Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 21: Kiss

Chapter 21: Kiss

 

Calvix’s POV

 

This is a strange feeling, right? Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Tinamaan na nga ba ako? 

Eto ako ngayon, nakakatitig sa kisame. Kakalinis ko na din ng katawan ko. May dala naman kasi akong damit. Saka, kagabi ko pa pinagpaplanuhan to. Ang makitulog dito kina Janelle. Si Nathalie anamn kasi talaga ang dahilan. Kung sa isa sa mga hotels ni Dad ako tutuloy, mapapalayo pa ako. Buti at saktong wala ang mga magulang ni Janelle. Naghanda pa naman ako ng speech para pwede nila akong patulugin dito kahit isang gabi lang. Sa susunod na araw, kina Andrei na siguro ako tutuloy. Babalik na lang ako ng bahay pag napatahimik na nila ang bunganga ng kapatid ko.

Napa-upo ako sa kama ko. Hindi ako makatulog. Naiinis pa din kasi ako! Ang Guest room sa may baba. Ang kwarto ni Janelle sa may itaas. At ang masaklap dun, mas malapit ang kwarto ng magulang ni Janelle sa kwarto nya kung saan doon natutulog yang lintik na Lucas na yan!

 

-Flashback-

“No. I’m her boyfriend.”

 

Nanlaki ang dalawang mata nito pero ilang sandali lang ay tumawa ito ng sobrang lakas, “Hahaha! Girlfriend mo yang taba na yan?! Hahaha! Taba! Anong gayuma ang ginamit mo dito sa poging nilalang na to na tulad ko?! Penge nga ako! Baka tumalab sa crush ko!” Mapang-asar na sabi nito.

 

Napatingin naman ako kay Janelle. Alam kong kahit sya din ay naiirita sa mga pinagsasabi ng lalaking to.

 

“Kuya, wag ngayon. May bisita ako.” Mahinang sabi dito ni Janelle.

 

“Oh bakit? May problema ba? Mukha namang magiging close kami nitong friend mo!” Sabay akbay pa sa akin.

 

“Boyfriend. Not friend.” Pangcocorrect ko sa sinabi nya.

 

“Sus! Alam kong hindi kayo! Halika tropa! Samahan na kita sa Guest room! Doon nalang ako matutulog sa kwarto nila Tita!” Pagkatapos ay dinala na ako nito sa Guest room.

 

“Btw, I’m Lucas. Lucas Fortalejo. Pinsan ako ni Janelle.” Pagpapakilala nito sa akin. He even stretched his right hand. Nakipagshake-hands naman ako, “At ako ang mortal na kaaway ng girlfriend mo.” Bulong nito sa akin at sabay kindat pa papalabas ng Guest room.

 

Crazy bastard.

 

-End of flashback-

 

 

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa may katabing lamesa ng kama.

Calling: Janelle

 

Ilang rings naman ay sinagot na nya ito.

(“Calvix? Hello? May kailangan ka ba? Hindi ka ba komportable!? Naku sorry ha!”)

“Lower your voice. I’m fine. Naninibago lang siguro ako.”

(“Pahangin tayo? Labas ka sa garden. Papunta na ako.”)

Pagkatapos ay binabaan na nya ako. Dali-dali naman akong tumayo mula sa pagkakahiga ko sa kama ko at lumabas ng guest room. Pumunta muna akong kusina para maki-inom ng tubig. Pagkatapos ay nagtungo na din ako sa garden.

Nakita ko kaagad si Janelle na naka-upo sa isa sa swing dun. Binigyan nya ako ng isang ngiti ng makita nya ako. Ngumiti din ako at naglakad papalapit sa kanya. Umupo din ako sa isang swing dun. Ang lakas ng hangin na tumama sa amin kaya naman medyo nilamig ako. Si Janelle naman ay ganun din kahit naka-jacket na sya. Naka-short lang kasi sya. At ngayon ko lang napansin na long-legged pala sya at ang puti at kinis rin ng balat nya. Aysh! Ano ba na naman tong meron sa akin?! Nakakaramdam na naman ako! *Shake head*

“Calvix… Pwedeng magtanong?” Bumalik ako sa ulirat ko ng magsalita si Janelle.

“Ano yun?” Tanong ko sa kanya.

Humarap sya sa akin at sinabing, “Anong nagustuhan mo sa kin?”

Nagulat ako sa tanong nya. Ano nga ba ang nagustuhan ko sa kanya?

“Madami namang ibang babae dyan. Yung alam mong malaki ang pag-asa mo. Pero -- Bakit ako?” Tanong nito.

“Hindi ko din alam Janelle. Basta ang alam ko lang, gusto kita. Hindi ko alam ang dahilan.” Sagot ko. Ayun naman kasi ang totoo. Hindi ko talaga alam kung bakit. Basta nalang ako nahulog.

“Why did you asked?” Tanong ko sa kanya. Naguguluhan din kasi ako kung bakit nya tinanong ang mga bagay na yun.

“Natatakot ako Calvix.” Humarap sya sa akin. Kita sa mukha nya ang nanluluha nyang mga mata, “Natatakot akong masaktan. Ayokong masaktan.” Unti-unti may tumulong luha sa mata nya.

Kaagad akong tumayo sa may swing at lumuhod ng kaunti sa may harapan nya na naka-upo sa may swing. Pinunasan ko ang luha nya gamit ang kamay ko, “Wala sa isip ko ang saktan ka. Yes, I’m a player. Kung ayun ang nasa isip mo, I’ll accept that. Pero handa akong magbago sayo Janelle. Just give me some time. I like you. Wala akong balak saktan ka. Shh. Don’t cry.” Sabi ko sa kanya.

“Mahal kita Calvix.” I stunned for a seconds.

Ngumiti ako at sinabing, “I love you too Janelle.”

Nakita ko ang malawak na ngiti sa mukha nya, “Kung mahal mo ko ba’t ayaw mo pa kong sagutin?” Tanong ko sa kanya.

“Umm. Secret!” Tumawa ito.

“Bakit? Nagdadalawang-isip ka ba kung sasagutin mo ba ko o hindi?” Tanong ko sa kanya habang nakaluhod pa din.

“Hindi. May date na masi kung kailan kita sasagutin. Hehe.” Tapos pinisil nya ang pinsgi ko.

Hinawakan ko naman ang kamay nya, “Date? Kailan yun ha? Sabihin mo na. Excited na ko.” Pangungulit ko sa kanya.

“Secret.” Tapos dumila sya. Napa-ngiti nalang ako. Hindi ko alam pero I find it cute. May date na kung kailan nya ako sasagutin. Ang tanong, kailan kaya yun? Excited na ako.

“I want to ask you something.” Tanong ko sa kanya habang nakaluhod pa din ako sa may harapan nya.

“Hm? Ano yun?”

“Can I kiss you?”

Hindi ko na inantay ang magiging sagot nya. Kundi, unti-unti kong inilapit na ang mukha ko sa mukha nya. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Ilang bababe na ang nahahalikan ko kaya sanay na ako sa ganto. Hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko ngayon. Then, our lips met.

//

“Oh san ang punta natin?” Tanong sa akin ni Brandon.

“Kina Andrei.” Sagot ko. Pangalawang araw na kasing hindi napasok ito. Buong barkada hindi sya ma-contact. Lahat kami nag-aalala na. Lalong-lalo na si Janelle.

“Sama kami.” Sabay-sabay naman nilang sabi. Tumango lang ako at sumakay na ng sasakyan ko.

Sa hotel ako ni Dad nagii-stay ngayon. Isang gabi lang ako kina Janelle. Sayang nga eh. Pero syempre, may hiya din ako. Mamaya mag-report si Manang sa magulang ni Janelle. Mayari pa si Janelle. Kaya kahit sa labag sa loob ko ang magi-stay sa hotel, ginawa ko. Basta ayoko lang talaga sa kapatid ko. Sobrang ingay. Kulang na nga lang magmakaawa na sa akin si Mama na umuwi na. Ang drama nga eh. Miss na miss na daw ako.

Sayang din at hindi ko kasama si Janelle ngayon. Pilit kasi syang sinama nina Jamiatra mag-malling. Tss. Baka matuto ng mag-make up yun. Wag sana. Isa nga yun sa dahilan kung bakit ko sya nagustuhan, simple lang. Natural ang ganda.

/

“Hi Tita Dana!” Bati naming lahat ng makita si Tita Dana na nagbabasa ng magazine sa sala.

Agad naman itong tumayo at sinalubong kami. Ang sexy talaga ni Tita. 3 na ang anak pero kitang-kita pa din ang shape ng katawan. Mas sexy sya kesa kay Mommy.

“Oh andito pala kayo.” Sabay halik namin isa’t isa kay Tita Dana.

“Si Tito Dave po?” Tanong namin. Tropa kaya namin si Tito Dave. Minsan nga naggo-golfing pa nga kaming lahat eh. Syempre, kasama din ang Daddy ko.

“Nasa work pa eh. Gusto nyo dito na kayo mag-dinner? Magpapaluto ako.” Naka-ngiting sabi namin ni Tita.

Nagkatinginan naman kami, “Opo opo!” Sagot naming lahat. Aba! Ang sarap kayang mag-luto ni Tita!

Nagulat kami ng biglang may lumapit sa aming tatlong aso, “Aw aw!”

“Si Monggu, Jjanggu at Jjangah!” Sabay-sabay naming sabi. Sila ang mga anak ni Andrei. Haha! Puppy lover kasi yan. Tuwang-tuwa naman naming hinimas ang mga ito. Kakamiss lang kasi.

“Kuya Patrick!!! ^o^” Napatingin kaming lahat sa dalawang bata na bumababa ng hagdan.

Lumuhod ako ng kaunti dahil alam kong hahalik na naman sila sa akin, “Mwaaa! We miss you Kuya Patrick! Hehe.” Sabi nito.

Ginulo ko ang buhok nilang dalawa, “Kayo talaga.”

“Denise, Daniela! Eh kami, wala?!” Pagrereklamo ni Jared.

“Yiee! I love you Kuya’s friend!” Sabay nilang sabing dalawa ng mahalikan lahat kami.

“Hmm Tita, panikin na po namin si Andrei ha?” Sabi ko.

Hindi na namin inantay ang sagot ni Tita at dali-dali ng pumanik sa itaas at nag-diretso sa kwarto ni Andrei. Hindi na rin kami kumatok dahil sanay na din naman kami palagi dito. Bumalandra sa harapan namin ang natutulog na Andrei sa kama. Sobrang gulo pa din ng kwarto nya.

“Kahit kailan talaga ang lalaking to!” Sigaw ni Clarence ng naka-pwesto sa harap ng laptop ni Andrei. Dali-dali naman kaming tumingin dito.

“Woaaaah! Bwahahahaha!” Tawanan naming lahat. Buti nalang at hindi nagising si Andrei sa ingay namin. Pinapanood kasi namin. Grabe talaga tong si Andrei. Mamaya yung dalawang kapatid nya ang pumasok dito at maki-laptop. Tas mapapanood to. Haha! Nako! Yari yan kay Tita! Bwahaha!

“Hmm.” Kumilos lang si Andrei ng kaunti. Sobrang himbing pa din ng tulog nito. Kahit yata tumawa kami ng sobrang lakas di pa din to magigising.

~Janelle is calling…

Janelle! Janelle! Janelle!

She’s calling!

 

 

Lahat kami nagulat sa tumunog na iyon. Bakit boses bata ang ringtone nya? At teka lang -- Janelle? Mukhang pang kay Janelle lang ang ringtone na yun ah! Kilala ko yan si Andrei. Simula first year high school kami hindi nyan pinapalitan ang ringtone nyang Growl by EXO.

Kaagad naman itong napatayo sa hinihigaang kama at inapa-apa ang kama nya, “Hello? Janelle? Bakit ka napatawag?”

Pumunta sya sa may small terrace ng kwarto nya at doon nakipag-usap kay Janelle. Ni-hindi man lang kami napansin.

“Game na ulit!” Sigaw ni Bryan. Kaya naman kinilick na ulit ni Clarence ito.

Tiningnan ko si Andrei habang kausap si Janelle. Iba ang ngiti nya.

“Anong ginagawa nyo dito?” Tanong nya ng matapos ang pakikipag-usap kay Janelle.

“Dinadalaw ka! Nag-alala kami sayo bro! Ilang araw kang hindi napasok! Tas hindi ka namin ma-contact. Hindi mo din sinasagot ang tawag namin. Pero nung si Janelle ang tumawag -- Para kang nataranta na ewan.” Sabi naman ni Juztine. Hindi lang pala ako ang nakapansin. Pati din pala si Juztine.

“Saka -- Bakit ganun yung ringtone mo kay Janelle? Madaya! Gusto ko ako din pag natawag ako sayo!” Pagrereklamo ni Dylan, “Tas ang kanta -- Dylan is calling. Dylan Dylan Dylan ang mahal ni Fatima! He’s calling! He’s calling! He’s calling! Answer it! Answer it!” Kinanta pa nga nito kaya lahat kami nagtawanan.

*TOKTOK*

“Boys, kakain na.”

**

Nagsi-uwian na din kami pagkatapos naming maki-dinner kina Andrei. Ewan ko ba pero parang may iba kay Andrei. Hindi sya masyadong nagsasalitasa hapag-kainan. Para bang wala ang presence nya kanina. Ang isipan nya nalipad.

Pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta sa bahay ni Janelle. Gusto ko syang makita. Gusto ko syang mayakap kahit saglit lang.

I’m here. Will you come out for a while?

 

Text ko dito. Kahit wala akong kasiguraduhan kong gising pa ba sya. 11pm na din kasi ng gabi. Inantay ko ang reply nya. Pero Janelle na lumabas ng bahay nila ang nakita ko.

“Oh Calvix. Napadalaw ka? Gabi na ah.” Bungad nito sa akin.

Napa-ngiti nalang ako. Nakita ko na kasi sya. Unti-unti akong lumapit sa kanya at niyakap sya, “May problema ba?” Tanong nya sa akin.

“Na-miss lang kita.” Sabi ko sa kanya.

Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin, “Nakakailang yakap ka na sa akin ha!” Sabi nya at tumawa pa.

“I miss you.” Bago pa lang sya sasagot ay hinalikan ko na sya.

We’re doing it more passionate.

Janelle, why you’re making me like this?

 

 

- - - - - - - - - - - - - -

 [A/N: Sa sunday po ang next update. Thanks for reading! :) 

Dedicated to her -> Hi Claud (Luhan's Wife) <33 Thanks sa pag-suporta ng His Game :)] 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro