Chapter 28: She's back
Chapter 28: She's back
Calvix's POV
(Hello? Bro asan ka na?! Wag mong sabihing First Day Of School absent ka?)
"Puyat ako..."
(Saan ka na naman ba nagpunta kagabi?! Di ba ang sabi ko dumaretso ka ng uwi?!)
Pilit akong tumayo ako kama ko. Napahawak ako sa ulo ko, "May hangover pa ko. Di ba pwedeng sa afternoon classes nalang ako pumasok?" Sabi ko kay Christopher sa kabilang linya.
(Bro... May kailangan kang m-malaman.)
"Pwede bang mamaya nalang? Antok na antok pa talaga ako. Hindi ko kayang labanan to ngayon. Sige, bye." Pagkatapos ay kaagad ko na itong binaba.
Muli kong hiniga ang sarili ko sa kama. Hindi naman ganoon kasakit ang ulo ko. Sanay na kasi ako. Wala naman kaya akong ibang ginawa ng summer kundi ang mag-inom ng mag-inom. Nakadapa ako ngayon sa kama at hawak-hawak ang 3R na picture ni Janelle.
Pinadevelop ko'to noong isang buwan. Eto ang pinakamaganda nyang picture. Naalala ko bigla ang huli naming pag-uusap, isang buwan na ang nakakalipas.
-Flashback-
Sinusuot ko na ang pantalon ko ng biglang mag-ring ang cellphone ko, "Hello?"
Napatingin ako kay Jane na nakahiga pa din sa kama. Nakatitig lang sya sa akin at naka-kunot ang ulo, "Hello?! Who's this?!"
"Hello?!!!!"
"Who the hell is this?!!"
"Ugh!"
"Tss! Forget it! Don't call this number anymo---"
"It's me." Kilala ko ang boses na'to. Sumenyas ako kay Jane na shower lang ako saglit sa banyo nya.
"J-Janelle? I-Ikaw ba yan?"
"J-Janelle?! Ikaw ba talaga to?! Janelle!" Hindi pa din sya naimik sa kabilang linya.
"Janelle!!! Please answer!! Please..."
"We need to talk. Please..." Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya. Sanay akong magpa-iyak at makasakit ng damdamin ng babae. But, not her. She's a friend. And she's Andrei special someone.
"Janelle please... Talk to me." Pagmamakaawa ko. I admitting it, ako yung may mali. I'm regretting it. Dragging an innocent girl to a love game like this. I'm very wrong. I didn't know she fall in love on me this deeply.
"Babe, tapos ka na bang mag-shower?" Katok sa akin ni Jane. Pero hindi ko sya pinansin. Umupo ako sa may sahig at inintay ang muli nyang pag-imik.
(You should've told me that it's a game. So I can played with you – Without thinking of falling in love.) Napapikit ako ng marahan at ginulo ang buhok ko.
"Janelle..." I'm sorry. I'm really sorry. Pwede pa naman tayong maging kaibigan pagkatapos nito hindi ba? We can forget about this. We can start all over again -- as a friend. I want to say those things to her but --
"No... It's not. This is not Janelle you've known before."
Then she ended up the call. I'm afraid what things she can do. Feels like -- I changed her to something. Something that -- would break me in the future.
-End of flashback-
*TOKTOK*
"Pasok."
"Kuya, tingnan mo oh. Kayo ni Ate Janelle! Bagay di ba?" Nagulat ako sa biglaang pag-upo ni Nathalie sa may kama ko. Sisigawan ko sana sya ng biglang lumantad sa harapan ko ang gawa nyang collage na puro picture namin ni Janelle. Wala kaming picture na magkasama pero makikita mo sa collage na yun na para kaming nagmamahalan.
Kinuha ko ito, "What's this?"
"Wala akong magawa kagabi eh. Ang ganda noh? Miss ko na si Ate Janelle. Sya nga pala Kuya, ba't hindi na sya napunta dito? Kahit sina Mommy hinahanap na din sya. Wala na ba kayo?" Tanong nito. Ngayon lang ako nakipag-usap sa kapatid ko ng maayos. Napatitig nalang ako sa collage. Walang kami...
"Throw this." Abot ko sa kanya.
Napakunot ang ulo nya, "Itatapon ko?!"
"You heard me, right?"
"Kuya naman! Nag-effort ako dito eh!" Napatayo sya sa kama ko.
"Sinabi ko bang gawin mo yan? Besides, anong gagawin ko dyan? Tingin mo matutuwa ako? Pwes, hindi. I hate things like that."
"I HATE YOU KUYA!" Pagkatapos ay padabog syang lumabas ng pintuan ng kwarto ko.
Nagulat ako sa muling pagbugkas ng pintuan. Akala ko si Mommy na dahil narinig ang pagsigaw ni Nathalie pero ang kapatid ko pa din pala, "Hindi na ikaw ang Kuya ko. Akala ko pwede ka pang bumalik ng dati. Pero hindi na. Akala ko bumalik na ang dating Kuya Patrick ko na mahal na mahal ako ng dumating si Ate Janelle sa buhay mo." Nakatitig sya ng diretso sa mata ko at konti nalang ay may tutulo ng luha sa mata nya, "Wala ka na bang ibang alam na gawin kundi ang magpaiyak ng babae? Kahit ako na sarili mong kapatid sinasaktan mo? Ayan pa rin ba ang epekto ng ginawang pag-iwan sayo ni Ate Aubrey? Minamahal ka pero pilit mo silang nilalayo. Dahil lahat para sayo Kuya, laro nalang."
Binato nya sa akin yung collage na ginawa nya, "Someday -- Someone will come and know how to played your game."
Pagkatapos nun ay tuluyan na syang lumabas ng kwarto ko. I got stunned for a seconds. This is the first time I saw my sister cry. And this is also the first time she said hatred words for me.
Am I that hateful?
Si Aubrey. Si Janelle. Si Andrei. Ngayon, kapatid ko?
**
"Good morning Calvix!"
"Mas lalo syang pumogi ngayon!"
"Oo nga! Ano kayang nangyari sa kanya ng buong summer?"
"Kyaaa! Ang wafuuu nya talaga!"
Ngiti at kindat ang ginawa ko bilang bati sa kanila. Dahilan para mas lalong lumakas ang tilian dito sa hallway. Mas dumami rin ang mga estudyante pwera kanina dahil alam nilang andito na ako. Well, wala tayong magagawa dyan. Pinanganak akong isang napaka-poging nilalang. Maganda ang nanay ko. Pogi ang tatay ko. Nasa lahi namin talaga yan.
Hinanap ko ang bago kong classroom. Second year college na ko. At sa Class A pa din ako.
Isang hakbang na ang gagawin ko bago ako makapasok sa classroom namin ng makaramdam ako ng kaba. Napahawak ako sa doorknob. Akmang bubuksan ko na ito pero mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Napapikit nalang ako at binuksan na ang pintuan. Puyat lang to kaya kung ano-ano na ang napasok sa isipan ko, "Sorry I'm late."
"It's okay Mr. Aranillo. First day naman kaya walang masyadong ginagawa." Naka-ngiting sabi sa akin ni Ms. De La Torre. Sya na pala ang new advisory namin.
Napatingin ako sa barkada ko na halos hindi maipinta ang mga mukha. Napakunot noo nalang ako. Ano bang problema? Napatingin namna ako kay Dylan at Clarence na may sinesenyas. Hindi ko naman sila maintindihan. Tss!
"You may seat down now -- to that vacant s-seat." Medyo nautal pang sabi nito ng ituro sa akin ang bakanteng upuan.
Nakatitig lang sa akin lahat habang naglalakad ako papunta sa upuan ko. Napatingin din ako kina Jamiatra. Andito na pala sila. Hindi man lang nagpasabi. Iniwas ko na ang tingin ko dahil kakaiba ang tingin nila sa akin. I guess galit sya sa akin.
Napatingin din ako kay Andrei na sa ibang nakatingin na direksyon. Hanggang ngayon hindi pa din kami okay. Mukhang wala na akong ibang magagawa para magka-ayos kaming dalawa.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ng biglang dahan-dahan akong humakbang --
At napatitig sa babaeng makakatabi ko.
Naka-side view sya kaya hindi ko ganoon makita ang mukha nya. She has dark brown hair. Medyo kulot din ang ilalim ng buhok nya. At kung hindi ako magkakamali, she's even wearing a make-up.
Umupo ako sa tabi nya. Hindi pa din mawala ang titig ko sa mukha nya. Para bang pamilyar. At teka – That scent belongs to --
Humarap sya sa akin, "J-Janelle?"
She smiled bitterly and even stretched her right hand, "Janelle Rian Fortalejo nga pala. I hope we can be FRIENDS -- in the future."
- - - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro