nararamdaman ko sya pero bakit pakiramdam ko ang layo pa din nya sa akin?
"Ma? Pwede bang iwan nyo muna kami saglit ni Janelle?" Pakiusap ko dito. Naramdaman ko nalang ang labi ni Mama na dumampi sa may pisngi ko. Narinig ko nalang din muli ang pagsarado ng pintuan.
"Wala na ba sila? Tayo nalang bang dalawa ang nandito?" Tanong ko kay Janelle.
Naramdaman ko nalang ang pagbitaw nya sa kamay ko. Akala ko aalis at iiwan na naman nya ako. Pero tila may inayos lang ito at ayun ang kumot ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag naiwan na naman akong mag-isa. Si Janelle nalang ang pinanghahawakan at kinukuhanan ko ng lakas. Kung ang pagkabulag ko lang ang paraan para hindi nya ako iwan, mas gugustuhin ko to. Kesa ang makakita ako pero wala sya sa tabi ko. Ayoko. Ayokong makita syang masaya sa piling ng iba. Makasarili na kong makasarili pero mahal ko si Janelle. Ayoko syang mawala sa'kin.
"Oo Calvix. Tayo nalang. Bakit? May sasabihin ka ba?" Pilit kong inaapa ang kamay nya pero hindi ko mahanap iyon. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang mainit nyang palad sa kamay ko. Hindi ko syang maaaring bitawan. Paano pag nagawa kong bumitaw at umalis sya? Hindi ko alam kung saan sya hahanapin sa gantong sitwasyon ko.
Merong parte sa puso ko na nagsisisi kung bakit pa ako sumugod mag-isa para lang ipaghiganti ang nangyari sa mag-ina ko. Dahil kung hindi dahil don, hindi ako maaaksidente at hindi mangyayari sa mata ko to. Pero may maganda din naman palang dulot ito. Kahit awa nalang ang nararamdaman nya sa akin, okay lang. Basta't wag nya lang akong iwan. Hindi na nya ako mahal? Okay lang. Basta't nasa tabi ko pa rin sya. Pag nakakita akong muli, gagawin ko ang lahat para bumalik lahat ang pagmamahal nya sa'akin.
"Janelle, alam mo bang may pangarap ako?"
"T-Talaga? Ano yon?"
"Gusto kitang makatabi palagi sa pagtulog hanggang paggising sa umaga tas may makulit na bata na gumigising sa ating dalawa." Kada-matutulog ako hindi mawawala sa isipan ko ang isipin ang kinabukasan ko kasama sya pati na rin ang magiging anak namin. Sya ang gusto kong babaeng hinihintay ko sa may altar at ang kapalitan ko ng 'I do'. Sya ang babaeng gusto kong maging ina ng lahat ng anak ko. Sya ang gusto kong kasama pang-habambuhay.
"Mahal mo pa ba ko?" Kinabahan na ako dahil hindi na sya umusap kanina. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay nya, "Janelle..." Pagtawag ko sa pangalan nya. Isang sagot lang ang kailangan ko Janelle. Oo at hindi lang. Bakit ayaw mong magsalita? Naapa ko ang kaliwang pisngi nya at nakaramdam ako ng kirot sa puso ko na maramdaman ko ang luha nya sa kanyang pisngi.
"J-Janelle, b-bakit ka naiyak?" Ang hirap pala, Janelle. Bakit kahit alam kong andyan ka sa tabi ko ngayon pakiramdam ko iiwan mo pa rin ako?
"C-Calvix..." Sa pagsambit nya ng pangalan ko, alam kong may mali na. Hinawakan nya ang kamay ko, "Matagal kong pinagisipan to, Calvix. Nitong mga nakaraan, gulong-gulo pa ko. Pero ngayon, sigurado na'ko." Napahigpit ang pagkakakapit ko sa kamay nya. Ayoko. Ayoko ng marinig ang sagot nya.
"Calvix –"
"Wish. I have a wish. Can you do it for me?" Tinanggal nya ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Pero ilang sandali lang ay hinawakan nya itong muli. Medyo basa ang kamay nya at nasisigurado ko na pinahid nya ang luha nya gamit ito.
"W-Wish? A-Anong wish?"
"Don't say what you are about to say. That's my wish." Napapikit ako kasabay nito ang pagtulo ng luha ko. Takot akong marinig ang magiging sagot nya. Kahit puso ko, alam ng si Andrei ang mahal nya. Ang sakit pala talaga. Yung first love mo na pinaglaruan ka dahilanan para matuto ka na ding maglaro at manakit ng puso ng iba. Yung sinaktan mo ang babaeng walang kaalam-alam sa laro at ngayong sya na tong natutong maglaro saka ko naman sya minahal ng todo-todo. Eto na pala ang karma ko, got my heart broken and lose of my eyesight.
"Calvix..." Tinanggal na nya ang kamay nya sa akin dahilanan para makaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko para sa susunod na mangyari.
"Kahit awa nalang ang nararamdaman mo sa'kin, Janelle. Okay lang. Basta't wag ka lang aalis sa tabi ko. Tanggap ko yon. Basta't andyan ka lang at nararamdaman kita. Hindi ko kaya, Janelle. Hindi ko na alam ang gagawin ko pag wala ka. P-Please. " Napahikbi na ako. Kinusot ko ang mata ko nagbabaka-sakaling makakita ako. Pero tangina! Wala pa din akong makita!
"J-Janelle... A-Asan k-ka?!" Natataranta na'ko! Asan na si Janelle?!, "Janelle! Asan ka?! Sagutin mo'ko! Please! Nagmamakaawa ako sa'yo. Wag mo akong iwan!" Patuloy pa din sa pag-agos ang luha ko. Nilahad ko ang kamay ko at pilit na inaapa kung nasan si Janelle. Alam kong andito pa sya. Naririnig ko ang pag-hikbi nya, "Janelle... M-Magsalita ka. Nakikiusap ako sa'yo."
"Si Andrei." Sa pagbanggit nya ng pangalang iyon, napahinto ako habang patuloy pa din sa pagtulo ang mga luha ko, "Si Andrei na ang mahal ko." It feels like my heart stopped beating. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko. Ang luha ko na halos tumulo na hanggang leeg ko.
"Ayoko ng magsinungaling sa'yo Calvix. Ayoko ng patagalin pa. Ayoko rin na mawalan ng tuluyan sa akin si Andrei. Mahal ko si Andrei. Mahal ko ang pinsan mo."
"Stop it, Janelle." Kalmadong tono ng boses ko. Wala na kong lakas. Durog na durog na ako. Ayoko ng marinig pa ang iba nyang sasabihin. Hindi na kaya ng puso ko kayanin ang sakit.
"Calvix, I'm actually waiting for you to wake up –"
"—To say goodbye."
Her another words that made my heart torn into pieces again.
[Hanggang dito lang po yung kanta.]
**
"Anak say ahhh." Binuksan ko ang bibig ko para masubuan ako ni Mama. Wala pa din ako sa sarili ko hanggang ngayon. Isang araw na ang nakakalipas ng iwan nya ako. Pakiramdam ko, wala na akong dahilan para makakitang muli. Makakita nga ako at makikita ko silang masaya sa isa't isa. Ayoko. Hindi ko kaya na makita ang babaeng mahal ko kasama ang pinsan ko, ang lalaking mahal nya.
"Ma..."
"Ano yon, anak?"
"I want my eyes to be surgery on New York."
- - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro