Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 20: Calvix & Janelle

Chapter 20: Calvix & Janelle

 

Janelle’s POV

 

 

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Si C-Calvix? May nararamdaman para sa akin? Kagabi pa ako hindi makatulog kakaisip tungkol dito. Ilang beses ko na ding sinampal ang sarili ko baka sakaling nanaginip lang ako. Pero hindi, totoong nangyari ang lahat kagabi.

Nakaharap ako ngayon sa salamin at sinusuklay ang sarili. Eto na naman ako at napapa-ngiti. Naka-ilang beses kasi syang yakap sa akin kagabi. At kagabi ng ihatid nya ako sa may gate ng bahay namin, hinalikan nya akong muli sa noo. Parang panaginip lang di ba?

“Ma? Pa? Aalis kayo?” Tanong ko kina Mama at Papa dahil may mga nakahandang maleta sa may sala namin.

Lumapit si Mama sa akin at niyakap ako, “Baby, ilang months kaming mawawala. We’ll be leaving right now.” Halos manlumo naman ako sa narinig ko. Ngayon ang alis nila? At wait -- Ilang months?!

Napahiwalay ako sa pagkakayakap sa akin ni Mama, “Pero b-bakit po? Saan po kayo pupunta?”

“New York baby. Ako at ang Papa mo. Kailangan kami ng Lolo mo. He’s ill. Walang mag-aalaga sa kanya don at walang magpapatakbo ng kumpanya natin dun. Ang Kuya Lucas mo uuwi dito. Sya muna ang makakasama mo habang wala kami dito. Is that okay baby?” Sabi nito. Tila nawala ako sa sarili ko. Si Kuya Lucas? Are they kidding me?! Si Kuya Lucas lang naman ang mortal kong kaaway na pinsan! Since birth!

“But baby, itatry naming maka-uwi ng maaga. Your Kuya Lucas will be take care of you okay?” Hindi ko talaga maintindihan kung bakit napakalaki ng tiwala nila kay Kuya Lucas. Maybe dahil ilang beses na nitong naliligtas buhay ko. Pero, ni-minsan hindi ako nagkaroon ng utang na loob sa kanya. Duh! Gusto nya kaya may kapalit! At anong kapalit -- ‘Kiss’ daw! Oh di ba? Ang sarap ikiskis ng pagmumukha sa pader?!

“Ma! Kuya Lucas?! Ma! Hindi! No way! Hindi po ako papayag! Kaya ko na po ang sarili ko!” Sabi ko naman dito. Kung kailangan ko sila, mas kailangan sila ni Lolo. Buhay ng pamilya ang nakasalalay dito. Pati na din ang future ko. Pero please! Wag si Kuya Lucas!

“Baby, pano yan? He’s now on his way.”

Oh sh*t!

//

“C-Calvix? Kanina ka pa d-dyan?” Nagulat kasi ako dahil naka-akbang sya sa may gate ng bahay namin.

Tumingin sya sa orasan nya, “You made me wait for 30 minutes.”

Mas nagulat naman ako sa sinabi nya. He don’t like waiting! Mamaya magalit ko pa sya, “You should’ve texted me. Or, called me. Para hindi ka nag-antay ng matagal. Bakit ka nga pala andito?” Tanong ko sa kanya. Umagang-umaga nakikidayo sya dito sa amin.

“Picking you up. We’ll be now always going to school together.” Sabi nya ng pagbuksan nya ako ng pintuan.

Lord, nananaginip ba na naman ba ako?

**

Pagdating sa University, usap-usapan kung bakit kami magkasabay ni Calvix. Trending na naman ako nito. Hanggang pagdating sa classroom, pati ang mga ka-classmate namin grabe kung makatitig sa aming dalawa na sabay pumasok ng pintuan ng room. Ang mga kaibigan ko at kaibigan ni Calvix ay napakalawak ng mga ngiti.

“Hindi mo sinabi sa akin na nanliligaw na pala sayo si Calvix.” Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit ko ng mag-salita si Andrei sa tabi ko. Iba ang tono ng boses nya. Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot ko.

“A-Andrei… A-Ano k-kasi… Mabilis y-yung mga ----“

“Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit kailangan sa iba ko pa malaman? Bakit kailangang sa kanila ko pa malaman? Kailan mo balak sabihin sa akin? Pag kayo na?” Ngayon lang ako nakaramdam ng gantong kaba. Ibang iba ang tono ng boses ni Andrei. Pati na rin ang itsura nya. Lalo na ang aura nya. Hindi yata ang Andrei na palabiro ang katabi ko ngayon. May parang kung anong bumabalot na kakaiba sa kanya ngayon.

I was about to say sorry again pero biglang dumating ang Prof. namin. Habang naglelesson, hindi ko maisip kung bakit kailangan nyang magalit slash magtampo. Mabalis ang mga pangyayari. Pagkadating na pagkadating ko sa bahay, bagsak na ang katawan ko. Wala na akong lakas para tumawag o mag-text man lang para sabihin kay Andrei ang lahat ng nangyari. Bagsak ang katawan ko pero ang utak ko hindi. Dahil hanggang ngayon, binubulabog pa din ng utak ko ang mga salitang binitawan ni Calvix.

“I want to -- Court you Janelle.”

“I just fell in love with you.  I don’t know how. I don’t know why. I don’t know when. I just did.”

 

“I like you Janelle.”

 

 

“Are you shocked about my feelings? Actually, me too. One day, I just woke up realizing I can’t see you being with Andrei. I can’t go on a day without seeing or being with you. I just realized, I’m already falling.”

 

 

At mas lalo akong nahulog dahil sa sinabi nyang --

“I’ll wait Janelle. I’ll wait.”

 

 

Sa buong buhay ko, may isang tao na iintayin ako. Hindi ko alam pero ang sarap ulit-ulitin sa utak ang mga sinabi nya.

Palihim akong nasilip sa direksyon kung saan naka-upo si Calvix. Katabi pa din nya hanggang ngayon si Lyka. Medyo lumayo na ang upuan nila sa isa’t isa. Hindi na tulad ng dati na sobrang dikit. Kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Aba! Nanliligaw sya sa akin tas nakikipaglandian pa din sya sa iba?! Wala namang ganyanan… Mabilis akong masaktan. At mabilis rin akong magselos -- Kahit hindi pa kami. Kilala ko ang sarili ko. Mabilis akong masaktan at magselos pagdating sa ganyan.

 

“Sorry na. Kagabi lang kasi nangyari. Balak ko namang sabihin sayo. Sorry na Andrei. Treat kita ng Fried Chicken later. =)”

 

Inabot ko sa kanya yung papel. Akala ko magsusulat din sya bilang reply sa akin pero kaagad nya itong ginusot at shinoot sa may basurahan.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. Samantalang sya sa may board pa din nakatingin. Si Andrei ba talaga ang katabi ko ngayon?

Dalawang subject kami hindi nagpansinan ni Andrei. Sa break time naman, napansin rin ng mga kabigan ko ang nangyayari sa amin ni Andrei. Andito kami sa may cafeteria ngayon, kompleto kaming magbabarkada pati na rin ang barkada ni Calvix, pwera nalang kay Andrei.

“Asan si Andrei?” Tanong ni Seth sa barkada. Lahat naman sila tumingin sa akin. Ilang sandali lang din naman ay iniwas na nila ang tingin nila sa akin.

“Baka nasa practice room. Alam mo naman yun.” Sabi naman ni Gio.

Practice room? Saan nga ba ang practice room? Ah! Dun sa may kabilang building!

Habang nakain, medyo iwas kami ni Calvix sa isa’t isa. Lalo na’t lahat ng mata ng mga estudyante ay nasa aming dalawa. Ni-hindi nga nila inaalis ang tingin nila sa amin. Yung tipo bang parang nakapatay kami. Kaya imbis na magkatabi kami ay naghiwalay nalang kami ng upuan.

Pagkatapos kumain ng barkada ay dumaretso na din sila sa classroom namin. Ang barkada ni Calvix hindi ko alam kung saan ang punta. Hindi kasi dadating ang isa Prof namin sa next class. Kaya may vacant pa kami ng ilang hours. Kaya imbis na bumalik ng room ay naisipan kung pumunta sa building kung nasan ang practice room.

 

Kakatok pa lang sana ako sa may practice room ng may narinig akong tugtog (Growl).

I’m stunned with my mouth opened. Is this really Andrei?! Ang galing nyang sumayaw!

Ilang minuto akong nakatayo at gulat pa din. Bawat kilos nya ang sexy tignan. Kitang-kita ko din ang pagtulo ng pawis nya dahil naka-sando lang syang puting ngayon.

O_______O

“J-Janelle?” Bumalik ako sa ulirat ko ng tawagin ni Andrei ang pangngalan ko.

“Why are you here?” Nabigla naman ako sa sunod nyang tanong. Unti-unti na rin kasi syang nahakbang papalapit sa akin. Mas binuksan na nya ng mas maigi ang pintuan. Paano nya ako nakita?! Sa right ko naman ang mirror ah!

“P-Paano mo --“

“I smell your cologne.”

My cologne? Sasagot pa lang sana nya ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko papasok ng practice room. Inupo nya rin ako.

“Andrei… Yung sa p-panliligaw ni Calvix… K-Kagabi lang kasi nangyari.” Pagsisimula ko ng usapan. Gusto ko kasing mag-sorry. Kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ang dahilan ng pagtatampo nya.

“Are you thinking to say yes on him?”

Napa-isip ako sa tanong ni Andrei. Gusto ko si Calvix. I like him. Bakit ko sya hindi sasagutin? Ngayon ko lang naramdaman ang ganto. Bakit ko pa papalampasin ang pagkakataon? Ngayong nararanasan ko na ang magustuhan ng taong gusto ko.

“Yes.” Nagulat din ang sarili ko sa salitang lumabas sa bibig ko.

I saw him smiled. I know -- It’s a fake one. Hindi ba sya masaya para sa akin?

This time humarap na sya sa akin at sinabing, “You don’t know the consequences Janelle.” Then he left me unspoken.

 

 

//

“You made me wait again. And this time, it’s 1 hour and 30 minutes.” Nagulat ako kay Calvix na basta basta nalang sumulpot sa harapan ko. Tumingin ulit sya sa orasan nya, “No. You made me wait for 1 hour and 32 minutes.” Dagdag pa nito.

Napa-kunot noo nalang ako. Hindi na naman nya ako tinext, “Sana tinext mo ako.” Medyo walang-gana kong sagot sa kanya. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa din ang sinabi sa akin ni Andrei. Kani-kanilang. Halos isang oras kung pinagiisipan yun. At iisa lang ang pumasok sa isip ko. Calvix is a player.

Nagulat ako ng biglang yakapin ako ni Calvix, “Can I sleep in your house?”

Ano raw? Sleep in my --

O______O

Agad akong napakalas sa yakap nya, “A-Ano ulit?” Pagtatanong kong uli.

“I want to sleep in your house.” Tama ang narinig ko. Hindi ako nagkakamali.

**

“Where’s Tita and Tito?” Tanong ni Calvix ng makapasok kami sa bahay.

Lord, tama po ba tong gagawin ko? Na patulugin si Calvix dito sa bahay? No choice naman ako. Hindi ako maka-hindi sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Weekends naman daw bukas. Bukas nalang daw sya uuwi. Naiirita daw kasi sya sa kapatid nyang si Nathalie. Binubulabog daw nito ang pagtulog nya sa gabi. Kahit isang gabi lang daw na makatulog sya ng diretsong tulog. Yung wala daw Nathalie na sisigaw mula sa pintuan nya at gigisingin sya ng maaga para mag-jogging.

“Business trip.” Sagot ko dito. Hinahanap ko kasi Manang. Ipapaayos ko yung Guest room. Hindi naman kasi pwedeng sa kwarto ko matulog si Calvix. Kilala ko ang lalaking to! Baka bukas wala na ang pinagkaka-ingatan ko!

“Mam! Andito na pala ka -- Sir good evening po.” Binati nito si Calvix. Nginitian lang ni Calvix ito.

“Dito po matutulog si Calvix. Pwede pong paki-ayos ng Guest room?”

“Mam, dun po matut--“

“TABA!!!” Nagulat ako sa narinig ko. Kinabahan na ako. Para bang gusto kong tumakbo papalabas ng bahay at wag ng bumalik dito. Iisang tao lang ang natawag sa akin ng ganun.

Nakapikit akong humarap dito. Ayoko syang makita. Ayoko syang makasama!

“Taba, sino tong kasama mo?!” Turo nito kay Calvix, “Ayos ah! Ang pogi! Friend mo?!”

“No. I’m her boyfriend.”

- - - - - - - - - - - - - -

[A/N: Taemin (Shinee) as Lucas Fortalejo. Ilang chapters nalang po at -----. SECRET! HAHAHAHA! Basta basahin nyo nalang po! xoxo Next update? Maybe sa Wednesday! Wala kaming pasok nun ee. XDD <33

Dedicated to you. Sobra kasi akong natutuwa sayo. :) ❤ Thank you for believing me. And, ang saya mong kausap! XDDD Sana pagpatuloy mo ang pagbabasa ng 'His Game'. xoxo]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro