Chapter 50: The Past & Truth
Chapter 50: The Past & Truth
Mina's POV
"You should rest." Napatingin ako kay Owen na nasa bukana ng pintuan ng kwarto ng condo ko. Hindi ko sya pinansin at pinagtuunan muli ng pansin ang pagtatype sa laptop ko. Kailangan ko tong matapos within this week. Kundi, yari ako kay Dad. I'm Mina Suarez, the inheritor of MYS En Company in US who's top 2 in top 10 world's best companies all over the world & the GD En Company in Europe who's leading the top 3.
"Kailangan ko tong matapos." Malamig kong sagot sa kanya. Naramdaman ko nalang ang mainit nyang palad sa may beywang ko na yumakap sa akin mula patalikod. Napapikit nalang ako ng marahan.
"Can we go out?" Naramdaman ko rin ang mainit nyang hininga sa may leeg ko.
Umalis ako sa pagkakayakap nito at tumayo mula sa pagkakaupo, "I'm busy. Can't you see?!" Nagsimula na akong mairita. Bukod sa wala akong tulog, dumagdag pa sa sakit ng ulo tong si Calvix.
Ngumiti lang ito na para bang okay lang ang lahat sa aming dalawa. Dahan-dahan itong lumapit sa akin at niyakap, "Don't be like that. You need some fresh air. Ayoko na lagi ka lang nagkukulong dito sa kwarto. Makakasama yan sa baby." Hinaplos nya ang tiyan ko.
Pilit akong umalis sa pagkakayakap nito, "P-Paano ako makapagpapahinga kung andito ka?" Dahilan ko. Pero ang totoo nyan, gusto ko na syang umalis. Binigyan lang ako nito ng isang ngiti at hinalikan sa pisngi at nagpaalam na.
Napaupo ako sa may kama ko dahil nakaramdam na naman ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa tiyan ko. I'm 8 weeks pregnant of Owen's child. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nagising nalang ako ng isang umaga na nasa iisang kama kami. Nakuha na nya ang gusto nya sa akin. Sinamantala nya ang pagkakataon na lasing ako.
Nagawi ang tingin ko sa photo frame kung saan tatlong bata ang naroon. Magkakaaakbay at malawak ang mga ngiti. Si Calvix, ako, at si Andrei. Nasagi rin ng mga mata ko ang katabi nitong isa pang photo frame kung saan teenager na kaming tatlo. Highschool kami nito. Napangiti nalang ako dahil sobrang sweet nila sa akin noong mga panahong yun. Halos lahat ng mga babae naiinggit sa akin dahil bestfriends ko ang dalawang lalaki na kinababaliwan nila. Sabi nga nila, sobrang swerte ko daw. Madami ang nagtangka na makipagkaibigan sa akin. Lalong-lalo na ang mga babae. Alam ko naman na kaya lang nila ako kinakaibigan dahil gusto nilang mapalapit kay Calvix at Andrei.
Napatingin ako sa bracelet na suot ko na may naka-ukit na 'Patrick'. Napangiti nalang ako. Ibinigay sa akin to ni Calvix noong 2nd year high school kami. Naalala ko tuloy ang kwento ni Tita Aliyah sa akin noon. Kay Tito Nathan pa daw ang bracelet na ito na binigay pa ng ama nito na Lolo ni Calvix. Doon daw nagsimula ang mismong lovestory nina Tita Aliyah at Tino Nathan. At naniniwala raw ito na kung sino ang pagbibigyan ng bracelet nito ay ang sya ring makakatuluyan ni Calvix. Hanggang ngayon, pinanghahawakan ko ang sinabi ni Tita Aliyah.
[A/N: Yung bracelet po na yun ay yung bracelet ni Nathan, ang tatay ni Calvix na ibinigay kay Aliyah na nanay nya na ipinamana sa kanya. Naniniwala si Aliyah na ibibigay rin ng anak nya sa babaeng mahal nito o sa isang taong mahalaga rito. Nagkataong ibinigay ni Calvix ito kay Mina na matalik nyang kaibigan.]
Tulad rin ng nangyayari sa iba na naiinlove sa kanilang bestfriend. Ganun rin ang nangyari sa akin. Hindi ko na kayang itago pa kaya I made an confession. Pero may girlfriend sya ng panahong iyon at si Aubrey yun. Hindi nyo alam kung gaano ka-sakit ang makita ang paglayo niya sa akin. Ang pagiging sweet nila ni Aubrey. Pero sa pag-iwas nya sa akin, imbis na mabawasan ang nararamdaman ko sa kanya, mas lalo itong lumalim. Halos magmakaawa ako sa kanya na ako lang. Pati lumuhod sa harapan ko nagawa ko na. Masasakit na salita na halos hindi na kayang kayanin ng puso ko ang natanggap ko noong oras na iyon. Kahit yata lumuha ako ng bato, hindi talaga nya ako magagawang mahalin. Dahil kahit anong gawin ko, kaibigan lang ang turing nya sa akin.
Nag-migrate kami ng pamilya ko sa Switzerland. Sinubukan ko syang kalimutan pero hindi ko magawa. Ilang taon ako nanahimik. Pero dumating sya sa buhay ko, si Owen Hortaleza. Ang isang Pilipino rin na gangster na hindi ko alam kung bakit napadpad rito sa Switzerland. Nagka-gusto sya sa akin pero ayoko sa kanya. Lahat ng paraan ng pagtaboy nagawa ko na sa kanya. Isang araw, nalaman ko nalang na pumunta itong US. Hindi ko alam ang dahilan dahil hindi sya nagpaalam sa akin. Napa-isipan ko rin ang pag-uwi ko sa Pilipinas. Pero bago iyon, inalam ko muna kung si Aubrey pa ba at si Calvix. Syempre matagal na akong walang balita sa kanila. Lahat ng connections ay tinanggal ko na sa kanila. Paano ako makakalimot kung patuloy pa din ang makikipag-communicate ko sa kanya di ba? Pati kahit kay Andrei, tinanggal ko na ang kahit anumang ugnayan. Nalaman ko nalang na si Aubrey na pala at ang kaibigan ni Calvix na si Gio Jimenez. Nakaisip ako ng paraan para makaganti sa kanya. Sya ang dahilan kung bakit hindi ako nagawang magustuhan ni Calvix noon. Nagawa kong magparaya noon tas hindi rin pala sila sa isa't isa sa huli? That's piece of shit.
Umuwi ako ng bansang Pilipinas ng wala man lang nakakaalam kahit isa. Para akong artista na palaging naka-sunglasses tuwing lalabas. Minsan naman ay nakabalot rin ang ulo ko, para bang yung sa mga muslim. Ganoon ang itsura ko noong gawin ko na ang paghihiganti ko kay Aubrey. Ang siraan sya kina Mr. Jimenez at Mrs. Jimenez. Ang babaeng dahilan kung bakit naging mapaglaro sa pag-ibig ang lalaking mahal ko. Hindi nila ako kilala ng mga panahon na iyon pero nagawa pa rin nilang maniwala sa akin. Hanggang ngayon naman ay paniwalang-paniwala pa rin sila sa akin. Nakakakatawa lang dahil hindi nila nagamit ang yaman nila para makilala ako. Sorry sila pero mas mayaman ako sa kanila. Kayang-kaya ko ngang bilhin ang mga kaluluwa nila.
Naghanap rin ako ng taong pwedeng mag-matyag kay Calvix. Nalaman ko nalang may siniseryoso raw ito ngayon na babae. That's why I do some research about her, Janelle Rian Fortalejo is the name. Simula nang araw na iyon, palagi na akong nag-aantay sa may labas ng University nila. Ni-minsan hindi ako nagpalya ng araw ng pagmamasid kay Janelle pati na rin sa mga kaibigan nya. At sa hindi inaasahan, nag-kros ang landas namin ni Stephanie na syang nakikita ko rin nyang kasa-kasama ng babaeng kinamumuhian ko.
-Flashback-
"Ah. Hello? Pwedeng pa-share ng table?" Tanong ko sa isang babae na tahimik na kumakain sa ice cream shop. Wala na rin talaga kasing ibang tables. Full na lahat. Ay nako! Ireklamo ko kaya ang shop na'to? Hayy. Sana pumayag naman tong babaeng to na mag-share kami ng tables. She looks nice naman eh.
"Sure. Pero miss, siguraduhin mo lang na wala kang sore eyes ha?" Natawa nalang ako sa sinabi nya. Nakasalamin pa din kasi ako. You know, just being sure na walang makakakilala sa akin, "Na nagsasalamin ka lang dahil trip mo ha?" This girl has a sense of humor. I like her.
"Haha. Hindi. Actually, namamaga yung mata ko kakaiyak kasi niloko ako ng lalaking pinakakamamahal ko. Nakakahiya naman kung makita pa ng ibang tao di ba?" Ngumiti ako dito. Kailangan kong magawa ito ng tama. Sumubo ako sa vanilla ice cream na inorder ko. We used to eat here when we're still high school, me, Calvix & Andrei.
"Ay nako Miss! Sanay na kong makakita ng namamagang mata! Hehe! Sa bestie ko pa namang si Janelle eh! Halos araw-araw mugto ang mata! Ah. Hehe. Hindi mo naman sya kilala eh. Hehe." Sumubo rin ito.
"Janelle? Ang ganda naman ng name nya. Teka, bakit naman namumugto rin ang mata nya? Naiyak rin ba sya pag gabi? Don't tell me... Parehas lang kami ng dahilan kung bakit namumugto ang mata naming dalawa?"
"Hehe. Oo! Parehas kayo. Teka, baka pwedeng malaman ko muna ang name mo? Ako si Steph, Stephanie Montano." She even stretched her right hand para makipag-shake hands.
Nakipag-shake hands ako, "Ina nalang ang itawag mo sa'kin." Naka-ngiti kong sagot dito, "So tell me a story about sa nangyari sa friend mo. Actually, kakauwi ko lang dito sa Pilipinas at ikaw pa lang ang nagiging friend ko."
"Friend? Haha! Ang galing naman, may new friend na kaagad ako. Hehe. Umm, yung friend ko? Niloko sya na pinaglaruan. Grabeh nga eh. Kahit ako nasasaktan pag nakikita kong naiyak sya. Para kasing nararamdaman ko rin yung sakit na nararamdaman ng kaibigan ko." Kwento naman nya. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi naman pala mahirap makitungo sa mga kaibigan ng babaeng yon. Napakadali lang pala. She's so nice. Kung hindi ako galit sa kaibigan nya, baka maging friends talaga kami.
"I won't say the name of the guy ha? You don't know him for sure. Hehe." Patuloy pa din ang pag-kwento nya. Ok. It's Calvix who made Janelle cry? Pero bakit? Ang saya nila pag nakikita ko silang magkasama.
"Actually, that was a year ago pa. Hehe." Napakamot nalang ako sa batok ko. Sh*t! Mukhang maguguluhan ako sa babaeng to ah.
"They even have a night tog – Opss! I think I crossed over the line! Basta ganun! Hehe. Ganun din ba nangyari sayo?" Nanlaki ang mata ko. Wait, are the following words are have a night together? Ibig sabihin – May nangyari na sa kanila?!!
"Ah, Ina..." Bumalik ako sa ulirat ko ng kausapin akong muli ni Steph, "Kailangan ko na palang umalis. Sige, bye!" Ibibigay ko sana sa kanya ang number ko pero nagmamadali syang lumabas ng ice cream shop.
So, Calvix and that girl already done that? Ugh!
-End of flashback-
I do research about her family background. Mayaman sya kung tutuusin. Naisip ko na medyo mahihirapan ako sa kanya. At iisang paraan nalang ang naisip ko para mapaghiwalay sila at maangkin si Calvix, by blackmailing him. I already know what kind of parents are Mr. Fortalejo and Mrs. Fortalejo. They baby their only daughter, Janelle. What do you think of their reaction if they know that they're innocent daughter isn't virgin anymore? Sinong magulang ang magiging masaya pa dahil wala na ang mahalagang bagay ng anak? At sinong magulang ang matutuwa sa lalaking mismong nakasiping ng anak nila? Lalo na sa sitwasyon nila ngayon, paniguradong kamumuhian si Calvix nina Mr. & Mrs. Fortalejo.
Kaagad akong bumalik sa Switzerland and then, I blackmailed him through my emails. Hindi ko naman akalain na agad-agad syang magre-respond sa mga emails ko. At hindi ko talaga akalain na talagang pupunta sya dito sa Switzerland para makipag-usap sa akin! For sure he misses me too! And once he get here, I won't let him off.
I can't believe this planned will be worked! Buong akala ng lahat na sinundan ni Calvix si Aubrey sa Switzerland. Syempre, hindi ako magpapatalo. Parehas ko silang binalackmail. Ngayong nahawakan ko na sila parehas sa leeg, hindi ko na sila papakawalan pa. Lahat ng magagawa ko para wag lang silang magkaroon ng komunikasyon sa Pilipinas ay ginawa ko. Itinira ko rin si Calvix sa condo ko. Lahat rin ng pang-aakit ginawa ko na. Pero tila bulag yata at walang ka-init init sa katawan tong si Calvix! Ilang buwan rin sila ni Aubrey sunud-sunuran sa akin. Isang araw pag-uwi ko galing check-up ko, wala na sila parehas! Pagbukas ko ng mga cabinet, wala na ang maleta at mga damit ni Calvix! Paano nila nakuha ang passport nila?!! Sinugurado ko na sa tagong lugar ko itinago yun! Halos mabaliw ako sa ginawa nilang pagtakas noon. I have mental disorder. Yun ang na-diskubre sa akin ng doctor.
Napahawak ako sa ulo ko. Eto na naman at nakakaramdam ako ng pagkakahilo. Hiniga ko ang sarili ko sa kama at napapikit ng madiin. Humanda ka Janelle. Pagsisihan mong minahal mo si Calvix.
**
"A-Aray! O-Owen! N-Nasasaktan ako!" Mas lalong hinigpitan nito ang pagkakakapit sa kamay ko. Hinigit na rin nito ang buhok ko dahilanan para mapatumba rin ako sa sahig. Buti nalang at naituon ko ang isang kamay ko at hindi napasama ang bagsak ko.
"Bakit ba patuloy mo pa rin syang tinatawagan?!!!" Hinila nya ako patayo. Napapikit nalang ako sa sobrang sakit. Pakiramdam ko ay nabalian ako. Kasabay nito ang pagtulo ng mga luha sa mata ko, "GINAGAGO MO NA NAMAN BA KO!?!" Pagkatapos ay ibinato naman nya ako sa kama.
Patuloy pa din ang pagtulo ng luha ko, "AKIN KA LANG MINA!" At marahas ako nitong hinalikan sa labi. Wala akong ibang magawa kundi ang umiyak nalang. Hinayaan ko nalang syang gawin ang gusto nya sa katawan ko.
//
Hinila ko ang kumot para matakpan ang hubad kong katawan. Hinang-hina akong nagtungong banyo. Nanghihina ang mga tuhod ko at sobrang sakit ng pagkakababae ko. Humarap ako sa salamin. Awang-awa ako sa sarili ko. Napapikit ako ng madiin kasabay nito ang pagtulo ng luha ko, "Calvix... Iligtas mo ko. Nagmamakaawa ako." Alam kong imposibleng mangyari. Pero, naging mahalaga rin naman ako sa kanya hindi ba?
Inangat ko ang ulo ko at muling humarap sa salamin, "Kasalanan mo ang lahat, Janelle. Kung hindi dahil sa'yo. Hindi magkakaganto ang buhay ko."
Janelle's POV
Napahiga nalang ako sa outdoor field ng University. Napapikit nalang ako ng marahan. Ilang araw ko na kasing hindi ma-contact si Andrei. Nahihiya naman akong pumunta sa bahay nila dahil hindi boto sa akin ang mga magulang ni Andrei, lalo na si Tito Dave. Ayoko namang bumalik sa loob ng University dahil paniguradong magkikita kami ni Tito Dave. PTA meeting kasi ngayon. Pati sila Mommy at Daddy ay nasa loob din ngayon. Naalala ko tuloy noong hinatid ako nito sa bahay. Nakakatakot sya. Sa mga kwento naman sa akin ni Andrei noon, mapagmahal at mabait ang ama nya. Pero tila parang ibang Mr. Rodriguez yata ang nakasama ko noong gabing iyon.
-Flashback-
Inihinto ni Tito Dave ang sasakyan sa tapat ng condo
"Okay Janelle. Didiretsuhin na kita." Napaangat ang ulo ko. Unti-unti akong lumingon kay Tito Dave at nakita ang napaka-seryoso nitong mukha.
"I don't want you for my son. He has now a fiancé. They will got married right away. Maybe after his training, or maybe after he graduated college. I want you to break up with him." Nanlaki ang mata ko at nanlamig ang mga kamay ko.
"You're his cousin's, Calvix ex-girlfriend, right? Why don't you guys go back together?" Bumilis na ang tibok ng puso ko. Napagisipan ko na wag nalang itong sagutin at umalis nalang? Bastusan na kung bastusan pero ibang usapan na'to eh. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng sasakyan nito ng hawakan ako nito sa kamay.
"T-Tito..."
"Just break up with my son. We're dealing for the better future of our businesses here in this marriage. Don't make me mad, Janelle. I don't take it off easily."
-End of flashback-
♫ I said, "Oh my, what a marvelous tune
It was the best night, never would forget how we moved
Inis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko. Hindi naman kasi pwedeng si Calvix to dahil ang alam ko nasa eroplano sya dahil ngayon ang uwi nya sa Pilipinas, "Hello?!" Si Stephanie lang pala.
(Sis! Asan ka?!)
"Sa outdoor field. Why?"
(Waaa! Si Fatima!)
Napabangon ako, "Oh, anong nangyari kay Fatima?!"
(Nagkulong sya sa cubicle ng cr! Kasi naman eh... Hindi mo ba alam yung ginawang scene kanina ni Dylan sa may open gym?! Grabeh! Sila na ni cupcake girl!)
"Don't name her cupcake girl. She has a name, Chandria Night Villarelle."
(Whatever. I hate her name! Chandria Night?! Oo! Pang-madilim lang mukha nya! Tss! Paki-bilisan mo naman! Kailangan tayo ni Fatima!)
Kaagad ko na itong binaba at tumakbo papunta sa may banyo ng mga babae. Naabutan ko sa labas si Jamiatra na ayaw magpapasok ng mga estudyante na magc-cr, "Hindi nga pwede eh!"
"Bakit ba hindi pwede huh?! Kailan nyo pa nabili ang banyo ngayon?!"
"5 seconds ago! Bago ko makita yang pagmumukha mo! Ashuu! Lumayas kayo!" Napakamot nalang ako sa batok ko. Baka mapaaway na naman tong si Jamiatra eh.
Agad na kong pumagitna sa kanila, "Umm, girls? Sorry ha. Pwede bang sa second floor nalang kayo mag-cr muna? Emergency lang talaga eh." Pakiusap ko sa kanila. Aba't inirapan ako! Tss! Okay lang! Mas maganda pa din ako sa kanila! Ilang sandali naman ay dumating sina Clarence, Juztine at Gio. Pinakiusapan namin sila na mag-bantay sa labas at wag munang magpapasok dahil kailangan kami ni Fatima ngayon at mukhang naiintindihan na rin nila ang mga nangyayari kaya naman agad namin silang napapayag na maging bodyguard muna. Napansin rin namin ang mga magulang na naglalabasan na ng mga silid. Ibig sabihin ay tapos na ang PTA meeting.
"Fatima..."
"Huhu! Sabi ko sa inyo eh! Hindi na ako gusto ni Dylan eh!"
"Hindi pa naman natin nakakausap si Dylan di ba? Baka naman may ---"
"Shut up Steph! May iba na si Dylan! That's it!" Natahimik naman kaming lahat dahil sa lakas ng sigaw ni Fatima.
Kinuhit naman ako bigla ni Daniele, "Hinahanap ka ni Tita Jane at Tito Rielle." Mahing bulong nito. Kaagad ko naman kinuha ang cellphone ko sa may bulsa ko para tingnan kung may text ba mula sa magulang ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng buksan ko ang text na galing kay Dad.
'Parking lot. Right now.'
Tinapik ko sa likod si Daniele, "Punta lang akong parking lot saglit ha?" Paalam ko dito at lumabas na ng banyo. Dapat nga ay sasamahan ako ni Gio pero ang sabi ko wag na lang. Bawat hakbang ko nga ay syang bilis ng tibok ng puso ko.
Halos mataranta ako ng makitang nakahiga si Calvix sa semento at pilit na pinipigilan ni Mommy ang galit na si Dad, "Calvix!" Nagtatakbo ako papunta sa direksyon nito, "Dad ano bang problema?!!" Sigaw ko. Hindi ko mapigilan ang hindi makapagtaas ng boses kay Dad. Hindi ko alam ang nangyayari pero hindi naman tama na saktan nya si Calvix hindi ba?
"You're dating with Andrei and you're dating that guy too?!" Nagulat ako ng higitin ang kamay ko ni Dad, "Hindi ka namin pinalaki para manloko ng iba! At mas lalong hindi kita pinalaki para lang ibigay ang sarili mo sa isang lalaking tulad ng gagong yan!" Nanlaki ang dalawa kong mata, kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko.
"D-Dad... S-Sorry..." Napasinghap ako ng mas lalong humigpit ang pagkakapit nito sa akin.
"T-Tito, kasalanan ko po. Wag nyo pong saktan si Janelle."
"G**O KA!" Muli nitong sinunggaban ng suntok si Calvix.
*BOGSH*
"DAD!!"
"RIELLE!"
"Dad please tama na!" Pumagitna na ko dito. Ngayon ko lang nakitang magalit ng ganto si Dad, "Walang kasalanan dito si Calvix!" Pagdedepensa ko.
"Hon, please let us daughter explained." Pagsusuyo ni Mommy kay Dad. He just heaved a heavy sigh. Hindi pa din mawala ang malalim na tingin nito kay Calvix. Niyakap ko si Calvix at napatingin nalang sa putok nitong labi. Kakadating nya nga lang galing sa Korea tas bugbog pa ng Dad ko ang madadatnan nya dito?
"Okay, then will you explained when and where it happens?!" Medyo mahinahon na ang boses ni Dad pwera kanina.
Tiningnan ko lang ito ng masama, "Ang ano po ba?! Hindi ko po kayo maintindihan!"
"The day you have slept with him!"
Nanlaki ang dalawa kong mata. Imposible. Paano ito..., "D-Dad..."
"WHAT IF HE GET YOU PREGNANT?!!"
"D-Dad... M-Matagal na pong nangyari. W-Wala pong ---"
Isang malakas na sampal ang natanggap ko kay Dad dahilanan para mapa-upo ako sa semento. Niyakap ako ni Calvix kasabay nito ang wala pa ding pagtigil na pagtulo ng luha ko, "Tito ako po ang may kasalanan!!"
"Nagkulang ba kami bilang magulang?!! Hindi naman di ba?!!" Akmang sasampalin ako nitong muli pero napigilan na sya ni Mommy. Napapapikit nalang ito ng marahan at huminga ng malalim, "I won't tell this to Andrei that you two are playing with him. You must face the consequence. It's either you lost Andrei or him." And he points at Calvix.
- - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro