Chapter 24: Tears
Chapter 24: Tears
Calvix's POV
Nagising ako ng may nakayakap sa may dibdib ko. Napahimas ang kamay ko sa may ulo ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Mukhang napa-sobra ang pag-inom ko kagabi.
"Hmmm." Nagulat ako ng biglang may humigpit na pagkakayakap sa akin. Ngayon ko lang napagtanto na parehas kaming walang saplot sa katawan. Napailing nalang ako. Nagawa ko na naman. Tss. Sino ba naman kayang babae ang naisiping ko ngayon?
Nilibot naman ng mata ko ang loob ng kwarto. Medyo pamilyar ito. Nagulat naman ako ng medyo kumilos ang babaeng nakahiga sa may dibdib ko. Pinaglaruan ko naman ang buhok nito. Ganto naman palagi ang ginagawa ko. Hindi ko alam pero hilig ko ang paglaruan ang mga buhok ng babae tuwing umaga kada gigising ako sa kama nila. At sa lahat yata ng babaeng naisiping ko, ang amoy ng buhok nya ang pinaka-gusto ko.
Medyo inangat ko ng kaunti ang katawan ko dahil medyo napapasarap na ako sa pagkakahiga. Ewan ko ba pero parang komportable kasi ako. Komportable ako sa babaeng kasama ko ngayon. Excited na tuloy ako makita kung sino sya.
Halos malaglag ako sa kama ng makita ko kung sino sya. Ang gago mo Calvix!
Muli kong hiniga ang sarili ko sa kama. Napatakip nalang ang dalawa kong kamay sa mukha ko. What the hell I've been done? What the hell I did...
Dahan-dahan akong bumangon. Tulog na tulog pa din sya. Sobrang himbing pa din ng tulog nya. Napa-upo ako sa may side ng kama at pilit inaalala ang mga pangyayari kagabi.
Pero sh*t! Bakit wala akong maalala?!
Tumayo ako at kinuha ang damit kong nasa sahig. Bago ako lumabas ng kwarto nya, tiningnan ko sya na sobrang himbing pa din ng tulog.
You shouldn't do that with me Janelle.
//
Andito pa din ako sa loob ng sasakyan ko. Nasa may tapat na ako ng bahay namin. Ayoko pang bumaba. Napansandal ako driver's seat at napapikit ng marahan. Pilit inaalala ang nangyari kahapon.
-Flashback-
Nagising ako sa isang kwarto. Hinding-hindi ako maaaring magkamali. Alam ko ang kwarto na'to. Kwarto ni Aubrey.Tumingin ako sa orasan, hapon na rin pala. Napasarap ang pagtulog ko. Nilibot ko ang mata ko sa buong kwarto. At nakita ko sya na natutulog sa may sofa.
Unti-unti akong tumayo mula sa pagkakahiga ko. Medyo masakit pa din ang ulo ko. Pero ininda ko ang sakit para lang makapunta sa direksyon nya. Lumuhod ako ng kaunti at tinitigan ang mukha nyang himbing na himbing sa pagtulog.
Napangiti akong makita na ngumuso sya. Hobby nya kasi talaga yun pag natutulog. Ewan ko ba kung bakit pero habang tulog sya ay napapanguso sya.
"I miss you." Sambit ko habang nakatitig pa din sa kanya.
Akala ko magigising sya pero kumilos lang ito ng kaunti. Hindi rin pala sya pumasok. Parehas kami. Hanggang ngayon pa rin talaga ay mas gusto pa rin nyang matulog kesa ang pumasok. Natatawa naman ako. Hindi pa rin sya nagbabago.
Nakabaluktot syang nakahiga sa may sofa. Tss. Kung tinabihan nalang nya ako sa kama.
"Patrick?" Napaurong ako at napa-upo sa sahig dahil sa biglaan ng pag-mulat ng mata nito.
Nag-unat sya ng kaunti at dahan-dahan na bumangon sa sofa na hinihigaan,"Gising ka na pala." Sabi nalang nya. Nakatitig lang ako sa kanya. Bagong gising sya pero sobrang ganda pa din nya.
"H-Hilamos lang ako." Sabi nya at tumayo na ng medyo awkward na ang atmosphere sa aming dalawa. Dumaretso na din sya sa banyo.
Tumayo na ako at umupo sa may side ng kama at inantay syang makalalabas ng banyo. At sa paglabas nya ng banyo na basa pa din ang mukha, mas lalo akong napatitig sa kanya. Mahal ko pa din sya.
/
"May kasalanan ka." Sabi nya sa akin habang nagsusuklay sya ng buhok nya sa may salamin.
Napatingin ako sa kanya, "Ano naman yun?" Tanong ko. Kasalanan? Tss. Sya nga tong may kasalanan sa akin!
Humarap sya sa akin at tiningnan ako ng masama, "You drink. I told you na wag na wag kang iinom." Sabi nya sa akin.
Napakunot noo ako, "You're not my girlfriend anymore. Wala ka ng karapatan sa akin. Wala ka ng karapatan sabihin sa akin kung ano ang mga gagawin at dapat kung gawin." Ewan ko ba pero ang pagkahumaling ko sa kanya kani-kanina lang ay tila napalitan ng inis at galit. Bumalik na naman kasisa utak ko ang senaryong ginawa nya sa akin noon.
"Pero alam kong susundin mo pa din ako." Ngumiti naman ito. Halos manlabot ako sa ngiti nyang yun. Ganyan ang ngiti nya sa akin noon pag naglalambing sya. Bakit nya kailangan gawin yun ngayon?
"Paano nalang kung ibang tao ang nakakita sayo kagabi? Madami na ang masasamang loob ngayon Patrick. Yes, I'm not your girlfriend anymore. Pero masama na ba na mag-alala ako sayo? You're my friend. Ayoko kitang mapahamak." Para akong binagsakan ng lupa at langit sa narinig ko. Friend? I'm just her friend? What the!
"Aalis na ko." Sabi ko sabay tayo sa sofa at akmang lalabas na ng kwarto nya pero bigla syang nagsalita --
"Wag si Janelle. Please..." Napatigil ako sa narinig ko.
Hinarap ko sya, "Alam kong ako pa din ang mahal mo. Please. Wag si Janelle. Kaibigan sya ni Trevor. No, bestfriend ang turing sa kanya ni Trevor. Wag sya Patrick." Tila nagmamakaawang tono ng boses nya.
"I like her." Salitang lumabas sa bibig ko.
"Iba ang 'gusto' sa 'mahal', Patrick. Tulad ko, gusto kita pero mahal ko si Trevor. There's a big difference. Please. Wag si Janelle." Nanlambot ang mga hita ko sa narinig ko. Bakit kailangan nya pang sabihin ang mga gantong salita sa akin? Hindi ba nya alam na ang sakit sakit na?
"PWEDE BA! TAMA NA! TAMA NA ANG PAGMUMUKHA MO SA AKIN NA SI TREVOR ANG MAHAL MO! DAHIL ANG SAKIT SAKIT NA! HINDI NA KAYA NITO! HINDI NA NYA KAYA ANG SAKIT PA!" Sabay turo sa may dibdib ko.
"I think I can't no longer bear all the pain. I love you. Yes, I still love you. Pero eto ang tandaan mo, I'm not using Janelle. I just like her... n-now. In just few more months, matutunan ko syang mahalin. At sa oras na yun, wala ng Aubrey dito sa puso ko." Tumalikod na ako sa kanya. Hindi ko pa din sya kayang tingnan. Nasasaktan pa din ako.
"Don't play with her Patrick. I'm warning you. Ako ang makakalaban mo."
Hindi ko na sya sinagot at lumabas nalang ng kwarto nya. So ganun? Kaya nya ipinagtatanggol si Janelle ngayon dahil bestfriend sila ni Trevor? The hell Aubrey! Ganyan mo ba talaga ka-mahal si Trevor?
Gusto ko si Janelle. Dahil mabait, matalino, inosente at simple.
Pero mas matimbang pa rin talaga ang nararamdaman ko sa kanya -- kay Aubrey.
/
Andito ako sa may bar ngayon, nainom. Wala na akong maisip na paraan para makalimutan ang sakit na nararamdaman kahit sa sandaling panahon lang. Gusto kong makalimutan lahat ng sakit kahit sa panandalian lang.
Everything is just a game.
Ayoko ng umiyak.
Gusto ko ako naman ang magpapa-iyak.
Ayoko ng masaktan.
Gusto ko ako naman ang mananakit ng damdamin.
Ayoko ng mapaglaruan.
Gusto ko ako naman na ang maglalaro.
/
Tinigil ko ang sasakyan ko sa may tapat ng isang bahay. Medyo blurred na din ang paningin ko. Ewan ko kung kaninong bahay ito. Basta ang alam ko, kakilala ko ang may-ari.
May isang babae na umalalay sa akin. Dinala ako nito sa kwarto at hiniga sa kama. Napa-ngiti ako ng maimulat ko ang dalawa kong mata. Hindi ako makapaniwala na kasama ko si Aubrey ngayon.
And then, I kissed her.
I missed her so much.
"Thank you for sleeping with me... again... Aubrey."
And I just woke up in Janelle's bed.
-End of flashback-
Ilang beses kung sinubsob ang ulo ko sa manibela. Paano kung mabuntis ko sya? Wala akong proteksyon kagabi! Shet! Hindi ko alam ang gagawin ko pag nangyari ang iniisip ko.
Janelle's POV
"Kanina ka pa pa-ngiti ngiti dyan! Ano bang meron?!" Kuhit sa akin ni Andrei.
"H-Ha? W-wala ah!" Sabay iwas ko ng tingin. Masaya kasi ako. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon. The last words he said after he fell asleep had been removed to my mind. Wala yun. Lasing sya. Hindi nya alam ang salitang binitawan nya.
Napatingin ako kung saan naka-upo si Calvix. Wala pa din sya hanggang ngayon? Pagka-gising ko nung umaga wala na sya ah. Tas ngayon, wala na naman sya sa klase? Tss.
"Sya nga pala, bakit ka late kanina? First time in the history ah!" Sabi naman nito sa akin.
Sumenyas ako sa kanya na wag syang maingay. Mamaya mapa-detention na naman kaming dalawa. Naku po! Ayoko na! Nakakahiya kaya! T^T
**
"G*go talaga yang si Calvix! Ano na naman bang problema nun?!" Sabi sa amin ni Christopher sabay inom ng alak, "Ang sabi ko kasi sa inyo bantayan nyo eh!"
"Dude! Kahit anong bantay dun, para yung daga na makakatakas kaagad! Para namang di mo kilala yun!" Saad naman ni Seth dito.
"Hayaan muna nga kasi natin na makapag-isip si Calvix." Biglang singit naman ni Bryan, "Iisa lang ang problema nya pero parang pasan na nya ang mundo. Kahit naman kasi anong gawin natin para makalimutan nya si Aubrey ---." Medyo napatigil sya sa pagsasalita ng mapansin nyang andito pala ako. Na andito ang presence ko. Na halos lahat ng binitawan nyang salita tagos dito sa puso ko.
"Ehem! Ehem! Umm, baka naman may ibang problema si Calvix? Yung talagang mas malala! Kaya sya nagkaka-ganto." Singit naman ni Stephanie.
"Alam mo kung bakit lalong nag-alboroto sa galit si Calvix?" Tanong ni Juztine kay Stephanie. Napa-isip lang si Stephanie.
"Kasi -- Andito ka. Dumating ka sa barkada. Ikaw lang din naman ang kapatid ng taong kinaayawan nya sa lahat." Sabi ni Juztine dito. At dun na naman nagsimula ang pagsasagutan nilang dalawa.
Napa-tungo nalang ako. Bakit kung mag-usap sila parang wala ako dito? Bakit parang pakiramdam ko pinapamukha nila sa akin na si Aubrey pa din? Hindi na di ba? Ako na ang mahal ni Calvix. Nag-promise rin sya na hindi nya ako sasaktan.
/
Play the song on the right side -- Do you Know (Someday)
"Hatid na kita?" Tanong sa akin ni Andrei.
Tumango lang ako. Papasok na sana ako ng sasakyan nya ng bigla akong may naalala.
"Hm Andrei, pwedeng saglit lang? May naiwanan kasi ako sa room eh." Sabi ko dito.
"Oh sige. Intayin kita dito." Sabi naman nya.
Tss! Nawala na tuloy sa isip ko ang mga tests namin bukas. Kailangan mataas ang mga grades na makuha ko. Medyo bumaba kasi ako ngayong last semester.
"Oh Janelle, di mo kasama si Calvix?" Nagulat ako ng bigla akong kausapin ni Hans. Bigla bigla na lang din kasi syang na-sulpot.
"Ha? Andito si Calvix?" Pagtatanong ko. Teka -- Ano bang pinagsasabi nya?
"Kakakita ko lang sa kanya eh. Di pala kayo --"
"Asan sya?!" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya. Kaagad rin naman nyang sinabi kong saan nya huling nakita si Calvix. Sa may Camera Club. Hindi ko alam kung bakit sya andun. Ni-hindi nga sya member ng Camera Club eh.
"Fine. I won't hurt her."
"That's what you want right?"
Napatigil ako sa narinig ko. Bukas ng kaunti ang pintuan kaya kita ko kung sino ang tao sa loob. Si Calvix at si Aubrey. So kaya pala sya andito. Bakit hindi ko man lang naisip na member nga pala si Aubrey dito.
"Yes. Bu--"
"But in one condition."
"What now!?"
"Come back to me."
Halos manlumo ako sa narinig ko. Come back to me? No. Hindi. Panaginip lang to.
"We already talk about this Patrick. I won't come back to you. Never. Hinding-hindi na ako babalik sayo. Wag ka ng umasa na babalik ako sayo."
Hinawakan ni Calvix ang kwelyo ng uniform nito, "Do you hate me that much huh?!!"
Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha nya dahil naka-talikod sya sa akin. Pakiramdam ko, tutulo na ang luha ko. Nahulog na ko sa kanya. Mahal ko na sya. Sabi nya gusto nya ako. Pero bakit parang lahat ng mga binitawan nyang salita sa akin ay kinain nya?
Bahagya syang tinulak ni Aubrey, "Will you stop this?! How many times I have to say that I won't come back to you anymore. Please Patrick. Stop this!"
Nakatungo lang si Calvix. Para bang gusto ko syang puntahan at yakapin at ipagtanggol kay Aubrey. Pero tila naistatwa ang buo kong katawan.
At nagulat ako sa sunod nyang ginawa --
"Please. Just come back to me. Magbabago na ako."
Napatakip ang kanang kamay ko sa bibig ko. Kasabay nito ang pag-tulo ng mga luha ko. He's kneeling down to her ex!
"Please Aubrey. Please. Please."
His voice also cracked. Alam kong naiyak na din sya. Pilit nya ding niyayakap ang mga hita ni Aubrey. Kahit anong gawing iwas ni Aubrey sa pagkakayakap ni Calvix sa hita nya ay mas lalo pang hinihigpitan ni Calvix ang pagkakayakap nya dito.
Akmang papasok na ako para matigil ang kahibangan na meron si Calvix ng biglang may humigit sa akin at dinala sa isang sulok at sinandal sa pader.
Akmang manlalaban ako pero kaagad nya akong niyakap.
"I already warned you. That everything for him is a game. Aubrey is still the girl he loves. You should've been listened. So you'll not be hurting like this."
- - - - - - - - - - - - - -
[A/N: Next update will be on Monday (Chen as Seth Special Chapter)/ And Chapter 25 will be on Friday. Thanks! xoxo]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro