Chapter 30: Don't play with us
Chapter 30: Don't play with us
JANELLE on the right side
Janelle's POV
Dalawang BUWAN na ang nakakalipas bago ako muling makabalik dito. Wala pa ding nagbago sa pakikitungo ko sa kanilang magbabarkada. Damay-damay na nga hindi ba?
"Ummm, girls... Hindi ako m-makakasama sa inyo mamaya." Sabi sa amin ni Stephanie.
"Ummm. Ako din eh." Saad naman ni Jamiatra.
"Actually ako din." Sabi naman ni Fatima. Tinaasan ko lang sila ng kilay.
"Bakit naman aber? Ngayon na nga lang ulit tayo makakapag-shopping." Sabi ko sa kanila. Kasi naman matagal na naming pinagplanuhan to.
"May lakad kasi kami ni J-Juztine eh." Sagot ni Stephanie. Mas lalong kumunot ang nook o.
"Juztine?" Pang-uulit ko. Tumango lang ito.
"Oh ikaw Ms. Ledesma? Saan naman ang lakad mo?" Tanong naman ni Daniele kay Jamiatra.
"May pupuntahan kami ni Clarence." Sagot naman nito.
"Ikaw kay Juztine. Ikaw kay Clarence. At ikaw naman Ms. Fatima, saan ang lakad mo? At sino naman ang kasama mo?" Pagtatanong naman ni Daniele kay Fatima.
"S-Si J-Jared." Napapikit nalang kami ng marahan ni Daniele.
"Wag nyo naman sanang kalimutan ang napag-usapan." Inangat ko ang ulo ko sa pagsasalita ni Daniele, "Kabarkada nila ang nanloko, naglaro at nanakit sa kaibigan natin. Napag-usapan na natin to hindi ba? Na iiwasan natin ang isa sa kanila?"
Oo, pinagusapan namin to noong summer. Hindi ito nagmula sa akin. Sila mismo ang nagsabi nito na damay-damay na. Pero bakit parang nagiging baliktad ang lahat?
"Hayy! Ano ba kayo pretty sisters! Wala to promise! Parang being fake friend lang kami sa kanila." Sabi naman ni Stephanie.
"You sure about that? Kasi ako -- Iniiwasan ko at nilalayuan si Bryan kahit gusto nyang makipagkaibigan sa akin." Sabi naman ni Daniele.
Hinawakan ko ang kamay nito at hinarap sina Stephanie, "For me, it's okay that you all can be friends with them again. Pero wag nyong asahan na sasama ako sa mga lakad nyo. As I said before, sa amin lang to ni Calvix. Wag nyo ng idamay pa ang mga sarili nyo." Sabi ko dito.
"Waaa! Sorry sis! Hindi ko naman kasi kayang magalit ng matagal eh! Saka – Sobrang bait ni Juztine at ng iba pang barkada ni Calvix! Tanging sya lang ang naiiba sa kanilang lahat!" Sabay yakap sa akin ni Stephanie.
"Haha! Okay lang naman sa akin! Ano ba!" Sabay hampas ko sa likod nito.
"Girls... May sasabihin ako. Ayoko kasing may tinatago sa inyo. Ummm. S-Si Bran--- Hayy! G-Gusto ko si Brandon!" Nakatungong sabi ni Jamiatra.
Nagkatinginan kaming lahat at nag-ngitian, "Haha! Alam na namin yun." Halatang nagulat si Jamiatra sa sinabi namin, "Akala mo ba hindi namin nababasa ang mga texts nyo sa isa't isa? Jeyemyem pala ha. Haha!" Sabay nagtawanan kaming lahat.
"Waaa! Ba't di nyo sinabi sa kin na alam nyo naaaaa! Kainis kayoooo!" Mas lalo pa kaming nagtawanan. Pero natigilan kami ng makita ang grupo ni Calvix na papalapit sa amin.
"Hey girls!" Bati nito sa amin. Ewan ko ba pero sadya yatang tumaas ang kilay ko sa kanila. Hindi naman porket close na sila ulit sa mga kaibigan ko okay na din kami. No way. I already said this. Damay-damay na.
"Si Andrei?" Hindi ko maiwasan ang hindi magtanong. Tanging si Andrei ang wala sa kanila.
"Nasa practice room." Kinuha ko ang bag ko at naglakad ng papalayo sa kanila.
Alam na ni Andrei ang nangyari sa amin ni Calvix. Sinabi sa akin ni Stephanie na hindi daw nya sinasadya. Gusto kong magalit. But what can I do? Hindi ko kayang magalit sa mismong kaibigan ko.
Didiretso na sana ako sa Practice Room kung nasan si Andrei ng biglang mag-ring ang bell.
**
"I'll be thinking that you have something feelings on me if you keep staring like that." Naka-ngiti kong sabi sa kanya, "Dinner?" Sabay taas ng dala kong pagkain take-out from Chowking.
Umiwas sya ng tingin at ngumiti, "Tamang-tama hindi pa ko nakain." Sabi nya.
"Masarap? Eto pa oh." Sabay lagay ko ng canton sa pinggan nya. Tuloy tuloy ang pagsubo nya. Mukhang gutom na gutom sya.
"Bakit ang layo mo na sa kanila?" Napatigil sya sa pagsubo at uminom naman ng juice.
"P-Panong malayo?" Tanong naman nya ng hindi makatingin sa akin at patuloy pa din sa pagsubo.
"Nai-kwento sa akin ni Stephanie ang nangyari dun sa Cafeteria. I want to say sorry kasi –"
"Sorry? For what?"
"Gawa nung nangyaring away sa inyo ni Calvix. I know it's because of me."
"You're a friend. At alam nating lahat na mali ang ginawa nya. And the worst is -- He even touched y-you. I won't let that easily off." Nakita ko ang pagyukom ng palad nya.
"Why you do it with him?"
Napa-angat ang ulo ko sa sinabi ni Andrei. Bumilis ang tibok ng puso ko at nagsimula ng manginig ang mga kamay ko. Why did I do it with him then?
Ngumiti ako, "Just for experience." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin yun.
"Bakit ako?"
Tinaasan ko sya ng kilay, "Anong ikaw?"
Tinitigan nya ako sa mata, "Bakit ako kahit gustong-gusto ko ng maranasan –But I made myself waiting. You know why?"
"W-Why?"
Hinawakan nya ang kamay ko at sinabing, "Because I want you to be my first."
Calvix's POV
"Party?! Are you kidding me?! I'm not a high school student anymore."
(How about vacation? In Tita Anna's resort? Or in your own beach resort? Wait -- How about the A's Islands? Sounds good right?)
"Wait! Ikaw ba ang Mommy ko? Even my Mom still doesn't talk about this."
(How can Tita Aliyah can talked about it with you – Eh you've been kicked out ah! Haha! Poor cousin.)
"Tss. Bye."
(I'm just – Wait!)
I ended up the call. She's Leanne Liz Ramos Castillo. Uncle Liam and Aunt Veronica's daughter. We're not that really close. Sila ng kapatid ko ang close. Parehas silang maingay at magulo.
Naglalakad na ako ngayon papunta sa may parking lot ng bigla akong may maaalala, "Sh*t." Dali-dali kong kinuha yung usb ko sa bag ko dahil nakalimutan ko na hindi pa nga pala ako tapos. Eh bukas na ang pasahan nito.
Nagtatakbo ako pabalik sa building at pumunta sa Computer Laboratory. 30 minutes ako natapos. May mga kasabay din akong ilang mga estudyante na tinatapos rin yung sa kanila.
7pm na ako lumabas ng Computer Laboratory dahil naisipan ko munang mag-laro sa desktop na ginagamit ko. Nagulat ako ng bukas pa ang mga ilaw sa Practice Room. Alam kong si Andrei ang nasa loob dahil sya lang naman ang palaging andito. Ni-hindi sya pumasok ngayong araw. Alam kong galit pa din sya sa akin. Kahit ilang beses ko syang kausapin hindi nya ako pinapansin.
At hindi nga ako nagkamali -- Si Andrei ang nasa loob at si, "Janelle?" Kita ko sa salamin kung anong nangyayari sa loob. They looking directly to each other's eye. Andrei's hand is holding hers.
Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa habang patuloy pa din ang pagtitigan nilang dalawa sa isa't isa. I don't know why I'm feeling. It's like the feeling I've left before when Aubrey left me. It's like being -- hurt.
Dahan-dahan akong humakbang papalayo.
Back to Janelle's POV
"Ayaw mo ba talaga sumabay sa akin?" Naka-simangot na tanong sa akin ni Andrei.
"May pupuntahan pa kasi ako. Ayoko namang makaabala sayo." Naka-ngiti kong sabi. Actually, wala akong pupuntahan. Dahilan ko lang yun para hindi kami sabay maka-uwi. Medyo naiilang na kasi ako sa kanya dahil sa nangyari kanina.
"Text mo'ko pag nakauwi ka na." Bilin nya.
"Yes sir." Natatawa syang pumasok ng sasakyan nya. Inintay kong makaalis ang sasakyan nya bago ako umalis. We waved as we say goodbye.
"Sana ikaw nalang." Bulong ko sa sarili ko habang likod nalang ng sasakyan ni Andrei ang nakikita ko.
Ilang sandali lang ay nagsimula na akong maglakad papalabas ng school. Shems! Sarado na ang front gate! Aysh! No choice. Back gate ang daan ko.
~I said, "Oh my, what a marvelous tune
It was the best night, never would forget how we moved
The whole place was dressed to the nines, and we were dancing dancing
Like we're made of starlight, starlight
Like we're made of starlight, starli---
Nagulat ako ng biglang may humawak sa kamay ko, "C-Calvix?" Ang higpit ng pagkakahawak nya sa kamay ko. Tinitigan ko ang mata nya. Ang mga mata na nakikita ko noon pag galit sya.
"A-Aray! Bitawan m-mo ko. Nasasaktan ako!" Pilit kong inaalis ang pagkakakapit nya ng mahigpit sa kamay ko. Pero kahit anong panlalaban ko, hindi sya matinag.
Mas ikinagulat ko ang pagtulak nya sa akin sa may isang sulok at sinandal sa pader. He locked me between his arms and looked directly in my eyes. Unti-unti rin nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko dahilanan para bumilis ang tibok ng puso ko. I can even feel his warm breath. And I didn't expected what he just said --
"Don't play with us, Janelle."
- - - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro