Chapter 44: The Player
Chapter 44: The Player
Janelle's POV
-OCTOBER-
Ilang buwan na ang nakalipas. Mas lalong lumayo kami sa isa't isa. Iwas na rin kami sa isa't isa. Pagkatapos noong nangyari noong na-ospital sya at ang pagsabi nya ng mahal nya ako, sinampal ko sya at iniwan nalang ito. Galit na galit ako sa mga oras na yun. Mahal?! Nagpapatawa ba sya? There's no love for a player. Does he think I will believe him? Nah, not anymore. I'm not the girl he had been fooled and played. Two chances are enough.
"Calvix! San ka punta?" Tumingin ako sa may pintuan ng classroom kung saan napahinto si Calvix dahil sa pagtawag ni Bryan dito.
Tumingin sya sa orasan nya, "Uwian na ng girlfriend ko. Kailangan ko syang sunduin." Tumingin ako sa ibang direksyon. Eto na naman...nararamdaman ko na naman ang sakit.
"Girlfriend? A-Ah... Si Kylie ba?"
"Jessica." Walang ganang sagot nito. Tumayo ako at kunwaring nag-aayos ng gamit. Pero ang totoo, nasasaktan ako. Parang anytime may tutulong luha sa mata ko.
"Jessica?! Break na kayo ni Kylie?!" Muli akong napalingon sa kanila.
He just smiled and said, "I'm Patrick Calvix De La Vega Aranillo." He winked and even tapped Bryan on his shoulder.
Yes, he's back, the player. Pagkatapos ng nangyaring usapan sa aming dalawa, nalaman ko nalang kinabukasan na may girlfriend na sya. Noong una wala akong pakielam. Pero ng tumagal at nakikita ko sya na may kasamang iba, nasasaktan ako. Lalo na kung ako pa mismo ang nakakakita how they make-out. Last time nga, nahuli ko sya sa Journalism Club. Hindi ko mai-explain ang nararamdaman ko nung mga oras na iyon. Para bang sinasaksak ang puso ko ng ilang beses. This month, nakakailang palit na sya ng girlfriends. Ang current girlfriend nya ngayon ay si Kylie na tiga-Princeton High University. At yung Jessica na nabanggit nya kanina? Hindi ko alam.
Mag-isa ako ngayong uuwi dahil busy si Andrei ngayon. Noong isang linggo pa sya halos ine-excuse sa klase. May mga projects kasi ang mga student council na kailangang gawin dito sa school. Bibihira nalang din kaming nagkakasama. Magkikita kami, saglit lang. Tetext ko sya, di sya nagrereply. Tatawagan ko sya, hindi nya sinasagot. Lalo na sa mga darating na linggo dahil bibisita ang board of members at Commissioner dito sa school. Mas lalong magiging busy ang mga members ng student council.
"Hi."
Tumango lang ako pagbati ni Mina sa akin, ang new classmate namin. Kaagad ko rin syang nilampasan, "Anong pakiramdam na ang lalaking mahal na mahal mo nagpapakasaya sa piling ng iba samantalang ikaw..." Binalikan ko sya ng tingin. Tinitigan nya ako mula paa hanggang ulo, "Nagkukunwaring masaya sa piling ng taong hindi mo mahal?"
Nanlaki ang dalawa kong mata, "Anong sabi mo?!"
She smirked, "Why? Did I just say the right words?! Oops." Tinakpan pa nito ang bibig at tumawa, "I'm just joking lang naman. Hindi ko naman akalain na TOTOO pala talaga ang biro ko." Pagkatapos non ay umalis na sya.
Pero hindi ako magpapatalo at kaagad na hinawakan ang kamay nya para iharap sa akin, "Ikaw...Anong pakiramdam na ikaw palagi ang naghahabol?" I smiled bitterly, "Yung tipong hinahabol mo sya pero may hinahabol syang iba. Yung hinihintay mo sya pero may hinihintay syang iba. Yung kaya mong gawin ang lahat para sa kanya pero sya lahat kaya nyang gawin para sa taong mahal nya. At yung mahal na mahal mo sya pero may mahal na mahal syang iba."
Nanlaki ang mata nito, "W-What did you just said!?!" Kita ko sa mata nya na malapit na syang maluha
"Why? Did I just say the right words? Oops." Tinakpan ko ang bibig ko at ngumiti sa kanya, "I'm just joking lang naman. Hindi ko naman akalain na TOTOO pala talaga ang biro ko." Ginaya ko pa ang tono ng boses nya kanina.
Akmang sasampalin nya ako pero kaagad kong nahawakan ang kamay nya, "Why? Truth hurts ano?" I laughed, "Next time kasi wag padalos-dalos. Nanahimik na padaan yung tao babatuhan mo ng tanong." I smiled and fix her ribbon, "And next time, siguraduhin mo na walang mas masakit na batong tanong sa'yo." Pagkatapos ay umalis na ko. Hayy. Nakakapagod maging mataray.
**
"Hello?"
(Janelle, si Seth to.)
"Alam ko."
(Ang taray nito! Hmf! Nag-text si Calvix! Ibalik mo na daw yung libro nya! Bibigay sa kin tas babawiin?! Ano to lokohan?!)
Nagtungo ako ng study table ko para kuhanin yung libro, "Kunin nya sa kin."
(Dalin mo nga daw sa condo nya.)
"Bakit ako?" And duh! Gabi na kaya!
(Eh sino bang nanghiram?!)
"Ehem. Seth, baka nakakalimutan mo ikaw ang humiram nito? Pinatago mo lang sa kin dahil puno ang bag mo noong isang araw!"
(Hihihi. Love mo naman ako di ba? Kaw na magbalik! Nagtatampo ako! Binigay na sa kin tas kukunin din pala! Hmf! Love you Andrei's girlfriend!)
--
*DOORBELL*
"Ang tagal..." Reklamo ko habang inaantay ang pagbubukas ng pintuan ng condo ni Calvix.
"Why are you here?" Tinaasan ko sya ng kilay. Bakit ako andito? Tinaas ko ang librong hawak ko, "Kinukuha mo daw."
Mukhang nagtaka ito, "Binigay ko na yan kay Seth."
"Ha? Eh ang text mo daw sa kanya ibalik ----"
"Babe? May nag-text." Rinig kong boses ng isang babae sa loob ng condo nito, "Seth ang pang--- Ah! Sorry. May kausap ka pala." Nginitian ako nito at pumulupot ng parang linta kay Calvix. Tinitigan ko sya. Mula ulo hanggang paa. She's wearing an oversized shirt. If I'm sure, it's Calvix shirt.
Kinuha nya sa akin yung libro, "Okay." Pagkatapos ay pinagsaraduhan na nya akong pinto.
"A-Andrei... Asan ka?" Tinawagan ko si Andrei. Naka-upo ako ngayon sa may bench sa may labas ng building ng condo ni Calvix. Bakit ganun? Nasasaktan na naman ako. Dapat hindi ko na nararamdaman ito.
(Nasa school pa kami.)
Tumingin ako sa orasan ko, "Gabi na ah."
(Oo nga eh. Sige, bye muna.) Pagkatapos ay binabaan na nya ako. Tinaas ko ang mga paa ko at niyakap ito.
Bakit kung kailangan kita saka ka walang oras para sa kin?
*
Naglalakad na ako pababa ng rooftop. Tatlong oras na kong naghihintay don. Nakaka-dissapoint lang. Ang sabi nya babawi sya sa akin ngayon. Magde-date daw kami at magdi-dinner sya sa bahay. Pero, malabo eh. Malabong-malabo. Kailangan nyang gawin ang tungkulin nya.
Uwian na ngayon kaya wala na halos estudyante. Nang dumaan ako sa isang classroom may narining akong --- Napatakip nalang ako sa bibig dahil kilala ko kung kaninong boses iyon.
"Lyka... W-Wag tayo dito."
"God Calvix kailan ka pa naging maarte!"
Binuksan ko ng kaunti ang pintuan. Hindi ako nagkamali. Kay Calvix at Lyka nga ang boses na iyon. Naka-upo si Calvix at nakaupo sa hita nya si Lyka. Hinahalik-halikan nito ang leeg ni Calvix. Si Calvix naman ay sarap na sarap sa ginagawa nito.
"Damn. You've been good!" Lyka just smiled at pinagpatuloy ang ginawa nya.
May tumulong luha sa mata ko. Nakaramdam ako ng panghihina sa buo kong katawan at ang pagkirot ng puso ko. He's really a player. Parang kagabi lang meron syang inuwing babae sa condo nya.
Aksidenteng nagtama ang mata naming dalawa dahilanan para mapatigil rin si Lyka sa ginagawa nya –
"Janelle?!"
Kaagad akong tumakbo papalayo dito. Ayokong sabihin nya na nasasaktan na naman ako. Kasalanan ko rin naman to eh. Sinabi nya ng mahal nya ako pero hindi ko sya pinaniwalaan. Sa pagtakbo ko, nagulat nalang ako ng biglang may humigit sa akin at hinarap sa kanya.
"LET ME GO!" Pilit kong tinatanggal ang kamay nya pero wala eh. Masyadong itong mahigpit.
"Ano ba Calvix! Sabi ng bitawan mo ko eh!" Nagpupumiglas pa rin ako pero ayaw talaga nya akong bitawan.
"Why are you crying?"
Galit kong pinunasan ang luha ko, "I-I'm not!"
"Yes you are. Then tell me, why are you crying?"
"You want me to tell you?!"
Tumango lang ito, "Because of you! You're back from being a heartless bastard!"
"This what you think of me anyway. I can change for you, Janelle. Just tell me you love me and I'll change. I love you."
I shook my head, "No. You're l-lying." My voice almost cracked.
Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko, "Do you still love me?" Napatitig ako sa mata nya. He's really look like a desperate to hear my answer, "Tell me. Please. I want to hear..." Tinabig ko ang kamay nya at kaagad na tumalikod sa kanya. Ayoko. Ayoko ng mahalin ka.
I was shocked when he hugged me from the back, "I love you. How many times I have to say this?" I can feel his warm breath on my neck.
"I know you still love me Janelle." Para bang nanginig ang buo kong katawan. Kahit hindi ko aminin, alam ng sarili ko na mahal ko pa sya. Napapikit ako ng madiin. Alam kong mali tong nararamdaman ko. May boyfriend ako at pinsan nya yun. Pero anong magagawa ko? Mahal na mahal ko pa rin ang lalaking nanakit sa kin.
"Let's play a game...on him. " Naramdaman ko ang paghigpit pa nya lalo ng yakap sa akin. I gathered all my strength para makawala ako sa pagkakayakap nya pero masyado syang malakas. Unti-unti na rin akong nanghina at hindi na lumaban pa.
"Janelle...
"Cheat him...with me."
- - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro