Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 39: When the deer is away


 

Chapter 39: When the deer is away

Play the song on the right side -- Falling by Tyler Ward ft. Alex G. 

 

 "I thought you're not come to get me anymore." Sabi ko kay Andrei ng ihatid nya ako sa bahay.

"You said this will be the last. So I come." Sagot nya sa akin, "Go inside." Utos nya sa akin.

Lalakad na sana ako papasok ng bigla akong makaramdam ng panlalambot, "Are you okay?" Buti na lang at nasambot ako ni Andrei, "I'll take you inside." Inilalayan nya ako sa pagpasok sa bahay.

Inihiga nya rin ako sa kama ko at kinumutan pero kaagad ko itong tinanggal at umupo nalang sa kama, "I should've believed you."  

Umupo sya sa kama ko at sinabing, "Too late."

Nagsimula na namang may tumulong luha sa mata ko, "I'm broken. For the 2nd time, he gives me this broken hearted again."

He points at my heart and says, "That's what his good at."

He pinched my cheek, "Go sleep. You need to rest. It's been a long day." Hiniga nya kong muli at kinumutan, "Good night." He whispered.

Before he opened the door, "Andrei." He turns his back to me and asked, "Why?"

"Pick me up tomorrow morning. Let's now go to school together."

Andrei's POV

 

I'm now waiting her in front of her house. I looked at my watch for the nth time. I even tried to call her because we're gonna be late!

"Hijo." Nagulat ako ng tapikin ako sa likod ng isang babae. Kung hindi ako nagkakamali, isa ito sa kasambahay nina Janelle.

Ngumiti ako, "Good morning po. Umm, iniintay ko po si Janelle." Sabi ko dito.

"Halika, pasok ka muna sa loob." Pag-aya nito sa akin.

"Tulungan ko na po kayo." Sabay kuha ko ng mga bags na dala nito. Kakagaling lang nito siguro sa palengke.

"Asan po sina Tita at Tito?" Pagtatanong ko sa matanda.

"May business trip sa Europe ngayon eh. Pero alam ko hijo, bukas na ang dating nila." Sagot naman nito. Inabutan pa ako nito ng tubig, "Kayo ba ng alaga ko?"

Umiling ako, "May iba po sya. Saka, mag-kaibigan lang po kami." Pilit akong ngumiti.

"Eh? A-Akala ko... Ikaw kasi yung nakita ko na dating desktop background ng alaga ko sa laptop nya."

"P-Po? Ako po?" Pang-uulit ko. Teka, tama ba lahat ang naririnig ko?

 "Oo. Pero matagal na yon. Siguro, isang taon at mahigit na ang nakakalipas." Saad nito, "Hijo, wag kang maingay na sinabi ko sayo ha? Baka magtampo sa kin alaga ko! Saka... Baka mailang ka sa kanya. Panandalian lang naman yung picture mo dun eh. Mga ilang oras lang siguro dahil naglinis lang ako non at naiwan nya itong bukas. Pagbalik ko noon para ilagay ang mga bagong labadang damit, pinalitan na nya. Kaya wag kang maiilang sa kanya? Ngayong mag-kaibigan pala kayo."

My heart beats fast. And only one thing came up on my mind. Hindi kaya't – Naging crush ako ni Janelle?! HOLY MOLLY! *u*

- - - -

"I just changed my mind. Hindi na pala muna ako papasok." Muli syang tumalikod sa akin. Nakahiga pa rin sya hanggang ngayon.

"No. You need to go to school... with me." Hindi pa rin nya ako sinagot, "Finals na natin this week."

"I can take special tests." The way she said it is just the way he said it to her when he left.

"Go to school and leave me. Just like what he did. That's what you guys are really good with, right? Leaving us girls when you already get what you want. And us girls, are really stupid to give in."

"Nagkakamali ka Janelle. Hindi lahat ng lalaki tulad ni Calvix. Ibahin mo'ko."

Umupo sya sa kama, "Yeah I know. That's why I made an exemption for you." And she smiled.

"What?" I didn't hear what she just said. She just whispered it to herself.

"Nothing! I'm saying leave now because you're gonna be late in school! I don't want to see your name again being the last! Understand?" I laughed.

"Just go now." She laughs too pushing me through the door.

"What if I don't want to?" I smirked.

"Then go home!"

"And what if I don't want to go home and just be with you?"

"It's finals this week Mr. Rodriguez!"

"Then what about taking special tests with you?"

"Stop joking around. Go to school now because I really need to sleep more." Muli syang bumalik sa kama at dumapa.

"Janelle! Eh kung samahan mo kaya ako?"

Binaling naman nya ang ulo nya sa akin, "Where?"

I just smiled and said, "Take a bath first and you'll know." Kinindatan ko sya at lumabas na ng kwarto nya.

//

We spend our time in the lake that me and Calvix used to be favorite place.

"Ang ganda dito..." Nakapikit na sabi ni Janelle.

"Ang ganda nga." Sambit ko habang nakatingin sa kanya, "Wala ng mas gaganda pa." Napa-ngiti ako. Bakit ba napaka-amo ng mukha nya?

Minulat na nya ang mata nya kaya kaagad na akong lumihis ng tingin, "You."

Napatingin akong muli sa kanya. Humarap sya sa akin, "Don't you dare leave me. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa kin pag umalis ka pa."

Ngumiti ako at sinabing, "I won't. I promise."

Lumihis sya ng tingin, "Don't promise. Do it."

"Believe in my promises Janelle. I'm not like him. I won't break any of my promises."

- - - -

-2 weeks later-

Masaya ako nitong mga nakaraang araw. Kaya sa Finals eh talagang matataas ang scores ko. Bawing-bawi ang mga mababang grades ko noong last semester. Iba talaga pag sya ang nagtu-tutor sa akin. Madalas kami sa condo ko. Dito muna ako nauwi dahil ayokong marinig ang tungkol sa arranged marriage na yan. Oo, pumayag ako. Pero wala ako sa sarili nun eh. Nasaktan lang kasi ako. Buti na lang talaga at busy ang babaeng yun dahil kung hindi, mapapabilis ang pagpapakasal naming dalawa. At ayokong mangyari yun.

"Andrei! Akin nalang to brownies dito sa ref. ha!" Sigaw ni Clarence mula sa kusina ng condo ko.

"Di pwede kay Janelle yan!" Sigaw ko din dito.

"Gawa ka nalang ulit!" Sigaw pa nito.

"Tss! Oo na!" =_=

"Pre, may balita na ba kayo kay Calvix?" Pagbubukas ng usapan ni Troy, "Hindi pa din kasi sya nagrereply sa mga emails ko."

Tiningnan ko lang si Troy, "Hindi sya basta-basta pupunta ng Switzerland ng walang dahilan."

"Iisa lang naman ang pwedeng dahilan di ba? Hanggang ngayon sinusundan-sundan pa din nya si Aubrey." Sagot ko. Binaling ko naman ang tingin ko kay Gio, "Bakit pumuntang Switzerland ang girlfriend mo?" Diretsong tanong ko dito.

Ilang segundo bago ito sumagot, "Ayaw sa kanya ni Arianne at ng magulang ko. Malakas ang pakiramdam ko na may isang tao na sinira sya kina Mama. Ang una nga naming hinala ay si Calvix. Pero alam kong hindi magagawa yun ni Calvix." Ginulo nito ang buhok nito at huminga ng malalim, "Lumaban naman kami pareho para tumagal ang relasyon namin. Pero... Magulang ko na at ang kapatid ko ang kalaban namin."

"Dumating rin sa punto na pinapili ako. If I don't break-up with her, I will lose all of my inheritance and I'll move out of the house. And..." Pinunasan nito ang luha nya na kanina pa nya pinipigilan, "They will make her family suffer. They said if I break-up, then everything will be fine."

"I promised that I will fight for her no matter what. That's why I chose her in the end. Pero... Sya yung unang sumuko eh. Sya na mismo ang nakipag-break sa akin. And after a few days, nalaman ko nalang na pumunta na pala syang Switzerland."

"Eh bakit na sa Switzerland si Calvix? Wag nyong sabihin na..."

"That impossible. He already falls for Janelle." Nagtinginan kaming lahat kay Brandon, "Hindi nyo ba napansin na para bang bumalik ang dating Calvix? No more clubbing, drinking, and playing shits. That's all because of Janelle."

Sinandal ko ang likod ko sa sofa, and I crossed my arms, "So do you really think na nagbago na sya?"

"Andrei."

"If he really loves Janelle, then what is he doing in Switzerland? Touring?" I laughed, "Ni-wala nga syang pasabi na aalis sya eh. Sa ngayon iisa lang naman talaga ang pwedeng dahilan ng pagpunta nya dun eh. It's because of Aubrey."

"Tama. Wala na naman kasi syang iba pang dahilan." Sang-ayon sa akin ni Juztine, "Ang ayoko lang..." Huminga muna ito ng malalim saka itinuloy ang sasabihin nya, "Kaibigan nya tayo pero bakit hindi man lang sya nagpaalam. Ano yon? Manghuhula nalang tayo kung bakit wala ng Calvix sa barkada? Kung bakit wala ng Calvix na napasok?"

"Chill ka lang dude. Try ko syang i-contact maya." Sabi dito ni Christopher.

Nag-kwentuhan lang kaming barkada ng kung ano-ano. Tila iwas sa amin si Dylan dahil kanina pa sya nakaharap sa laptop ko. Ilang oras pa ang nakalipas at napag-desisyunan na nilang umuwi.

Nang makaalis sila sinubukan kong mag-libang mag-isa sa loob ng condo ko. Nanonood ng kung ano-ano sa laptop ko at nag-hanap ng pwedeng i-bake sa araw ng birthday ni Janelle na sa November kaya may 2 months pa ako para mag-plano at mapag-handaan ang mga iluluto ko. Dun ko rin kasi sya balak ligawan. Alam kong babalik si Calvix. Tapos na ang 1 week and I guess, 1 week nalang baka bumalik na sya. Pero sa tingin nyo babalikan pa sya ni Janelle? Hell no. Hindi ako papayag. He already lose her again. I think it's my time to make her feel love in my arms.

Janelle's POV

Nakahiga ako ngayon sa kama ko. It's already 1 month and 1 week passed! Nagpapatawa ka ba Calvix?! Ang sabi mo babalik ka after 1 or 2 weeks! Pinaasa mo na naman ako! G*go ka!

I'm trying to email him. But what do I expect? He did no response. Ganun rin sa facebook. Ni-hindi ko sya naabutang online. Mapa-skype din. Nahingi na nga ako ng tulong kay Jared na baka-sakaling maabutan nya si Calvix na online tutal palagi naman syang online. Pero, wala din eh.

Talaga bang iniwan mo na ko? At eto na naman ang mga luha ko. Ilang linggo ka na ah! Hindi ka pa din ba naaubos?! Mugtong-mugto na ang mata ko.

"Taba!"

Agad kong pinunasan ang luha ko at humarap ng naka-ngiti sa pinsan ko, "Ay! Hindi na pala taba! Payat na pala! Oh! Kain ka nga!" Sabay abot nito sa akin ng sandwich, "Baka naman hindi mo pa kainin yan ha! For the first time kung gumawa ng sandwich! Kahit nga girlfriend ko hindi ko naigagawa eh! Pasalamat ka!"

"Ang dami pang sinabi eh. Sige lagay mo nalang dyan." Sabi ko at muling hiniga ang sarili ko sa kama.

Naramdaman ko ang pag-upo ng pinsan ko sa kama, "Nai-kwento sa akin ni Andrei ang nangyari." Napapikit nalang ako. Naging madalas na kasi dito si Andrei at talagang close na sila ng pinsan ko.

"You're smart but in this... Why you're choosing to be so stupid?" 

Binangon ko ang sarili ko sa kama, "Excuse me?"

"Payat. Pangalawang beses ka na nyang sinasaktan. Bakit mo pa kasi binigyan ng chance?"

Akmang sasagot na ako pero muli syang nagsalita, "Kasi mahal mo? Ah ah! Ang tanga lang. Sinaktan ka na nga't lahat tas pinatawad mo pa? Babalikan ka? Oh asan? Akala ko ba 1 week lang don? Ang sabihin mo sinundan na naman nya ang ex nya!" Para bang binuhusan ako ng kumukulong tubig sa narinig ko.

"Matalino ka Janelle. Gamitin mo. Piliin mo ang lalaking talagang nagmamahal sayo. Tingin mo mapagbabago mo sya? No Janelle. Sa palabas at wattpad lang nangyayari ang ganyan! A player will be stick to one? Oh come on! Wag mong igaya ang love story mo sa Love Rain at iba pang korean novelas dyan na ikaw ang makakapagbago sa player!"

I took a deep breath and said, "Just jump into conclusion, Lucas. What is your point?"

"Be with Andrei."

 

- - - - - - - - - - - - - -

Click the external link for character's facebook account links :)

Bakit umalis si Calvix? Wait for the next update :) 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro