Chapter 31: His birthday
Chapter 31: His birthday
Calvix's POV
*DINGDONG*
*DINGDONG*
"Ummm."
*DINGDONG*
"Ummm!"
*DINGDONG*
"Ugh!" Galit akong bumangon ng kama ko dahil sa paulit-ulit na doorbell na naririnig ko. Sino bang tao ang bibisitahin ako sa oras na'to? Hindi naman siguro ang mga barkada ko? Dahil napag-usapan namin kahapon na hindi kami papasok ngayon. Bago ko buksan ang pintuan napatingin ako sa may orasan. It's already 2pm in the afternoon. Napapikit nalang ako. Nagsi-inuman nga pala kaming barkada kagabi. Tss.
When I opened the door --
"ANAK!!!" Nagulat ako sa pagyakap sa akin ni Mama, "When I said to pack your things, you really packed your things! Para namang hindi mo kilala si Mama. I didn't mean those words -- Bakit amoy alak ka?!" Kaagad akong lumayo kay Mama at tumakbo sa banyo.
*TOKTOK*
"Naihi lang po ako!" Palusot ko. Pero ang totoo, nagmo-mouthwash ako.
"Haaaa~" Binuksan ko na ang pintuan ng maamoy ko na ang mabango kong hininga, "Mom, why are you packing my things? Babalik na po ba ko sa bahay natin?"
"No. I changed my mind. You're still kicked out." Sagot nito sa akin. =_=
"Hahaha! Solong-solo ko tuloy ang mga pagkain sa bahay!" Dinilaan pa ako nito. Buti na lang talaga at malapit ako sa may sofa at nabato ko kaagad sya ng unan.
"Arayy! Tss! MOMMY!!!! HUHUHU!!!" Sabay takbo kay Mama at yumakap pa sa likod nito.
"Pagbigyan mo na Kuya mo." Bigla namang lumawak ang ngiti sa labi ko. Ganto pala ang epekto na halos dalawang buwan ka ng wala sa bahay. Nagiging mas pabor sa kin. Haha!, "Birthday nyan bukas. Bawal kayong mag-away ngayon. Maybe after tomorrow, siguro pwede na – Pero sana wala ng away. Sana in the future din." Ah! I almost forgot. Birthday ko nga pala bukas that why we already celebrated it last night. May pupuntahan kasi si Brandon at Christopher kaya napa-aga ang pag-celebrate ng birthday ko. Ganun din ang ibang barkada. Nakakapagtaka nga ang biglaan nilang lakad. Napahawak ako sa ulo ko. May hangover pa nga talaga ko.
"WHAT IS THIS?!!!" Halos malaglag ang panga, eyeballs at ang buong katawang lupa ko.
Bigla ko itong kinuha, "I-It's not what you think!" Pagdadahilan ko. Sh*t! Bakit sa dinami-dami pa na makukuha sa cabinet ko ni Mama ay yung ------ Wala wala! Tss.
"Then explain it to me why there is a girl underwear in your own cabinet?" Nakataas na ang kilay sa akin ni Mama.
Magsasalita pa lang sana ako ng biglang magsalita ang kapatid ko, "Omo! Are you gay Kuya?"
"Baliw!" Binato ko kay Nathalie yung underwear, "P-Pangreregalo ko yan! Pakibalot nalang!" Sabi ko at nagtungo sa direksyon ni Mama upang tulungan ito sa pagligpit ng mga damit ko.
"San po ba ang punta natin at kailangan mag-impake pa ko?" Pagtatanong ko kay Mama.
"Aranillo's beach resort! We'll be spending there for 3 days – with your friends. Omg son! What's that smell?! Take a shower now!" Pilit akong tinulak ni Mama at ni Nathalie papasok ng banyo.
Janelle's POV
"Ate Janelle!!" Hinanap ng mata kung kaninong boses ang tumawag ng pangngalan ko at si Nathalie na natakbo papalapit sa akin ang natanaw ko.
"I miss you Ate Janelle!" Nagulat ako sa biglang pagyakap sa akin nito. Halos ilang buwan ko silang hindi nakita. Ni-minsan ko hindi man lang naisip ang hindi sila dalawin.
"Hija..." Niyakap rin ako ni Tita Aliyah. Pakiramdam ko naiiyak ako. Naguguilty kasi ako. May galit kasi akong kinikimkim sa anak nila. Parang ang bad ko. Huhu.
"Ummm, Tita? Ano pong ginagawa nyo dito?" Pagtatanong ko. Sino ba naman ang hindi magugulat? Basta-basta nalang sila nasulpot dito sa may labas ng school. Hindi naman pumasok si Calvix ngayon kaya walang dahilan para pumunta sila dito. Palagi na lang syang naliban ng klase. Palibhasa walang ginagawa ngayon. Tinamad na rin akong tumambay sa room dahil wala rin ang barkada ko. At ang pinagtataka ko, wala rin ang barkada ni Calvix. Hindi kaya't may sarili silang lakad na hindi sinasabi sa akin? Tatawagan ko sana sila pero -- Shems! Wala akong dalang cellphone! Sanay kasi ako na hindi talaga nagdadala. Hayy. Buong maghapon na lang ako sa Journalism Club. Dun ako nagpalipas ng oras. Dapat nga hindi nalang din ako pumasok. At buti na lang talaga pwedeng umuwi ng maaga ngayon.
At ang kinasasaya ko, walang pasok bukas! YES!
"Para sunduin ka." Naka-ngiting sabi ni Tita.
"P-po?"
"Basta halika na Ate Janelle!" Sabay higit sa akin ni Nathalie at sinakay sa sasakyan nila.
"W-Wait! Nathalie san ba ang punta na -- Calvix?" Napatingin ako kay Nathalie, "Anong meron?"
Bago ako nito sagutin, pinaupo muna nya ako sa gitna. Ang nangyari, pinaggigitnaan nila ako ni Calvix, "Ang punta natin? Sa Aranillo's beach resort tayo! Ayy! Ate kinakalimutan mo na ang birthday ni Kuya bukas?" Napatingin ako kay Calvix na nakatitig lang sa akin na kaagad namang iniwas ang tingin.
"I don't know this too. This is a surprised. And If I knew, I'm not thinking of inviting you." Kaagad akong umiwas ng tingin dito at nilipat ang tingin sa may bintana. Pinipigilan ko ang sarili ko na hindi mapaluha. How can he treated me like this? And as far as I remembered, sya tong may pinakamalaking atraso sa akin.
"Hey Kuya! Why you're being so mean to Ate Janelle?!"
"Patrick!" Nagulat ako ng biglang itigil ni Tito Nathan ang sasakyan, "Ano bang mga salita yan ha? Pinalaki ka ba namin ng Mama mo na ganyan ang itrato mo sa babae? Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa kapatid mo ha." Tila nanahimik naman si Calvix.
"Tama nga si Andrei."
Muling binuksan ni Tito Nathan ang engine ng sasakyan. Sa buong byahe pilit ko pa ding inaalala ang binulong nito kanina. May narinig talaga kasi akong pangngalan ni Andrei.
~Nal annaehaejwo
Yeah geudaega salgo inneun gose nado hamkke deryeoga jwo
Oh, sesangui kkeuchirado dwittaragal teni
Budi nae siyaeseo beoseonaji marajwo achimi wado sarajiji marajwo oh
Kkumeul kkuneun georeum geudaen namanui areumdaun nabi (nabi nabi)
oh woo-hoo-hoo oh yeah yea woo-hoo-hoo yeah woo-hoo-hoo
"Baby, hinaan mo lang ang boses mo. Natutulog ang Kuya mo." Napatingin ako kay Calvix na pagewang-gewang na sobrang himbing ng tulog. At nagulat ako ng ----
*CLICK*
"Oh yan remembrance Ate Janelle! Send ko sayo Ate ha? Haha!" Ang bilis ng pangyayari. Bigla kasing napasandal ng ulo si Calvix sa balikat ko at eto namang si Nathalie dali-daling kinuha ang cellphone at pinicturan kami.
At sa tagal ng byahe, di ko namalayan na nakatulog na din pala ako.
//
"Ano pong ginagawa natin dito?" Tanong ko kina Tita Aliyah ng makababa ako ng sasakyan.
"We'll be staying here for 3 days. Is that okay with you?"
Napakamot ako ng ulo. Andito na ko, ano pang magagawa ko?, "Ummm Tita, hindi po kasi alam nila Mama ---"
"Don't worry napagpaalam na kita! Dala na namin ang mga damit mo. Mama mo pa nga ang nag-ayos nyan. And you know what, sobra na kaming naging close ng Mama mo. Next time nga dadalasan ko na ang pagpunta sa bahay nyo!" Sabay baba ng maliit kong maleta sa sasakyan nila. Halos hindi pa rin ako makapaniwala. Ibig sabihin magkakasama kami ni Calvix mismo?
"Janelle!"
"Sis!"
At halos manlaki ang dalawa kong mata kung sino ang nandito, "Surprise! Oh di ba short vacation?! Hahaha! Nag-request pa kami kay Tita Jane na pabaunan ka ng bikini! Para pare-parehas pa tayo! Haha! OMG! I'm really gonna enjoy this day, tomorrow and the day after tomorrow!"
"And oh my god lang! Ang ganda ng rooms natin! Imagine that? Mas maganda pa sa sariling kwarto ko! Dito na ako titira! And wait – Bakit ka naka-uniform?" Sabay turo sa damit ko ni Fatima.
"Malamang pumasok?" Taas-kilay kong sagot sa kanila.
"Ang alam ko nai-text kita..." Tila pag-iisip ni Daniele, "Wait – Hindi ko ba naisend?!" Sabay check ng cellphone nya, "Aysh! Hindi nag-send! Wala na yata akong load!" Naiinis na sabi ni Daniele.
Kahit naman na i-text nila ako hindi ko pa din matatanggap dahil naiwan ko sa bahay ang cellphone ko, "I left my cellphone. If that text message sent, it would be no used too."
"Calvix..." I'm stunned for a seconds. I know that voice. Sh*t! That voice --
"Aubrey?!"
- - - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro