Chapter 32: The special guest
Chapter 32: The special guest
Janelle's POV
"She's invited too?! God!" Inis na sabi ni Jamiatra ng pumasok sa kwarto ko. Oo, tig-iisa kami ng kwarto. Ang yaman hindi ba? At sa inis ni Jamiatra, para bang mas apektado sya kesa sa kin.
"Ang alam ko hindi kasama yang Aubrey na yan! Ayun ang sabi sa kin nila Bryan eh! Tayo-tayo lang daw talaga sabi ni Tita Aliyah! Pero bakit --!!! Ugh!" Mas naiinis na tono ng boses ni Daniele.
"Sino yung babae na kasama kanina ni Troy? Nakikita ko na sya eh. Ang pinagtataka ko, ba't parang ang sweet nila?" Pag-iiba ng usapan ni Stephanie.
"Maybe -- Bestfriends?"
"Kapatid?"
"Pinsan?"
"Old-high school friend?"
"Slave?"
"Textmate?"
"Oh baka naman bedma---"
"Girls stop! Oo sila! Kayo nalang yata ang hindi nakakaalam!" Singit ko sa usapan nila. Paano ba naman yung sunod na sasabihin ay -----! Grabeh lang!
"Weh? Nakikita ko naman yung girl sa school natin pero parang wala lang sila ni Troy pag nagkikita sila. Remember nung nasa cafeteria tayo? Binati nya sina Calvix pero hindi sya pinansin ni Troy. Ano yon, secret relationship lang?" Saad ni Fatima.
"Maybe they keeping it as a secret." Sabi ko naman, "Parang hindi nyo kilala si Troy. Madami ang galit dito. Kaya siguro hindi pinapaalam sa lahat kung sino ang ka-relasyon nya dahil once na malaman, ang mismong girlfriend nya ang pag-iinitan." Para namang lumiwanag ang mga mukha ng mga kaibigan ko dahil gets na nila.
"Ah! Kaya pala! Pero girls, paano pag tayo ang napag-initan? Dahil alam nyo na – We are friends with them." Pagtatanong ni Jamiatra.
Nagkatinginan kaming lahat, "Well ako ililigtas ako ni Jared." Nag-cross arm pang sagot ni Fatima.
"Palibhasa black belter yang boyfriend mo sa Taekwondo. Tss." Sabay-sabay naming sabi dito. Oo, sila na. Kahapon lang nya ito sinagot. Mamayang dinner nilang dalawa sasabihin sa buong barkada ni Calvix. Speaking of buong barkada, andito din si Jack, Jack Reiford. Sa pagkakaalam ko, lumipat na ito ng University. We don't know his reason at wala akong balak alamin. He's a nice guy but he's not my type.
"Arianne, wala ka bang napapansin?" Nagtinginan kami kay Arianne dahil sa tanong ni Stephanie dito.
"Napapansin na ano?"
"Kasi kahapon... Ewan! Iniisip ko nga na baka namamalikmata lang ako. Pero hindi talaga eh."
"Pabitin ka! Ituloy mo!" Pagrereklamo naming lahat.
"Ang Kuya mo at si Aubrey."
//
Dumaan ang dinner at naamin na din nina Fatima at Jared ang tungkol sa relasyon nila. Nakakatuwa nga dahil nakiki-join sa kwentuhan sa amin sina nina Tita Aliyah at Tito Nathan, si Nathalie naman ay tila nasaniban ng kung ano dahil sa sobrang tahimik.
-Flashback-
"Congrats!" Sabay-sabay naming sabi kay Fatima at Jared na ngayon ay magkahawak kamay, "Kailan ba ang kasal? Hahaha!" Nagtawanan kami sa tinanong ni Christopher.
"Baka bukas. Baka nga bukas may anak na kami. JOKE! ^v^" Nag-peace sign naman sa amin si Jared.
Binatukan naman ito ni Fatima, "Anak? Grabeh! Saka na yun after 10 years!"
"Gusto ko 5 years..." Nag-puppy eyes pa ito kay Fatima. At ngayon ko lang napansin na ang cute pala ni Jared. Nagtawanan kami dahil sa sobrang cute tingnan ng dalawa.
"Guys, shhh." Saway sa amin ni Andrei at tinuro sa amin si Dylan na malungkot ang mukha habang nilalaro ang pagkain.
"Ummm bestfriend, gusto mo pahangin tayo saglit?" Pag-aalok dito ni Clarence.
"Kanina ko pa nga naiisip yun. Halika. Excuse me po." Matamlay na tumayo si Dylan mula sa kinauupuan kasama si Clarence.
Bakit ganun? Bakit sa gitna ng kasiyahan merong hindi masasaktan?
**
"Ma naman. Kung kailan birthday ni Calvix saka nyo ko papauwiin?"
Hinanap ko ang boses ni Andrei na yon. At hindi ako nagkamali, nasa balcony sya at kausap sa cellphone ang nanay nya.
"And about nga po pala dyan... Pwede po bang saka na natin yan pag-usapan?"
"Sige po. Bye Ma. I love you too."
"Janelle ikaw pala. Halika, tabihan mo'ko." Nagulat ako dahil nakita pala nya ako. Naglakad akong papalapit sa kanya at tinabihan sya.
"Ummm Andrei..." Pagbasag ko ng katahimikan, "Yung sinabi mo sa akin noon di ba wala lang yun? Joke mo lang yun di ba?" Tanong ko dito. Yung pagsabi nya sa akin ng 'He wants me to be his first.' Hindi na ako manhid para hindi mapa-isip sa maaaring iba pang kahulugan ng salitang yun.
"Yung ano?"
Napa-buntong hininga ako. Baka hindi na nya tanda, "Wala wala. Basta ha, joke mo lang yun." Aalis na sana ako ng bigla nya akong hawakan sa braso.
"Aalis ka na kaagad? Wag muna." Sabay higit sa akin pabalik sa kinauupuan ko kanina.
"Yung pagsabi ko ba na 'I want you to be my first'?" I looked at him. Seems like I'm looking for an angel right now. Bakit habang natagal I found him more attractive unlike before? His jaws, lips, cheeks, eyes, and his smile.
Bigla kong iniwas ang tingin ko ng bigla syang humarap sa kin, "I like you Janelle. That's the meaning behind that. And I've hurt knowing you give it to him."
"Hindi. Joke time lang ulit to hindi ba? Please. Wala munang biruan. Kung kailan ako nagseseryoso saka ka ---"
Hinawakan nya ang kamay ko dahil mukhang naramdaman nya ang pagbabalak kong pag-alis, "Bakit kung kailan seryoso ako sa mga sinasabi ko saka mo iniisip na biro ang mga salitang binibitawan ko? I'm serious Janelle! I'm dead serious!"
Natahimik ako dahil sa pagtaas ng boses nito at sa paghigpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko, "Andrei n-no. Alam mong si Calvix ang gusto ko. A-And... If he change his mind and realize it's me and not that Aubrey anymore – I'll give him a second c-chance."
Yes. I'm thinking about giving him a second chance – If he will.
Maybe I want revenge. I also want to played on him like he played on me. But this *points in my heart* always stopping me.
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nya sa kamay ko and looked directly in my eyes, "Why give him a second chance – When I'm here waiting for the first."
-End of flashback-
Hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan ang nangyari sa may balcony sa amin ni Andrei kanina. Hindi ko nga alam kung paano ako haharap sa kanya bukas. Baka mag-iba ang pakikitungo sa kanya.
Umupo ako sa side ng kama ko. Napahawak ako ng mahigpit sa cellphone ko. Am I really need to do this? Ilang buwan kong pinagiisipan to. I already think about the reactions of everyone.
"I won't do this." Akmang tatayo na ako para wag ng ituloy ang planong napagplanunan ko noon pa ng bigla na namang nag-flashback sa utak ko ang mga senaryong halos madurog ang puso at buong pagkatao ko.
"Thank you for sleeping with me... again... Aubrey."
"Fine. I won't hurt her."
"That's what you want right?"
"But in one condition...Come back to me."
"Please. Just come back to me. Magbabago na ako."
"Please Aubrey. Please. Please."
Aksidenteng nawalan ako ng balanse at napa-upo sa sahig. Bigla ring sumagi sa isip ko ang araw na sinabi nya sa akin na wag ko silang paglaruang mag-pinsan. Ugh! My game still not started yet.
Ilang beses kong pinaghahampas ang ulo ko. Sana magka-amnesia nalang ako para makalimutan ko yung sakit. It haunts me everyday, every night, and every time I saw both of them! Para bang mababaliw ako sa sobrang sakit.
Gusto kong sumigaw. Gusto kong mag-wala. Pero ayokong magising ang mga tao sa kabilang kwarto. Kaya mahina akong umiyak. I was holding on to this kanina pa nung nagdi-dinner kami. The way he looked at her. The way he smiles when he saw her smile.
I can't take this anymore. I can't take the pain anymore.
"T-The video. R-Release it on M-Monday."
And then I ended the call and continue myself crying.
- - - - -
"OMG! Sasakay tayo dito?! OMG! OMG!" Halos natataranta sa sobrang saya nina Jamiatra at ni Stephanie sa yacht na sasakyan namin ngayon. Actually dalawa ito, sa kabilang yacht sina Tita Aliyah, Tito Nathan, Nathalie, Calvix kasama sina Bryan, Gio, Christopher, Jack, Troy & Alexa, Dylan, at Clarence. At ang kasama namin dito sa kabilang yacht ay kaming magbabarkada kasama sina Jared, Brandon, Seth, Andrei and the special guest. Hindi ito ganoon kalakihan kaya napagdesisyunan na maghiwalay-hiwalay. Tutal naman magfi-fishing at magus-swimming lang naman ang mga mokong na'to dun sa kalagitnaan ng dagat. Ewan nga namin kung bakit dun pa nila gustong mag-swimming. At dun pa talaga sa mismong gitna ng dagat. They are really childish.
And why we called her 'special guest'? Para pag pinagkukwentuhan namin sya wala kaming babanggitin na pangngalan. Tanging the special guest lang ang sasabihin at alam na ng aming barkada na sya yun.
"WOOOO!" Sigaw nina Daniele at Fatima ng umandar na ito. Halos mamatay na ako sa kakatawa dahil sa reaksyon ng mga mukha nila. Yung tipo na parang ngayon lang sila nakasakay dito.
~Na na na na na, na na na Love and Girls
Na na na na na, na na na Love and Girls
(Aye lemme break it down! )
Hoo! Hoo! (Love! ), Hoo! Hoo! (Girls! )
Get up, get up (Love! ), Get up, get up (Girls! )
[Ooh~ like an Alien,
Mata takunai kira meite Shine
Hoo! Hoo!, Say ha~! Hoo! ~
"Jam! Yung cellphone mo!" Saway ko dito dahil paano ba naman muntikan ng mahulog yung cellphone nya dahil sa kaka-sayaw nilang dalawa ni Stephanie.
Dali-dali naman itong pumunta sa akin at binigay ang cellphone nya, "Janelle sayo muna to. Sasayaw lang ako. Haha! Pag may nagtext sabihin mo sa'kin." Bilin pa nito.
"Opo." Sagot ko dito. Tamang-tama wala akong magawa. Hayy. Naiwan ko din yung cellphone ko. Baka ang dami ng messages dun.
"Ummm. Janelle?" Napatigil ako sa paglalaro ng Subway Surf ng tapikin ako ni Brandon sa balikat.
"Bakit?"
Umupo sya sa tabi ko, "Pwede bang maka-text? Kahit isang text lang. Tas iintayin ko lang yung reply. Okay lang ba?" Tanong nito sa akin.
"Hindi sa akin to. Kay Jam to." Sabi ko naman., "Oh. Bilisan mo naglalaro pa ko." I rolled my eyes.
"Wow. May cellphone pala yun? Haha!" Tumawa pa ito.
"Janelle, pa-massage naman oh. Ang sakit ng likod ko. Hindi ako makatulog ng maayos dun sa kama ko kagabi eh. Ang tigas." Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Andrei.
Tinaasan ko sya ng kilay, "Massage? Ano ako? Massager?"
"Eto. Minsan lang ako hihiling sayo." Aba'y kinonsensya pa ko.
Inayos ko naman ang pagkaka-upo ko, "Upo. Tas talikod." Utos ko dito.
"Yehey! Wait." At nanlaki ang dalawa kong mata sa ginawa nya. He took his shirt off!
"Hindi mo pa ba ako ima-massage?" Nilingon nya ako mula sa likuran.
"E-Eto na. Paano ba? Ganto?"
"A-Aray! Hindi ganyan!"
"Anong hindi ganyan?! Eh hinahampas naman talaga ah?! Ganto oh!"
*PAK*
"Sh*t! Suntok yan eh!"
"Aba! Para mawala yung sakit!"
"Dyan nga muna kayong dalawa. Ang gulo nyo. Haha!" Pagkatapos ay umalis na sa tabi namin si Brandon.
Ilang sandali lang ay natapos na din kami ni Andrei. Nakahiga sya sa may hita ko ngayon. Imbis na mailang ako sa kanya dahil sa nangyari kagabi, naging mas komportable pa ako, "Bayad mo?"
"Halik nalang pwede?"
"Sige. Sapak ang balik."
"Talaga? Pwede? Sabi mo yan ha?"
*TSUP*
"ANDREI!" Tinulak ko sya dahilanan para mahulog sya. Tiningnan ko ang paligid kung may tao ba. Umalis kasi sila Jam kanina at bukod-tanging kami lang ni Andrei ang natira dito. At nakita ko si Alexa ang girlfriend ni Troy na naka-ngiti sa aming dalawa.
"Ugh! Di kita bati!" Sabi ko at umalis na.
"S-Salamat." Sabay bigay sa akin ni Brandon ng cellphone ni Jamiatra. Ba't ganun? Parang ---
"Janelle! Bati na tayo! Hug nalang kita!"
Tinakpan ko ang taenga ko at tumakbo na, "Lalala. Hindi kita kilala! Lalala!"
Ngayon ko nalang naramdaman ang gantong saya. Ewan ko ba pero parang ang saya ng puso ko ngayon. At sa pagtakbo ko, nakasalubong ko sya na may kausap sa cellphone.
"Sige. Bye muna. I love you too."
I love you too? Tama ba ang narinig ko? Si Calvix ba ang --
"Janelle!" Sigaw sa pangngalan ko ni Andrei, "Halika. Dun tayo kina Jamiatra." Sabay higit nya sa akin. Bago ako umalis, tinitigan ko sya. Bakit hindi sya makatingin ng diretso sa mga mata ko?
//
"Aubrey. Come on. Join us!" Tawag ni Alexa kay Aubrey.
"Alexa, hindi naman nya alam ang sayaw na'to. Wag na." Saad naman ni Jamiatra. Nasayaw kasi kami ng 'No No No' ng APink. At biruin mo yun, alam din yun ni Alexa kaya eto, nakikisayaw din sya sa min.
Ngumiti ito, "Sure. Favorite ko yan." Para kaming binuhusan ng mainit na tubig. Kainis!
~Seulpeohajima no no no honjaga anya no no no
Eonjenanana naege hangsang bichi dwae jun geudae
Nae soneul jabayo ije jigeum dagawa gidae
Eonjena himi dwae julge
"Gusto ko ng maligo! Wala pa ba tayo dun sa mismong gitna?" Pagrereklamo ni Jared habang kami patuloy sa pagsasayaw.
"Actually, pwedeng-pwede ka namang mauna eh. Ayan oh. Talon ka na. Tas makisakay ka nalang dun." Sabay turo sa kasunod naming yacht na ang sakay ay sina Calvix.
"Steph!" Muntikan na kasi itong mahulog. Hindi naman ganoon kataas ang rehas nitong yacht na'to. Hanggang bewang ko lang kung tutuusin. Kaya konting gewang lang nito at pag nasa tabi ka, posible kang mahulog.
At sa hindi inaasahan –
"Aubrey!"
"Itigil nyo!" She can't swim! God!
"Jusko! Hindi ko sinasadya!" Sabi ni Jamiatra. Nadanggi kasi ako nito at nadanggi ko si Aubrey dahilanan para ito ay mahulog. Binalik naman ni Seth ang yacht para kay Aubrey.
"Troy, save her!"
"I will. But, Calvix already did." Sabay turo kay Calvix na nasagip na si Aubrey.
"Are you okay?" Pag-aalay ni Alexa dito.
"Y-Yes." Sagot nito. Akay-akay din sya ni Calvix at nagulat ako ng bigla akong higitin ni Calvix sa braso.
"You did it on purpose. I saw it Janelle."
"Oh my god Calvix. Everyone knows it is an accident. Nadanggi ko si Janelle at nadanggi nya si Aubrey kaya sya nahulog." Pagtatanggol sa akin ng mga kaibigan ko.
Hanggang ngayon hindi pa din nya binibitawan ang braso ko, "N-Nasasaktan ako..."
"Pre. Aksidente yung nangyari." Sabi dito ni Troy at Jared. Pero tila wala syang narinig at mas hinigpitan pa nito ang pagkakakapit sa braso ko.
"Let go of her." Bakit pakiramdam ko maiiyak ako nito?
"A-Andrei..."
"Let go! Will you?!" Malakas na itinabig ni Andrei ang kamay nito sa pagkakahawak sa akin kaya parang pakiramdam ko pati ako nasaktan.
"Papalampasin ko'to." Sabi nito at mabilis na nagtungo sa tabi ni Aubrey.
"Okay ka lang ba? Wait, ikukuha kita ng towel." Sabi pa nito at nilagyan ng tuwalya si Aubrey at unti-unti nya itong niyakap.
"Everything will be okay. Don't worry." At sa pagkayakap nya kay Aubrey nakaramdam ako ng pagkirot sa may dibdib ko. Paano ko sya mapaglalaruan kong kahit sa sarili ko, alam kong mahal na mahal ko pa sya?
- - - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro