Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19: The date

Chapter 19: The Date

 

 

Janelle’s POV

 

“Aysh! Alin ba ang isusuot ko?!” Kanina pa ko naghahalukay sa mga damit ko. Hindi ko kasi alam kung anong isusuot ko. Hindi naman ako nakaalis kanina para makabili ng dress.

*TOKTOK*

“Anak, andyan na si Calvix sa baba.” Sabi ni Mama. Oo, kilala na nila si Calvix.

OMG! Andyan na sya! Hindi pa ako nakakapamili ng isusuot ko!

*KRING*

“Hello?”

(“Any dress you wear -- you are still pretty. Come out now. You know I don’t like waiting.”)

Pagkatapos ay binabaan na nya ako. Naka-ngiti akong nakatitig sa screen ko.

‘You are still pretty.’

 

 

Kahit medyo suplado ang dating ng boses nya, parang ang pogi pa din pakinggan. Sana pala nai-record ko. Para mapakinggan ko tuwing gabi bago ako matulog. This is the first time na may magsabi sa akin na maganda ako. Ilang beses ko yung naririnig kay Andrei, tapos may susunod na -- JOKE! =_=

Light make-up lang ang ginawa ko. Ang suot ko namang dress ay above the knee ng kaunti. Plain white lang ito. Nag-suot din ako ng 5 inches na heels. Para naman tumangkad-tangkad ako.

Kinurl ko din ng kaunti ang dulo ng buhok ko. Para naman maiba-iba ang itsura ko sa harap ni Calvix. First time ko din ang mag-pabango. Pati na din ang mag-suot ng hikaw. Sa totoo lang, hindi ako komportable. Pero, kailangan kong maging maganda sa harapan nya.

*TOKTOK*

“Janelle?”

Napalingon ako sa pintuan. Boses yun ni Calvix, “Can I come in?” Bago pa lang ako sasagot ay kaagad na nyang binuksan ang pintuan na kaagad na dahilan ng agadan na pagtayo ko sa kinauupuan ko.

“You made me wait for 5 minu --“ He looked at me from head to toe, “Pretty.” He said while smiling.

Palihim akong ngumiti. Pakiramdam ko, eto na yung sinasabi nilang kinikilig! :’3God! Ngayon ko lang naramdaman ang gantong feeling!

“Let’s go.” Naka-ngiti nyang sabi sa akin. He even offered his hand. OMG! I can’t breathe!

/

“10 pm?”

“Daddy.”

“Dad! How about 1pm?” 

“No. 10:30pm.”

“Daddy naman eh.”

“Dad! It’s your daughter’s first date! How about making it 12pm?”

“Okay! 11 pm, sharp. I’m warning you Mr -- What is it, again? Your name?”

“Calvix. Patrick Calvix Aranillo po.”

“11pm sharp okay?”

“Yes Sir. 11pm sharp.”

Mas masaya pa ang mukha ni Mama sa akin ng lumabas kami ng bahay. Ganun din ang itsura ni Manang Faye at Yellie. Grabe!

“Sorry sa inasal ni Daddy ha.” Sabi ko kay Calvix ng makasakay kami ng sasakyan.

“It’s okay. Normal lang sa mga tatay ang ganung bagay.” Then, he started the engine.

Hindi ako mapakali sa loob ng sasakyan. Nanginginig ang mga hita at kamay ko. First date! First date ko to! Ano ang gagawin ko? Paano kung --

“Don’t be nervous.” Hinawakan nya ang kamay ko.

Nilingon ko sya habang patuloy pa din sya pagdadrive. He’s smiling. Tiningnan ko ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko.

Dug dug.

 

I can feel my heartbeat getting fast. Ngayon ko lang naramdaman to. Kahit noon, hindi ko naramdaman ang gantong feeling. Kahit noon na nagkakatabi kami. Walang weird na pakiramdam.

Pero ng unti-unti na akong napapalapit sa kanya -- Nararamdaman ko ang isang bagay na hindi ko dapat maramdaman para sa kanya.

“We’re here.” Sabi nya ng ihinto ang sasakyan. Tumingin ako sa may labas ng bintana. Hindi ko alam kung saan lugar to.

“It’s my family beach resort.” Napatingin ako kay Calvix. Mukhang alam nya ang iniisip ko.

Nauna syang bumaba ng sasakyan at pinagbuksan nya ako. Malamig na hangin ang humampas sa buong katawan ko kaya nanlamig ako, “You should’ve bring jacket.” Nagulat ako ng hubadin ni Calvix ang suot nyang jacket at ipinatong ito sa akin. Mas lalo na naman syang pumogi sa paningin ko dahil sa simpleng suot nya na jeans at long polo shirt na checkered na kulay red and black.

Inalalayan nya din ako maglakad. Hirap hirap kasi akong humakbang. Hindi ako sanay mag-heels.

Play the song on the right side -- I’m Going To Meet You Now (Kim Bum)

Namangha ako sa nakita ko. Panaginip lang ba ang lahat ng to? Kung oo, ayaw ko ng magising.

“Is it okay? I was in rush when I prepared all of thi --“ Kaagad ko syang nayakap. I wasn’t expecting like this romantic date. Sa movies lang ako nakakakita ng ganto. Sa panonood lang ako kinilig at naiyak ng ganto.

“Are you crying?”Humiwalay sya ng kaunti sa pagkakayakap sa akin at sinilip ang mukha ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa nya, “Shhh.” Sabay himas nya sa likod ko.

“It’s tears of joy.” Sabi ko sa kanya ng humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang luha ko.

Naka-ngiti kong pinagmasdan ang kapaligiran. Agos ng tubig at malamig lang na hangin ang maririnig mo dito. Sobrang tahimik ng lugar. At tanging kami lang dalawa ni Calvix ang nandito.

Pagkatapos naming kumain. Nagulat ako ng bigla syang tumayo. He offered his hand to me and said, “Dance with me.” Naka-ngiti nyang sabi sa akin.

Ngumiti ako bilang sagot. He circled his arms on my waist. I circled my arms on his neck.

“Walang music.” Sabi ko sa kanya.

“I prefer it more like this. It’s more romantic.” After saying those words, dahan-dahan nya akong niyakap.

“I’m happy right now. This is the feeling I felt 1 year ago.”

Niyakap ko rin sya pabalik, “It feels good hugging with you.” Mas lalong humigpit ang yakap nya sa akin, “It seems like I have nothing to worry about.” He rested his head on my shoulders, “I want to --“

“I want to -- Court you Janelle.” Napatigil ako sa narinig ko.

Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkadalawang pisngi ko, “I just fell in love with you.  I don’t know how. I don’t know why. I don’t know when. I just did.”

 

I like you Janelle.” Hindi ako makapagsalita o makakakilos man lang. Totoo ba ang lahat ng naririnig ko? Napatungo ako. Am I going to believe him? I know it’s still Aubrey.

“If you’re thinking I’m still in love with Aubrey. I guess, you’re thinking wrong.” Napa-angat ang ulo ko sa narinig ko. I can see through his eyes that he’s really saying the truth.

Muli nya akong niyakap, “Are you shocked about my feelings?” Tanong nya sa akin habang nakayakap pa din, “Actually, me too. One day, I just woke up realizing I can’t see you being with Andrei. I can’t go on a day without seeing or being with you. I just realized, I’m already falling.”

Hindi ko alam pero ramdam ko may mali. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at sinabing, “I like you too Calvix.”

Huminga ako ng malalim, “B-But -- I’m not yet ready for getting in on a relationship.”

At sa muli, muli na naman nya akong niyakap, “I’ll wait Janelle. I’ll wait.”

- - - - - - - - - - - - - -

[A/N: Hanggang chorus lang yung music. Wala akong maisip na background music eh! Naalala ko bigla si Kim Bum. Bumagay naman yung kanta nya kaya ayun nalang ang nilagay ko.]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro