Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23: Foolish, Inlove


Chapter 23: Foolish, Inlove

 

Calvix's POV

 

 

"Calvix! Here! Drink this!" Isang basong alak na pinapainom sa akin ng babaeng hindi ko kilala. Andito ako sa bar ngayon. Ako lang mag-isa. Hindi ko na sinama pa ang iba ko pang barkada dito. Isa pa, gusto ko ring makapag-isa. Lalo na't gulong-gulo ang isipan ko ngayon.

Gusto kong magpakalasing at kalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Babe, tulungan na kita!" Sabay kapit sa may balikat ko ng isang babae.

Pilit kong tinanggal ang pagkakapit nya sa may balikat ko, "Get off..."

"But you're drunk! Want me... to take you home?" Hindi pa ako ganoon kalasing kaya nasa wisyo pa naman ako.

Tinitigan ko sya at hinawakan ang ilang dulong hibla ng buhok nito, "Sorry dear but I'm not interested." Pagkatapos kong sabihin yun ay kaagad na akong tumayo at naglakad papalabas ng bar.

Pilit akong naglakad papuntang parking lot kahit medyo masakit na ang ulo ko. Madami rin kasi akong nainom ngayon. Sanay na naman ako eh. Mas marami pa nga ang naiinom ko noong iwan ako ng babaeng mahal ko.

"Patrick? PATRICK!!!"

"God! Patrick! Bakit mo ko sinukahan?!!" Minulat kong muli ang mata ko. Akala ko nananaginip lang ako. Pero hindi, si Aubrey talaga ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Napa-ngiti ako ng makita ang mukha nya. Nakasimangot pero maganda pa din. Galit sya siguro dahil nasukahan ko sya.

"Patrick!! Uy Patrick! Gising!" Rinig na rinig ko ang paulit-ulit nyang pagtawag sa pangngalan ko. Sya lang ang taong natawag sa akin nyan bukod sa pamilya ko. Sya lang din ang may pahintulot para tawagin ako sa pangalawang pangngalan ko. Nakakamiss ka ng sobra Aubrey.

 

 

Janelle's POV

 

 

Calling: Calvix

 

 

Kanina ko pa sya tinatawagan. Pero hanggang ngayon wala pa din akong sagot na natatanggap. Absent sya ngayong araw. Pati barkada nya hindi alam kung bakit ito absent. Wala kaming kaideya-ideya. Okay naman sya ng maihatid nya ako sa bahay kagabi.

"Sumagot na ba?" Tanong sa akin ni Andrei na pilit ding tinatawagan si Calvix.

"Puntahan natin maya?" Alok sa akin ni Andrei. Tumango ako. Sobra kasi akong nag-aalala. Hindi ko nga alam kung bakit wala sya.

//

"Ate Janelle!!! ^^" Sigaw ni Nathalie ng makalabas ng pintuan ng bahay nila.

"Oh Kuya Andrei andito ka din?" Medyo nagulat pa nga ito ng makita si Andrei.

"Si Calvix?" Tanong kaagad nito kay Nathalie.

"Kagabi pa hindi nauwi eh." Sa sagot nito kaagad kaming nagkatinginang lahat.

/

Andito kami sa isang restaurant ngayon. Ang barkada ko at ang barkada ni Calvix.

"Hindi kaya't nakidnap si Calvix?" Tanong naman ni Stephanie.

"Hindi kaya't na-massacre na sya?" Tanong naman ni Daniele.

"Hindi kaya't nire-rape sya ng mga babae nya ngayon?" Tanong naman ni Jamiatra.

Kahit kailan talaga tong mga to. Sa gantong sitwasyon nagagawa pang mag-biro.

"Hindi kaya't -- Hawak sya ni Owen?" Lahat kami ay napatingin kay Troy na nagsalita.

"Don't look at me like that. I'm just saying what I'm thinking." Sabay iwas nito ng tingin, "Just call Aubrey. Baka sakaling alam nya. We all know na sya lang naman ang pwedeng puntahan ni Calvix."

Napatungo ako sa sinabi nito. Si Aubrey na naman.

 

**

"Janelle, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Andrei ng maitigil ang sasakyan sa may tapat ng bahay namin. Kanina pa kasi ako nananahimik. Bakit ganun? Nasaktan ako ng sabihin ni Troy ang pangngalan ni Aubrey. Grabe ang impact sa akin.

Tumango lang ako at akmang lalabas na ng sasakyan nya pero hinawakan nya ang kamay ko, "Just think that everything is a game. If you don't... You'll end up hurting. And I don't want to see you hurting. So please... Just think everything about you and Calvix is a game." Napa-kunot ang noo ko sa sinabi nya.

Tinabig ko ang kamay nya,"Mahal ako ni Calvix." Ayan ang sinasabi ko sa utak ko.

Humarap ako sa kanya at sinabing, "Why do I think it's a game? If I already know that everything about us is... r-real?" Sabi ko sa kanya. Mahal ako ni Calvix. Lahat ng ginagawa nya sa akin hindi pa nya nagagawa sa ibang babae. Pwera lang kay Aubrey.

Ako... Ako na yung mahal nya. At hindi ako magpapadala sa sinasabi ng iba. Hinding-hindi. Totoo ang nararamdaman para sa akin ni Calvix.

"Isa nalang Andrei. Isa pang pagbibigay ng negatibong pwedeng mangyari. Kalimutan mo na nagkakilala tayo." Pagkatapos kong sabihin yun ay lumabas na ko ng kotse nya. Bakit sya ganun? Imbis na suportahan na lang nya ako eh.

Hindi ko inantay ang maaaring pwedeng maging sagot nya at pumasok nalang kaagad sa bahay. Napasandal ako sa may pintuan. Hindi ko mapigilan ang hindi mapa-iyak.

Hindi naman ako sasaktan ni Calvix di ba? Nag-promise sya sa akin na hindi nya ako sasaktan. Na wala syang balak na saktan ako.

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kamay ko. Bakit ba ko naiyak? Natatawa ko pang sabi sa sarili ko. Wala naman kasi akong dapat ika-iyak.

Tatawagin ko sana Manang para ipaghain sana ako ng makakain. Pero mukhang tulog na sila. Eh ayoko naman na manggising.

Papanik pa lang sana ako ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Akala ko si Calvix ang nagtext pero si Lucas lang pala.

Nasa bahay ako ng new trops ko. Bukas na ako ng gabi makakakauwi. Good night taba!

 

 

Halos magtatalon ang puso ko sa nabasa ko. Yes! Wala na kong maririnig na sobrang ingay pag gabi. Aba! Rinig na rinig kaya ang pag-kanta nya ng kung ano-ano. Minsan nga may maririnig ka pang kalabugan sa loob ng kwarto nya.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay kaagad na akong naglinis ng katawan ko. Pagkatapos ay humarap sa laptop ko. Nagbabaka-sakali akong online si Calvix. Pero as usual, si Jared na naman ang naabutan kong online.

Isang oras pa lang akong naglalaptop pero kaagad na akong nakaramdam ng pananakit ng mata. Tiningnan kong muli ang cellphone ko baka sakaling nagtetext na sa akin si Calvix. Pero hindi. Wala pa din. Nakaramdam na naman ako ng pagkalungkot.

Asan ba sya at hanggang ngayon hindi pa ako tinatawagan?

Nagpasya muna akong magpa-hangin sa may garden namin. Hindi talaga kasi ako makatulog. Kahit anong gawin kong magpapaantok sa sarili ko. Umupo ako sa may swing dun. Naalala ko tuloy bigla ang first kiss ko (lips).

Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng simoy ng hangin.

I'm missing you already Calvix.

 

I want to see you -- now.

 

I want to hug you tight.

 

I want to say how much I love you.

 

I want to say that in 2 weeks I'll be your girlfriend.

 

That I'm 2 weeks I'll be yours -- And you'll be mine.

 

Nagulat ako ng biglang may sasakyan na tumigil sa harapan ng bahay. Tumayo ako mula sa kinauupuan kong swing. Sinilip kong kaninong sasakyan iyon. At hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko -- kay Calvix yun.

Pa-gewang gewang syang bumaba ng sasakyan. Dali-dali akong nagtungong gate para salubungin sya. Anong ginagawa nya dito sa dis-oras ng gabi?

"Calvix." Bigla syang natumba sa may balikat ko. Buti na lang at nasalo ko sya kaagad kundi parehas kaming matutumba dito, "Calvix. Uy Calvix. Gising." Ilang beses ko syang inalog pero baliwala. Mukhang lasing na lasing sya ngayon. Tss. Eto ba ang ginawa nya buong araw? Ang mag-lasing?

Inalalayan ko sya papanik sa may kwarto ko. Katakot-takot na pag-iingat ang ginawa ko. Yari ako pag nagising si Manang. Baka mag-report kina Mommy na dito ko na naman pinatuloy si Calvix -- at lasing pa ito. Yari na ko nun.

Hiniga ko sya sa kama ko. Tinitigan ko sya. Para syang anghel na natutulog. Nagulat naman ako ng biglang bumuka ang bibig nya at tila may sinasabi. Pero hindi ko marinig kaya naman inilapit ko ang taenga ko sa kanya para mas marinig ang sinasabi nya.

"IloveyouAsdfghjkl."

Ha? Ano raw?

Mas inilapit ko ang taenga ko. Nagulat ako ng bigla nya akong hilahin mas papalapit sa kanya dahilanan para mapaibabaw ako sa kanya. Ikinagulat ko din ang dahan-dahang pagbukas ng dalawa nyang mata. He smiled. Feels like I was in heaven while looking straightly to his eyes. How can he be look like an angel?

At mas lalong ikinagulat ko ang pagpunta nya sa ibabaw ko. And then, he kissed me. More passionate --More powerful than before.

I can feel his hands running through my tummy. God. Why can't I insist? Why I'm still giving back all his kisses?

Lumayo sya sa akin ng kaunti at dali-daling tinanggal ang polo shirt nya. Bago pa man ako maka-react sa sobrang pagkamangha sa katawan nya ay agad na nya akong hinalikan. And now, he's removing my clothes one by one.

I give in.

Mahal ko si Calvix. At alam kong hindi ko pagsisihan to.

Siniksik nya ang ulo nya sa may leeg ko. Parehas pa kaming pawis-pawisan. Nasa may ibabaw ko pa din sya hanggang ngayon. Pareho kaming hindi makakilos sa isa't isa. Naka-ngiti ako habang nakayakap pa din sa kanya.

"I love you Calvix." Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung sasagot ba sya o hindi. Mukha kasing nakatulog na sya sa ibabaw ko.

At sa hindi inaasahan. Sumagot sya. At sa sagot nyang yun, para akong sinaksak sa puso ng sampung patalim --

"Thank you for sleeping with me... again... Aubrey."

 

And then my tears fell.

I was foolish, inlove.

 

 

- - - - - - - - - - - - - -


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro