Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29: Bad Girl


Chapter 29: Bad girl


Janelle's POV


"How do I look?" Tanong ko kay Jamiatra habang nakaharap ako sa salamin.

"You look perfect!" Sabay apir ni Jamiatra at ni Daniele, "Tingnan natin kung anong maging reaksyon ng Calvix na yan." Sabi pa nito.

Nakatitig lang ako sa salamin. This is not Janelle you played with anymore.


I'm now wearing a light make-up. At ang buhok ko ay may konting kulot sa dulo, "Wala ba talagang nakakaalam na dun pa rin tayo papasok?" Pagtatanong ko.

"Syempre wala. Kasama yan di ba sa plano?"

"Good."

It's time to played.



**

Pagdating namin sa University para silang nakakita ng mga dyosa. Nagkaroon rin ng mga bulungan. Hindi talaga siguro nila ako makilala. Masyado kasi akong gumanda. At ang uniform na suot ko? Hindi na sya tulad ng dati na medyo may kahabaan. Dahil ngayon, pina-ikli ko na talaga sya ng kaunti.

"Transferee ba?"

"Siguro. Pero hindi eh -- May kahawig sya."

"Oo nga eh. Si Janelle! Yung niligawan ni Calvix dati."

"Sya ba yun? Pano mangyayari yun? Eh ang balita nasa Italy na sya."

"Ang alam ko kaya sya umalis ng bansa dahil kay Calvix..."



Dumaan ako sa harapan nila at binigyan sila ng isang ngiti. Meaning na tama sabi nila. Taas noo akong naglakad. Hindi mawawala ang bulungan at pamatay na tingin sa akin ng mga estudyante. Ng sa hindi inaasahan nakita ko sya – Si Aubrey.

"Good morning."Bati nya kay Stephanie, "Nakabalik ka na pala." Naka-ngiting sabi pa nito.

"A-Ah. Oo." Sabi naman ni Steph.

Tumingin sya sa akin at mukhang nanibago sa itsura ko, "Ikaw ba yan Janelle? Wow! Ang pretty mo na!" Masayang puri nya sa akin.

I smirked, "Yeah. Thanks to you. Nang dahil sayo nailabas ko ang gandang nakatago noon." Ewan ko ba kung saan ako humugot ng lakas ng loob.

"TAMA!!" Nag-apir pa sina Jamiatra at Daniele, "Kaya ingat ka -- Dahil may pwede ng pumalit sayo as Ms. Intrams, 'Face of the Howard University' and 'Muse of Science class'." Tinaasan ng kilay ni Jamiatra si Aubrey, "Umm. Excuse us, may klase pa kami." Sabi ni Jamiatra dito at hinigit na ako.

Pumunta muna kaming ladies room bago pumasok sa klase namin. Napatingin ako sa salamin. Hinimas ni Fatima ang likod ko, "You think you can really do this?" Tanong sa akin nito.

Ngumiti ako, "Of course." Kahit wala akong kasiguraduhan kung magagawa ko ba.

Binalik ko ang tingin ko sa salamin, "Everything is a game. And I would not be the one who's gonna be played on a game -- I'm the one will be playing a game and that game is yours." Sabi ko na puno ng galit ang puso ko. Gusto kong sumigaw sa sobrang galit. Gusto kong manakit! Gustong-gusto ko syang saktan at iparamdam lahat ng sakit na naranasan ko!

Ganto rin ba ang naramdaman nya ng saktan sya ni Aubrey? Na malaman nyang lahat ay laro lang? We've been experienced the same pain, Calvix. But I swear, my revenge for you is the most painful thing you've gonna experience. More painful, more tears and more regrets than Aubrey's game.


//

"CRUSH! NAGBALIK KA NA! ALAM MO BANG MISS NA MISS KITA NG BUONG SUMMER?!! HUHU!" Sabay yakap ni Dylan kay Fatima.

Pero kaagad itong inalis ni Fatima, "Hindi kita kilala. Wag kang lumapit sa kin." Sabay irap dito ni Fatima at umupo na.

"Crush, anong problema?!"

"Bakit hindi mo itanong sa kabigan mo? Tss! Don't talk to me!"

"Janelle..." I gave them 'Who are you' look.

Tumayo si Andrei mula sa pagkakaupo nya at umupo sa may tabi ko na kanina ay bakanteng upuan, "Nakabalik ka na pala. Kamusta ka na? Ang dami mo ng pinagbago."

"Hindi kita kilala. Hindi ko kayo kilala. Kaya pwede ba -- Umalis ka na dyan. Because I'm saving that seat for someone." Ngumiti ako sa kanya. At mukhang na-gets nya kung sino ang tinutukoy ko.

"Si Calvix pa rin ba?"

Tiningnan ko syang muli, "None of your business." Iniwas kong muli ang tingin ko sa kanya.

Ilang sandali lang ay naramdaman ko na ang pag-alis nya sa katabing upuan ko. Nakakainis! Bakit ba naging epic ang plano ko?! Dapat andito na sya ng gantong oras! Wag nyang sabihin na hindi sya papasok ng First Day of School?!

Ilang sandali lang ay dumating na din ang Prof namin, at si Ms. De La Torre yun. Nilibot nya ang mata nya. Kung hindi ako nagkakamali hinahanap nya si Calvix. Sino bang estudyate ang hindi makakahalata ng lihim nyang pagtingin kay Calvix?

"I'm Ms. De La Torre, your class advisory this year." Naka-ngiting sabi nito.

"Tss. Whatever." Bulong ko. Kilala na namin sya! Hindi na nya kailangan magpakilala!

/

"Sorry I'm late." Inangat ko ang ulo ko mula sa pagkakatungo. Hindi ako nagkamali. Boses nya nga ang narinig ko. Tinitigan ko sya. Wala pa ring nagbago. Ang lakas pa rin ng dating. Ganun pa din ang kulay ng buhok nya.

Gusto kong tumakbo papunta sa kanya at yakapin sya. Sobra ko syang na-miss. But --

"Please. Just come back to me. Magbabago na ako."

"Please Aubrey. Please. Please."



That scene came back in my mind. Para bang gusto kong umiyak at magkulong muli. Pero hindi – Bumalik ako hindi para magmahal. Bumalik ako para gumanti.

"It's okay Mr. Aranillo. First day naman kaya walang masyadong ginagawa." Naka-ngiting sabi ni Ms. De La Torre dito.


"You may seat down now -- to that vacant s-seat." Medyo nautal pang sabi nito ng ituro kay Calvix ang bakanteng upuan sa may tabi ko. Sa loob-loob ko para bang gusto kong magtatalon sa tuwa dahil sa itsura ng mga barkada ni Calvix. Nasenyas pa ang mga ito. Siguro para balaan si Cavix. Well, no used pa din. Dahil, there's no turning back this time. Nasimulan nya ang laro – Kaya tatapusin ko.

Kulang nalang matunaw sya sa titig ko. Ilang sandali lang ay napatitig na rin sya sa akin. Dahilanan para bumagal ang paglakad nya. Iniwas ko ang tingin ko. Sh*t! Wala sa isip ko ang kabahan ng ganto! Bawat hakbang nya syang bilis ng tibok ng puso ko. Ibinaba ko ang kamay ko na kanina pa nanginginig sa sobrang kaba!

Naramdaman ko ang pag-upo nya sa tabi ko. Alam kong nakatitig sya sa akin ngayon. Napapikit ako, I miss that scent... His scent. Ang tagal kong hinanap-hanap yun.

Huminga ako ng malalim at this time humarap na ako --

"J-Janelle?"

I smiled bitterly and even stretched my right hand, "Janelle Rian Fortalejo nga pala. I hope we can be FRIENDS -- in the future."

"Can you let go now?" Sabi ko sa kanya dahil mukhang ayaw nyang bitawan ang kamay ko.

Mukhang nahiya sya sa sinabi ko at dahan-dahan nyang inalis ang kamay nya, "Nakabalik ka na pala." Sabi nya sabay iwas ng tingin sa akin.

"Wala na nga sana akong balak bumalik eh. But I realized, he's still not paying what he did to me." Naka-ngiti kong sabi habang nakatingin ako kay Ms. De La Torre na masayang nagtuturo sa unahan.

"Janelle I'm so --"

"Bar later. Game?" Hamon ko sa kanya.

"But --"

"Wag mong sabihing hindi ka pa nakakapuntang bar? Oh come on Mr. Aranillo! Minsan lang ako magyaya. Tatanggihan mo pa ko?" Naka-ngiti kong sabi sa kanya.

"You don't drink."

"Before. Let's bar. 9pm. Just the two of us."

Calvix's POV


Can you pick me up?


Text na galing sa kanya. Hindi ko alam pero napa-ngiti ako. Kahit simpleng text galing sa kanya para bang iba akong naramdaman. Siguro na-miss ko lang sya ng sobra.

Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok ko, "Oh anak may date ka?" Nagulat ako kay Dad na biglang pumasok ng kwarto ko.

Humarap akong muli sa salamin at nag-ayos muli ng buhok, "Nope. Bar lang." Tipid kong sagot.

"Yung totoo anak? Hindi na namin alam ng Mama mo kung ano ba ang pinaggagawa mo. Kung sino-sino na rin ang mga babaeng inuuwi mo sa condo mo. Dati pa-isa isa lang. Pero ngayon -- Why you turn like this? Nagkulang ba kami?"

"Pati ba naman bilang ng mga babae na nadadala ko sa condo ko alam nyo? Tss. Wala na ba talaga akong ibang privacy? Buti nga nauwi pa ko dito..." Bumulong pa ko.

"WHAT DID YOU JUST SAY PATRICK?!" Mas lalo akong nagulat sa Mama ko na nakatayo pala sa may pintuan ng kwarto ko, "You're trying my patience Patrick. Akala mo ba hindi ko alam ang nangyari sa inyo ni Janelle?"

"Yeah but that's just a mist --"

"Pack all your things. All."

"Hon..."

"Do you hear me?! Pack all your things!"

"But -- "

"Just come back if you're really the son I raised before -- My child before." Halos bagsakan ako ng langit at lupa sa mga salitang binitawan ni Mama. Yayakapin ko sana ito pero bigla na itong umalis.

"Stay at your condo for a while. Kakausapin ko ang Mama mo." Niyakap ako ni Dad, "You've changed so much Patrick. How painful it is? Tell me. How painful you're feeling right now. I can't even recognized you as my son anymore. All the respects and love you're giving in this family before was all gone."

"And Janelle – Is it true that you're the reason why she'd been in Italy?"

Tumango lang ako habang nakayakap kay Dad, "Yes." Humiwalay ako kay Dad sa pagkakayakap,
"I guess, I'll be leaving right now. Tatawag nalang po ako dito." Sabi ko sabay punas ng luha ko.

Nagtungo ako sa may cabinet ko. Hidni ko maiwasan ang hindi mapa-iyak.

Si Aubrey. Si Janelle. Si Andrei. My own sister. Now, my mother. Am I really that hateful?

//

"Ba't parang maglilipat bahay ka?" Tanong sa akin ni Janelle habang nakatingin sa may likod ng driver's seat. Hindi kasi nagkasya lahat sa likod ng kotse ang mga gamit ko kaya ang iba nilagay ko dito.

"Galit sa akin si Mama. Kaya sa condo muna ako." Sagot ko dito.

"Nice to hear. Balak ko pa namang makitulog sa condo mo ngayon."  Sabay taas ng bag na dala-dala nya.

"C-Condo ko?"

**

"Have you seen a girl wearing a black fitted dress?" Tanong ko sa isang babae na nakasalubong ko.

"Ummm. No." Sagot nito. Nagulat ako ng bigla nitong himasin ang dibdib ko, "Mind taking me hom--"

"Stop it. I'm with my girlfriend." Sabay tabig ko sa kamay nito.

"Is that Calvix from Howard?"

"Oh god! Sya nga! Ang pogi pala nya talaga!"

"Halika lapitan natin!"

"Ay! May kasamang babae!"


Bigla kasi akong pumagitna kay Janelle at sa tatlong lalaki na kasayaw nya, "You're drunk. Let's go." Sabay higit ko dito. Nawala kasi sya sa paningin ko kanina. Tas makikita ko nalang na kung sino-sinong lalaki ang kasayaw nya. At ang nakakainis ay kung paano nila bastusin si Janelle. Halos hawakan na nito ang mahalagang parte ng katawan nito.

"Bro, wala namang ganyanan! Kita mo namang nagkakasiyahan kami dito oh." Pigil sa akin ng isang lalaki sabay hawak sa braso ko.

"Get off!!!" Nagulat ako sa biglang pagtabig sa kamay ko ni Janelle. Mas ikinagulat ko ang biglaan nyang pagyakap sa lalaki, "Who are you?! I don't even know you!" Tinaasan pa ako nito ng kilay.

Napa-kunot nalang ako ng noo. Lasing na nga sya. Tss. "Ugh! Ano ba!" Bigla ko kasi syang hinigit ulit. Aalis na kami dito. Bakit ba kasi ako pumayag na pumunta kami dito! Hindi sya bagay dito sa gantong lugar. Nagulat ako ng biglang --

*BOGSH*

Napa-upo ako sa sahig sa sobrang pagkakalakas ng suntok sa akin. Pinunasan ko rin ang labi ko na dumugo, "Pwede ba wag kang mangielam?! She's mine tonight!" Para bang napantig ang taenga ko ng marinig ang sinabi nyang 'She's mine tonight'. Tumayo ako at kaagad syang sinunggaban ng suntok.

"BASTARD!!!"

*BOGSH*

*BOGSH*

Akmang gaganti na sana ako ng suntok ng biglang may pumagitna sa amin na isang babae. Kung hindi ako magkakamali si Alexa to, ang girlfriend ni Troy, "WILL YOU STOP?!"

"Ms. Alexa?!"

"What's happening here?!"

"He started it!" Sabay turo sa akin ng tatlong lalaki na'to. Hinawakan kong muli ang kamay ni Janelle. Baka kasi makuha syang muli sa akin. Nakatungo lang sya at halatang lasing na lasing na.

"They are my friends. Why bothered them?!" Sigaw nya dito sa tatlong lalaki, "Leave now or else you'll be -- Feel their fist." Sabay punta naman sa likod ni Alexa ng limang lalaki na ang sobrang laki ng mga katawan.

"Tss! Malas naman oh!" Sabay lakad papalayo sa amin ng tatlong lalaki na iyon.

"It's okay now." Naka-ngiting sabi sa akin nito.

"Mukhang kinatatakutan ka dito ah." Sabi ko sa kanya. Mas lalong humigpit ang pagkakakapit ko sa kamay ni Janelle. Pakiramdam ko pag lumuwag ang pagkakapit ko sa kamay nya may posibilidad na may humigit sa kanya at ilayo sya sa akin. Hindi ko alam kung ano ba tong pakiramdam. Kahit ako sobrang naguguluhan.

"What can I do? I'm a gangster girlfriend."

"Uwi na tayo..." Nagulat ako sa Janelle na nagsalita, "Ayoko na dito. Ang baho..."

"Sige. Uwi na kami." Paalam ko dito. Hindi rin naman kasi kami masyadong close. Nagkakausap lang kami pag minsan na sinasama sya ni Troy sa lakad ng barkada. Sa pagkakaalam ko, ang tagal na rin nilang magka-relasyon. Pero hanggang ngayon, kokonting tao pa lang ang nakakaalam. At alam ko na ang mga bodyguards ni Alexa ay padala rin ni Troy. Kailangan nya kasi itong protektahan. Lalo na't kung sino-sinong gang leader ang nakakaharap ni Troy.

//

"Hmm." Inihiga ko si Janelle sa kama. Tinanggal ko na rin ang sapatos nya. Tinitigan ko muna ang 5 inches heels nyang suot. She never wears those before. I started to unbuttoned his blouse. Dalawa palang ang natatanggal kong butones. Amoy alak kasi ito ng biglang --  

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Napahinto ako sa ginagawa ko, "Hindi ka ba marunong mang-gising? I can change my clothes on my own. I don't need your help." Itinabig nya ang kamay ko at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakahiga sa kama at dumiretso sa banyo.

Nagpupunas na ako ng buhok ko dahil kakatapos ko lang mag-shower. Nakatuwalya lang ako lumabas ng banyo. Gawain ko kasi to. At nakalimutan ko na andito nga pala si Janelle kaya dali-dali akong nagtungo ng cabinet para makapagsuot ng damit.

"We'll be sleeping in the same bed?" Tanong sa akin ni Janelle habang nakahiga ito.

Tumango lang ako, "I'm your guest. Just sleep there." Sabay turo dun sa sofa.

"Hindi ako kasya dun..."

"Gawan mo ng paraan. Good night." Sabi nito sabay talikod at nagtalakbong ng kumot.

Wala na akong ibang nagawa. Kumuha ako ng panibagong kumot at unan at pinagkasya ang sarili ko sa maliit na sofa.

"Janelle." Tawag ko sa pangngalan nya pero hindi sya nasagot. Mukhang nakatulog na sya.

Nakatingin lang ako sa may kisame buong magdamag. Hindi ko pa din kasi akalain na magkasama kami ngayong gabi – Sa iisang kwarto lang.

"Galit ka pa din ba sa kin?" Tanong ko pa din sa kanya. Naasa ako na baka sakaling sumagot sya pero hindi pa rin talaga. Tulog na nga sya siguro.

"Sorry... for hurting you." Matagal ko ng gustong sabihin sa kanya to, "Sorry for using you just to get what I want. Sorry for playing your feelings. I didn't mean --"

"Stop it." Napatingin ako kay Janelle. Nakaharap na sya sa akin at kita ko ang nantutubig nyang mata, "Don't worry. I enjoyed your game. You know what? I want revenge. But I can't -- Because, I'm still inlove with you."

Tumayo sya sa kama ay pumunta sa direksyon ko. Tumayo rin ako sa pagkakahiga ko at umupo. Nag-bend sya ng kaunti at hinaplos ang kabilang pisngi ko, "Mag-antay ka lang. Ngayon, hindi ko pa kaya kasi mahal pa kita. Wag kang mag-aalala. Pag sinimulan ko na ang laro, kahit mag-lumuhod ka sa harapan ko at magmakaawa na itigil ko na'to, asahan mong wala na kong pakialam sa'yo. At eto ang tatandaan mo, sisiguraduhin kong wala kang kaalam-alam na nasimulan ko na ang laro. Dahil pag natapos ko ang laro na'to, sisiguraduhin kong ako na ang mahal mo at hindi na ikaw ang mahal ko. Dadating yung araw na pagsisisihan mong pinaglaruan at sinaktan mo'ko. Yung araw na ikaw naman ang luluha at ako naman ang walang pakialam. Tas sasabihin mo sa sarili mo, ganto pala ang pakiramdam ng mapaglaruan." Naka-ngiti nyang sabi. Bumalik syang muli sa kama at binigyan pa ako ng isang ngiti bago sya humiga.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Hindi sya si Janelle. Hindi si Janelle ang kasama ko ngayon sa iisang kwarto. Hindi sya si Janelle, ang babaeng nagustuhan ko. 

- - - - - - - - - - - - - -



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro