Chapter 51: Letting you go
Chapter 51: Letting you go
Sometimes, loving a person doesn't necessarily mean that you must have them by your side. Sometimes, letting go the person is the only way for them to find their own happiness.
Andrei's POV
"Andrei may itatanong ako!"
Muli kong tinanggal ang headset ko at inis na humarap kay Yuna, "Ano ba kasi yon?!!" Naiirita ko ng sabi dito. Kasi naman, simula pagsakay namin dito sa private plane ng mga Monteverde ay wala syang tigil ng usap. Iritang-irita na ko sa kanya. Tatlong araw ko syang kasama! Isang lugar at iisang kwarto lang ang tinuluyan namin! At ang nakakairita, habang naliligo sya, nakanta sya ng hindi ko maintindihan na mga salita.
"Bakit ayaw mo na si Tito Dave ang maghatid sa girlfriend mo noong nag-dinner tayo sa inyo?" I just shrugged. Ayokong sagutin ang tanong nya. Hindi ko sya pinansin at sinuot nalang muli ang headset sa taenga ko. Naramdaman ko na din ang pagkatahimik nito sa tabi ko. Ipinikit ko nalang ang dalawa kong mata para makapag-isip kong anong sasabihin ko kay Janelle kung bakit ako nawala ng mga ilang araw. Nabalitaan ko rin ang pag-uwi na ni Calvix sa Pilipinas. I should be on guard now. Naalala ko rin ang ginawang paghatid ni Dad kay Janelle. Wala naman sigurong ginawa si Dad sa kanya hindi ba?
Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin nalang sa bintana. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon. Ang makita ko ang sarili kong ama na nakikipagtalik sa ibang babae sa mismong opisina nito. Halos manlumo ako sa nasaksihan kong pangyayaring iyon. Kung hindi ako nagkakamali, mas bata o kasing-edad ko lang ang babaeng kinasiping ni Dad. She's blonde and I can say that more sexier than my Mom. Para kasi talaga sa kin, wala ng mas se-sexy pa kay Mama. Durog na durog akong sumakay ng sasakyan ko noon para makalayo. Kasabay noon ang pagtulo ng mga luha ko. My dad's cheating on my Mom! Pinalampas ko noon ang unang beses pero ilang ulit na naulit ang pambabae nito na ilang ulit ko ring nasaksihan.
Kaya ganoon nalang ang takot ko noong inihatid ni Dad si Janelle sa bahay nila. I'm scared that my Dad would find her attractive. Mahilig sa bata ang ama ko. Ayun ang napansin ko sa lahat ng mga siniping nyang babae. Alam kong matagal na ring alam ni Dad ang nalalaman ko sa ginawa nyang pambabae. At alam nya ring hindi ko kaya itong sabihin kay Mama dahil ayokong masira ang pamilya namin. Paano nalang ang dalawa kong nakakabatang kapatid? Ayokong masira kami. Mabuti ng ilihim na lang.
"Hmmm..." Kunot noo akong napatingin kay Yuna na napansandal ang ulo sa may balikat ko, "Ehem. Hindi ako unan." Sabi ko. Pero as usual, hindi nakinig ang babaeng to at nilakasan pa ang hilik. Napa-iling nalang ako. For sure may nararamdaman na sa akin ang babaeng to. Napangisi nalang ako. Wala eh. Wala tayong magagawa dyan. Nasobrahan ang pagkabiyaya sa akin ng diyos ng ka-gwapuhan.
"Andrei..." Nilingon ko sya at nakita ang mukha nya na himbing na himbing sa pagtulog, "She's cheating on you."
A-Ano ba ang pinagsasabi nitong babaeng to?!
**
(Bro! Ano? Mamayang gabi may performance si Gio at Seth, 8pm.)
"Talaga? Saan ba yan?"
(Sa club ni Alexa. May bibisita daw kasi na mga producers. Eh malay mo makuha yung dalawa as singers. Bwahaha! Pakiramdam ko nasusuka ako ah!)
"Haha! Yaan na. Mataas ang pangarap eh. Ge, tulog lang ako." Binabaan ko na si Clarence. Ibinato ko ang cellphone ko sa kama ko at sya ring higa ko dito. Tinitigan ko lang ang kisame. Bakit kaya hindi na naman nya sinasagot ang mga tawag at texts ko? Sinubukan kong i-dial muli ang number ni Janelle at tinawagan. Pero nabigo na naman ako at hindi na naman nya ito sinagot.
I decided to take a shower when I got my senses back. Hindi pwedeng mawala ako sa performance nung dalawa. Malay natin, maging sikat na singer yun.
*
"Bro! We missed you!" Clarence tapped my shoulders and even hugged me. Such a gay!
"Yeah yeah. Where..." I paused, "...are the others?" I was really looking for Calvix. Siguro naman pupunta sya dito. He will not missed the performance of this two. Well, he will not missed Seth's performance. Idk on Gio's performance. If he has still feelings on Gio's girlfriend, Aubrey, I guess, he'll missed it and have his reasons.
"Go Seth! Woooo!" Napatingin ako sa stage at nakita si Seth na inaayos na ang mike nya. He started to strummed his guitar dahilanan para mas lalong lumakas ang sigawan.
~ My angel,
How'd you get to be so fly,
How'd you get to shine so bright, girl
How'd you get to look like that,
Heaven don't you call her back, yeah
Nakangiti ako habang pinapakinggan ang boses ni Seth. Mukhang may future ang kaibigan kong to ah. Kinuhit ko si Christopher, "Dadating si Calvix?" Tanong ko dito.
"He said no. He said he's busy on something." He answered. I just took a deep breath. I don't know why I'm feeling like – Ugh! Why am I feeling like this?! It's like, Yuna's words 'She's cheating on you.' haunting me. If she will, with whom? I shook my head. No, Janelle wouldn't cheat on me. She already falls for me. She already did.
~ I must be in Heaven
Cause I'm looking at an Angel
Whose staring back at me
Her eyes so heavenly
I must be in Heaven
Cause I'm looking at an Angel
There's no one on this Earth
that's made this beautiful
I must be in Heaven
Sa gitna ng pagkanta ni Seth. Isang pabango ang napaka-pamilyar sa akin ang naamoy ko. Tumingin ako sa likod ko at kung hindi ako magkakamali na si Janelle iyon at si --. Hindi. Hindi pwedeng maging si Calvix yun. Tinapik ko sa hita si Christopher na katabi ko, "Hindi dadating si Calvix, di ba?" No, it's not him. He's not the guy with Janelle. [Andrei -picture on the right side]
"Oo, bakit?"
Kaagad na akong tumayo at sinundan ang dalawang tao na ito papalabas. Pero paglabas ko, wala na ito. Napabuntong hininga ako at inis nalang na ginulo ang buhok. Napansandal nalang ako sa pader at napatungo. Maybe it's not Janelle. Kung sino lang siguro ang napagkamalan ko. Ganto kasi ang nangyari rin sa kin sa Canada noon. Halos lahat ng babae napagkakamalan kong si Janelle. Eto ang epekto na masyado kong pagkakamiss sa kanya. Lalo na ngayon na ilang araw kaming hindi nagkita. Ni-wala man lang akong pasabi sa kanya na aalis ako ng bansa.
"Girl, did you see them?! God! Don't tell me they get back together?!"
"Maybe no?"
"Then why she entered his car?"
"I don't know. Let's just don't jump into conclusion."
"Well yeah. But I really can't help it. I think there's still going on between them."
"Stop it Trish. Janelle won't cheat on Andrei."
Napaangat ang ulo ko at sinundan ng tingin ang dalawang babae na dumaan at pumasok sa loob kung saan nagpeperfrom si Seth. Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko dahilanan para mapa-upo ako at mapasandal nalang sa pader. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi pala ako nagkakamali. Si Janelle ang babaeng nakita ko. At hindi rin ako nagkamali ng kutob, si Calvix nga ang lalaking kasama nya. Hindi ko namalayan, may tumulong luha na pala sa mata ko.
**
(Yah! Akala ko ba susunduin mo kami ni Lance?!)
Inilayo ko ang phone ko sa taenga ko. Nakakairita ang boses nya. Ni-wala yata na isang araw na hindi ko maririnig ang salitang 'Yah!' mula sa kanya. "May pupuntahan ako. Mahirap bang intindihin yun, Yuna?" I lose my patience. Tao ako at marunong ding mainis. Lalo na kung gantong babae ang palagi mong makakasama.
(But you promised Andrei! Na neun nee gah shil uh!) [I hate you!]
"What?!"
(I said I hate you! I hate you! I really hate you!)
"Yeah. I hate you too." Then, I end the call. Napansandal nalang ako sa driver's seat at napapikit ng marahan. Hanggang ngayon kasi hindi pa din mawala sa isip ko ang nangyari 5 days ago. Yung marinig ko yung usapan nong dalawang babae. Magkasama kami ni Janelle noong isang araw. Wala namang nagbago sa ming dalawa. Kung tutuusin, mas lalo nga kaming naging sweet sa isa't isa. Sometimes, she's being cold. Nagtaka lang ako kung bakit ni-hindi man lang nya tinanong kung bakit ako nawala ng mga ilang araw. Pero na-realize ko naman na mas mabuti na siguro yun dahil baka pag nalaman pa nya na si Yuna ang kasama ko nitong mga nakaraang araw, mag-away pa kami.
Akmang bubuksan ko na ang engine ng sasakyan ng may dalawang tao ang nahagip ng mga mata ko. Dalawang tao na masayang nag-uusap sa isang coffee shop. Kinusot ko pa ang mata ko para lang masigurado na tama nga ang nakikita ko. Hindi ako nagkakamali, si Janelle at Calvix nga ang nakikita kong magkasama ngayon. Masayang nag-uusap at mga ngiti ni Janelle na minsan ko lang makita. Kinuha ko ang cellphone ko at di-nial ang number nya. Hindi pa din nawawala ang tingin ko sa kanila habang nagriring na ito. Nang mapansin na nagri-ring na ang cellphone nya, nag-'wait' sign ito kay Calvix at sinagot ang tawag ko.
(Hello?)
"I-I miss you..."
(Yeah yeah. Ba't ka tumawag?) Pumikit ako para maiwasan ang pagtulo ng luha ko.
"A-Asan ka?"
(Sa coffee shop. Bakit?)
"S-Sinong kasama mo?" Pinagmasdan ko sya mula dito sa sasakyan na para bang nagi-isip pa sya kung sinong kasama nya. Si Calvix naman ay naka-pirmi lang ng upo at para bang walang pakielam na ako ang kausap ni Janelle, ang mismong boyfriend nya.
(Si J-Jamiatra.)
Napayukom ang palad ko pero mas pinili kong kalmahin ang sarili ko, "A-Ah. Ganun ba. Sige. Have f-fun."
(Bye.)
"I love you." But she already ended the call. Binalik ko ang tingin sa kanilang dalawa. Masaya pa ding nagkwentuhan at parehas na hindi mawala ang mga ngiti sa kanilang labi.
--
"Guys! Nabalitaan nyo ba?!" Napabaling ang taenga ko kay Daniele. Lahat naman kaming magbabarkada ay humarap dito.
"Anong balita?" Sabay-sabay naming tanong dito.
"Na-ospital daw si Mina. Nag-suicide attempt daw." Nanlaki ang dalawa kong mata at nakaramdam ng pagkalungkot. Naging kaibigan ko pa rin naman sya kahit papaano. Naging espesyal rin syang tao sa kin ng matagal na panahon.
"At ang balita pa, buntis daw ito." Napayukom ang palad ko. Hindi kaya't si Calvix ang ama? Hindi naman magpapagamit sa iba si Mina. Kilala ko ang dati kong kaibigan.
"Eh sino raw ang ama?" Tanong dito ni Brandon.
Umiling lang ito, "Hindi ko alam eh. Saka, walang nababanggit." Binalik ko nalang ang atensyon ko sa pinapanood ko sa cellphone ko. Naaadik kasi ako sa music video ng Girl's Day na Female President.
"Ano yan ha!?" Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng labi nya sa kaliwang pisngi ko. Nakita ko ang isang maaliwalas na ngiti sa mukha nya, "Ano yang pinapanood mo?" Panguulit nya ng ibaba nya ang kanyang mga gamit sa lamesa.
"Female president. Girl's day." I said in a cold tone. I also gave her a cold stare, "Bakit late ka?" Dumaan rin si Calvix sa harapan namin at may isang maliit na papel na ibinigay kay Janelle. "What's that?" Tanong ko dito. Ano naman kaya ang meron dun sa isang maliit na papel?
"W-Wala." She keep it on her pocket. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya. Ano bang nangyayari? Naguguluhan na'ko. Unti-unti na syang nalayo sa kin.
**
I'm in the boy's locker room. I was staring on the paper that Calvix gave to Janelle. Good thing there's no people around here yet. Janelle accidentally dropped this when she got her cellphone on her pocket. A word that I can't understand. Is this Chinese or what?
"Sa.rang.hae?" What is this word?!
Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Yuna. She knows a lot of languages, right?!, (Yoboseyo?!)
"Aysh! Ang sakit sa taenga ng boses mo!"
(Yeah. Whatever. So why'd you called? Tell me what you want. I'm walking right now. Someone might steal this phone of mine. God! This is made from Korea! And I swear to God I'll kill you if someone snatched this!) Napamura nalang ako sa isipan ko. Kahit kailan talaga. Wala na yata syang sineryosong bagay.
"Whatever. I just want to ask you something."
(Come on. Spill it up.)
"Sa.rang.hae? That word ---"
(You're now studying korean language? Haha! Wait, did you just said that you love me? Haha! Sorry, but I don't have feelings for you. Kbye.)
"Wait!"
(What?! I said I don't have feelings for you!)
"Can't you be serious this time?! I'm asking what is the meaning of that word!"
(A-Ah. Meaning? Why asking me? Go search for it!)
"Why do I have to search when I have my fiancée I can ask? Just say it, Yuna."
(I love you.)
"So now you have feelings for me? Haha! Stop it, Yuna. I'm serious this time."
(That's the meaning of it, my dear fiancé.) I stopped laughing and stared at the word on the small paper that Calvix gave to Janelle.
"Y-You mean, the meaning of the word 'S-Saranghae' is I-I love you?" I can't pronounced it properly! This is bullsh*t!
(Absolutely. Why!? Are you gonna say it to her?) I ended up the call.
I took a heaved heavy sigh. Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko kaya naman napasandal ako sa may locker ko at niyakap ang sariling mga paa. Kasabay nito ang pagtulo ng luha sa mata ko. Para bang pinagkakaitan ako ng mundo na malaman kung ano ba ang nangyayari na sa amin. Napasabunot ako sa buhok ko. Gulong-gulo na ang utak ko. Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko.
"Andrei?!" Napaangat ang ulo ko sa isang boses na pamilyar.
Napangiti ako ng mapait, "Parang kanina lang kausap kita sa cellphone. Tas ngayon, andito ka na kaagad?" Pilit kong pinipigilan ang mga luha na maaring bumagsak. Ayoko. Hindi kasi ako dapat na panghihinaan ng loob. Ako yung boyfriend. Ako tong may karapatan. Ako tong dapat hindi napaglilihiman.
"Kanina pa ko andito sa University nyo. I was actually searching for you. Then, a guy named, Troy said you were here. Naglalakad na ko papunta dito habang kausap kita sa phone. So, tell me, what happened?" She sit beside me. Hindi ko alam kung paano gagaan ang pakiramdam ko. I need someone I can leaned on. I slowly rested my head on her shoulders.
"Yuna, when I left nothing, I'll still have you, right?"
**
Play the song on the right side – It's because of love (Jang Hye Jin)
"God Andrei!" Napasigaw si Janelle ng mapayakap ako sa kanya dahil muntikan na akong mapatumba. Nakainom kasi ako ng alak at dito ako dumaretso sa condo nya. I want to know the truth behind all of this! Bakit sila magkasama ni Calvix noong gabing may performance sina Seth at Gio. Bakit sya nagsinungaling na ang kasama nya ay si Jamiatra noong nasa coffee shop. Bakit sya binigyan ni Calvix ng note na may nakasulat ng 'Saranghae' na ang ibig sabihin ay 'I love you'. Pakiramdam ko ay harap-harapan na akong niloloko pero nagbubulag-bulagan pa rin ako.
"Andrei! Anong nangyari sayo?!" Hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko. Namiss ko ang bawat haplos nya. Muli ko na naman syang niyakap. Hindi naman ako ganoon kalasing kaya nasa wisyo pa rin ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko pag nawala pa sa kin si Janelle. Iniisip ko pa lang na mawawala na sya sa akin parang ikinamamatay na ng puso at isipan ko. Ganto ba talaga pag nagmahal ka?
"Andrei a-ano ba! Nasasaktan a-ako!" Napagtanto ko na sobrang higpit na pala ng pagkakayakap ko sa kanya. Itinulak nya ako dahilanan para mapalayo ng kaunti ang distansya ko sa kanya.
Napatungo nalang ako, "Kay Calvix na jacket yan hindi ba?" Tinuro ko ang jacket na panlalaki na nakapatong sa may sofa. Ayan ang palaging sinusuot ni Calvix at tinuturing na pinakapaborito nitong jacket kaya hindi ako maaaring magkamali.
Nakita ko ang pagkakagulat sa mga mata nya. Pero ngumiti pa rin sya na para bang walang nangyayari, "B-Baka nagkakamali ka l-lang. Paano naman magiging kay C-Calvix y-yan?"
Galit kong sinuntok ang pader ng paulit-ulit, "Andrei ano bang problema mo?!! Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?!!" Pinigilan nya ako at hinawakan ang mga kamay ko na nagdudugo na, "Gamutin nga muna natin yan." Agad kong kinuha ko ang kamay ko sa kanya.
"Problema?! Tinatanong mo ko kung anong problema?!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko, "Nanggaling dito si Calvix hindi ba?! Umamin ka na! Wag nyo kong lokohing dalawa!" Nakita ko ang pagkakagulat nya sa mga salitang lumabas sa bibig ko.
Pilit nya akong hinahawakan pero umiwas ako dito, "A-Ano ba yang pinagsasabi mo Andrei! L-Lasing ka lang! Halika, dito ka na lang muna matulog." Pero muli kong tinabig ang kamay nya.
"Nanggaling sya dito?! Di ba?!" Galit pa din na tono ng boses ko. Pakiramdam ko ay malapit na kong traydurin ng mga luha ko at baka ilang sandali nalang ay bumagsak na ang mga ito, "Anong ginawa nyo dito?! Don't tell me you sleep with him again?!" Hindi ko sinasadya ang salitang nabitawan ko. Napaiwas nalang ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng galit sa sarili ko. I got wrong choice of words. Nang ibalik ko ang tingin ko kay Janelle ay nakita ko ang mukha nya na may natulo ng mga luha.
"Ganyan ba ang tingin mo sa kin Andrei?"
Inis kong ginulo ang buhok ko, "Tangina wag kang umiyak!" Napasigaw na naman ako. Paano ko malalaman ang totoo kung dadaanin nya ako sa iyak?! She knows that I hate her seeing her cry! At tama sya, para bang gusto ko ng humingi ng tawad sa lahat ng nasabi ko at yakapin na ito.
Hinawakan ko ang magkabilang balikat nya, "Just tell me the truth Janelle and I'll stop being an asshole. Now, tell me, are you guys cheating on me behind my back?" Nanginginig ang kamay ko habang nakatitig lang ng diretso sa mga mata nya. Napatungo para maiwasan ang mga luha na kanina pa gustong lumabas, "Just answer me Janelle!"
Tumango lang sya bilang sagot. At sa pagtangong iyon, nakaramdam ako ng panghihina ng tuhod ko dahilanan para unti-unti akong nakaramdam ng panghihina ng buo kong katawan. Kasabay na nito ang pagtulo ng mga luha ko, "A-Andrei..." Niyakap nya ako. Kilalang-kilala nya talaga ako. Alam nya ang bawat kahinaan ko.
Umalis ako sa pagkakayakap nya at pinunasan ang mga luha ko na halos hanggang sa leeg ko ay umabot na, "Ginamit mo nga lang ba ko? Panakip butas?"
"H-Hindi Andrei. Hindi sa ganun."
"Eh ano?! Ginamit mo lang ako para makaganti sa kanya?! Pero ng ma-realize mo na wala na syang pakialam sa kin dahil tutal naman hindi lang ako ang kaibigan na pwede nyang takbuhan, naging cold ka na sa kin?! Ganun ba Janelle?! Noong wala sya, kailangang-kailangan mo ko. Pero noong bumalik sya, halos itapon mo na lahat ang sa atin. Ganun lang ba ko kadaling pagsawaan Janelle?! Ganun ba ko kahirap mahalin?!" Hawak-hawak ko pa rin ang magkabilang balikat nya. Napahigpit ang pagkakakapit ko dito dahil sa galit na nararamdaman.
"A-Andrei. M-Maniwala ka sa kin. Hindi kita ginamit." Pinahid ko ang luha ko na ayaw tumigil. Ayoko na. Ang sakit sakit na.
"Itigil na natin to, Janelle. Nagkakagaguhan nalang tayo." Hindi ako makatingin ng diretso sa mata nya. Baka mamaya, mabawi ko lang ang lahat ng sinabi ko at yakapin nalang ito ng mahigpit. Sobra sobra ko syang mahal.
"H-Hindi Andrei! P-Pakinggan mo muna kasi ako!" Pilit nyang hinahawakan ang kamay ko pero iniiwas ko ito.
"Anong papakinggan ko? Na ginago mo ko at ng pinsan ko? Yun ba ang dapat kong marinig?" Tanong ko sa kanya. Nahikbi na sya dahilanan para mainis ako sa sarili ko. Inis kong ginulo ang buhok ko. Tangna! Pakiramdam ko mababaliw na ko! Bakit kailangang mangyari sa kin to?! Bakit sa dinami-dami ng manloloko dyan ako tong naloloko?! Tangina! Girlfriend ko at pinsan ko?! I've been betrayed!
"Janelle magsalita ka! Di ba papakinggan kita?! O tangina! Ba't hindi ka nagsasalita?!" Pati ang picture frame na kung saan masayang magkasama kaming dalawa ni Janelle ay nabato ko at nabasag. Ngayon lang ako nakaramdam ng gantong galit.
Hinaplos ng mga kamay nya ang magkabilang pisngi ko, "Lasing ka lang, Andrei. Magpahinga ka muna. Bukas natin to pag-usapan." Unti-unti akong lumayo sa kanya.
"Mahal mo pa rin ba si C-Calvix?" My voice almost trembled. Natatakot ako sa maaaring isagot nya.
"A-Andrei..."
"Sh*t Janelle! Sagutin mo lang ang tanong ko!"
"M-Mahal kita Andrei." Nakatungong sagot nito. Napatawa nalang ako. Tangina! Mahal?!
"Mahal? Pero ginago mo ko? Nagpapatawa ka ba Janelle?! Ano na naman bang kasinungalingan to?!"
"A-Andrei..."
Humakbang ako paatras, "Lumayo ka sa kin. Baka masaktan lang kita." Inis kong pinahid ang luha ko.
"You choose. You'll break up with him or stay with me?"
"Andrei..." Hinawakan nya ang braso ko. Hindi ko nagawang itabig iyon dahil wala na kong lakas.
"Choose me or lose me, Janelle. I'm not a backup plan, and definitely not a second choice."
- - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro