Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2: The bad boy

Chapter 2: The Bad Boy


Janelle's POV

"AYAN NA SILA!!!!"

"OH MY!!! Ayan na si Calvix!!"

"Waaa!! Talaga?!! TABI!!!"

"Sh*t! Ang pogi nya talaga!^o^"

"Mukhang ang lungkot nya yata ngayon?"

"Oo nga! Kuwaiii! Pero, okay lang. Mas lalo syang pomogi!"

"Mas pogi si Andrei noh!"

"Oo nga! Si Andrei ang mas pogi!"

Kahit naka-earphone ako ay rinig na rinig ko pa rin ang mga usapan nila. Halos araw araw ko naman 'yang naririnig kaya wala ng bago. Lagi nalang trending ang barkada nila Calvix. Tss. Puro nalang Calvix! Puro nalang Andrei! Eh kung mag-aral na lang kaya sila? Pfft! Malalandi.

Lalo na ng mag-iba ng hair color si Calvix. He even changed his hair color from black to blonde. Kaya mas lalong kinikilig ang mga malalandi kong ka-classmate. Kulang nalang ay sambahin na nila si Calvix.

12 silang magbabarkada. At hindi mo talagang maitatanggi sa sarili mo na LAHAT sila ay talagang pogi. Walang pangit. Lahat ay rich kid, handsome, athlete, yung iba may girlfriend, yung iba naman ay talagang malanding nilalang na matatawag. Pero ang talagang pinakakikiligan ng lahat ay sina Calvix at Andrei, ang mag-pinsan. Ewan ko ba. Pero talagang napakalakas nila pagdating sa mga babae. Pabango palang nila, ay alam na ng mga babae na sila 'yon.

Ewan ko ba pero wala sa itsura ni Calvix ang pagiging playboy. Hindi naman kasi siya mukhang bad boy o ano. Honestly, he looks like an angel. He looks so innocent and harmless. Yung tipong sobrang cute talaga niya. Yung iisipin mo rin na no girlfriend since birth siya. Pero, kabaligtaran siya ng lahat. Lahat na yata ng babae dito sa campus ay naging girlfriend niya. Hindi naman siya ganito dati. Bigla nalang siyang nagbago. Kung dati ay kaya ko siyang abutin, ngayon ay mas lumayo na siya.

Umupo na sya sa tabi ko. Oo, magkatabi kami. Kung pwede nga lang na magpalipat nagawa ko na. Tutal naman, madaming gustong pumalit sa pwesto ko. And as usual, hindi na naman nya ako kinikibo. Kahit naman nung high school kami, hindi nya din ako kinakausap. Oo, we're high school classmates. Hanggang ngayon din naman eh. Kung kakausapin nya ako, isang beses sa isang taon. At ngayon namang 1st college, ka-classmate ko ulit siya.

Ni-hindi naman kami nagkokopyahan dahil pareho naman kaming matalino. Ewan ko ba pero lagi kaming nagiging magka-classmate or else same school! Destiny ba kamo? Sapak you want?

Sikat talaga si Calvix dahil President siya ng Student Council. Vice-President naman si Andrei. Kaya sikat na sikat ang mag-pinsan na yan. Sus! Dahil lang naman kasi pogi sila kaya sila ang naboboto eh. Kailan ba naging basehan ang popularity? Tss. Dapat yung responsable ang napili na amging President e! Hindi yung tamad, malandi at puro utos lang ang alam sa buhay.

Noong first year to third year high school kami, wala rin naman ibang inatupag yang si Calvix kundi ang mag-aral, mag-basketball, mag-soccer, at makipag-gimikan sa barkada nya. Madalas kaming parehas ng average kaya naman nagkakasabay kaming umakyat sa stage.

Nagbago lang sya ng magka-girlfriend siya noong 4th year high school naman kami. Lagi na syang naka-ngiti. Lagi siyang masaya. Pero, hindi pa din nya ako kinakausap. Siguro hindi niya tipo ang makipag-usap sa babaeng tulad ko. Itsura ko palang ay bagsak na. Hindi ako ganun kagandahan kung ikukumpara sa mga babae dito sa Howard U. Wala akong katawan na kung ikukumpara sa katawan nila ay parang katawan ng coke. Medyo chubby kasi ako. Ang balat ko naman ay hindi ganoon kakinis na ikukumpara mo sa kanila na talagang alagang alaga. Ang buhok ko naman ay hindi ganoon kaganda at kahabaan na ikukumpara mo sa long hair nilang may pagka-brownish at may pagka-curl sa dulo. Ang height ko naman ay hindi ganoon katangkaran. Samantalang sila ay halos nasa 5'7 pataas ang mga height. Minsan nga naiisip ko kung sponsor ba sila ng cherifer, gloxi or ng growth factor plus.

"Janelle." Parang may narinig akong tumawag ng pangalan ko. Hindi ko nalang pinansin dahil kabigla-bigla naman pag may tumawag sa akin. Wala naman kasing napansin sa akin dito. Kahit nga mismo katabi ko, hindi feel ang presence ko.

"HOY JANELLE!" Nagulat ako ng biglang may nagtanggal ng earphone ko sa taenga ko. S-Si C-Calvix? T-tawag ako? Napatingin ako sa paligid, lahat ay nakatingin sa aming dalawa.

"A-Ako? T-Tawag m-mo?" Medyo utal utal kong tanong sa kanya. Tawag talaga ako ni Calvix? Teka... Totoo ba ito?

"Tss. Pahiram nga ng notes. Ikaw lang naman ang mahilig mag-take down notes dito di ba?" Medyo mapang-asar nyang sabi sa akin.

"A-Ah. O-Oo." Dali dali kong binuksan ang bag ko at... Ay. Ano bang hihiramin nyang notes?

"A-Ano bang hihiramin m-mong notes?" Bakit ako nauutal? Umayos ka, Janelle! Wag mong galitin 'yang si Calvix kung ayaw mong makalbo ng fan girls niya!

"Lahat." Sabi naman nya ng hindi ako nililingon. May ginagawa kasi siya na kung ano sa phone niya. Baka may katext.

Halos mawalan na ng laman ang bag ko dahil halos lahat naman ng notebook ko sa subject ay pinahiram ko sa kanya.

"E-Eto." Medyo naiilang ko pang abot sa kanya.

And as usual, wala na naman syang imik at basta basta nalang kinuha ang mga notes ko at inilagay sa bag nya. Hindi man lang nag-thank you.

"Good morning class!" Ayan na pala ang Prof. namin.

Habang nagdidiscussed, hindi ko maiwasan ang hindi tumingin sa kanya. Ewan ko ba. Pero parang may kakaiba yata sa kanya ngayon. Na-ngiti nalang sya ng basta basta. Ang maliit at pula nyang labi ay talagang maaakit ka at parang anytime mahahalikan mo sya ng di-oras. Wait, what's wrong with me?!

I just shrugged my shoulders. Nakinig nalang ako sa professor namin and take down my notes in my yellow paper. Dapat kasi after class nalang hiniram ni Calvix ang notes ko. Paano ako makakapag-take down notes nito? Ugh! Teka... Baka sinasadya niyang hiramin yung notes ko para hindi ako makapagnotes ngayon? Aysh! Sinasabotahe yata ako nito e! Grade conscious talaga.

Pag talaga bumaba ang grades ko ngayong prelim e. Napalihis ako ng tingin. Baka mapansin pa ni Calvix na na simple ako ng tingin sa kanya. Akalain niya pa na type ko siya. Mas type ko pa si Andrei. Yuck! Ano ba naman 'tong sinasabi ko?!

//

Naglalakad ako ngayon kung saan sa wala mataong kanto. Ang sarap kasing dumaan dito. Sobrang mahangin at tahimik. Walang ingay, walang gulo.

"Pst!"

"PST! MISS!"

Huh? May natawag sa akin?

"MISS!!!"

Lumingon ako sa kanila, "Ako p-po?" Ang barkada pala nila Calvix.

Pero... Nagtawanan lang sila lahat at dinaanan lang ako. Napahiya ako don ah! Ngayon ko lang napagtanto na may dalawang babae pala na nakatambay doon sa may bench. Dalawang babae na nahiya pang mag-panty nalang dahil sa sobrang ikli ng mga suot nilang skirt.

"Hi girls!" Bati sa kanila ng barkada ni Calvix. Yumakap ang isang babae kay Calvix at hinalikan ito sa labi.

"Bro, wag dito! Makakapanood ng live porn si Janelle! Inosente pa 'yan!" Muli silang napatingin sa 'kin ng sabihin 'yon ni Bryan.

"Classmate niyo?" The girl asked, with her hands all over Calvix's neck.

Tumango lang silang lahat. Nabaling naman ang ulo ko kay Andrei. He's just staring at me. Para bang may sinasabi siya sa 'kin. Like, umalis na ko? Napakunot ang noo ko. He should just say it! Wag niya lang akong titigan! Hindi ako mind reader!

"May gagawin ka ba tonight?" Tanong ni Calvix don sa babaeng kalaplapan niya kanina. Oh god! That's so gross!

"Oo eh." Sagot naman nito. Buti sa kanya. Palihim akong tumawa at muling tiningnan ang reaksyon ni Calvix. He looks so disappointed.

"Ay. Sayang naman."

"Bukas nalang. Promise." Sabi nito at lumapit sa taenga ni Calvix at bumulong, "I'll pleasure you." Sabay kindat naman nito.

"AYUN OH!!! Hahahahahaha!" Sigawan naman ng barkada nito.

"Sabi mo yan ha." Calvix even played with her hair.

"Oo. Sige ha, mauuna na kami." The girl pulled Calvix closer to her and they kissed. But that kissed lasted for almost couple of minutes. And yeah, tama nga si Bryan. Nakapanood nga ako ng live porn.

"Awuooooooooooo!!!" Sigaw naman ng barkada nya.

"Binitin mo ko ha." Sabi naman ni Calvix ng nagkahiwalay na ang labi nilang dalawa.

"Bukas talaga. I'll wait for you." Sabi nito at naglakad ng palayo.

"AJ!! AKIN KA BUKAS HA?!!" Sigaw naman ni Andrei dun sa kasama nung babae ni Calvix. Nginitian lang sila ng mga ito. YUCK!!! KADIRI!!! UGH!

Ako naman ay nakatayo pa din sa kinatatayuan ko. Napatingin naman ako sa orasan ko, oh noes. Gabi na pala. Isang hakbang pa lang ng mapatigil kaagad ako.

May ilang lalaki na may takip na kulay itim ang bibig nila na lumabas sa isang van. Mga kasing dami rin ng barkada ni Calvix. Pero, sobrang tangkad at napakalaki ng katawan ng mga ito at may mga dala silang mga kahoy. Anong gagawin nila sa kahoy? Magcacampfire sila? Tingin ko, hanggang dibdib lang ako ng mga ito. Ang tatangkad!

Lumapit ang isang lalaki kay Calvix. Mas mataas siya kay Calvix. The guy with a black mask grabbed Calvix's collar. Oh god. Those eyes. They're burning!

"Oh, it's you again, Owen..." Nakakalokong ngiti ang binigay sa kanila ni Calvix. How can he smile like that?! Naghahanap ba talaga siya ng gulo?

Gusto ko ng humakbang palayo pero tila na-glue gun yata ang mga paa ko sa sementong kinatatayuan ko. Mukhang may mangyayari. Ayoko naman silang iwan dahil kahit papaano ay ka-classmate ko naman sila.

"Didn't I tell you how loud your girlfriend is? Damn that girl! She leaves sex scratches on my back!"

Napatakip ang dalawang kamay ko sa bibig ko ng bigla nitong suntukin si Calvix dahilanan para matumba ito. Nakita ko ang galit sa mata ni Calvix. Agad rin siyang tumayo at gumanti ng suntok. Hindi ako makapaniwala sa nasasaksihan ko. Kanina, live porn ang nakita ko. Ngayon naman ay live action. Sumugod na rin ang mga kaibigan ni Calvix sa kalaban.

Malakas akong napahiyaw ng mahampas si Clarence ng kahoy sa likod. Gusto kong lumapit pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. "Clarence!" Napahinto sa paghampas ang kalaban. This time, tumakbo ako papalapit sa kanila at malakas na tinulak ang lalaking 'yon.

"JANELLE! BA'T ANDITO KA PA?!"

Iritadong sabi sa 'kin ni Clarence ng pilit ko siyang tinutulungan na tumayo. Mahilig makipag-away pero mabilis din naman palang matumba. Ngunit parehas kaming napahiga ni Clarence ng may manghigit ng buhok ko at napahiyaw ako sa sakit. "A-Aray!"

"JANELLE RUN!!!"

Nasipa ni Calvix ang lalaking nanabunot sa 'kin kaya naman napahiga ito. Hindi na ako nagsayang ng oras at agad na tumayo. Mabilis akong tumakbo papalayo pero biglang may dalawang lalaki na hinawakan ang kamay at balikat ko.

"YOU JERKS!!! BITIWAN NYO KO!! IPAPAKULONG KO KAYO!!!"

Bago pa man ako makapalag ay naramdaman ko nalang ang isang matigas na bagay na tumama sa ulo ko. Napahiga ako at hindi ko makilos ang buo kong katawan. Tila ba namanhid ito.

"JANELLE!!"

Everything is starting to blur. All I can hear is voice of them groaning in pain. Kita ko ang ginawang malakas na pagtadyak sa sikmura ni Andrei sa kalaban. I want to shout for help but no words came from my mouth.

"STOP!!" Napatigil ang lahat, "HE'S MINE." And before I knew it... The guy who hurt me is now lying on the cement and I can see some blood. What the hell, Calvix? Are you even a human? Why do you need to beat him to death?

"C-Calvix..."

"Don't worry... You're now okay."

- - - - - - - - - - - - -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro