Chapter 36: Real feelings
Chapter 36: Real feelings
People change. So feelings do.
Calvix's POV
Naglalakad ako ngayon sa hallway ng makasalubong ko si Aubrey sa daan. Biglang nag-flashback lahat ng nangyari noong nakaraang araw.
-Flashback-
Let's meet. 3pm in Uji's bar.
Gusto kong makaramdam ng saya dahil nag-text sa akin si Aubrey. Pero bakit lahat ng saya at pananabik ko sa kanya tulad ng dati ay nawala? *shake head* Hindi wala to. Sadyang magulo lang ang utak ko dahil hanggang ngayon usap-usapan pa din ang tungkol sa video na nagmamakaawa ako kay Aubrey noon. Sanay ako na mapag-usapan ako pero ibang usapan yon. Dati, puro positibo ang matatanggap ko. Pero ngayon, para bang lahat ng sabihin nila negatibo na.
Nag-shower na ako. Pinaghalong takot at kaba ang naramdaman ko bago ako pumunta sa bar.
"Why here?" Tanong ko kay Aubrey ng maka-upo kami. Pumili pa talaga sya ng sariling room para sa amin.
Hindi sya sumagot at nakatitig lang ng masama sa akin, "Stop looking at me like I did something." Pag-iwas ko ng tingin dahil hindi ko kayang tumingin sa mata nya ng diretso. Bakit ganun? Parang nasasaktan ulit ako.
"You do." Matigas nyang sagot sa akin.
"I don't know what you're talking about. Tell m—"
"Stop being innocent. It doesn't fit you anymore."
Nagtaka ako sa sinabi nya, "I don't really know wh—"
"You think masisira mo kami ni Gio!?! You think magbe-break kami dahil sa ayaw lang ng barkada nyo sa relasyon namin? You think that not being accepted by his parents and sister would make us break-up?!!?! You really think like that huh?! Handa naman kaming ipagtapat sa magulang ni Gio ang tungkol sa amin! But you go on our way. AGAIN! Hindi mo talaga ako tatantanan ano?!" Nagsimula na itong magtaas ng boses. And I think I'm already seeing her bad side.
"Bakit kailangan mong gawin yun Patrick? Bakit kailangan mo kong siraan sa magulang nya?"
Humarap ako sa kanya. Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Ano bang pinagsasabi nya? Tumawa ako, "You really think that I would that? God Aubrey. Hindi na ako ganun ka-desperado para bumalik ka sa kin. HINDI NA." Oo. Totoo yan. Tao din ako, napapagod. Ewan ko nga eh. Pero bawat araw na nagdadaan unti-unti ng nawawala ang pagmamahal at para bang nagiging manhid na ang puso ko.
"Really?" Kinabahan ako sa naging tono ng boses nya, "Sino lang ba ang taong pwedeng siraan ako sa magulang ng boyfriend ko? Sige nga. May alam ka ba?"
Umayos ako ng upo, "Is that I was to you?" I crossed arms, "If in that's case – Always remember that – You're the one who made me like this. You're the one who made me this worst. And you're the one who taught me how to played a game."
"So this is how you played a game? Not just breaking every girl's heart but also making other's life miserable?"
"Not other's life. Only yours." Tumayo na ako. Tapos na ang usapan na'to. Akmang lalabas na ako ng pintuan ng bigla syang nagsalita –
"If I come back to you – Will you still do it?" I stunned for what she just said. Pakiramdam ko matutunaw ako sa kinatatayuan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.
No. No. This must be her trap. And no. I won't let myself be on her game again.
Humarap ako sa kanya at umupo sa table, "Have you ever heard feelings do changed?"
"I know you. I know I'm still there." Then she points at my heart, "I know I can't be erased there."
Para bang inuntog ko lang ang sarili ko sa pader. She knows me more than I know myself!
Tumayo ako at sinabing, "Follow me."
**
I'm planning to take her to Gio's house. Gusto kong ipa-mukha sa kanya na hindi ako ang nagsabi ng tungkol sa kanila at sumira sa kanya sa pamilya ni Gio. Galit ako kay Gio. Oo, aaminin ko yun. Inagaw nya ang babaeng mahal ko at nagawa pa nilang ilihim ito sa amin. Pero hindi ko magagawa yun. Hindi ako masamang tao para sirain ang ikakasaya ng kaibigan ko.
"Calvix?" Napatigil ako sa paglalakad ng may tumawag ng pangngalan ko.
"Clyde? Wait – Ethan? Lawrence? Woah!" Nagka-apiran pa kaming tatlo, "Kamusta na? Ang tagal nating hindi nagkita ah."
"Oo nga eh. Ang last nating pagkikita ay maybe 2 years ago? Yung sa birthday ni Tito Nathan right?"
Tumango lang ako, "And sya yung pinakilala mo sa amin na girlfriend mo hindi ba? Kayo pa pala. Akala ko nag-break na kayo. Hay. Rumors talaga. Ang tagal nyo na rin pala. You two are really good being together." Napatingin ako kay Aubrey na nakatitig lang sa tatlong ito na parang pinipilit inaalala kung saan nya nga ba ito huling nakita.
"A-Ah. Y-Yes. She's Aubrey – my girlfriend." And then I held her hand.
"Hey! Andrei!" Napalingon kami ng tawagin ni Ethan ang pangalan na iyon.
"Andrei –" Nagulat ako ng bigla nyang hinigit si Aubrey at hinalikan ito.
"Andrei?" At sa boses na yon. Para akong nakaramdam ng pagkahina. Why calling his name sounds special?
-End of flashback-
Nagkadanggi ang braso naming dalawa. Nilingon ko sya pabalik at tinanong sa sarili ko na, "Mahal pa nga ba kita?"
Janelle's POV
"Asan si Calvix?" Tanong ko kay Juztine ng makadating ako sa room.
"Asan muna si Steph?" Balik nitong tanong sa akin.
"Sasagot ka ng maayos o ipapalamon ko sayo to?" Sabay taas ng hawak kong lunch box.
"To naman. Parang hindi mabiro. Hehe. Wala pa." Nag-peace sign pa ito.
"Sasagot ka lang na wala pa ang dami pong sinabi. Tss!" Sabi ko sabay balik sa upuan ko. Padabog kong inalapag yung lunch box sa lamesa ko. Ibibigay ko kasi to kay Calvix. Oo, ginawan ko sya ng lunch. At ang lunch lang naman na yon ay ang pagkain na kung saan sya allergy. Haha! I'm really not gonna let him off.
Nagsusulat ako ngayon sa planner ko. Kung ano pa ang pwede kong gawin sa kanya. Just for my sweet revenge.
"Aysh! Hindi sya masasaktan nito ehh..." Bulong ko sarili ko at binura ang sinulat ko. Buti na lang talaga at wala pa ang Prof. namin.
"Ano yan ha?!" Tusok sa tagiliran ko nina Jamiatra, "Ano yan planner?! Patingin!"
"Wala to!" Sabay tago ko sa bag.
"Anong pinaplano mo ha?! Hahaha! Share naman dyan!" Sigaw naman ni Daniele.
"10 things to make him suffer." Seryosong sagot ko. At sa sagot kong yon, halos lahat ng ka-classmate ko ay napatingin sa akin. Kasama na din doon si Andrei, iba ang titig nya. Nitong mga nakaraang araw, "JOKE! ^-^ I mean, 10 things to do before sembreak. He-he-he."
"Ah! Ako din meron nyan! Hahaha! Tingnan nyo! First, ride on a roller coaster. Second, go to zoo. Third, buy ice cream. Fourth, have a lovely pair of high heels. Fifth, be with someone who loves me. Sixth, count stars with him. Seven, meet his parents. Eight, go to Disneyland with him. Nine, buy a couple ring. And lastly – Umm, wala pa eh."
"Daniele, planner ba talaga yan? Eh pwedeng-pwede mo lang yan hingin sa magulang mo eh!" Sabi ni Fatima dito, "Saka, sino yung him? Haha! Tingin mo you'll find him eh 2 months pa and 2 weeks pa bago mag-sembreak?"
"Duh. Hindi lang naman kasi to para sa sembreak. Pwede rin namang pang-Christmas break or else pang-summer. Akin na nga yan!" Nagtawanan na lang kami dito.
10 things? How about -- 10 things to played his game? Haha! That 10 things?! No need.
Nagulat kami ng biglang may apat na lalaki na basta-basta nalang pumasok ng classroom namin, "Hep! Bawal kayo dito. Section B kayo. At Hans, bakit ka andito? Nagpalipat ka na ah!" Pagpigil dito ni Brandon.
Mukhang hingal na hingal ang mga ito. At ngayon ko lang napansin na may dugo ito sa labi. Kinapitan nito ang balikat ni Brandon, "S-Si Calvix binubugbog."
"ANO?!"
"Nakapasok na naman ang mga taga-Miller University sa school natin. N-Nasa likod sila ng abandon building. Sinubukan po namin siyang tulungan pero ang dami nila."
"I-report mo sa guard pati sa principal. Salamat." Sabi dito ni Brandon at nagsitakbuhan na sila papalabas. Kaya kahit ako sumunod na rin sa kanila.
Hindi pa ako nakakalayo ay may nagsalita rito, "Walang guards hindi ba? Kanino tayo hihingi ng tulong?" Rinig kong sabi ni Hans. And wait – WHAT?! Walang guards? Eh asan sila?! This is bullshit!
"C-Calvix!" Nagtakbuhan kami sa nakahiga na si Calvix sa semento. Hindi naman ganoon nagkaroon sya ng sugat sa mukha. Tila pinuro lang ang katawan nya dahil sa nakikita ko ngayon, nagkaroon na ito kaagad ng pasa sa kamay at may dugo ang kaliwang labi. Nakatingin lang ako kay Christopher na pinasan si Calvix sa likod.
"Dadalhin ko lang sya sa –"
"Wag n-nyong gagalawin si Janelle. N-Nagmamakaawa ako." Tila tumigil ang mundo ko ng marinig ang sinabi nito. Hindi pa din nya minumulat ang dalawa nyang mata. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Hindi pwede to.
Walang sabi-sabi ay agad ng tinakbo ito ni Christopher kasunod ang iba pang barkada ni Calvix. Kaya ang nangyari ay kaming magbabarkada at iba pang mga estudyante ang natira dito. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig ni Calvix.
"Excuse! Excuse! Anong nangyari dito?!" Nagulat kami ng magsidatingan ang mga guards.
"Ano to movie? Pag ending na saka nadating ang pulis slash guard pala? Sorry Kuya nahuli na kayo. Nakaalis na ang mga taga-Miller." Sabi dito ni Arianne.
"Hindi naman basta-basta makakapasok ang mga taga-Miller dito eh..." Nagulat kami sa isang boses na biglang nagsalita, it's Alexa. "Asan ang mismong apat at iba pang guards ng University na'to sa aktong oras na binubugbog si Calvix?"
"K-Kumain lang po ako saglit kasama po si Gardo. Hindi pa po kasi kami naguumagahan dahil nag-overtime po kami kagabi."
"Umihi lang po ako s-saglit."
"Pinatawag naman po ako sa office ng Principal."
"Nasa parking lot po kami ni Paulo. Sinabi po kasi sa amin ni Manong Gardo na may tatlong sasakyan na nakapasok pero walang University Sticker."
Napa-iling nalang kaming lahat, "Nah! Reasons. If we found out you guys are involved in this case, you're all fired."
"M-Mam!" Kasunod kaming naglakad ni Alexa. If I knew, this is Owen planned.
***
"Ate Janelle!"
"Nathalie! Barkada ng Kuya mo?" Tanong ko dito ng makatungtong ako sa loob ng bahay nila.
"Kakaalis lang nila eh. Di ba nila alam na pupunta ka dito Ate Janelle?" Tanong nito sa akin. Ang totoo nyan, hindi talaga nila alam na pupunta ako dito. Ang sabi ko kasi may mahalaga pa akong gagawin. Kaya nga pati ang barkada ko, sa kanila na napasabay.
"Hija, ano bang nangyayari? Hindi ko maintindihan. Sino ba ang nakakaaway ng anak ko? Ka-classmate nyo ba? Schoolmate?!" Kinapitan ako ni Tita sa braso. Kitang-kita ko dito ang pag-aalala.
"Mommy..."
"Hon."
"Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa anak natin Hon. Hindi ko sya pinalaking ganyan. Hindi tayo nagkulang. Kahit busy tayo, hindi tayo nagpapawala ng oras. Sobra sobra rin natin syang minahal. Pero b-bakit sya nagkakaganto?"
"Janelle, dumaretso ka muna sa kwarto ng anak ko. Ako muna ang bahala dito." Niyakap at inupo nito si Tita Aliyah na hindi na mapigilan ang sarili na hindi mapa-iyak dahil sa nangyayari sa anak.
Pumasok ako ng kwarto nito at naabutan ang natutulog na si Calvix. Umupo ako sa upuan sa may tabi ng kama nito. Nilibot ng mata ko ang buong kwarto nito. Wala pa ding nagbago pwera nalang sa picture nila ni Aubrey sa lamesa nya, wala na ang mga ito.
Pumunta ako ng cabinet nito para kumuha tuwalya at binasa ito para ipunas sa kanya. Hindi ko mapigilan ang hindi titigan ang mukha nya. Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan.
"W-Wag nyong s-sasaktan si Janelle. Mahal ko yun."
Ilang sandali lang ay may tumulong luha sa mata ko. Hindi sya gising ng sinabi nya ito. Alam kong nananginip ito. Pero bakit ganun? Panaginip man o hindi, iba eh. Iba ang dating. Para bang totoo.
Hinawakan ng isa kong kamay ang pisngi nito, "You'll not gonna fool me again Mr. Player."
Calvix's POV
Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Ilang minuto bago ako bumangon dahil pilit kong inalala ang nangyari kanina. Sana hindi nila ituloy ang binabalak nila.
-Flashback-
Naglalakad ako ngayon sa may daan papuntang back gate dahil ang sabi sa akin ni Manong Gardo ay may iaabot sa akin ito na pinabibigay daw ni Ms. Fortalejo. Sino lang ba ang Fortalejo? Iisa lang ang taong kilala ko na may apelyidong ganon. Noong una nagtataka ako. Kung may ibibigay ito, magagawa ito ni Janelle ng personal. Pero ang sabi sa akin ni Manong gardo ay hindi nya daw alam ang dahilan basta pinabibigay nalang ito sa akin. Siguro daw ay nahihiyang ibigay na sya mismo.
At ang kinaiinis ko, bakit ako pa ang kailangan pumunta sa kanya? Pag nalaman ko lang na pinagloloko-loko lang ako nito, ipapatanggal ko kaagad to. Kung kailan naman gustong-gusto ko ng makita ang babaeng –
Napatigil ako sa pag-iisip at nagulat sa mga lalaking nasa harap ko ngayon, "O-Owen? P-Paano ---" Nilibot ng mata ko ang buong paligid, "Paano kayo nakapasok dito?!!!"
"Money, I guess." Ngumiti ito ng nakakaloko sa akin. Napapalibutan ako ng mas higit pa sa sampung lalaki. Nilibot ko pa ang mata ko. It's class hours! Kaya ko naman ang mga lalaking to dahil black belter ako sa Taekwondo at judo. Kaya ni-hindi man lang ako kinabahan.
Nag-crossed arms pa ako, "Sobra mo ba kong na-miss? Pati dito sa school dinadalaw mo ko? Ni-hindi ka man lang naghintay na mag-uwian kami at sabik na sabik ka na sa akin?"
"Oo nga eh. Sabik na sabik na rin akong makita si Janelle."
Halos mandilim ang paningin ko sa narinig ko, "Ano?!"
"Gustong-gusto ko na rin makita si Janelle. Balita ko ang ganda na ah! Mas maganda na hindi tulad ng dati. Para ngang gusto kong –"
"Wag na wag mong gagalawin si Janelle." Hinawakan ko ang kwelyo nito at kaagad na sinuntok.
"G*go! Wag si Janelle! HAYOP KA!"
*BOGSH*
*BOGSH*
"UGH! WAG SI JANELLE! WAG NA WAG KANG MAGKAKAMALING SAKTAN SI JANELLE! MAPAPATAY KIT –" Sunod na sunod ng suntok ang natamo ko sa katawan. Napahiga na ako sa semento. Iniilagan ko ang mukha kong matamaan. Hindi to pwedeng magka-sugat. Aamin pa ko kay Janelle sa tunay kong nararamdaman.
*BOGSH*
"Wala ka naman palang binatbat! Hahaha! Puro ka lang pa-pogi!" Patuloy pa din ang pag-sipa nila sa katawan ko.
"W-Wag si Janelle. P-Please..."
*BOGSH*
"Calvix!!!" Minulat ko ang mata ko.
"H-Hans?"
"Oo Calvix ako to!"
"C-Cutting ka ano?" Pilit akong ngumiti.
"Oo eh! Ah ah! Anong nangyari sa –" Nagulat ako ng biglang may humigit dito at pinagsasapak din ito.
"H-Hans!" Nagpupumilit akong tumayo pero hindi na kaya ng katawan ko. Hindi nila pwedeng saktan si Hans.
"Calvix! Tumakbo ka na!" SIgaw nito sa akin. Pero nakatitig lang ako sa kanya. Binully ko sya. Pinahiya. At ako rin ang dahilan kung bakit sya nagpalipat ng ibang section – Pero, anong nagawa kong tama para iligtas nya ako?
"WALANG AALIS DITO." Napukaw ko ang atensyon ni Owen ng makatayo ako kaya itinigil ito ang pagbubugbog kay Hans at sa mga kaibigan nito.
"TAKBO!" Sigaw ko sa kanila. Sinunod nila ako. Siguro naman hihingi sila ng tulong.
"Janelle Rian Fortalejo is the name."
"D-Don't you dare touch her."
"Paano mo sya maliligtas sa hina mong yan? Haha!"
*BOGSH*
Inipon ko lahat ng lakas na iyon para makaganti ng suntok, "Galawin mo na lahat. Wag lang ang babaeng mahal ko."
Tumayo ito at pinunasan ang dugo sa labi, "Mahal? Eh ano sayo si Aubrey?"
"Feelings do changed, Owen."
"Sayang. Eh di sira na pala ang Plan A ko?! Buti nalang may Plan B pa." At sinunggaban na nila ako muli ng mga suntok.
*BOGSH*
*BOGSH*
"W-Wag si J-Janelle." At tuluyan na kong nawalan ng malay.
-End of flashback-
"Gising ka na pala." Isang ngiti ang bumungad sa akin ng makita ko ang babaeng nakatayo sa may pintuan, "Pinagluto ka ng Mama mo ng soup." Pagkatapos ay umupo ito sa katabing upuan ng kama ko.
"Kanina ka pa dito?" Tanong ka sa kanya. Hindi ko mapigilan ang hindi sya titigan. Napaka-ganda nya.
"Oo. Bakit? May balak ka bang paalisin ako?" Naka-ngiting tanong nya sa akin.
"Hindi naman sa ganun ---"
"Just eat this." Sabay patong ng isang tray sa may hita ko.
"Masarap?"
Tumango lang ako at ngumiti, "Oo." Sagot ko.
"May tatlo daw sasakyan na nakapasok pero walang University Sticker. I guess this is planned. Kinasabwat nila ang mga guards." Sabi sa akin ni Janelle, "Tatatlo lang ba sila na naghiwa-hiwalay lang ng sasakyan? Bakit wala halos galos yang mukha mo?" Sabay turo pa sa mukha ko.
"Madami sila. Mahigit sampu yon! Saka, bakit parang mas gusto mo pang mapuruhan ang mukha ko?" Tanong ko sa kanya.
"So that you will feel ugly for just few days. Para din mawala kahit papaano ang self-confidence mo na halos lumampas na sa langit sa sobrang taas!"
"Hinayaan ko na nga lang sila na puruhin ang katawan ko wag lang ang mukha ko eh."
"You're such a gay." Pagkatapos ay tumayo na ito at pumunta sa may lamesa ko, "Asan ang mga pictures nyo ni Aubrey?" Tiningnan ko sya habang patuloy pa din ako sa pag-subo. Hinahawakan nya ang bawat gamit ko.
"I throw it."
"Why?"
"To forget?"
Hinarap nya ako, "Buti pala at may taong nag-untog na sa ulo mo sa pader at na-realized mo na ang salitang move on at ang salitang tama na dahil nagmumukha ka ng tanga at kawawa. " Sumandal ito sa lamesa ko, ngumiti at nag-crossed arms.
"You made me forget her." Halatang nagulat ito sa sinabi ko. Pero tila napawi ang gulat na iyon at hindi ko inaasahan ang sinabi nya --
"You think madadaan mo ko sa mga salita at mga titig na ganyan Mr. Aranillo?" Tumawa pa ito, "Gusto ko lang ipaalala na – Hindi na ako ang dating Janelle na ginamit at pinaglaruan mo. Matigas na'to." Tinuro nya ang puso nya at muling nagsalita, "Hindi na ako tanga tulad ng dati, Calvix. Kaya kung nasagi dyan sa isipan mo na paglaruan ulit ako, wag mo ng ituloy. Pagsisisihan mo lang ang lahat sa huli."
- - - - - - - - - - - - - -
Click the external link for His Game's page on facebook :)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro