Chapter 5: Saving Trevor
Chapter 5: Saving Trevor
Janelle's POV
"Oh." Sabay abot sa 'kin ni Calvix ng mga notes. Inangat ko naman ang ulo ko and as usual walang reaksyon ang mukha niya. Ni-hindi man lang sya nag-thank you. Sa bagay, what do I expect on him?
Pumunta siya sa kung nasaan ang mga kabarkada nya. Ang iingay na naman nila. Para bang hindi sila nawawalan ng kwentuhan araw araw. Kung hindi tungkol sa sports ang pinaguusupan nila, about sa babae at company ng bawat pamilya nila. Binalik ko nalang ulit ang tuon ko sa pagaaral. Kailangan kong maka-perfect sa major exam. Ayoko ng makapantay sa ranking si Calvix.
Ilang sandali lang ay dumating na din ang professor namin dahilanan para bumalik na ang lahat sa kinauupuan nila. While discussion, may tila isang papel na pinagpapasahan pasahan sa may unahan. Napakunot ang noo ko. Ano na naman kaya ang trip nitong mga ka-classmate ko? Dati kasi ang nakalagay dun ay --
"Wag papalabasin si Hans ng room after class. May gagawin tayo." –Calvix
Oo. Palaging si Calvix ang master mind. Hindi ko nasaksihan kong anong ginawa nila kay Hans noon. Basta ang alam ko lang, mainit ang dugo nila dito dahil ito lamang ang hindi nasunod sa mga kagustuhan nila. Dahil ang mga kaibigan nito ay sa kabilang section, mas madaling napagtripan ng barkada ni Calvix ito. At noong kaumagahan, nalaman ko nalang na nagpalipat na ng ibang section si Hans.
Nagkakatinginan, nagtatawanan at nagaapiran pa silang lahat. Kahit ang mga babae ko ring ka-classmate ay g na g. Sobra na tuloy akong nagtataka kung ano ba talagang nakasulat doon. Hanggang sa makarating sa 'kin yung sticky note at binasa ito.
"Paint, egg, flour and woods for Trevor in Block 202 of BS Business Management in open gym. After class. ;)" –Calvix
Paint? Egg? Flour? Woods? For Trevor in Block 202 of BS Business Management? Open Gym? After class? Huh? Anong gagawin nila?
"Ipasa mo na!" Halos mawindang ang buo kong sistema dahil sa awtoridad na boses ni Calvix. Nanginginig ang kamay kong pinasa 'yon sa iba kong ka-classmate.
"S-Sino si Trevor? Trevor Montano ba?"
"Bakit? Sasabihan mo? Go. Para matakot siya at mawala na siya sa paningin ko." He just gave me a cold stare.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at napakawak ako ng mahigpit sa hawak hawak kong ballpen. Mapapasama na naman ang image ng Block 101 ng Business Management. Naturingan kaming first section dahil andito lahat ng matatalino tas gagawa pa ng eksena ang section namin?
Hindi ako mapakali ng buong klase. Pupunta akong Block 202 mamaya. Bilang Block 101, gagaiwn ko ang nararapat. Hindi pwedeng pumanig ako sa mali. Kilala ko naman yung trevor Montano dahil dati siyang basketball player ng Howard U. Hindi ko lang alam kung bakit bigla na lamang siyang natanggal sa team.
Isang subject nalang bago kami mag-uwian. Hindi pa rin ako mapakali. Buti nalang ay wala sa tabi ko si Calvix dahil baka akalain niya ay bulati ako dahil sa sobrang likot ko. Pasimple akong lumingon sa likod ko at nakita na naghahanda na sina Bryan ng mga gagamitin nila mamaya.
*KRING*
"Game!" Sabay sabay nilang sabi bago magpuntang likod at kuhanin ang kanilang mga kailangan. Dali dali kong inayos ang gamit ko at inilagay ang bag sa likod ko.
Sh*t.
"Block 202 asan ka na ba?!!" Halos madapa na ako mahanap lang kaagad ang block 202 na 'yon.
"Eto!" Sumilip ako sa room nila. Mukhang uwian na din sila. "Uhh, excuse me? Si Trevor asan?"
"Montano? Ah! Umuwi na." Pagkatapos na sabihin 'yon ng isa sa mga ka-classmate ni Trevor ay umalis na ko kaagad. Hindi pa naman siguro siya nakakaalis di ba?
Oh noes.
Habang natakbo ako papuntang open gym. Nakita ko sina Jack, Andrei at Bryan na may kinakausap na lalaki. Hindi ko makita kung sino 'yon dahil nakatalikod ito sa 'kin.
"Sumama ka na sa amin." Inakbayan ito ni Andrei pero agad naman na tinanggal nung lalaki ang pagkakaakbay nito sa kanya.
"Kung ayaw mong masaktan, sumama ka nalang, Trevor." Matalim ang titig ni Bryan dito. Confirmed! Si Trevor nga ang llaaking 'yon!
Sumama naman ito sa kanila. Spell, stupidity? Mas matanda ka sa kanila ng isang taon pero napasunod ka nila?
Akmang tatakbo na ako para pigilan sila pero may humawak ng bag ko sa may likod ko."Oh Janelle, saan ang punta natin? Uuwi ka na ba? Ingat ha." Natatawang sabi sa 'kin ni Troy at Clarence.
"Hindi. Pipigilan ko kayo sa balak niyong gawin." Tinabig ko ang kamay nila pero muli na naman nila akong hinawakan.
"Janelle, you know you can't do that." This time, hinarangan na nila ako.
"Tumabi nga kayo!!"
"Aray!! Bitawan mo ko!!" Hinampas ko ang likod ni Troy dahil binuhat niya ako. Huh! Bahala kang mabigatan! Mataba kaya ako!
At dahil nga sa medyo chubby ako, agad akong binaba ni Troy at napahimas siya sa may balikat niya. "Ang bigat mo, Janelle!"
"JANELLE!!!!!!!! Ugh!" Parehas ko na sinipa ang kanilang pagkakalaki. Sorry, girls. Mukhang mababaog yata ang dalawang prinsipe na pinagpapantasyahan niyo. Oops.
Sinamantala ko na ang pagkakataon kaya kaagad na akong tumakbo para makalayo sa kanila. Nang maabutan ko sina Andrei ay agad akong sumigaw.
"TREVOR!! Wag kang sumama sa kanila!!" Napahinto sila sa paglalakad patungong open gym, "Sasaktan ka nila!" Dagdag ko pa.
"Janelle!" Galit na pagbigkas ng pangalan ko nina Andrei, Jack at Bryan. Akmang maglalakad na palayo si Trevor pero agad na hinawakan nila ang braso nito.
"Let go of me." Malamig na tugon ng boses ni Trevor, "Hindi pa ba sapat ang pagtanggal nyo sa akin sa basketball team?" Kagagawan din nila pala yun? Isa pa naman si Trevor sa pinakamagaling na basketball ng Howard U. Ayun ang alam ko. Ayun kasi ang usap usapan na isa ito sa pinakamagaling.
Napatakip ang dalawang kamay ko sa bibig ko ng agad na sunggaban ng suntok ni Andrei si Trevor. Buti nalang ay nakailag ito. Sunod sunod na sumugod naman si Jack at Bryan. Tumingin ako sa paligid. Wala namang ibang estudyante na pwedeng hingan ng tulong. Eh kahit naman may estudyante akong makita, alam kong hindi nila tutulungan si Trevor laban kina Calvix. Pero nanlaki ang mata ko ng may makita akong isang guard. Akmang tatakbo na ako papunta sa kinaroonan non para humingi ng tulong pero may humawak sa balikat ko.
"Saan ka pupunta ha?! Yari ka kay Calvix." Sabi sa akin ni Troy habang ahwak hawak ang balikat ko. Napapikit ako at nagdasal. Mukhang ito na yata ang katapusan ko.
Nang imulat ko ang mata ko ay nakita ko na lamang si Troy na nasa may sahig at inis na pinunasan ang kanyang dumugong labi. Si Clarence naman ay hawak hawak ang kanyang sikmura. Lumuhod ako at hinawakan sa balikat ito, "Oy Clarence, ayos ka lang?" Pansin ko, lagi na lamang si Clarence ang medaling masaktan sa kanila. I mean, wala naman siyang lakas na makipaglaban dahil ang lampa lampa niya pero go pa rin siya na sumama sa away nila Calvix.
"Come on!" Trevor held my wrist. We run as best we can hanggang makalabas kami ng University.
Nang makalayo na kami ay hinabol namin ang aming hininga, "Okay ka lang?" Sabay himas nya sa likod ko.
"Oo. Ikaw? Hindi ka ba nilanasaktan?" Tanong ko naman sa kanya. I tried to calm myself. Paano ba naman hindi magwawala ang puso ko ay hinimas himas niya ang likod ko?
"Hindi pa naman." Tumingin muna siya sa paligid. Baka mamaya ay sinundan kami nila Jack, "Salamat nga pala. Buti nalang dumating ka."
Nakangiti niyang sabi sa 'kin. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kagwapo ang mukha niya. Mapulang labi, makinis na mukha, maputing balat, mapupungay na mata at matangos na ilong. Teka... Babae ba 'tong si Trevor? Mas perfect pa ang mukha niya sa 'kin!
"Hey." Bumalik ako sa ulirat ko ng tapikin niya ako sa balikat, "You okay?"
Tumango ako, "Oo, ayos lang ako. Sige, aalis na ko. Ingat."
"Oh teka... Uuwi ka ng mag-isa?" Pigil niya sa 'kin.
"Oo."
Umiling naman siya, "Hindi. Hindi ka uuwing mag-isa ngayon. Ihahatid kita." Nakangiti niyang sabi sa 'kin at muli na naman niyang hinawakan ang braso ko. Napangiti na lamang din ako dahil kahit papaano ay mararanasan ko na maihatid ng isang lalaki sa bahay.
Tahimik lamang kami habang naglalakad. Eh kasi naman kakakilala pa lang namin tapos ihahatid na niya agad ako sa bahay. Baka siguro ay gusto niya lang bumawi sa 'kin dahil niligtas ko siya. Tama. This is what they called give and take.
Pagkatapos ng ilang minuto ay huminto na ako sa tapat ng bahay namin. Ganoon din naman siya. "S-Salamat." Nakatungo kong sabi sa kanya. "Baka gusto mong pumasok." Alok ko pa. I think it's rude when he takes you home and you won't even ask him to come inside.
"Salamat nalang. May kailangan pa kasi akong gawin kaya uuna na ko. Salamat ulit ha. See you in school." Tinapik niya ako sa balikat at naglakad ng palayo.
"Bye! See you!" Sigaw niya sa 'kin ng hindi pa nakakalayo.
Napangiti ako at kumaway pabalik, "Bye! Ingat! S-See you!"
Nag-hand gesture pa siya na pumasok na raw ako sa loob. Muli akong ngumiti at tumango sa kanya. Nang marealize ko na mukhang kinikilig ako sa kanya ay kumaripas na ang takbo ko papasok sa loob ng bahay namin.
Naglalakad na ako papanik sa itaas ng magtanong si Moomy, "Anak, sino yon?" Ah, new friend po? Teka, kaibigan ko na ba siya? Aysh! Feeling close na naman ako!
"Ah. Si Trevor po. Higher batch po." Sagot ko.
"Boyfriend mo?"
"Po?!"
"Yieee! Si Mam Janelle may boyfriend naaa!" Pang-aasar pa sa 'kin ng katulong namin.
Hindi ko nalang sila pinansin at pumanik na ako sa kwarto ko. Naglinis ng katawan, gumawa ng homework at nagbasa ng pocket book. Nainis naman ako dun sa binasa ko. Sila pa rin kasi ang nagkatuluyan sa huli. Pfft. Wala kayang forever.
Hiniga ko nalang ang sarili ko sa kama. Pipikit na sana ako ng biglang nagvibrate ang phone ko sa may ilalim ng unan ko. Inis kong kinuha 'yon. Sino ba kasi ang palaging nagtetext sa 'kin? Nanlaki ang mata kop ng mabasa ko 'yon. Napaupo pa ko sa may kama ko dahil sa gulat.
From: Unknown number
Kung ako sayo, wag ka ng pumasok bukas. Or else, lumipat ka na ng University.
Is this a prank message? Or a warning message? Napalunok ako. I checked the last message I received yesterday. They have the same number. Pero teka, sino 'to?
Muling nag-vibrate ang phone ko. Nagdalawang isip pa ko kung bubuksan ko 'yon. Lumipas siguro ng tatlong minuto bago ko buksan 'yon.
From: Unknown number
In the first place, ikaw ang pumili sa kalalagyan mo Janelle. Be prepared for the consequences.
- - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro