Chapter 56.1: Unexpected things
Chapter 56.1: Unexpected things
Calvix’s POV
-BOY’S NIGHT OUT (BAGUIO)-
“Aysh! Seriously, no girls allowed talaga?! Guys, baka naman magbago pa isip nyo dali! Isang tawag ko lang kay Manong Erick magdadala yun dito! Calvix, cooperate with me naman! Wag mong sabihing payag ka sa kagustuhan nitong mga ugok na’to?!!” Inis na sabi sa akin ni Brandon na kanina pa ko kinukulit. Biglaan kasi tong boys night out daw. Kahapon nga lang ng gabi napag-usapan dahil hindi na daw kami nakakapagbakasyon. Sa halos 2 weeks na ipapasok sa school, siguro hindi na kami papasok at magbabakasyon nalang ng maaga. Pero syempre, babalik din kami sa Manila after 2 or 4 days. Hindi ako papayag na matagal ko syang hindi makikita. I’m still not giving up. I never will. Kahit sampung beses pa nyang tanggihan ako, hindi ako titigil. Alam kong mahal pa nya ako. Hindi ko lang alam kung bakit hindi nya maiwan si Andrei. Hindi ba’t ako dapat ang piliin nya dahil ako yung talagang mahal nya?
That night? I’ll never forget that. Never. Pinaramdam ko sa kanya noong gabing iyon kung gaano ko sya kamahal. At naramdaman ko rin kung gaano nya ako kamahal sa ginawa namin. It’s not sex! We make love. Iba pala talaga ang pakiramdam pag mismong babaeng mahal mo ang katalik mo. Hindi yung kanino ka nalang makaramdam ng init ng katawan.
“Bro! Nakikinig ka ba?! Bro naman! Sige na! Sabihin mo din sa kanila na dapat may girls din tayong kasama! Tayo tayo lang naman eh!” Sabi na naman ulit sa akin ni Brandon. Yeah, a cool guy and now a casanova. He got his heart broken on his first fall. Tanginang pag-ibig talaga oh! Sa sitwasyon ni Brandon, kaibigan mo pa mismo ang kaagaw mo! Parang ako, ka-dugo ko ang kalaban ko sa babaeng mahal ko. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng mga babae, si Janelle pa ang minahal ko? Ano bang ginawa nya sa lalaking tulad ko na mapaglaro sa pag-ibig? Na kahit kaninong babae ako tumingin, sya ang nakikita ko? At anong ginawa ni Jamiatra kay Brandon na ang lalaking never na ngumiti at matigas ang puso ay napangiti nya at natutong magmahal?
Ibinaba namin ang mga gamit sa may sahig at ibinagsak ang mga sarili namin sa kama, “Brandon, kung gusto mong mang-chicks ngayong gabi pumunta ka dun sa bar sa may kabilang kanto! Gusto mo samahan pa kita eh! Joke! Haha! Loyal yata to!” Kindat sa amin ni Dylan. Napa-iling nalang kami nila Seth. Palibhasa, may girlfriend na eh.
Masaya kong pinagmasdan si Dylan na sobrang kinikilig habang ka-text si Chandria, ang girlfriend nya. Tama nga sila. Walang pangmatagalan na pagmamahal. Parang ako kay Aubrey, si Dylan kay Fatima. Simula pagkabata, si Fatima na ang gusto nya. Naalala ko tuloy ng masaksihan naming lahat ang pag-amin ni Fatima na may nararamdaman na sya kay Dylan.
-Flashback-
“Dylan, g-gusto kita.” Nakatungong sabi ni Fatima dito. Akala nga namin ay magtatatalon sa tuwa si Dylan pero hindi eh. Dahan-dahan nyang tinanggal ang pagkakakapit ni Fatima sa kamay nya.
“D-Dylan…” Nagsimula ng tumulo ang mga luha ni Fatima.
“G-Ganun ka ba mabilis mapagod Dylan ha? Akala ko ba mahal mo’ko?” Napakamot nalang ng ulo si Dylan.
“Hindi naman ‘Mahal’ ang tawag ko sa’yo eh. Crush lang. He-he.” Pabiro pang sabi nito at tumawa pa. Pero kita naming magbabarkada sa mata ni Dylan na nasasaktan pa din sya kay Fatima.
Binatukan lang sya ni Fatima, “Nagawa mo pang mag-biro?! Dylan naman eh! Gusto nga kita eh! Mali, mahal kita! Di ba ang sabi mo hindi ka mapapagod na mahalin ako?! Eh bakit sumuko ka na ha?! Kung kailan naman mahal na kita eh!”
“Hindi naman ako napagod na mahalin ka eh.” Napaangat ang ulo ni Fatima sa sinabi ni Dylan at saglit na pinunasan ang mga luha, “Ang nakakapagod lang ay yung antayin kang mahalin mo rin ako.”
Nagulat naman ako ng yakapin ako ni Clarence mula patalikod, “Kawawa si bestfriend! Huhu! Mahal pa nya si Fatima. Gusto nya pa lang si Chandria.” Sabi nito.
Muli naming ibinalik ang tingin namin sa kanila, “Simula elementary pa lang tayo Fatima, inaabot na kita. Hanggang ngayong tumungtong din tayo ng college di ba? Ngayon lang naman ako tumigil ng paghahabol sa’yo di ba? Yun yung naging kayo ni Jared. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan noong mga panahong yun. Ang hirap maging masaya dahil sa loob-looban mo ang sakit-sakit na. Ang hirap magpanggap na okay lang para sa’yo ang lahat. Na yung babaeng mahal na mahal mo at yung kabigan mo.” Para bang halos lahat kami nagulat sa pag-tulo ng luha ni Dylan. Sa tagal naming pagkakaibigan, hindi ko pa sya nakikitang umiyak. Sya kasi yung tipo ng tao na kahit may sakit na nararamdaman, nagagawa pang magpatawa.
Hinawakan nito ang kamay ni Fatima, “Oo, aaminin ko. Mahal pa din kita. Pero… Hindi ko kayang saktan at iwan si Chandria. Sya lang kasi yung meron ako noong panahong wala ka. Sa kanya ko din naramdaman kung ano ang pakiramdam ng mahalin. Hindi ko pa mahal si Chandria sa ngayon. Pero alam kong malapit ko na syang mahalin. Konti nalang. Fatima… sorry. Let’s just stay friends.” Pagkasabi ni Dylan nun ay naglakad na syang papalayo.
-End of flashback-
“Dude, nabalitaan mo ba?” Tanong sa akin ni Troy ng tumabi ito sa akin sa may sofa.
“Ang ano?” Tanong ko dito habang nagwe-weibo ako sa cellphone ko.
“Nag-suicide daw si Mina, again. She’s dead on arrival.” Halos lahat kaming magbabarkada ay nanlaki ang mata at hindi makapaniwala sa nangyari. This is the second time. First, she attempt suicidal. Buti nga at nakaligtas sya. Pero bakit kailangan pa nyang gawin to ngayon? Now that she’ll carrying a child on her tummy. Ni-wala man lang akong kaalam-alam na buntis pala ang kababata ko.
“W-What?!” Sabay-sabay naming sabi.
“Kakabalita lang sa akin ni Alexa eh. Even her baby died.” Mas lalo akong nakaramdam ng panghihina sa narinig ko. Naging mahalaga ring parte ng buhay ko sa Mina. She’s a good friend back then. Noong panahon na hindi pa sya nahuhulog sa akin.
“E-Eh bakit daw nag-suicide?” Tanong rito ni Andrei. Napapikit nalang ako ng marahan. Yeah, the three of us. We’re bestfriends. Ni-hindi pa kami nagkaka-ayos tas mawawala nalang sya kaagad?
Nagulat ako ng biglang higitin ni Andrei ang kwelyo ko, “IKAW LANG NAMAN ANG PWEDENG DAHILAN KUNG BAKIT SYA MAGSU-SUICIDE DI BA?! UMAMIN KA NGA, IKAW ANG AMA NG BATANG DINADALA NYA ANO?! EH TANGINA! BAKIT HANGGANG NGAYON PINAGPIPILITAN MO PA RIN ANG SARILI MO KAY JANELLE?!” Biglang nandilim bigla ang paningin ko sa narinig at kaagad na sinunggaban ito ng suntok. Yung suntok na matagal ko ng gustong itama sa mukha nya dahil matagal na akong nagtitiis.
”TANGINA! GANON NA BA ANG TINGIN MO SA’KIN?! NA PATI ANG KABABATA NATIN GAGALAWIN KO?! TANGINA ANDREI! WALA AKONG KAALAM-ALAM DITO! NI-HINDI NA NGA KAMI NAGKIKITA O NAGKAKAUSAP MAN LANG NITONG NAKARAANG MGA BUWAN!” Hinawakan ko rin ang kwelyo nito at sinuntok muli ang mukha nito, “AT HINDI KO PINAGPIPILITAN ANG SARILI KO KAY JANELLE! AKO ANG TALAGANG MAHAL NYA! HINDI KA LANG NYA MAGAWANG IWAN DAHIL ANG NAAAWA SYA SA’YO! MINSAN BA HINDI SUMAGI SA ISIP MO NA BAKA GINAMIT KA LANG NYA PARA MAKAPAGHIGANTI SA KIN?!”
*BOGSH*
“ANDREI!”
“CALVIX!”
“GAGO KA! MAPAPATAY KITA! UGH! MAHAL AKO NI JANELLE!” This time, sya ang nakadagan sa akin at pinuro ang mukha ko.
Ginamit ko ang lahat ng lakas ko para maitulak sya at sinunggaban rin ito ng suntok, “MA-SWERTE KA NGA DAHIL IKAW ANG MAS PINILI NYA KESA SA’KIN! PERO ANO?! AKO PA DIN ANG MAHAL NYA!”
“Ano ba?! Nagpunta tayo dito para mag-bakasyon! Hindi para mag-away para sa iisang babae! Hindi ba pwedeng ang pagkakaibigan at ang matagal na nating pagsasamahan ang isipin natin ngayon?! Hindi ba pwedeng maging okay tayong lahat?! Madami pang mga babae sa mundo! Wag lang nating pagtuunan ng pansin ang iisang babae!” Napabitiw kaming dalawa ni Andrei ng itulak kami parehas ni Brandon. Kita ko ang pagka-galit at pagka-inis sa mata nya.
“BAKIT BA KASI NAISIPAN NYONG MAGKASAMA-SAMA ULIT TAYO HA?! HINDI LANG NAMAN ANG PAGKAKAIBIGAN NAMIN ANG MAY LAMAT NA AH! SI DYLAN AT JARED RIN! SI JUZTINE AT SETH DIN! SI CLARENCE AT IKAW BRANDON! DAPAT PALA TALAGA HINDI NA AKO SUMAMA! I KNEW THIS WOULD HAPPEN!” Akmang aalis na si Andrei pero hinawakan ni Brandon ang kwelyo nito.
“Pre, chill lang. Si Andrei yan.” Pilit na pinipigilan nina Gio at Christopher si Brandon hawak-hawak pa din ang kwelyo ni Andrei.
“PARA MAGING MAAYOS NA ANG LAHAT AT BUMALIK NA TAYO SA TULAD NG DATI. YUNG PAGSASAMAHAN NATIN NA WALANG TATALO. YUNG PANGAKO NATIN NA WALANG IWANAN. YUNG TAYO NOONG WALA PA SILA. NOONG WALA PA TAYONG NAGUGUSTUHAN. NOONG HINDI PA IISA ANG NAGUGUSTUHAN NATING BABAE. HINDI BA PWEDENG BUMALIK TAYO TULAD NG DATI!?! HA ANDREI?! KAYO NI CALVIX! BATA PA LANG MAGKASAMA NA KAYO. PERO BAKIT DAHIL SA ISANG BABAE NAGAWA MONG ITAPON LAHAT SA INYO?! AT IKAW CALVIX!” Humarap naman sa akin ito na syang ikinagulat ko, “ALAM MONG MAY PAGTINGIN SI ANDREI KAY JANELLE! PERO BAKIT NAGAWA MONG UNAHAN SA PAG-PORMA SI ANDREI KAY JANELLE?! GANON NALANG BA YON?! HINDI MUNA INIISIP ANG KAIBIGAN?! BASTA NALANG MAKUHA MO ANG INOSENTENG BABAE AT MAPAGLARUAN?! TANGINA CALVIX! TAMA NA ANG PAGLALARO! PAG NAGMAHAL KA AT IKAW ANG NAPAGLARUAN, MABABALIW KA SA SOBRANG SAKIT. YUNG NARAMDAMAN LAHAT NG MGA BABAENG PINAIYAK MO, SYANG DOBLENG SAKIT ANG BALIK NYAN SA’YO.” Inis kong pinahid ang luha ko dahil kahit si Brandon ay naluluha na.
“NGAYON, ANO BANG PAKIRAMDAM NG MAGMAHAL AT MASAKTAN NG BABAENG PINAGLARUAN MO LANG NOON?!” Napapikit ito at inis na ginulo ang buhok ng umupo ito sa may sofa, “Dalawang beses kong dinamayan si Janelle ng mga panahong nasasaktan sya ng dahil sa’yo. Hindi mo alam kung gaano ka nya kinamumuhian. Kaya nga noong naging kayo, sobra akong nagtataka. At sa mga panahong iyon, may hinala ako na may iba syang binabalak. Wala akong pinagsabihan dahil hindi pa naman ako sigurado. Pero sa nasaksihan ko noong nakaraang buwan, when you ask her to marry you.”
“TANGINA! HINDI MO BA TALAGA LULUBAYAN ANG GIRLFRIEND KO?!!!” Napa-upo ako sa sahig ng sunggaban na naman ako ng suntok ni Andrei. Sh*t!
“Andrei!” Pinigilan sya nina Juztine. Itinayo naman kaagad ako ni Bryan.
“BAKIT?! NATATAKOT KA BA NA UM-OO SYA SA’KIN AT IWAN KA NYA?! EH KAHIT NAMAN PALA KAY JANELLE WALA KANG TIWALA! ALAM MO BANG TINANGGIHAN NYA AKO DAHIL MAS PINILI KA NYA!” Napayukom ang palad ko at napakagat labi dahil pinipigilan ko ang mga luha na maaaring bumagsak dahil naalala ko naman ang gabing inalok ko sya ng kasal pero tinanggihan nya ako. Mahal pa nya ako. Panghahawakan ko iyon at ipaglalaban ko sya. Hindi ako titigil hangga’t hindi ako ang pinipili nya.
“PAANO NYO MAIBABALIK ANG TIWALA KO KUNG PAREHO NYO KONG GINAGO?! MAG-KAIBIGAN AT MAG-PINSAN TAYO PERO ANO?! INAAGAW MO SA’KIN ANG BABAENG MAHAL KO! HINDI BA PWEDENG HAYAAN MO NALANG KAMING MAGING MASAYA NI JANELLE?! HINDI BA PWEDENG IPAUBAYA MO NA SYA SA AKIN DAHIL IKAW NA RIN ANG NAGSABI, AKO NA TONG PINILI NYA?!”
“Andrei…” Hinawakan ni Clarence ang braso nito pero kaagad nya itong itinabig.
Pinunasan ko ang putok kong labi at binalik ang masamang tingin kay Andrei, “HINDI KO SUSUKUAN SI JANELLE, ANDREI. MAHAL KO SYA. KUNG ANG KALABANIN KA PARA MAIBALIK KO SYANG MULI SA KIN, GAGAWIN KO. NASA AKIN NA ANG PUSO NI JANELLE SIMULA’T SAPUL PA LANG. KAYA KUNG NGAYON NA IKAW ANG PINILI NYA, TANDAAN MO NA IISA LANG ANG DAHILAN, NAAAWA SYA SA’YO DAHIL NI-MINSAN HINDI NYA NASUKLIAN ANG PAGMAMAHAL NA IPINARAMDAM MO SA KANYA.” Naglakad na ako papaakyat sa itaas at nagkulong sa kwarto.
--
Isang araw na ang nakalipas ng mangyari ang alitan sa pagitan namin ni Andrei. Hanggang ngayon naman ay nagkakailangan pa din kaming dalawa. Pinipilit nga ako ni Bryan na makipag-ayos na daw kami sa isa’t isa. Eh tangina! Babaeng mahal ko ang pinaguusapan dito. Once na makipag-ayos ako, pakiramdam ko pinaubaya ko sa kanya si Janelle! Hindi! Hindi ako papayag!
Pumunta ako sa may balcony ng rest house namin dito sa Baguio. Napapikit ako ng marahan at dinama ang hangin. Pakiramdam ko wala akong lakas. Ni-hindi ko sya nakikita. Kahit ilang beses nya akong ipagtabuyan at saktan, hinding-hindi ko sya susukuan. Alam kong mahal pa nya ako. Natatakot lang sya na iwan si Andrei. Natatakot lang syang saktan ito.
Bumalik ako sa ulirat ko ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko sa may bulsa ko. At halos manghina ang mga tuhod ko at nakaramdam ng kirot ang puso ko sa nabasa kong text.
‘If you want to see her alive, come alone. ALONE.’
At isang larawan pa ang sinend sa akin nito na nakahalundusay si Janelle sa sahig na may mga tali ang kamay at paa. Sunod naman nitong tinext kung saan ako pupunta para mailigtas si Janelle.
“Oh, pre, san ang punta natin?” Bungad na tanong sa akin ni Seth ng makababa ako ng hagdan. Nakuha ko lahat ng atensyon ng barkada ko na napatigil sa kanilang sari-sariling ginagawa.
“M-Magpapahangin lang.” Medyo nautal ko pang sagot. Sh*t! Kailangan ko bang humingi ng tulong sa kanila? Kay Andrei kaya? Iisang babae lang ang mahal namin. Kailangan kong iligtas si Janelle sa kamay ni Owen. Baka may mangyaring masama sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag napahamak si Janelle.
“Ah…” Sabay-sabay nilang sabi at binalik ang atensyon sa kani-kanilang mga ginagawa. Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon at kaagad ng lumabas ng rest house namin at pinaandar ang sasakyan ko papaalis.
--
“You’re really not afraid to death, are you?” Napaluhod ako sa sahig ng isang malakas na suntok ang naramdaman ko sa sikmura ko. Akmang tatayo na ako pero isang malakas na naman na suntok ang natamo ko.
“Calvix!” Kinuha ko lahat ang lakas ko para makatayo. Para bang nakaramdam ako ng pagkahina at ng galit sa sarili ko ng makita ang babaeng mahal ko na nasa gantong sitwasyon ng dahil sa akin.
“I’m not afraid of you.” Tinitigan ko ng masama si Owen habang nakahawak pa din ako sa sikmura ko. Mas lalo akong nakaramdam ng pagkatakot na baka saktan nya si Janelle ng magsimula na itong humakbang papalapit dito.
“DON’T. YOU. DARE. TOUCH. HER. IF YOU DID, YOU’LL DIE.”
“Woah! I’m scared! God! Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Para tuloy gusto ko ng itigil ang lahat ng to at sumunod nalang sa babaeng mahal ko sa langit. Pero tangina! Sa impyerno ang bagsak ko! Bakit hanggang sa kabilang buhay hindi kami pwedeng magkasama?!” Sinipa nya ang bangkuan kung saan nakaupo si Janelle dahilanan para mapatumba ito.
“Janelle!” Akmang susugod ako pero kaagad akong nakapitan ng tatlong lalaki.
“C-Calvix…”
“Pinakulong ka na namin!” Sigaw ko at ininda ang sakit na nararamdaman ko, “Napakulong ka na namin… B-Bakit ---“
“Money and power. Baka nakakalimutan mo, Calvix? Mas mayaman ang lalaking na sa harapan mo at mas makapangyarihan. Kaya kitang bilhin, buong pamilya mo, barkada mo at ‘tong girlfriend mo.” Hinigit nito ang buhok ni Janelle dahilanan para mapahiyaw ito sa sakit.
“DON’T YOU TOUCH HER! I’LL REALLY KILL YOU BASTARD!”
“C-Calvix…”
“Janelle!” Napalingon kaming lahat sa sumigaw ng pangalan ni Janelle.
“A-Andrei?!” Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Andrei kasama ang mga barkada ko. Kaagad na tumakbo papalapit sa akin sina Clarence. Binalik ko ang tingin ko kay Owen na may malapad na ngiti na dahilanan para makaramdam ako ng pagkatakot sa mga maaaring mangyari.
“ANO NA NAMAN BA TO CALVIX HA?!” Hinawakan ni Andrei ang kwelyo ng damit ko, “ANO NA NAMAN BANG GULO TO AT KAILANGANG MADAMAY NA NAMAN ANG BABAENG MAHAL NATIN?!” Nakaramdam ako ng pagkirot sa may dibdib ko. Bakit kailangang madamay pa si Janelle?
“Hindi tayo ang magkalaban ngayon. Parehas lang ang pakay natin dito, ang iligtas si Janelle.” Kaagad nitong binitawan ang kwelyo ng damit ko at humarap naman kay Owen.
“Hindi ba pwedeng labas na si Janelle dito? She has nothing to do with this.” Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko at inayos ko ang tono ng boses ko para makapag-usap ng maayos.
“No. She’s into this. Dahil sa kanya, naging miserable ang buhay ng babaeng minahal ko.” Nanlaki ang mata ko at napahakbang ako ng higitin nito sa buhok si Janelle.
“Tangina! Wag mo syang hawakan!” Dahilanan para mapasugod ako pati na rin ang iba kong mga barkada. Napaupo ako saglit pero kaagad akong tumayo at ginantihan rin ng suntok ang apat na lalaki na kalaban ko ngayon.
*BOGSH*
“Calvix!!!” Napalingon ako sa boses na sumigaw ng pangalan ko at nakita si Janelle na higit-higit ni Owen papalabas.
“Sh*t!” Sambit ko nalang at kaagad ng ginantihan ng mga suntok ang mga kasamahan nito. Hindi ko alam kung ilang tao ang mapapatay ko pag may nangyaring masama kay Janelle.
*BOGSH*
*BOGSH*
Napatingin ako kay Andrei na syang sumuntok at gumulpi sa mga kalaban ko, “Sundan mo na sila. Bilisan mo. Baka mapaano si Janelle.”
“A-Andrei…”
“Pangalan mo ang tinawag nya kanina. Ibig sabihin, ikaw ang kailangan nya. Please, Calvix. Save her. Hindi ko alam kung anong magagawa ko pag may nangyaring masama sa kanya.” Muli na syang tumalikod sa akin at sya na ang nakipaglaban para sa akin.
--
“C-Calvix…”
“Bitiwan mo sya.”
“Calvix… Ugh!” Hindi na ako nagpadalos-dalos pa at kaagad ng sinugod si Owen. Sanay na ako sa gantong labanan. At sanay na ring akong pataubin ang lalaking to. Pero ba’t ganun? Para bang natuto na sya at para bang alam na nya lahat ang bawat galaw na pakawalan ko. Pero hindi ako nagpatalo at mas nilakasan ba ang bawat kong bitiwan na suntok sa kanya. Nang mapahiga sya sa sahig na tila nanggagalaiti sa sakit ay hindi ko na sinayang ang pagkakataon at kaagad na hinawakan ang kamay ni Janelle at humakbang papaatras. Hindi pa kasi to tapos. At ako mismo ang tatapos ng laban na’to.
Unti-unti kaming umatras papahakbang ni Janelle ng dahan-dahang tumayo si Owen at tinitigan ako ng masama. Nanlaki ang mata ko may ilabas itong baril. Nakaramdam ako ng pagkatakot sa maaaring pwedeng mangyari. Hinigpitan ko ang kapit sa kamay ni Janelle at tinago sya sa likod ko.
“Wag ang babaeng mahal ko, Owen. Nagmamakaawa ako. Kahit ako nalang.”
“Calvix…”
“Alam mo ba yung pakiramdam na wala na yung babaeng minahal mo ng sobra?! Yung kauna-unahang babae na minahal mo?! Yung magiging anak nyo nawala rin?! Tangina Calvix! Hindi mo alam yung sakit! At alam mo yung masakit?! Yung kahit sa kahuli-hulihan nyang paghinga, pinamukha nya sa akin na kahit kailan hindi nya ako minahal dahil ikaw yung mahal nya!” Nanlaki ang mata ko dahil sa pagkakagulat sa mga salitang binitawan nya. Sya ang ama ng dinadala ni Mina? Pero mas lalong kumabog ang dibdib ko ng itapat nito ang baril sa akin. Kasabay nito ang pagtulo ng mga luha sa mata nya. Eto ang kauna-unahang makita ko ang lumuha ang lalaking ito.
“Wala naman akong balak idamay ang babaeng mahal mo dito eh. Ikaw ang gusto kong mawala dito sa mundong to. Let’s just see in hell, Calvix.”
*BANG*
- - - - - - - - - - - - - -
[A/N: 4 chapters to go... :'(
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro