Chapter 38: Again
[A/N: Ang masasabi ko lang, hohoho, ENJOY READING! ^_^]
Chapter 38: Again
Janelle’s POV
-September-
Like a couple, we’ve been happy. No pain and hatred anymore. Revenge? Yeah right! Nung una talaga halos kating-kati na ko para maramdaman nya din ang sakit na naramdaman ko noon. Akala ko kaya kong gumanti, pero hindi pala.
“Janelle…”
“Hmm?” Naka-ngiti kong bungad sa isa sa ka-classmate ko. Paano ba naman hidni ako magiging masaya eh okay na ang lahat para sa amin ni Calvix. We’re not yet couple. But, we’re like one.
“Pinapapunta ka ni Andrei sa practice room.” And speaking of him, wala na kami halos komunikasyon. Ni-hindi na rin kami nakakapag-usap at nagkakasama. After ng makasama ko si Calvix, kina Trevor ang diretso ko. Nagbobonding kami palagi ng bestfriend ko.
“Ah. Oh sige.” Naka-ngiti kong sagot dito sabay tayo na at naglakad papalabas para pumuntang practice room.
- - - -
“Andr --/?”
“You’ll know my answer later. My final answer. I just need to know – something. I gotta go. Bye Mom. I love you.”
“Finally.” Sabi nya ng makita ako.
I smiled at him and asked, “Answer? Final answer huh? You’re now keeping a secret to me Mr. Rodriguez?”
“The answer which is the only way to heal this broken heart.” Then, he points at his heart.
Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at nilagay ito sa kaliwang dibdib nya, “Do you feel that Janelle? This beats for you.” Kaagad kong tinanggal ito at iniwas ang tingin ko sa kanya.
“Andrei…ano na naman ba t-to.” Pilit nya akong hinaharap sa kanya.
Hinawakan nya ang balikat ko, “Akala ko galit ka kay Calvix? Di ba sinira ka nya? He broke you! Pero – B-Bakit…” His voice trembled. Napatungo sya sandali at muling inangat ang ulo at nakatingin ng diretso sa mata ko, “Why you give him a chance? Hindi ka pa ba nadala?!”
Inilayo ko ang sarili ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang hindi mapa-iyak, “I love him, okay?!” Pinunasan ko ang mata ko gamit ang kamay ko, “Yes, he broke me! Alam kong kayo ang nandyan sa tabi ko ng mga panahong sirang-sira na ako. Pero, hindi ba pwedeng pabayaan nyo ko ngayon?! I want to be happy! That’s it! That happiness is being with him!”
Pilit akong hinahawakan ni Andrei sa balikat pero iniiwas ko ito sa kanya, “He broke me. Yes he did. He really did. And you know – He’s the only one who can fix me too, this too.” I pointed at my heart, “He p-promise that he will never hurt me again ---“
“THAT’S STUPID! YOU FVCKING BELIEVE THAT?! YOU REALLY --? GOD JANELLE!” Ginulo nya ang buhok nya at muling humarap sa kin, “Promises are meant to be broken.”
Pinunasan ko ang luha ko. Pilit akong ngumiti at sinabing, “Not all Andrei. Not all promises. Believe me.”
Nagulat ako ng bigla nya akong hilahin papalapit sa kanya at niyakap. Nanlaban ako pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap nya sa akin. Kada-laban ko ay syang higpit nito, “A-Andrei… B-Baka may makakita sa a-atin.”
“Just remember… I warned you. This is the 2nd time. Don’t let me see you in tears because I’ll force myself not to be with you in that time if you need me again. Because I’ll not come to you anymore. Like what I did before.” Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang luha ko. Ngumiti sya at sinabing, “Smile and be with him. Prove me that it’s really worth letting you go.”
Wait – What?! Letting me go?
“Andrei.. Hindi kita maintindihan.”
“You’re my first love. Ngayong okay na pala ang lahat para sa inyo ni Calvix.. I have no choice but to let go of my first love.” He smiled. He looked at his watch, “Aalis na ko. May kailangan pa kong gawin eh. Bye.”
Nagtungo na sya papuntang pintuan. Nilingon ko sya.
Why am I feeling?
Did I just lose a person I cherished?
“Andrei…”
“Goodbye Janelle.”
Then, he closed the door. I don’t why I burst into tears. I don’t why it hurts like hell this time.
Andrei’s POV (his short point of view)
Tahimik akong pumasok ng bahay. Pakiramdam ko wala na kong pakiramdam. Ang tanga ko. Pinakawalan ko ang babaeng mahal ko eh hindi pa naman sila ni Calvix. They’re just dating! Pero, doon na din naman ang punta non di ba? Napa-aga lang siguro ang pagsuko ko.
Tinalon at dumapa ako sa sofa namin. Those words? I actually didn’t mean it. Baka nga pag tinawagan ako ni Janelle ngayon at sinabi nyang kailangan nya ako ay kaagad na akong tatakbo papunta sa kanya. God knows how much I love her.
“Kuyaaaa! You want?” Nagulat ako ng biglang sumulpot sina Denise at Daniele sa harapan ko na may dala-dalang grapes, orange, apple, banana, lemon, melon. In short, lahat na yata ng prutas ay dala nila!
“Wala ako sa mood.” Tapos ay pumikit ako.
Naramdaman ko nalang na may magkasunod na dumamping labi sa noo ko, “We love you Kuya!!!” Sabay pa nitong sabi kaya napa-ngiti ako habang nakapikit. Ang swerte ko sa mga kapatid ko.
Muli kong minulat ang mata ko at nakita na si Mama at Papa na naka-upo na sa may sofa na ang lawak ng ngiti. Inayos ko ang pagkaka-upo ko sa may sofa, “Ma… Pa…”
“What? It’s a yes right?”
“I don’t even know her name, her look, her personality and everything about her. But, my answer is y-yes. I’m now accepting this arranged marriage with her.”
“Ok! Then, let’s set a date for you two!”
Back to ~Janelle’s POV
This past few days, he’s being so sweet. Para bang araw-araw palaging Valentine’s day. Pagdating ko sa room, may bouquet of red roses ang bubungad sa kin. Kaya pati ang barkada ko kinikilig. Pwera nalang kay Daniele. Para bang tutol sya kung anong meron kami ni Calvix. Dahil hanggang ngayon, wala pa din syang tiwala kay Calvix. Parehas silang dalawa ni Andrei.
“Baby.”
Bumulong sya sa taenga ko. Napa-ngiti naman ako. Sh*t! Mamatay ako sa kilig! “Ms. Fortalejo! Answer this!” Nagulat ako ng bigla akong tawagin ni Ma’am De La Torre. Napatingin naman ako sa board. OMG! Ano to?!!!
“You don’t know, don’t you?” Tanong nitong muli sa akin. Tinititigan ko kasi yung equation na nasa board. Para kasing eto yung napag-aralan din namin ni Calvix kagabi. Nag-study rin kasi kami sa bahay namin.
Hinawakan ni Calvix ang kamay ko, “We study that last night, remember? Or, I can answer that if you want.” Akmang tatayo na ito pero pinigilan ko sya.
Ngumiti ako sa kanya at naglakad papuntang board. After seconds! BOOM! Done solving this equation in the board!
“Can I seat now Ma’am?”
“How you – “
“Advance reading Ma’am, with him.” And I pointed at Calvix. Nagtilian ang buong klase. Alam ko na din kasi na may gusto sya kay Calvix. Dati kasi hindi pa ako sigurado. But right now, I’m really sure! Alam na ng buong barkada ni Calvix at syempre pati na din ang buong barkada ko.
In class and in every lessons, we held our hands. It’s like we can’t let go of each other. I always looking at Andrei’s direction. But it’s like, he’s avoiding looking at us.
/
“You trust me, right?” Hinawakan ni Calvix ang kamay ko. Kakatigil lang ng sasakyan nya sa isang tahimik na lugar. Hindi ko alam kung san to. Pero, isang dagat ang matatanaw mo mula dito sa sasakyan. At sa tono ng boses nya, parang may kakaiba.
Pilit akong ngumiti kahit na nagtataka ako sa sinabi nya, “Of course I do.”
“Just trust me and not anyone else, okay?”
Tumango lang ako. He hugged me at kissed my forehead, “If you don’t mind, let’s be here at the end of the night? Is that okay with you?”
“Everything is okay with me. As long as I’m with you. You know that.”
Muli nya akong niyakap. Wala ni-isa sa amin ang nagsalita ng magkayakap kami sa isa’t isa. Ilang sandali lang ay nakatulog na ko dahil rin sa sobrang pagod at haba ng byahe. I’ve been awake because he opened the air conditioner. Geez! So cold! But I keep my eyes closed because I’m really tired and I really want to sleep more.
I feel his soft lips on my lips and a tear fell on mine.
**
-3 days passed-
Papalabas ako ngayon ng school. Buti nalang at pwedeng umuwi ng maaga ngayon dahil ang last three subjects namin ay wala kaming teacher dahil silang tatlo ay puro nasa seminars sa Baguio. Balak ko ngayong pumunta sa bahay ni Calvix. Absent kasi sya ngayon. Hindi rin sya nagtetext o sinasagot man lang ang tawag ko. Wala naman sya sigurong sakit dahil kagabi lang ay magkasama kami at talagang ayos na ayos ang pakiramdam nya.
“Ate Janelle!” Nilingon ko ang boses kung saan galing ito. Si Nathalie na natakbo papalapit sa akin na hingal na hingal.
“Oh Nathalie? Ba’t ka andito?” Tanong ko sa kanya, “Sya nga pala, asan Kuya mo? May sakit ba sya? Hindi kasi sya nagrereply ---“ Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko kaya kaagad ko itong kinuha nagbabaka-sakaling si Calvix nga ang nag-text pero hindi. 4438 lang! =_=
“Si Kuya ba nag-text?!”
“Hindi eh. 4438 lang.” Naiinis kong nilagay ang cellphone ko sa bulsa ko. Kabadtrip!
“Ate Janelle… Alam kong magagalit si Kuya pag s-sinabi ko sayo to.”
Hindi ko sya maintindihan, “On the way na si Kuya papuntang airport. Airport nina Tito Dave. Pupunta syang Switzerland. Hindi ko alam kung anong gagawin nya dun. Bilin nya sa min ni Mama na wag banggitin sayo at pag hinanap mo sya m-magsinungaling kami. Pero Ate Janelle!!! Hindi ko kayang magsinungaling sayo eh!” Bigla ako nitong niyakap. Wait, what did she just said? Switzerland?!
“Wait Nathalie, did you just said Switzerland?”
Tumango lang ito. Halos manlumo ako. Wag nyang sabihin na ---
Tumakbo ako at sumakay sa taxi. Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak. Dinial ko ang number ni Andrei, “Andrei…”
(Oh?)
“He’s flying to Switzerland. H-Help me. Nathalie said he’s will be heading to your Dad’s airport.”
(Janelle, I told you I won’t come to you anymore lik ----)
“This will be l-last. P-Please. H-Help me.”
He ended the call. Wala pa rin akong tigil sa kakaiyak. Bakit sya aalis? Anong gagawin nya dun? Wag nyang sabihin na susundan na naman nya si Aubrey? Yes, Aubrey is on Switzerland right now.
-Flashback-
“Nabalitaan mo ba?”
“Ang alin?”
“Calvix’s ex-girlfriend.”
“Who’s ex-girlfriend?!”
“Yah! Eh ang dami kaya nyang naging girlfriends!”
“Aubrey! His first girlfriend! The lucky girl that our Calvix take seriously!”
“Ah. So, what about her?”
“She now in Switzerland.”
“Bakit daw?”
“No reasons. Walang nakakaalam kung bakit sya umalis. Wala ring nakakaalam kung magtatagal ba sya dun o panandalain lang. Wala ring nakakaalam kung kailan ang balik nya.”
-End of flashback-
Hindi ko pinansin ang usapan na yon. Para ngang nabunutan ako ng tinik noon dahil umalis sya ng bansa. Pero – Bakit?... Ang sabi nya he already moved on. Ang hindi ko maisip… Anong gagawin nya sa Switzerland?!
**
Play the song on the right side -- Moment (ChangMin of 2am)
Sa pagtakbo ko papasok ng airport, nagulat ako ng biglang may humigit sa akin. Nakaramdam ako ng konting saya dahil dumating sya. Hindi nya talaga ako matitiis.
“Come on.” Naglakad na kami papasok. Bawal nga kaming pumasok dito sa talagang loob dahil bawal na. Pero dahil si Tito Dave ang may-ari at alam na din siguro ng lahat na sya ang inheritor nito.
“CALVIX!” Halos pumiyok ako dahil sa lakas ng boses ko. Lumingon sya at nanlaki ang dalawang mata. Kung na-late pa ako siguro ng kaunti nasa loob na sya at talagang hindi ko na sya maabutan. Naglakad sya papunta sa akin at naglakad rin ako papalapit sa kanya.
“Janelle…”
“Why you’re leaving huh?!”
Hinawakan nya ang kamay ko, “I’ll just be gone for 1 week or 2 weeks.”
“Bakit nga?! Ano bang gagawin mo sa Switzerland?! Give me one reason! An acceptable reason!”
“You don’t need to know Janelle.” Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nya sa kamay ko.
Tinabig ko ito, “Why I don’t need to know huh?! Bakit ba Calvix?! Wag mong sasabihin sa kin na magpapalamig ka lang sa Switzerland! Titikim lang ng pagkain nila o mamasyal lang! Finals na natin this week! It’s important to you right?! You said to me before! You don’t want to be replaced being the top 1!”
“I can take special tests.”
Galit kong pinunasan ang luha ko, “So ano ngang gagawin mo sa Switzerland?!”
“I already told you. You don’t need to know.”
“Dahil na naman ba kay A-Aubrey?”
Muli nyang hinawakan ang kamay ko, “It’s nothing to do with her. Okay? Believe me.” Naramdaman ko ang mainit nyang palad sa magkabilang-pisngi ko.
“I’m leaving.” He kissed my forehead.
I stopped him by hugging him from behind, “No Calvix. Don’t go. Stay with me. ”
Ang tagal kong nakayakap sa kanya, “Once you entered that door… You’ll lose me.”
Muli sya humarap sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. He kissed me and says, “Wait for me.”
My tears fell as he turns his back and walked away from me. As he gonna entered the door, he looked at me and opened his mouth saying, “I’ll come back. I promise.”
No Calvix. I won’t wait for you.
Now that you lose me again.
- - - - - - - - - - - - - -
Click the external link for Calvix's account. :) Wait, can this chapter get 50+ votes and 50+ comments too? <3 Titingnan ko lang kung madami ba akong maingay na readers! Haha! Tsaka, gusto ko lang malaman kung anong reaksyon nyo dito sa chapter na'to! Bwahahaha! Hart hart. <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro