Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 40: His reason

Chapter 40: His reason

-8 months ago-

Calvix’s POV

“Finally! How’s Switzerland?!” Masayang bungad sa akin ni Mama pagdating ko sa bahay.

“Fine.” I answered, “Where’s Dad?”

“Hi son!” Niyakap ako nito ng mahigpit, “Kamusta ang school don?”

“Great. I guess.”

“Come on! Ikaw ang nag-pumilit na dyan ka na papasok! Nagulat na nga lang kami na uuwi ka na pala! I really miss you son.” At muli ako nitong niyakap.

“Dad!” Lumayo ako dito. Nagtawanan lang sila ni Mama.

“We miss you. Seriously.” Dagdag pa nito.

“Such a gay dad! By the way, where’s Nathalie?”

“I’m here. Wala ka ba man lang pasalubong sa kin kuya?” Sabi nito habang nababa ng hagdan, “Kahit chocolates man lang or anything else?”

“I have.”

“OMG! Really? Can I have it now ---“

“I’m tired. I need sleep.”

Pagkatapos ay pumanik na ako sa may kwarto ko. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama. God! I miss this! Kapagod. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa kung saan nakalagay ang picture nya.

“I’m here. I’m sorry if I made you wait. I promise. I won’t leave you again.” And I kissed her picture.

*KRING*

(Patrick!)

Napatakip ako ng taenga ko, “What?!”

(It’s really true!)

Inayos ko ang upo ko sa kama ko, “What is true?”

(They’re really together!)

I laughed, “I told you. That’s not true.”

(Believe me Patrick!)

“No. Janelle wouldn’t two timed me.”

(Then what about their status in facebook 2 months ago? Wait, 2 months? God! Memory gap! 2 months or 1 month?! Whatever! Tss! Their pictures Patrick!!)

“I’ll buy you memory plus later. Umm, 2 months just passed. Maybe making me jealous? Well, you know it really works for me then.”

(No Patrick! I think it is not! I think they really are!)

“I told you Aubrey. They won’t! They would never betrayed me.”

(Are you and Janelle are still together when you went to Switzerland?)

“Of course.”

(You just said to me last time that she’s not your girlfriend!)

“But our feelings is mutual.”

(Duh Patrick! Duh! Of course you still need to court her!)

“I will. I actually planned that on the day before I went to Switzerland.”

(Patrick… Let’s go back to our topic. Janelle and Andrei, as I saw earlier. It seems like they really are.)

(Patrick. Believe me.)

“I think I need to see her.”

(You should.)

“Okay. Bye.”

(Wait!)

“What?”

(I just heard it from Danica.)

“You heard what?”

(Mina just book a flight and I think, by the end of this week, she’ll be here.)

Sh*t!

- - - -

I doorbell on Jared’s house. I just went to Janelle’s house. And you know what they said? She and her boyfriend are on date!

“Calvix?!”

“Jared! Bakit ka nagsinungaling?!” Hinawakan ko ang kwelyo nito.

“Pre sorry.”

“Ang sabi mo mag-kaibigan lang sila! Ang sabi mo hindi sya pinopormahan ni Andrei! Panatag ang loob ko don dahil akala ko okay pa din ang lahat sa min ni Janelle!"

Akmang hahawakan ako nito pero agad akong umiwas, “Hindi namin ginusto ang mag-lihim sayo Calvix.”

Galit kong ginulo ang buhok ko, “That’s bullsh*t! Tinanong kita kung pinopormahan ba ni Andrei si Janelle! Kasi nong mga oras na yon, naghihinala na ko! Pero anong sabi mo?! Magkaibigan lang sila! Na pinagseselos lang ako ni Janelle dahil hanggang ngayon nagtatampo pa din sya sa biglaang pag-alis ko!”

“Bakit hindi mo man lang nabanggit sa kin? Eh di sana naka-uwi ako para napigilan p-pa.” My voice cracked. Hindi ko na napigilan. I feel I’ve been betrayed!

“Patawarin mo ko Calvix. Pero sa nakikita ko, mahal na ni Janelle si A-Andrei.”

Tinitigan ko sya ng masama, “What?”

“You’ve gone for not that long time Calvix. Wala kaming kaideya-ideya kung bakit ka umalis. Ilang beses ka naming tinatawagan, kino-contact pero isang buwan pa makalipas bago kami sagutin. Tinatanong ka namin kung anong dahilan ang pagpunta mo dyan. Kahit sina Tita Aliyah hindi alam kung bakit ka daw  na magpumilit na pumunta sa Switzerland. And the worst thing is… You promised to her that you’ll come back after 1 week or 2 weeks. She waited Calvix. She waited.”

Nanghihina ako sa mga naririnig ko. Galit na galit ako sa sarili ko!, “After few months, niligawan sya ni Andrei exactly on her birthday. Pero hindi sya sinagot nito. Tanda mo pa? Ilang beses kitang tinatawagan para man lang batiin sya ng ‘Happy Birthday’, but you insisted. Ang sabi mo hindi na kailangan. Noong pasko, ang sabi namin ni Bryan batiin mo man lang ng ‘Merry Christmas’ o kaya padalan mo ng regalo. Ang sabi mo wala kang time dahil busy ka sa mga studies mo dahil kailangan mong mag-habol dahil new transferee ka. ”

“Binigay ko sayo ang number ni Janelle. Ang sabi ko tawagan mo para ipaliwanag mo ang lahat dahil nakita na namin syang umiyak. At sa panahon na yon, si Andrei ang nasa tabi nya. Tas ang sagot mo, hindi na nya kailangang malaman. Nong February, kausap kita non sa skype. Ang sabi ko sayo sinagot na ni Janelle si Andrei. Pero tinawanan mo lang ako. Ang sabi mo, hindi yun magagawa ni Andrei sayo. Kahit nagkaroon kayo ng hindi pagkakaintindihan non, hindi nya yun magagawa. Ang sabi mo pa nga, ako pa din ang mahal ni Janelle. Hindi man kami at malayo ako, alam kong ako pa din.”

“Isang beses tinawagan ka daw nya. Pero alam mo kung sino ang sumagot? Isang babae. And that day, she’s more broken. Para bang pinilipilit na lang nya ilakad ang sarili nya sa pang-araw araw. Kung wala siguro si Andrei sa tabi nya baka nag-suicide na sya.”

Natatawa nalang ako dahil halos saulo ni Jared ang lahat ng mga nangyari sa loob ng walong buwan na yon, “So what are you saying? It’s my fault in the first place?”

“No Calvix. I’m saying the reasons why she chose to move on.” And that strikes my heart!

I looked directly to his eyes, “You don’t know anything. You don’t know how much pain I felt staying there. You guys don’t know anything.” And I walked away from him.

/

Pagkadating ko sa bahay, humiga ako sa kama ko. Gusto ko sanang puntahan si Janelle pero wala na kong lakas. Nilagay ko ang kamay ko sa noo ko at napapikit ng marahan.

-Flashback-

 

“You’re here. Finally. I waited for you.” She hugged me, “I miss you. Did you miss me?”

 

“No.”

 

“I know you do. Come on! Stay at my condo!”

 

“No, thanks. I’ll just stay at the hotel. I’ll be just staying here for 1 week. Maybe, 3 days? Dapat nga 1 day lang dahil saglit naman ang pag-uusapan natin.”

 

Ipinilupot nya ang kamay nya sa braso ko, “Saglit? No Calvix. You would stay here from now.”

 

“Hell no. I won’t.”

 

“Then I have no choice to tell what you guys did that only after marriage couple can do.” She whispered, “I can see her parents reaction. So everybody does.” She bite my ear.

 

“Sh*t! Can’t you just leave her?!”

 

“Janelle Rian Fortalejo? The innocent girl – Is not a virgin anymore. Great! I guess I would be famous by bringing this up in the internet.” She went to her study table where her laptop is.

 

I held her hand tightly, “Don’t play like you’re never been sleep with a guy.”

 

“But everyone knows that I’m one. But her? An only child who’s really love by her parents, a smart one, never been loved until he met you was really a ---“

 

“WHAT DO YOU WANT?!!!”

 

“Stay here in Switzerland… with me.”

 

-End of flashback-

 

Yes, I’ve been black-mailed. Bukod sa barkada ko at barkada ni Janelle, hindi ko alam kung papaano nya nalaman ang nangyari sa amin ni Janelle.  She’s my childhood friend. Sabay na kaming lumaki at para na din kaming magbe-bestfriend, kami nina Andrei. But when we were in High School, she confessed. Hindi lang kaibigan ang tingin nya sa akin, it’s more than that. And back then, may girlfriend ako! Si Aubrey yun. I stayed away from her. Hindi ko na sya kinakausap at pag gusto nyang pumunta ng bahay namin ay palagi akong nagdadahilan na busy ako sa ganyan, ganto at kung ano-ano pa. Habang mas tumatagal, mas lalong lumalim ang kagustuhan nya sa akin. And I see that it’s not that a simple love actually, it’s now an obsession.

Dumating yung araw na halos magmakaawa sya na sya na lang ang mahalin ko. Nung una, maayos naman ang sabi ko sa kanya na may girlfriend ako at mahal ko ito. Pero hindi pa din sya tumigil at kahit lumuhod sa harapan ko nagawa nya. Awang-awa ako sa kanya ng mga oras na yun. Mahal ko sya, pero bilang kaibigan lang. Ni-hindi ko sya kayang makitang masaktan. But what can I do? I love my girlfriend more than her. Lahat ng masasakit na salita sinabi ko sa kanya. Noong mga oras na nga non ay wala sya halos tigil na kakaiyak.

And the last thing I knew is she migrated to Switzerland with her family. No goodbyes. She just leave. At ang masakit, yung panahon na sinaktan at pinaiyak ko sya ang sya na palang huling araw na makikita ko sya.

And I didn’t know that she’ll do things like this. I can’t believe that she’ll make me suffer this way. Staying with her is like being in hell. I can’t even held my cellphone for a long time. When I’m talking to Jared in skype, she’s always in my side where Jared can’t see her on the screen. When I logged to facebook and answered my friend’s emails, she’s always at my back looking in the screen too. She’s like my girlfriend – No, a wife actually.

She forced me too to not to tell anyone in the Philippines that I’m staying with her, including my family. And I really hate the fact that we used to live in one condominium. I really hate the way she dressed. She’s always seducing me. In school, I hate the way she called me ‘Baby’ and saying ‘I love you’ in front of the other students.

And the thing I really hate the most is when the Christmas Day came. I was about to send her the gifts I bought but you said if I will, it’ll surely be in the internet tomorrow morning. You don’t know pain I felt. I promised her that I will come back in 1 week or 2 weeks. And it’s already 4 months passed! I broke my promise. The promise I made that I really want to keep.

“Patrick, you sure about this?”

 

“Yes. I really want to leave this country right away.”

 

“But what if she ---“

 

“I don’t know.”

 

“Ok. We’ll leave this country tomorrow.”

 

“Thanks Aubrey.”

 

 

Ang totoo, takas lang ang ginawa ko para maka-uwi ako ng Pinas. Matagal naming pinagplanuhan ni Aubrey ang pag-alis. Sinakto namin ito kung kailan pinapauwi ng bahay nila ito. Ito rin ang dahilan ng pagpunta ni Aubrey sa Switzerland. Sa pagkukwento sa akin ni Aubrey, binilack-mail sya nito sa pamamagitan ng pag-sira sa pamilya ni Gio at kompanya nito. Sa totoo lang, parehas kaming dalawa ni Aubrey ang hawak-hawak nya sa leeg. Konting galaw namin alam nya. Parehas nya kaming sinasakal. At iisa lang ang sinusigurado ko, planado na nya ito noong una pa lang. Para ang iisipin ng lahat na ang pagpunta ko ng Switzerland ay dahil kay Aubrey.

Hindi ko talaga lubos na ma-isip kong paano nya kami nagawang ikulong sa sarili nyang pader sa walong buwan. Sinubukan naming mag-isip ng paraan ni Aubrey para matigil ang lahat ng to. Pero masyado syang madaming hawak na tao. Kahit ayaw naming magpasakal sa kanya, nagawa nya pa din.

Naiinis ba kayo sa kin? Dahil sa wala man lang ako nagawa para makabalik dito sa Pinas? Ako din eh. Naiinis ako sa sarili ko. Ang lalaking tulad ko ay natakot sa pwede nyang gawin.

At sa ngayon, natatakot kaming dalawa ni Aubrey sa pag-punta nya dito sa Pinas. Natatakot ako sa pwede nyang gawin. Kailangan ko syang pigilan.

**

Naglalakad ako ngayon sa may hallway kasama si Aubrey. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Gulat silang lahat sa pagbalik namin. Matatapos na kasi ang 3rd semester noong umalis kami parehas ni Aubrey. Wala rin kaming pakielam sa mga taong iniisip na nagkabalikan na kami dahil para sa aming dalawa magkaibigan na lang talaga kami. Yes, I admit, noong pagdating ko sa Switzerland, nahirapan akong makitungo sa kanya dahil hindi ko maiwasan ang bumalik ang nararamdaman ko sa kanya. Pero habang tumatagal naman, ay unti unti na din itong nawawala.

Hinatid ko na si Aubrey sa classroom nya, “Calvix, I’m scared what she can do right now.”

“Don’t be Aubrey. I will protect you and Gio. Don’t worry.”

“How about Janelle? Calvix... Hindi nya to papalagpasin. Alam ko ngayong mga oras na’to nag-iisip na sya ng paraan kung paano nya tayo isa isa sisirain.”

Napayukom ang palad ko. Paano ko mapoprotektahan ang ibang tao kung ang taong mahal ko hindi ko magawang ma-protektahan? Ayokong masira ako sa magulang ni Janelle. At ayokong kumalat ang nangyari sa amin ni Janelle. Ayokong bumaba ang tingin sa kanya ng mga tao dahil binigay nya ang sarili nya sa taong tulad ko.

“Calvix, di ba tumira ka kasama sya?”

Tumango lang ako, “Why? Are you thinking that I slept with her?!”

“No. No. Wala ka bang napapansin like… She’s c-crazy?”

I laughed, “I guess, yes. She’s crazy in love with me.” I winked.

“God! Ang hangin! Sige na nga pumasok ka na! Babushh!” Sabi nya at pumasok na ng tuluyan sa classroom nya.

- - - -

“Oh Mr. Aranillo, andito ka na pala. Tama nga ang balita! Mas lalo ka yatang pumogi ah! Manang-mana ka talaga sa tatay mo! Pero bakit parang namayat ka? Ganun ba ka-busy sa nalipatan mong University sa Switzerland?” Tanong sa akin ni Mr. George ng magkasalubong kami. Tumingin ako sa schedule paper ko, at tama, sya nga ang adviser namin ngayong 3rd year.

“Opo. Ang busy po sobra.”

“Eh bakit ka ba kasi lumipat roon?”

“Something private po.” I smiled.

“Pinaglilihiman mo na ko. Dati rati akong sinasabihan mo ng mga problema mo.”

I just smiled, “Sir, sila sila pa rin po ba ang mga ka-classmate ko?” I actually asking if Janelle and my friends are still my classmate. Hindi pa rin kasi alam ng buong barkada na dumating ako pwera nalang kung sinabi na sa kanila ni Jared.

“Oo naman. Wala namang natatagal sa inyo sa Class A eh.” Sagot nito, “Okay. We’re here.”

Huminga ako ng malalim bago buksan ni Sir ang pintuan. Pagkabukas nito, nakita ko kaagad si Christopher na naka-akbay kay Clarence. Si Seth naman na kausap si Stephanie. Si Brandon na nagtetext, si Dylan na nagsosoundtrip.

“Mr. Aranillo?”

“Ah. Opo.” At tuluyan na kong pumasok sa loob. Lahat ng mata sa akin nakatingin. Naka-ngiti na rin ang mukha ni Dylan na parang kanina ay namatayan.

“He’s back from Switzerland. You know he dropped the starting of 3rd semester last year. I know all of you know him.”

Hinanap ng mata ko si Janelle. Nanlak iang dalawa kong mata na makita silang dalawa. Tama nga sila. Sila na nga sila. They even holding hands right now. Bakit ba kasi hindi ako naniwala noong una? Bakit ba kasi nasanay ako na ako yung nagloloko? Bakit ni-minsan hindi ko man lang naisip na kaya nya akong ipagpalit sa iba?

 

Tinuro sa akin ni Sir ang bakanteng upuan sa may tabi ni Daniele. Sa bawat hakbang ko pakiramdam ko tutulo ang luha ko. Umupo na ako sa tabi nya, “Wow. You’re back. Tama nga ang balita. And biruin mo yun? Sabay kayong bumalik ni Aubrey…” Pabulong na sabi nito.

Hindi nalang ito pinansin at tinuon ang sarili sa naglelesson na si Sir. Sa pagtuturo nito, hindi ko maiwasan ang ibaling ang tingin ko kay Janelle at Andrei. Bakit ganun? Ilang buwan lang pero bakit kaagad na nya akong pinalitan? Ang sabi ko… babalik ako. Bakit hindi nya man lang ako inintay? Para din naman sa ikakaayos namin ang pinunta ko sa Switzerland.

*TOKTOK*

“Sir, pa-excuse daw po ng mga student councils members dito.” Sabi ng isang estudyante. Nagsitayuan ang iba kong barkada. Halos 15 students nalang kami natira dito. Wala na nga pala ako sa Student Council. Malamang pinalitan na nila ako.

Ilang subjects ang dumaan at hindi ko maalis ang mga tingin ko sa kanya. Ilang oras ko na syang tinitignan pero ni-minsan, wala ni-isang segundo na tiningnan nya din ako.

*KRING*

“Okay. Class dismissed.” Nagsitayuan kaming mga estudyante.

Hindi ko maintindihan kung bakit naka-upo pa rin si Janelle. Kaya naisip ko na umupo muna din. Para bang iniintay nya na magsilabasan muna ang mga estudyante. Ilang minuto pa bago sila tuluyan lumabas.

“Bakit ka bumalik?” She asked without turning his head on me.

“For you. I promised to you, right? That I will come back.”

This time, she turned her back on me, “Come back? Too late Calvix. It’s too late.”

I smiled, “No. It’s not yet too late Janelle.”

- - - - - - - - - - - - - -

[A/N: New character, Bang Minah as Mina Suarez. All about her would be reveal on the future chapters. Alam kong medyo mababaw ang dahilan ni Calvix kung bakit hindi sya nakauwi pero I swear, magulang na ni Janelle ang makakalaban nya kaya minabuti na lang nya ang sumunod kay Mina. Gets? :) 

Next update will be this week. Medyo busy ako dahil malapit na pasukan. Huehue! Vote pag nagustuhan and leave comment kung anong mase-say nyo kay Calvix! :) Next chapter will be JANDREI's chapter <3

Click the external link to check out my new story, 'He's A Jerk'! Story yan ng asawa ko *u* 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro