Chapter 52: The broken guy
Chapter 52: The broken guy
Andrei's POV
"Anak, hindi ka papasok?" Naramdaman ko ang pag-upo ni Mama sa kama ko. Hinaplos nito ang likod ko, "May masakit ba sayo anak?" Dahan-dahan akong bumangon at umupo sa kama ko.
Hinang-hina pa rin ako. Para bang wala akong lakas na tumayo man lang, "Ma, paano pag nalaman mong niloko ka ng taong mahal mo?" Pinipigilan ko ang luha na maaaring bumagsak. Ang sakit na rin kasi ng dalawang mata ko kakaiyak buong magdamag.
Naramdaman ko nalang ang unti-unti nitong pagyakap sa akin, "Are you saying, you've been cheated?" Hinaplos nito ang likod ko. Niyakap ko pabalik ang Mama ko at siniksik ang mukha ko sa may leeg nito. Unti-unti na kong napahikbi. Hindi ko na kaya. Anong nagawa kong kasalanan para lokohin at saktan nila ako ng ganto? Ni-atraso wala akong maalalang ginawa ko para gaguhin nila ako ng ganto. Nagmahal lang naman ako.
Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Mama, "Ma, paano pag nalaman mong nambababae si Dad? Anong gagawin mo?"
Ngumiti lang ng bahagya si Mama at hinaplos ang kaliwang pisngi ko, "Ang totoo nyan anak, hindi ko alam. Siguro magagalit ako sa Daddy mo. Syempre anak, hindi yun maiiwasan. Ang sakit para sa mga asawang babae na nambababae ang asawa. Pakiramdam mo kasi parang hindi pa sapat lahat ng pagmamahal at oras na ibinibigay mo. Pero para wag masira ang pamilya, minsan nagagawa nalang patawarin ang mga asawa sa nagawa o kaya naman ay pinapalampas nalang at nagmamanhid-manhidan nalang. Bakit anak? Bakit mo naitanong ang bagay na iyan?" Muli kong niyakap si Mama at kasabay nito ang pagluha kong muli.
"W-Wala po." Naramdaman ko nalang ang paghaplos ni Mama sa buhok ko. Hindi ko na papalampasin pa pag naulit ulit ang pambababae ni Dad. Dahil ako na mismo ang magsasabi ng lahat kay Mama. Kung magkaroon man ng hiwalayan, handa akong itaguyod ang mga kapatid ko at si Mama. Ibang magalit si Mama at alam ko yun. She's worst more than you can imagined.
Humiwalay akong muli sa pagkakayakap nito, "Ma, may gusto ka bang bagay o kahit na ano?"
Ngumiti lang si Mama, "Gusto ko? Hmmm." Nag-isip ito at tila ngumiti ng nakakaloko. Mukhang alam ko na ang gusto nya, "Grandchild. I want to have a grandchild. I want this house to have another children, a baby. Maibibigay mo ba sa akin yun anak?" Nanlaki ang mata ko. Hindi nga ako nagkamali.
"Baby?!" Napatingin kami ni Mama sa may pintuan ng kwarto ko. Tumakbo sina Denise at Daniela papunta sa kama ko at nagtatalon dito, "Mommy!! Are you pregnant?!! We want a new baby!!" Masayang sabi nito. Napa-iling nalang ako na natatawa at ginulo ang buhok ng dalawa kong magkapatid. 18 years palang ako turning 19 this year. How can I make a child when I just broke up with my girlfriend? Eh sya lang naman ang gusto kong maging nanay ng magiging anak ko. And yes, we broke up on that night. She can't choose between me and Calvix.
"By the way, your fiancé wants to have a dinner with you this night on our restaurant. You're going, right?" Mom even winked at me. Napangiti nalang ako bilang sagot. I know Mom's expecting Yuna to be the mother of my children and her grandchild.
Tumango nalang ako dito bilang sagot.
"When you left nothing, you'll still have me. So just run to me or I'll run to you."
**
"Are you not feeling well?" Napaangat ang ulo ko at bakas sa mukha ni Yuna ang pag-aalala, "Kanina mo pa hindi ginagalaw ang pagkain mo." Pina-book kasi ni Yuna ang gabing ito sa restaurant namin para sa aming dalawa lang.
"Wala akong gana." Tipid kong sagot dito habang patuloy pa rin pinaglalaruan ang beef steak na nasa pinggan ko.
"Duh Andrei! Halata namang wala kang gana! Gusto mo labas muna tayo para magpahangin?" Akmang tatayo na sya pero pinigilan ko sya.
"I want to go home."
Bumalik sya sa pagkakaupo nya, "Come on Andrei. Don't lock yourself up in your house. Hindi yan ang Andrei na kilala ko."
Tinitigan ko sya ng diretso sa mata, "Noong pabalik tayo dito sa Pilipinas galing sa Korea, may sinabi ka habang natutulog ka."
Nagtaka sya pero ilang sandali lang ay pumungay na ang mga mata nya, "Ako? Talaga? Ano?" Tss! As if I'll be attractive to her if she does that.
"That she's cheating on me." Tila nagbago ang reaksyon ng mukha nya at napainom pa ng tubig.
"Now, tell me the truth, kailan mo pa alam ang kagaguhang ginawa nila sa kin?" Napayukom ang palad ko. Tangina! Bumabalik lahat sa utak ko ang nangyari noong gabing nalaman ko na ang katotohanan na ginago ako ng girlfriend at ng mismo kong pinsan.
"God Andrei. Iba na ang tono ng boses mo. You're starting to scare the shit out of me." Niyakap pa nito ang sarili na tila ba natatakot.
I gave her a cold stare para maging seryoso na ulit ito, "S-Stop staring at me like that. Para ako tong may kasalanan sayo ah." Saad pa nya.
"I'm asking you, Yuna. Kailan mo pa alam ang kagaguhang ginawa ng girlfriend at ng pinsan ko? Wag mong sabihin na kasama ka sa plano nila?"
"Oh teka lang! Bakit naman ako nakasama don Andrei?! I'm innocent here!"
"Then just answer my fvcking question."
She took a deep breath, "Nalaman ko lang kay Lance."
Napakunot ang noo ko, "Si Lance? Yung kapatid mo? Anong kinalaman ni Lance dito?!"
"Sikat si Calvix sa school nila. Ano naman kasing bago dun? Halos lahat ng puntahan mong school kilala yang pinsan mo. Kaya nakilala sya ng kapatid ko. At yun nga, nakita nya ng isang beses na may kasamang babae si Calvix. Tas isang gabi, nakita nya yung picture ni Janelle sa table ko at sinabi nga na ang babaeng yun din ang kasama ni Calvix. Kaya pina-investigate ko sya sa Secretary ni Dad! Waa! Wag kang magagalit Andrei! Sorry talaga! Wala kasi talaga akong tiwala sa girlfriend mo! Yung mukha nya kasi inosente eh! Eh, hindi naman kasi lahat ng inosente, mabait hindi ba? Kaya... Hinanapan ko sya ng baho. At nalaman ko na, tinotwo-time nya kayo ni Calvix."
"She's not my girlfriend anymore." I corrected on what she said earlier.
Tumango-tango sya, "Yeah yeah. Your ex-girlfriend. But Andrei, I guess, you guys should talked to each other."
"Who?"
"That guy who's more handsome than you, hot, angelic face, white skin, and actually my dream guy! He's so cute, really!" Her eyes sparks like she has something feelings on Calvix.
"Then go marry him instead."
"I will. If Dad agrees."
Hinampas ko ng malakas ang lamesa, "Marrying is not a joke as you think Yuna! If you arranged a marriage with him, his eyes are still on her, his heart, and his everything."
"Wait, are you referring to Calvix or yourself?" She took another deep breath again and said, "Just jump into conclusion and spill everything. I can't understand you're pointing right now."
"I'm saying that. Even I got married with you, my eyes are still on her, my heart, and my everything. You can't change the fact that my heart says it's still Janelle the girl I love. I' am now saying this to you because I'm afraid that you might now have feelings for me." She stood up and gave me a sharp look.
"Before you asked me, when you left nothing, you will still have me. I'm here, you idiot! Ako na nga tong nalapit sayo para hindi mo maramdaman ang sakit na binigay nya sa'yo di ba?! I told you I'll run to you! I really can't understand you! Now that I run towards you, you're stepping backwards like you don't want me to come near you! What the hell did I do to have this treatment on you?!"
I crossed my arms and gave her a smile, "Now you have feelings for me. You do, Yuna. Don't hide it anymore." I said full of confidence. She just said everything. Am I that easy to fall in love with? They why I can't make her fall in love with me?
"She cheated and hurt you! Isn't that enough to let go of her already?"
"I won't let go of her. I won't. And I will not."
"You just did, Andrei. You already let go. You break up with her and give your cousin an opportunity to be with her. Stupid, Andrei! If you love her then why you break up with her, idiot!" Then she left me there speechless and still in the state of consciousness.
Inis kong ginulo ang buhok ko at napapikit nalang ng marahan dahil sa inis na nararamdaman. She's right. I'm the one who let go of her. I never fight with her! Ugh! I'm really an idiot!
**
"Need an accompany?" Isang hindi kilalang babae ang pinulupot ang kamay sa may leeg ko. Maganda at masasabi mong talagang sexy ito. Mas inilapit nito ang katawan sa akin at nakaramdam ako ng pang-iinit ng katawan ng simulan nitong halikan ang gilid ng taenga ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang braso nya at inilayo ito sa akin, "I have a girlfriend. Stay away from me." Binalik ko ang atensyon ko sa pag-inom ng alak muli. Buti nalang at hindi pa napapadami ang inom ko. Kahit naman napaka-pervert kong tao, marunong pa rin akong mag-control ng sarili ko. Kay Janelle lang ang labi at katawan ko. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pag-alis ng babaeng iyon.
Uminom ulit ako ng isang baso ng alak ng maalala ang gabi kung saan malapit ng hindi ako makapagpigil ng sarili ko. Yung gabing halos hindi ko makalimutan dahil pakiramdam ko talaga noong gabing yun ay yun na ang kauna-unahan ko. Pero, biglang sumagi sa isip ko noon ang nakangiting mukha ni Janelle. Mahal na mahal ko talaga sya. Lahat naman binigay ko pero bakit hindi pa rin sapat? Bakit ginago pa ko? Ganoon nalang ba ako sa paningin nya? Isang laruan nalang na pwedeng paglaruan?
--
"Tangina! Mag-ingat ka naman!" Binalikan ko ng tingin ang apat na lalaki na nakabangga ko papalabas ng bar. Medyo pamilyar sila dahil parang nakita ko na rin ang mukha nila noon. Hindi ko nalang ito pinansin at pagewang-gewang na naglakad habang hinahanap kung saan ko nga ba pinark ang kotse ko.
*BOGSH*
"G**o ka talaga ah! Ni-hindi ka man lang nag-sorry?! Tangina nito ah! Parehas talaga kayong mag-pinsan!"
*BOGSH*
Pilit ko ring gumanti sa kanila pero masyado ng naikot ang paningin ko. Isang malakas na suntok ang natamo ko sa sikmura dahilanan para mapahiga ako sa malamig na semento.
"Andrei! Mukhang yatang iniwan ka na ng girlfriend mo ah! Hahaha! Mas pinili ba si Calvix?! Hahaha! Kawawa ka naman!" Napamulat ako ng mata at tila nandilim ang paningin ko at nag-apoy ako sa sobrang galit. Agad akong tumayo at sinunggaban ang mga ito ng malalakas na suntok.
"HINDI AKO INIWAN! HAYOP KA!" Sigaw ko habang patuloy ang pagsuntok ko sa mukha ng isa sa mga lalaking nanakit sa kin at ang tatlo naman ay nakahalundusay na sa sahig na halos hindi na makatayo dahil sa ginawa ko sa kanila. Ngayon ko lang napagtanto na ang apat rin na ito ang isa sa mga nakakaaway naming magbabarkada. Nadugo na ang labi nito at ang magkabilang pisngi pero tila matigas ang pagmumukha nito at nagawa pang ngumiti, "H-Hindi ka nga p-pala iniwan... Tinotwo-time ka l-lang." Mas lalong nandilim ang paningin ko at halos wala ng tigil ang mga kamay ko sa pagsuntok sa pagmumukha nito.
"Oh god!" Boses ng mga babae na narinig ko. Tangina! Wala akong pakielam!
"Kuya kuya tulong po!!! Lasing po sya! Kawawa naman si Kuyang nabugbog!!!" At tatlong lalaki ang pumigil at humigit sa akin papalayo dito.
Janelle's POV
Nakahiga ako sa kama ko habang nakapikit ang dalawa kong mga mata.
"Andrei, you won't leave me right? When everybody leaves, you won't leave me right?"
"I won't. I love you."
Napapikit ako ng madiin kasabay nito ang pagtulo ng luha ko.
"You choose. You'll break up with him or stay with me?"
"Choose me or lose me, Janelle. I'm not a backup plan, and definitely not a second choice."
Niyakap ko ng mas mahigpit ang aking unan at ibinaon ang mukha ko doon. They are words that are left unsaid that night. Gulong-gulo ang utak ko noong gabing yun! He's making me chose for god damn's sake! Hindi ko alam ang isasagot ko! Ni-wala akong ginawa kundi ang umiyak nalang dahil galit na galit ako sa sarili ko for cheating on him! Mahal ako ni Andrei pero ginago ko sya!
♫ I said, "Oh my, what a marvelous tune
It was the best night, never would forget how we moved
The whole place was dressed to the nines, and we were dancing, dancing
Like we're made of starlight
Like we're made of starlight
Pilit akong bumangon kahit wala akong lakas at nagtungo sa may study table ko kung nasaan ang cellphone ko. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita sa screen ng cellphone ko na si Andrei ang natawag.
"A-Andrei..."
(Miss, girlfriend ka ba ng may-ari nitong cellphone?) Hindi ko alam ang isasagot ko. Teka! Kay Andrei tong cellphone ah?! Bakit iba ang may hawak ng cellphone nya?! Itatanong ko sana kung sino at bakit nya hawak ang cellphone ni Andrei pero tila naistatwa ako sa sinabi nito sa kabilang linya.
"O-Opo. Papunta na ho ako dyan." Kaagad kong inend ang call at kinuha ang jacket ko at sinuot ito. Nag-suot na rin ako ng rubber shoes. Buti nalang talaga at hindi pa ako nakakapagpalit ng damit. Agad na kong lumabas ng bahay at sumakay ng taxi.
**
"Andrei Rodriguez po!" Medyo hingal kong sabi sa isang lalaki na nakita kong nakaupo sa isang table doon na tila abala sa kung ano man.
"Ikaw ba ang girlfriend nya?"
"A-Ako nga po."
May tinignan ito sa hawak nyang papel at sinabing, "Cell no. 3 po." Halos manghina ang mga tuhod ko habang naglalakad papalapit sa kulungan kung saan naroon si Andrei.
Hinawakan ko ang mga rehas at pilit na iniiwasan ang mga luha na maaaring bumagsak, "A-Andrei..."
"A-Andrei..." Napapikit nalang ako kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko. Hindi nya ako pinapansin. Tila ba wala syang naririnig. Nakasandal lang ang likod nya sa pader at nakatitig lang sya sa kisame.
"Kuya bawal ba kong pumasok?! Kahit saglit lang?!!" Pakiusap ko sa isang bantay don. Halos lumuhod na nga ako sa harapan nito, "Saglit lang talaga Kuya!"
"Sorry Miss, pero pinagbabawal po ang pagpasok ng bisita sa kulungan."
Binalik ko ang tingin ko dito at napahawak nalang sa rehas, "Andrei...k-kausapin mo ko." Pagmamamakaawa ko. Hindi ko sya kayang makita na nagkakaganto.
"A-Andrei..." Napalakas na ang pag-iyak ko. Bakit sya ganyan? Parang wala ako dito. Napatungo ako at mahigpit na napakapit sa rehas nito. Ang tanga mo Janelle! Malamang galit sya sa ginawa mong pang-gagagago mo sa kanya!
"Do you feel that Janelle?" Andrei put my hand on his left chest.
"That beats for you."
Napaangat ang ulo ko ng maramdaman ko ang mainit na palad na humawak sa kamay ko, "Andrei..." Napangiti ako ng makita syang nasa harapan ko. Hindi ko sya magawang yakapin dahil may rehas pa ring hadlang sa ming dalawa.
Nilaro-laro nya ang buhok ko at ilang sandali lang ay hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at pinahid ang mga luha ko gamit ang mga daliri nya, "You know I hate seeing you cry." Sabi nya at naramdaman ko ang pagdampi ng thumb finger nya sa may labi ko, "I'm broken, Janelle. I'm nothing without you. I miss you. I fvcking I miss you." Pinagdikit nya ang noo naming dalawa. Medyo nauntog pa nga ako dahil sa rehas na hadlang sa pagitan naming dalawa, "Please...Come back to me."
- - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro