Chapter 3: Meeting his family
Chapter 3: Meeting his family
Janelle's POV
=Aranillo's Residence=
"Umm..." I stretched my whole body, still lying down. I smell an unfamiliar scent that made my eyes widened. Asan ako?
I opened my eyes. Agad akong napaupo sa kama at nilibot ang tingin sa buong paligid. Napahiyaw ako ng makita si Calvix na nakatitig lang sa 'kin habang nainom ng isang baso ng tubig. Oh my god!
"WHY AM I HERE?!"
Lumapit siya sa 'kin at inabot ang isang baso ng tubig, "Water?"
"I don't drink in used glass." Mataray kong sagot sa kanya. Bakit niya kailangan ibigay sa 'kin 'yon? Eh nainuman na niya kaya 'yon. Indirect kiss kaya pag uminom kami sa iisang baso!
"Ang arte. Buti nga pinapainom kita dyan e." Tumalikod na siya sa 'kin.
Tinanggal ko ang kumot na nakatapal sa 'kin at nakahinga naman ako ng maluwag ng makita na nakausot pa rin ako ng uniform ko. "What? Do you think that I raped you?" Natatawang tanong niya sa 'kin nang muli siyang lumapit sa 'kin. This time, bottled water na ang inabot niya.
Tinanggap ko 'yon at uminom. Halos naubos ko na yung isang bote dahil sa sobrang uhaw ko. "How's your head? Masakit pa rin ba?" Umiling lang ako sa kanya bilang sagot. I'm now okay. Really. Medyo masakit lang naman. Ipapa-check up ko nalang pag nagka-oras na ako para sa sarili ko.
"I told you to run. You bad girl." He chuckled as he pinched my cheek. I just rolled my eyes on him. Close na ba kami para gawin niya 'yon? Like duh! We're not close... and we will never be.
"Here's my sister clothes. Go change." Saad niya ng ibato niya sa may hita ko ang isang jeans at white sweater, "Mom and Dad are waiting for us. We're having breakfast with them." Sabi nito at lumabas na ng kwarto nya.
Ilang minuto rin siguro ang lumipas bago mag-sink in sa utak ko na nasa bahay ako nila Calvix. As in bahay! In Aranillo's Residence! I thought I was in his condo unit! I can't believe I' am here! I'm just a nobody! Why am I here? Bakit dito niya ako dinala?!
Dahan dahan akong bumangon. Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Lalo na ng ulo ko. Akala ko ayos na ko. Ayoko namang mag-inarte sa harapan ni Calvix.
I was about to go to the bathroom when a photo frame captured my eyes. Kinuha ko 'yon at napangiti, "He looks so happy in here..." Picture nilang dalawa 'yon ni Aubrey, his first girlfriend. They really look cute together. Kung hindi siguro sila naghiwalay, baka matino pa ngayon 'yang si Calvix.
Iningatan kong ibaba sa may lamesa yung photo frame. Mamaya ay mabasag ko pa ito. May pagka-clumsy pa naman ako. Pumasok ako ng banyo at nagpalit na ng damit na binigay sa 'kin ni Calvix. Laking tuwa ko na nagkasya ito sa 'kin. Para bang sinakto talaga.
"KUYA'S NEW GIRLFRIEND!! Kuya is naiinip na po sa baba!! She's waiting for you na po!" Nagmadali akong nagbihis sa may banyo ng marinig ang sigaw ng isang babae sa may labas ng pintuan. Naghilamos at nagmumog rin ako. Kaya nung makalabas ako ng banyo, wet look ang peg ko.
"Here you go." Inabutan niya ako ng tuwalya ng makalabas ako. Nahihiya ako ng tanggapin ko 'yon. My god! Gusto ko ng umalis dito! Bakit ba kasi dito niya ako dinala?
"So... You're my Kuya's new girl?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ng nakakabatang kapatid ni Calvix. New girl? I never thought of being his girl. Never in a million years. I'd rather be with Andrei.
I shook my head, "I'm just his... classmate."
Napakunot naman ang noo niya, "My Kuya doesn't let anyone in his room except his girl or his..." Lumapit siya sa 'kin at bumulong, "...fuck buddy..." Mas lalo akong napanganga sa sinabi niya. She looks so young but her mind is so mature! How can she know that? Ganoon ba ka-open si Calvix sa kapatid niya?
"Well... I know you're not Kuya's fuck buddy because I can't smell after sex scent and he's not into chubby girls." Napanguso naman ako. Eh di ako na ang chubby! "But finally! Nagdala na rin si Kuya ng matinong babae dito! By the way, I'm Nathalie." She offered her hand.
I smiled and reached her hand, "Janelle. Again... I'm just your Kuya's classmate. May nangyari lang kagabi kaya niya ako dinala dito sa inyo." Muling pagpapaliwanag ko. Ayokong mamisinterpret ni Nathalie kung bakit ako andito.
"Anong nangyari?" Ngumiti sa 'kin ng nakakaloko si Nathalie. Muling nanlaki ang mata ko. She's not innocent! Hinampas naman niya ng mahina ang braso ko, "Joke lang. Sorry na, Ate Janelle."
Hinigit ako ni Nathalie palabas ng kwarto ni Calvix. Nahihiya talaga ako! I can't face his parents like this! I look like a mess! No toothbrush. No comb. No perfume. Teka, kailan ka pa naging conscious sa itsura mo Janelle? Umayos ka!
"Good morning, Mommy & Daddy!" Masayang bati ni Nathalie sa magulang niya na ngayon ay nakain sa lamesa. Samantalang ako ay nakatago lamang sa likod nito. Para bang gusto ko ng tumakbo papunta sa main door.
"Janelle? Janelle, right?"
Napakagat labi ako bago ako tuluyang umalis sa likod ni Nathalie. Kailangan kong magbigay galang. I bowed my head as a sign of respect, "Good morning po. Pasensya na po sa abala. Pasensya na rin po at dito ako nagpalipas ng gabi. Pasensya na po talaga. Hindi na po mauulit. Aalis na po ako. Eat well po."
Akmang aalis na ko pero pinigilan ako ni Nathalie, "Have some breakfast first! Right, Mommy?"
"Ofcourse! Come, Janelle! Join with us!" Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. I want to join them because I'm really hungry. Idagdag mo pa na ang daming pagkain na nakahain ngayon sa kanilang lamesa. Should I join? Ugh! Ayokong katapat sa upuan si Calvix!
I bowed my head again, "Sorry po talaga. Baka po kasi hinahanap na ko sa bahay namin e."
"Eat before you go. I'll take you home." I blinked my eyes. Kinusot ko pa ang mata ko para makita maigi kung totoong si Calvix nga ang nagsalita. Hindi ako nagkamali. Siya nga. He wants me to eat with them and he'll take me home. Is this for real?
I have no choice. Umupo na ako. As expected, doon nga ako napaupo kung saan katapat ko si Calvix. Nilagyan ako ni Nathalie ng rice, bacon and egg in my plate. "Pakabusog, Ate Janelle!" Masaya niyang sabi sa 'kin bago siya magsimulang kumain. She's so nice! Magkapatid ba talaga sila ni Calvix?
"How's my son in school, Janelle?" Halos mabilaukan ako ng tanungin ako ng Mommy ni Calvix. Should I lie? Or should I tell her how Calvix fuck girls in a bathroom on the 5th floor of College of Science?
"H-He's good in all of our academics."
Nakangiting tumango ang Mommy at Daddy ni Calvix, "We're expecting that. How about girls? May bago na naman bang girlfriend?"
"Mom!"
"What? I'm just asking, son!"
"Palagi naman pong may bago..." Simple kong sagot. Dahil sa sagot kong 'yon, nagkaroon ng ingay ang buong dining room.
"Teka, baka naging girlfriend ka na nitong anak ko?" Tanong sa 'kin ng Daddy ni Calvix at nabilaukan na nga ako. Hinampas pa ni Nathalie ang likod ko para maging okay ako.
"Dad!"
"H-Hindi po..." Nahihiya kong sabi. Bakit ba kasi pumayag ako na sumabay sa kanila?! Ugh! Nagtama ang mata naming dalawa ni Calvix. I can see in his eyes that he's just holding back his anger in front of his parents. I'm dead.
"Sa bagay... He's bad for you. You look so innocent and nice girl. I suggest that you won't end up with my son. I don't want to see you hurt." His Dad jokingly said. Napatawa na lamang ako. Ni-minsan hindi sumagi sa isipan ko na magkagusto kay Calvix. Don't know why. Baka dahil hindi muna lovelife ang priority ko. Busy ako sa studies and I really want to be a dean's lister.
"Dad! Will you shut your mouth and just eat please?" Iritado ng sabi ni Calvix. Napaawang na lamang ang bibig ko. Wala siyang galang! Mukha nga siyang anghel pero bastos naman sa magulang.
"Patrick! Yang bibig mo! Umayos ka nga!" Pinagsabihan siya ng Mommy niya. His Mom looked at me and mouthed 'Sorry'. Ngumiti lamang ako dito. Alam kong nahihiya sila sa inaasal ni Calvix ngayong umaga. Baka akalain nila na sabihin ko na hindi nila napalaki ng ayos si Calvix.
"Just don't mind him, Ate Janelle. Ganyan talaga ang mga sawi sa pag-ibig." Natatawang bulong sa 'kin ni Nathalie. Ngumiti na lamang ulit ako. Hindi ko kasi alam ang sasabihin sa kanila.
Pasimple akong nasulyap kay Calvix habang nakain ako. Para siyang sundalo sa bilis ng pagsubo niya. Para bang hindi siya kumain na ilang buwan. "Pagkatapos mo, lumabas ka na. Nasa may gate lang ako." Malamig na sabi ni Calvix bago tumayo at umalis sa hapag kainan.
"He's really changing, honey... Hindi ko na alam ang gagawin ko." Malungkot na sabi ng Mommy ni Calvix sa asawa nito. Napahilot pa ito sa sintido niya patunay na sakit talaga sa ulo si Calvix.
Hinawakan ng Daddy ni Calvix ang kamay ng kanyang asawa at pinisil ito, "Magiging ayos din ang lahat, honey. Babalik din ang anak natin sa dati..."
"Mom, Dad... Babalik lang si Kuya sa dati kung babalik si Ate Aubrey. Di po ba nagkaganyan lang siya noong maghiwalay sila ni Ate Aubrey?" Singit sa usapan ni Nathalie sa kanyang mga magulang. Ako naman ay nakatitig lang sa kanilang tatlo. Pwede naman siguro akong makinig di ba? Since they knew that I'm here, it's okay if I can hear them.
"Should I talk to Aubrey? Na makipagbalikan sa anak natin?" Saad ng Mommy ni Calvix sa asawa.
Tumango naman ito, "If she's the only one who can fix him. Then, let's talk to her." Kinuha ko ang isang baso ng tubig at ininom ito. Talk to her? Bakit? Para pakiusapan na balikan ang kanilang anak? Pero may boyfriend na si Aubrey.
"You won't talk to her." Lahat kami ay napalingon kay Calvix na mukhang kakabalik lang. Nagtungo ulit siya dun sa may inuupuan niya kanina at kinuha ang phone na naiwan niya.
"Tatanungin lang namin siya kung anong nangyari sa inyong dalawa. We have no idea what happened to the both of you. Basta nalaman na lamang namin sa kapatid mo wala na kayo tas nagbabago ka na. Ano ba talagang nangyari, anak? Sabihin mo sa 'min kung anong problema para matulungan ka namin. Want me to tell Aubrey –"
Tinabig ni Calvix ang kamay ng kanyang ina ng pilit siyang hinahawakan nito, "It's like you'll be forcing her to love me again!"
"No... I'll just –"
"You can't tell her what to do, Mom! You can't force someone to love... That's not love." Inis na umalis si Calvix sa harapan namin at sinipa pa niya ang lamesa dahilanan para umuga lahat ang aming plato at matapon ang tubig.
"Patrick!"
Ni-hindi man lang lumingon si Calvix ng tawagin siya ng Daddy niya. He's the worst son ever! Inabutan namin ng tubig ang kanyang Mommy. Alalang-alala si Nathalie sa kanyang ina. "Ako nalang po kakausap kay Ate Aubrey, Mommy. Konting pasensya nalang po kay Kuya." Nakaluhod na si Nathalie sa harapan ng kanyang ina. Ang Daddy naman nila ay hawak hawak sa balikat ang kanyang asawa at hinihimas himas ito.
"Janelle..." Nanlaki ang mata ko ng tawagin ako nito. Nahihiya naman akong lumapit. Nathalie stood up so I bended my knees just like she did lately. Hinawakan ng Mommy ni Calvix ang kamay ko, "You're not just his classmate, Janelle. I know my son. Hindi siya nagdadala ng babae dito ng basta basta lang. I know that you're something to him. Will you be... his friend?"
His friend?
She squeezed my hand, "Will you?"
Dahan dahan akong tumango, "O-Opo..."
INIS akong pinagbuksan ni Calvix ng pintuan ng sasakyan. Kumaway sa 'kin sina Nathalie bago ako umalis sa kanila. "Bumalik ka, Ate Janelle!" Masayang sabi sa 'kin ni Nathalie.
"Oo, babalik ako. Ibabalik ko sayo 'tong damit mo e." Natatawa kong sabi.
I waved them goodbye bago ako tuluyang sumakay ng sasakyan ni Calvix. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan kaya naman napakapit ako ng mahigpit sa seatbelt ko. Natatakot ako sa sobrang bilis niyang magpatakbo pero hindi ako makapagreklamo. Ayoko na naman siyang galitin.
Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na pinakalma ang sarili ko. Natatakot ako sa kanya. Para bang wala siyang pakielam kung maaksidente kami.
Napamulat na lamang ako ng ihinto niya ang sasakyan at muntikan na akong mapasubsob. "A-Anong ginagawa natin dito?"
Nasa isang parke kami at hindi ko alam kung bakit niya dito inihinto ang sasakyan. "Get out." Malamig na sabi niya sa 'kin nang hindi man lang ako tinitingnan. "Hindi ka bababa? Gusto mo pa bang hilahin kita papalabas ng kotse ko?" Dahil sa takot ko, nagmadali akong lumabas ng kotse niya. Agad niya itong pinaharurot papaalis at iniwan ako.
I really can't understand him! Bakit ba ganoon ang ugali niya? Hindi naman siya ganito kasama dati! Ah oo nga pala. Because of Aubrey... Because of her that's why he's like this.
"Janelle?"
I turned my back when someone called my name, "Andrei?"
- - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro