Chapter 22: Love bite
Chapter 22: Love bite
Janelle’s POV
“Sa bahay tayo maya?” Tanong sa akin ni Calvix ng maka-upo sa tabi ko. Hanggang ngayon kasi hindi pa napasok si Andrei kaya ilang araw na din akong walang katabi. At ilang araw na din na si Calvix ang katabi ko.
Tumango lang ako. Hanggang ngayon kasi pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit sya absent.
“Excuse me. Last time I checked, dyan pa din ako naka-upo.” Nagulat ako sa biglang nagsalita. Hindi lang ako, pati na din si Calvix. Andito na si Andrei. Pumasok na sya.
“Sorry pooo. Oh, upo na.” Ala Chichay tone naman ang ginawa ni Calvix.
Umupo naman na si Andrei sa tabi ko, “Ma-assignment ka na ba? Eto oh, meron ako. Kopya ka nala --“
Hindi nya ako pinansin at sinaksak nalang ang earphone sa taenga nya. Napa-buntong hininga nalang ako. Hindi ko sya maintindihan. Ang hirap nyang intindihin. Ang labo nya! Sobrang labo nya!
Napa-isip naman ako. Konting lambing pa siguro bibigay na tong si Andrei. Haha!
*KUHIT*
“Sabay tayo lunch maya? Tayong dalawa lang? Ano payag ka?”
“No thanks.”
*KUHIT*
“Eh uwian? Ano sabay tayo?”
“No thanks. May pupuntahan pa ko.”
*KUHIT*
“Oh talaga? Sama mo naman ako.”
“Ayoko.”
*KUHIT*
“Bakit? Anong pupuntahan mo ha?”
“Daan papunta sa puso mo.”
“Huh?” Ano raw? Hindi ko sya gets… Daan papunta sa puso ko?!! Teka -- Hindi kaya’t -- May gusto sa akin si Andrei?!!!
Pinalo nya ako ng mahina sa braso at ngumiti, “Joke lang! Bati na tayo! Tss! Para namang matitiis kita! Pasalamat ka mahal k--- Mahalaga ka sa kin!”
“Andrei!!! Na-miss kita!!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nayakap sya. Sobra ko syang na-miss! Ilang araw ko kaya syang hindi nakita! Tapos bago sya umabsent hindi pa nya ako pinapansin at sobrang bitter nya! Na-miss ko si Andrei ng sobraaaaaaaa!
“Ehemmm.” Tinanggal ko na ang pagkakayakap kay Andrei ng ma-realized ko na ang dami na palang nakatingin sa aming dalawa. Kahit pati si Andrei, nagulat sa ginawa ko. Nabigla lang ako. Masaya ako kasi bati na rin kami sa wakas ni Andrei.
“Practice room tayo maya…” Bulong sa taenga ko ni Andrei. Tiningnan ko sya at binigyan ng ‘Why-look’. Pero imbis na sagutin nya ako, kinindatan nya lang ako.
**
=Practice Room=
“Oh, anong gagawin natin dito?” Tanong ko sa kanya. Dapat kasi kasama ako kina Jamiatra mag-shopping ulit ngayon! Eh para naman makabawi ako kay Andrei, samahan ko daw muna sya dito. Hindi ko nga alam kung anong gagawin namin dito!
“Wala akong kasama eh. Samahan mo ko ha?” Sabi nya sa akin ng maipatong nya ang bag nya sa may isa sa upuan dun.
Hanggang ngayon talaga hindi ko pa din sya ma-gets kung anong gagawin namin dito. Ang paalam ko nga kay Calvix saglit lang ako dahil sasamahan ko lang si Andrei sa may practice room. Kaya naman ngayon ay nag-iintay sya sa may parking lot. Naalala ko tuloy bigla ang nangyari kanina.
-Flashback-
“Calvix, nagpapasama lang ako kay Janelle. Sana okay lang.”
“Saan? Can I come too?”
“H-Hindi. Kami lang.”
“Bakit? San ba ang punta nyo?”
“Basta! Akin muna sya ngayon.”
Akmang aalis na kami ni Andrei pero hinawakan ni Calvix ang balikat nito, “Anong sayo? Akin yan!”
-End of flashback-
At hanggang ngayon hindi pa din mawala sa akin ang hindi kiligin! Kay Calvix ako? Hihihi! Ang sarap pakinggan! Ang sarap maramdaman na inaangkin ka. Hindi pa nga kayo pero kung umasta parang sa kanya ka na talaga. Malapit na Calvix… Malapit na talaga.
Umupo naman ako sa may sahig dun. Nagulat ako ng biglang humiga sa may hita ko si Andrei, “Anong ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya. Pero imbis na sagutin nya ako. Pinikit nya ang dalawa nyang mata.
“Let’s stay this for a while Janelle. I’m hurting. Just be with me right now.”
Sabi nya habang nakapikit pa din. Imbis na mailang ako sa kanya ay hinayaan ko na lang sya. Ilang araw akong wala sa tabi nya. Kaibigan ko sya pero dahil lang sa panliligaw ni Calvix, hindi kami nagkaintindihan. Oras naman siguro para bumawi ako di ba?
Hinimas-himas ko ang buhok nya, “Ok. Let’s stay this for a while.”
Calvix’s POV
1 hour…
2 hours…
3 hours…
Ni-isang beses hindi ako nag-antay ng gantong katagal. Kahit si Aubrey hindi ako pinagiintay noon. Kung pinagiintay man nya ako, hanggang 2 hours lang. Dahil alam nya na pinaka-ayoko sa lahat na pinag-aantay ako. Kahit alam naman nyang isang lambing nya lang sa akin mawawala ang tampo ko.
Napatingin ako sa orasan ko, “Waiting me for 4 hours is too much.”
Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa may kotse ko, “CALVIX!!”
“S-Sorry.” Sabi sa akin ni Janelle ng medyo hingal na hingal pa, “Sorry! Sorry talaga Calvix! Promise! Hindi na mauulit!” Hinawakan pa ako nito sa braso ko.
Ewan ko ba pero biglang nawala ang pagod ko sa kakahintay sa kanya kanina.
//
“Anong ginawa nyo ni Andrei kanina?” Pagtatanong ko ng maihinto ang sasakyan ko sa may tapat ng bahay nila.
“Hindi ko kasi sya maiwan kanina. Nakatulog kasi. Inintay ko sya na magising.” Sagot naman nito habang tinatanggal ang seatbelt nya.
“Ano bang meron sa inyo ni Andrei?” Tanong ko pa. Basta may iba. Alam kong hindi dapat ako magtanong ng gantong mga bagay. Ewan ko ba kung anong meron sa akin at gusto kong malaman kung ano nga ba talaga sila. Dahil para sa akin, tingin ko may nararamdaman si Andrei kay Janelle.
“Friends lang kami. Alam mo yan.”
“Yun lang ba talaga?” Tanong ko sa kanya ng hindi sya nililingon.
Hindi ito sumagot kaya naman tumingin ako dito. Naka-ngiti sya. At mukhang alam ko kung ano ang iniisip nya. Inilapit nya ng kaunti ang mukha nya sa mukha ko at sinabing, “Di ba ikaw yung mahal ko?” Naka-ngiti pa nyang sabi sa akin.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinanggal ang seatbelt ko at agad syang hinalikan.
I deepened the kiss. My kisses also went down on her neck, “Ahh!”
“You’re only mine, Janelle.” And then, I kissed her again -- more passionate.
After minutes, I opened my eyes -- while we’re still kissing…
I realized something.
- - - - - - - - - - - - - -
[A/N: Short update! Sorry! Hahaha! Anong na-realized ni Calvix? Wait for the next update…
Dedicated to you, hi hello! :) Salamat sa walang humpay na votes and comments! :) Sana pagpatuloy mo ang pagbabasa ng His Game. <333 xoxo]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro