Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 56.2: Afraid to lose you

Chapter 56.2: Afraid to lose you  

 

Calvix’s POV

 

“Wala naman akong balak idamay ang babaeng mahal mo dito eh. Ikaw ang gusto kong mawala dito sa mundong to. Let’s just see in hell, Calvix.”

“Owen! Wag!” Humarang dito si Janelle at tila nagmakaawa na huwag ituloy ang binabalak gawin nito, “Hindi man naparamdam sa’yo ni Mina na mahal ka nya pero alam ko na naging mahalagang parte ka ng buhay nya. Maniwala ka sa’kin Owen. Hindi masosolusyunan ang paggawa ng gantong bagay ang dinadala mong sakit. N-Nagmamakaawa ako sa’yo. Wag si C-Calvix.” Nakaramdam ako pagsikip ng dibdib ko dahil sa sakit na na nararamdaman dahil sa binitawang salita ni Janelle. Napaangat ang ulo ko ng hawakan nya ng mahigpit ang kamay ko. Nakatalikod pa din sya sa akin at nakaharap pa din kay Owen.

Nakita ko ang unti-unting pagbago ng emosyon ng mukha ni Owen. Ang galit sa mata nya ay napalitan ng lungkot, “Oo, galit ako sa lalaking to. Kung pwede nga, barilin mo na sya mismo sa harapan ko. Hinding-hindi ako kukurap! Pero… mahal ko eh! Mahal na mahal!” Mas naramdaman ko pa ang paghigpit nya ng pagkakahawak sa kamay ko. Ewan ko ba kung matutuwa ako dahil sa mga sinabi nya na mahal pa nya ako dahil hindi pa din mawala ang malakas na kabog ng dibdib ko. Malakas ang pakiramdam ko na may mangyayaring hindi maganda.

“Naranasan mo ng magmahal di ba? Alam mo na yung sakit mawalan ng minamahal?! Ganyan ba ka-miserable buhay mo para pati ang kasiyahan ng ibang tao gusto mong hadlangan?!” Pinunasan ni Janelle ang mga luha nya at muling hinarap si Owen, “Nagmamakaawa ako sa’yo Owen. Itigil mo na’to. Hindi pa huli ang lahat para magbago.”

Unti-unting binaba ni Owen ang baril dahilan para makahinga ako ng medyo maluwag. Napatungo nalang ito dahil mukhang napagtanto at napa-isip na sya sa mga maling nagawa nya.

Humarap sa akin si Janelle at hinawakan ang kamay ko. Napangiti ako dahil sa saya ng nararamdaman. Hindi ko akalain na matatapos ito ng ganto, yung maayos at hindi nasaktan ang babaeng mahal ko.

Hinaplos nya ang mga kamay ko. Namiss ko ang init ng mga kamay nya. Pakiramdam ko mababaliw na ako sa sobrang pagmamahal ko sa kanya. Hinawakan ko ang kaliwang kamay nya at hinaplos ito sa kaliwang pisngi ko, “Janelle…”

Kinuha nya ang kamay nya at binalik ang pwesto namin tulad kanina na hawak-hawak nya yung kamay ko, “Calvix…” And then, she smiled. The smiled that exists a years ago. The smiled that she has on her face before I hurt and played on her. The smiled that the girl I had my feelings for before. The smiled that the girl named Janelle, wears on her face before I have this mind to played a game on her.

*BANG*

“JANELLE!!!” Halos huminto ang paghinga ko at nadurog ang puso ko ng masambot ko si Janelle at napatingin sa kamay ko na puro dugo. Oh God, if this is just a dream, wake me up. Please.  

“P-Please… W-Wake u-up.” Hinawakan ko ang kabilang pisngi nya at ginigising ito.

“J-Janelle!!!” Niyakap ko sya kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko, “Janelle!!!”

“Now… tell me… How does it feel? The feeling that the girl you love is in the situation of dying?”

“FVCK YOU OWEN!” Muli kong niyakap si Janelle at hinalikan ang noo nito kasabay ang patuloy na pag-agos ng mga luha ko.

“Janelle… W-Wake up. Please…” Hindi maaari to. Hindi pwedeng mawala ang babaeng mahal ko, “Janelle… Please. Please. W-Wake up. I love you. Don’t l-leave me like this. Please. Wake up and come back to me.”

Tumingin ako sa direksyon ni Owen na nakatutok pa rin ang baril sa akin, “Kill me too. I’m nothing without her anyway. Just kill me now and pull the trigger. SHOOT ME!”

“C-Calvix…” Binaba ko ang tingin ko kay Janelle na kanina ay walang malay na ngayon ay mulat na ang dalawang mata.

“Janelle…” Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan ang labi nito. Hindi pa din natigil sa pag-agos ang mga luha ko. Iniisip ko pa lang na mawawala sya sa akin, hindi ko na kaya. Bakit kung kailan mahal na mahal ko na ang babaeng to, saka pa nangyari ang ganto?! Eto ba ang parusa ko sa lahat ng mga babaeng sinaktan at pinaglaruan ko?! Tangina! Hindi dapat ang babaeng mahal ko ang nahihirapan! Dapat ako!

“C-Calvix… M-Mahal na mahal k-kita. Tandaan mo yan.” Naramdaman ko ang mainit nyang palad sa kaliwang pisngi ko, “B-Baby…” Pagkatapos non ay muli na syang nawalan ng malay.

“B-Baby?” Nanlaki ang mata ko ng may makita akong mga dugo sa may hita nya. Mas lalo binalot ng takot at sakit ang puso ko. She’s… pregnant.

“JANELLE!” Wala na ako sa sarili at napahagulgol nalang habang yakap-yakap ko si Janelle. Tanging boses nalang ni Andrei ang narinig ko. Hindi ko kaya pag nawala sya. Mahal namin ang isa’t isa. Mahal pa nya ako. Yayayain ko pa syang magpakasal at… magkaka-pamilya pa kami. Hindi sya pwedeng mawala ng ganto nalang. Hindi ko pa gaanong naipaparamdam kung gaano ko sya ka-mahal. Hindi ko pa nagagawa lahat ng mga bagay na gusto kong gawin kasama ang babaeng mahal ko.

--

  

“Gio… Yung dugo ba sa hita ni Janelle kanina… A-Ano ibig sabihin non?” Napalingon ako kay Andrei na tila wala rin sa sarili. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pagkagalit sa sarili ko dahil nabuntis ko ang girlfriend ng pinsan ko.

Mahigit ilang oras na kaming naka-upo rito at hinihintay ang paglabas ng doctor sa emergency room. Hindi pa din tumitigil sa pag-tulo ang mga luha ko. Napasapo nalang ang kamay ko sa noo ko. Buntis si Janelle. Magkaka-anak kami ng babaeng mahal ko. Jusko. Iligtas nyo ang mag-ina ko.

“A-Andrei…”

“It means… she’s pregnant, isn’t she?” Napaangat ang ulo ko dahil sa tinanong ni Andrei.

“Andrei, hindi natin alam. Doctor lang ang makapagsabi sa atin ngayon. Pero sa pagkakaalam ko, yeah. I think she’s pregnant. Nakakapanood na rin ako sa tv na yung mga nagdadalang tao pag may nangyaring nakasama sa kanila, may tutulong mga dugo sa hita nila at dadalin sa ospital.”  

“Wala na tayong ibang magagawa kundi ang mag-dasal nalang para sa kaligtasan ni Janelle at ng baby. And yeah, I also think she’s pregnant.” Nabaling ang tingin ko kay Daniele na nagsalita, “She’s being sensitive these days. Napaka-selan nya sa pagkain at amoy. At… Nakita ko rin sya isang beses na nagsusuka. That’s all the symptoms of a pregnant woman right?”

“God. Wala sanang mangyaring masama kay Janelle at sa baby nya.” Pagdadasal ni Fatima.

Tinapik sa likod ni Gio si Andrei, “You’ll having a baby soon. Let’s just pray for her and for your baby. Congrats, Andrei. You’re soon to be a father now.” Binigyan ni Gio ng isang ngiti si Andrei.

Unti-unting may tumulong luha sa mata ni Andrei, “We still don’t do it, Gio. We never sleep with each other.” Halos manlumo ako sa narinig ko. Eto na ba? Eto na ba ang isa sa kinatatakutan ko? Ang magkaalam na?

Nagulat ako ng biglang may humawak sa kwelyo ko at sinunggaban ako ng suntok, “ANDREI!” Pigil rito ng mga barkada ko.

“Bro! Relax lang! Walang kasalanan dito si Calvix!” Pigil rito ni Christopher ng akmang susugudin ako nitong muli.

“IKAW BA?! IKAW BA ANG AMA?!!”

“Andrei, ano ba yang pinagsasabi mo?! Hindi magagawa ni Janelle ang lokohin ka!” Sigaw ni Jamiatra dito. Humarap naman dito si Andrei dahilanan para mapa-hakbang ito ng kaunti dahil sa kakaibang aura ang nababalot kay Andrei ngayon. Hindi sya ang Andrei na kilala ko. Hindi sya ang kaibigan ko. Hindi sya ang pinsang tinuring kong kapatid simula pagkabata.

“HINDI MAGAGAWA?! ANO BA JAMIATRA! HINDI TO ANG UNANG BESES! ALAM NG LAHAT ANG GINAWANG PANLOLOKO AT PAGLALARO SA AKIN NG GIRLFRIEND AT NG SARILI KONG PINSAN! WAG MONG SABIHING ISA KA SA MALAPIT SA KANYA PERO HINDI MO ALAM ANG GINAWA NILA SA KIN?!” Nagulat kaming lahat ng itulak ni Andrei si Jamiatra dahilanan para sumugod dito si Clarence na kaagad naman na napigilan ni Dylan.

“TEKA LANG NAMAN ANDREI! LABAS DITO ANG GIRLFRIEND KO AT WALA KANG KARAPATAN PARA SAKTAN SYA!”

“A-Andrei… ang ibig kong sabihin… hindi magagawa ni Janelle na lokohin ka ng pangalawang beses. Ikaw na ang mahal nya.”

“AKO?! MAHAL?! TANGINA! ILANG BESES KO NG NARIRINIG AT PINANINIWALAAN YAN! PERO ANO?! HANGGANG KAILAN KO PANGHAHAWAKAN ANG SALITANG MAHAL NYA AKO KAHIT AKO ALAM KO SA SARILI KO NA SI CALVIX PA DIN?!” Napakagat labi ako dahil sa kakaibang nararamdaman ng puso ko. Nasa loob ang mag-ina ko, wala man lang akong ka-ideya ideya na magkakaanak na pala kami. Hindi ko kakayanin pag isa man sa kanila ang nawala. I swear to God, I’ll kill Owen on my own hands. He better hide now. And yes, he escaped… again. If something bad happened to Janelle or to our child, I’ll kill him. I’ll really kill him. Idagdag mo pa ang galit at pagkamuhi sa akin ni Andrei ngayon. Para bang wala ng space ang puso ko para sa iba pang sakit na nararamdaman.

“Andrei…” My mouth hang opened with my tears.

“Bro, ano ba yang ginagawa mo?!” Pilit syang tinatayo nina Gio at Bryan pero tinabig nya ito. Andrei is – kneeling down on me.

“So this is how it feels like to kneeled on someone. You did this before, right? To Aubrey? You want her to come back to you? We’re cousins. I guess, it runs in our blood. Kneeling down when you’re desperate in something.” Nakatungo pa din ito kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha nya. Pero sa tono ng boses nya, alam kong nasasaktan sya.

“Bro, you don’t need to this kind of thing. Madadaan to sa usapan.” Pagpupumilit pa din ni Gio dito.

“Hindi ba pwedeng ipaubaya mo na sya sa akin? Lahat ng babae nakukuha mo Calvix. Madami pang mas hihigit kay Janelle. Hindi ba pwedeng sa akin na sya at humanap ka nalang ng iba?”

I took a deep breath, “No girl can ever replaced her, Andrei. She’s different from other girls. That’s why we fall to her, right?”

“Ako na yung mahal nya. Hindi pa ba sapat yon para tumigil ka na at hayaan mo nalang kami maging masaya? Aakuin ang lahat. Tatayo akong ama nung bata. Mamahalin ko sya na parang ako talaga ang ama nya. Basta’t hayaan mo nalang kaming magsama ni Janelle. Mahirap bang gawin yun Calvix? Ako na ang mahal ng babaeng sinaktan at pinaglaruan mo lang noon. Masaya na kaming dalawa.”

“We make love to each other. I really make sure that night I’ll get her pregnant. Kung ligtas yung bata – No. Ligtas yung bata. I’ll stick to that no matter what. Magiging okay silang dalawa. Andrei, there is only one thing you can tell, a family. Janelle, the baby, and me, a happy family. Wala akong balak na hindi panagutan ang sarili kong anak. At wala akong balak na ibigay sa’yo na parang isang bagay nalang ang babaeng mahal ko at ang magiging anak namin.”

Inangat nito ang ulo nya at nakita ko ang namamaga at namumula na nitong mata. Nakaramdam ako ng kirot sa may dibdib ko dahil nasasaktan rin ako. Isa pa rin si Andrei sa pinakamahalagang tao pa rin sa akin. Isa sya sa mga taong nagbibigay lakas sa akin.

“Stand up now Andrei. Even you kneeled down on me, it’s not gonna make me change my mind. I’ll fight for her. I’m not giving up.” Tinulungan na syang itayo ni Gio at ni Bryan.

“Kuya?”

“Anak?” Napalingon kaming lahat kung saan nagmula ang boses na iyon. Nanlaki ang mata ko ng makita ang mga magulang ko pati na din ang kapatid ko. Anong ginagawa nila dito sa ospital? At isang senaryo ang bumalik sa utak ko.

-Flashback-

 

“Ma? Di nga? Weh? Dad naman eh! Niloloko nyo ko eh!” Umagang-umaga malakas kaagad na boses ng kapatid ko ang narinig ko mula sa ibaba. Tss. Dapat talaga hindi na ako umuwi dito. Si Mama naman kasi nagda-drama na naman. Miss na miss na daw nya ang pinakagwapo at ang panganay nyang anak. Well, anong magagawa ko? Nakakamiss talaga ang presence ko.

 

“You’re acting like that because you’re not the baby here anymore. Haha!”

 

“Dad!” Narinig ko ang sigawan at tawanan sa ibaba. Kinabit ko ang headphones ko at naglakad ng pababa sa hagdan.

 

“Kuya!” I tried to ignore my sister’s presence pero shet! Ang lakas ng pagkakabato ng unan sa ulo ko kaya naman natanggal rin ang headphones ko.

 

“WHAT?!”

 

“Hindi na ako ang bunso! Magkaka-baby na ulit sina Mommy at Daddy! Yieee! Magkaka-baby boy ulit! Hindi ka na only boy ng family!” Dinilaan pa ko ng kapatid ko. Kaagad naman itong muling yumakap kay Mommy at hinakawan ang tiyan nito tapos ay kinausap ito, “Baby, ayan ang Kuya natin. Pogi ano? Pero alam ko na mas pogi ka pag lumabas ka na. Wag ka lang gagaya dyan na babaero ha? Stick to one ka lang dapat. Haha!”

 

Nilapitan ako ni Dad at tinapik ako sa balikat, “You’re mom is pregnant. You’ll be having a baby brother.” Nakangiting sabi nito sa akin. Nakaramdam ako ng pagiging isang masamang anak sa aking sarili. Halos ilang buwan akong hindi nauwi dito o kaya naman palagi nalang dalaw nalang. Hindi na lalampas ng isang araw dahil talagang mas komportable na ako sa condo ko na mag-isa lang ako na naandon. At masyado naging magulo ang buhay ko ngayong taon dahil muli na akong nagmahal.

 

Tumingin ako kay Mama na hinihimas-himas ang tiyan nito. Ngumiti ito at pinauupo ako sa may sofa katabi nya, “Can you spend more time with us? I miss my Patrick…” Kahit nakangiti si Mama, ramdam ko ang lungkot dahil sa tono ng boses nya. Naging malayo ang loob ko sa kanila dahil naging abala ako sa isang relasyon na isang laro lang pala para sa babaeng mahal ko.  

 

-End of flashback-

 

Kaagad na lumapit ito sa akin, “A-anak… Bakit may d-dugo?” Nagtatakang tanong ni Mama na nakatingin sa damit ko na puro bahid ng dugo, “Anong ginagawa nyong lahat dito?” Sabay tanong nito sa lahat ng kabarkada ko pati na rin kina Jamiatra.

Pinahid ko ang luha ko at muling humarap dito, “A-Ano pong ginagawa nyo dito?” Pagiiba ko ng usapan kahit alam ko naman talaga kung anong ginagawa nila dito sa ospital. Ayokong ipaalam ang nangyari kay Janelle pati na rin dinadala nito. Hindi pa ko handa sa magiging reaksyon ng magulang ko.

“I asked you first Patrick. What happened?”

“Ma….”

“Just answer me Patrick! Anong nangyayari?!”

“Ma, s-si J-Janelle…”

“Doc!” Lahat kami ay napalingon at kaagad na tumakbo sa direksyon nito.

“Where is the guardian?”

Kaagad na tumaas ng kamay si Andrei, “Ako po. Ako po ang boyfriend nya.”

He even took a deep breath and said, “She’s fine and she’ll wake up soon.”

“How about the baby!?!” Sabay pa naming tanong ni Andrei kaya naman nagkaroon pa kami ng isang mainitang matagalang titigan sa bawat isa.

“The baby… about it…” Muli kaming dalawang napalingon dito at halos mabaliw na ako dahil gustong-gusto ko ng malaman kung anong nangyari sa anak ko.

“…I’m sorry. Masyado pang mahina ang kapit ng bata. In a situation like this, there is really no possibility that a child will survive 100%. Even the mother has a possibility of dying. She is just 8 weeks pregnant. I’m really sorry but the baby didn’t make it. I’m really sorry. Excuse me.”

Nanghina ang mga tuhod ko dahilanan para mawalan ako ng balanse at napaupo sa sahig kasabay nito ang pag-agos ng mga luha sa mata ko.

“A-Anak k-ko...”

- - - - - - - - - - - - - -

 [A/N: Ipupublish ko po ulit ang Finally Found You (Aliyah & Nathan's story) Yung love story po ng magulang ni Calvix. Sa mga nakabasa po nun, madami pong nabago. I hope you'll read it too guys. :)) 

Last 4 chapters pa pala! Hahaha! Then, epilogue <333

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro