Chapter 18: Locked up & the real one
Chapter 18: Locked up & The real one
Janelle’s POV
“Anong tinitingin-tingin mo?!” Mataray kong tanong kay Andrei. Paano ba naman nakatitig sya sa akin.
“Ang ganda mo talaga.” Magtethank you na sana ako pero sinabi nya na, “JOKE! Bwahahaha!” =___=
Nitong mga nakaraang araw, lahat nalang ng sinasabi nya ay dinadaan nya sa jokes! Sasabihan nya ako ng, Ang sexy mo. Napakaganda mo ngayong araw. Crush na kita. Mahal na yata kita. At ang lahat ng iyon, JOKES! Oh di ba? Nakakainis! -_-
“Uy! Sorry na! Promise! Hindi na ako magjojoke!” Pauwi na kasi ako ngayon. At hanggang ngayon, kinukulit pa din ako nitong si Andrei! Hindi ko kasi sya pinansin ng buong klase. Ang last joke nya kasi, Akin ka na lang. Hindi kita sasaktan. Yung mga mata nya parang nagsasabing totoo ang sinabi nya. Kikiligin na sana ako pero sinabi nyang -- Biro lang! Hahaha! Nakakainis! Nakakairita! Nakakapanira ng araw, linggo, buwan at taon!
Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy na lang ang paglalakad. Nagtatampo ako ngayon! Nagtatampo!
Pumunta muna ako sa may Cafeteria. Kahit naman uwian na ay madami pa ding pagkain dito. Saka, medyo maaga pa. Hindi kasi ako nakapag-lunch kanina. Busy ako sa kaka-review. Nung matapos naman ako mag-review, hindi naman ako makagawang makaalis dahil nag-girls talk kaming magbabarkada.
Si Fatima, may crush kay Jared. Ang cute daw kasi at sobrang bait. Si Jamiatra naman, nachachallenge kay Brandon. Si Stephanie naman, inis na inis kay Juztine. Si Arianne naman malungkot dahil parang hindi na sila mag-bestfriend ni Andrei. Kung tutuusin daw, mas close na nga daw kami ni Andrei kesa sa kanya. At si Daniele naman, nababaliw sa kapogian ni Calvix.
At sa ngayon, nagshoshopping silang lima. Hindi naman ako makasama dahil wala akong sa hilig ganun. Halos ilang beses lang akong nakakapuntang mall sa isang taon. I prefer staying at home kasi. Mas gusto kong kaharap ang laptop at books ko.
Pagkatapos kong kumain ng lunch ko ay dumaretso muna akong computer laboratory para kunin yung file na hindi ko natapos. Actually, balak ko nga ay tapusin na ngayon. Pero ang sabi ni Sir pwedeng gawin sa bahay. Next week pa naman kasi ang pasahan. Eh kilala nyo naman ako, isang masipag na estudyante. Tinatapos ko na kaagad para wala na kong poproblemahin pa next week.
~I said, "Oh my, what a marvelous tune
It was the best night, never would forget how we moved
The whole place was dressed to the nines, and we were dancing, dancing
Like we're made of starlight
Like we're made of starlight…
Napatigil ako sa pagkanta dahil may ingay akong narinig mula sa labas ng Computer Laboratory. Pinakinggan ko ito pero ilang sandali lang ay nanahimik ng muli ang buong paligid.
~ I met Bobby on the boardwalk, summer of '45
Picked me up, late one night out the window
We were seventeen and crazy, running wild, wild
Can't remember what song it was playing when we walked in
The night we snuck into a yacht club party
Pretending to be a duchess and a princ --
Play the song on the right side -- My love is hurt by Lee Sang Gon
Napatayo ako sa kinauupuan ko. Gustong-gusto ng umalis ng buong katawan ko. Pero tila ang mga paa ko naistatwa at ayaw gumalaw.
“C-Calvix…” Mahina kong sambit ng pangngalan nya.
Hindi sya sa akin makatingin ng diretso, “Kukunin ko lang yung file ko.” At nagdiretso sya sa computer na kung saan sya assigned.
Napa-upo nalang akong muli sa kinauupuan ko. Madiin kong pinindot yung mouse. Wag nyang sabihin na sya pa tong may ganang magalit? Nahiya naman ako! Sya tong may kasalanan sa akin! Gamitin ba naman ako para lang iistalk ang ex-girlfriend nya at pagselosin ito? Dapat sinabi na lang nya! Para hindi na ko nagtaka kung bakit naging sweet at may pa-akbay akbay pa syang nalalaman! Tss.
“Kainis ka.” Ayun nalang ang nasambit ko sa sarili ko. Alam kong hindi naman nya ako rinig dahil medyo malayo naman ang pwesto nya sa pwesto ko.
Pinagpatuloy ko yung ginagawa ko. Tutal naman at maaga pa, dito ko muna gagawin yung iba. Napatingin ako kay Calvix. Mukhang ginagawa rin muna nya yung kanya. At pag napagod na, isesave na at ipagpapatuloy nalang sa bahay.
Ilang beses akong napakamot sa sarili ko. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin. Eto pa ang isang dhailan kung bakit ako natatagalan. Dinodiscover ko pa kasi kung paano.
*KLACK*
[A/N: Sound effect yan ng nag-lock na pinto. Walang kokontra. Haha!]
Napatigil ako sa paggagawa ko. Nanlaki ang dalawa kong mata ng tumingin ako sa orasan ko, 6:00pm na! Napasarap ako sa paggagawa! Napatingin kami ni Calvix sa isa’t isa, “Sh*t! We’re locked!”
Calvix’s POV
“Sh*t! We’re locked!” Agad akong nagtungo sa may pintuan at pilit itong binubuksan.
“May tao pa dito sa loob!!” Pilit ko pa ding binubuksan yung pintuan. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko mabuksan. Ilang beses ko na ding sinipa pero wala pa ding nangyari.
“C-Calvix… A-Asan ka!?”
“J-Janelle?! Asan ka?!!” Nawalan kasi ng ilaw. Pinatay na din siguro ng lintik na janitor na yun! Humanda sa akin yan bukas! Ipapasanti ko yan!
“JANELLE! WHERE ARE YOU!!” Sumigaw ako. Hindi ko makita si Janelle! Wala akong makita!
“C-Calvix… A-Andito a-ako.” Pilit kong sinundan ang boses na yon. At ilang sandali lang ay may natapakan akong -- kamay!
“Aray!!”
“Sorry!” Dahan-dahan akong lumuhod ng kaunti at inapa si Janelle, “Okay ka lang?” Hinawakan ko sya sa balikat. Kinuha ko na din ang cellphone ko para magsilbing ilaw naming dalawa.
Nagulat ako ng kaagad nya akong niyakap, “Janelle…” Pilit kong inaalis ang pagkakayakap nya sa akin.
“Calvix… Natatakot ako!” Mas lalong humigpit ang yakap nya sa akin.
“J-Janelle.” Pilit ko pa ding inaalis ang pagkakayakap nya sa akin. Pero, mas pahigpit ito ng pahigpit. Naiilang ako sa pwesto namin. Nakabukaka kasi ako. At konti nalang na humigpit pa ang yakap nya sa akin, matutumba ako at mapapahiga at mapapapunta sya sa ibabaw ko.
Tinungkod ko ang isa kong kamay bilang suporta. Inilagay ko ang isa kong kamay sa may likod nito. She’s on tears, “Shhh. Don’t cry.” Hinimas-himas ko ang likod nya.
“T-Takot ako sa m-multo.” Ewan ko ba kung matatawa ba ko o hindi. Multo? Hahahaha! Walang multo.
“Walang multo, Janelle.” Pilit kong pinipigilan ang tawa ko. Ghost? Are you fucking kidding me? Sa palabas lang meron nyan!
Medyo lumuwag ng kaunti ang pagkakayakap nya. Pero ilang sandali lang ay napayakap na naman syang muli sa akin, “M-May naungol! H-Hindi mo ba narinig?!!” Mas humigpit ulit ang yakap nya sa akin.
“Naungol? Baka naman ---“ Sinadya ko ng wag ng ituloy ang sasabihin ko. Biro kasi ang sasabihin ko. Eh baka mainis sya sa akin, “Basta walang multo. Maniwala ka sa kin.” Hinaplos-haplos ko ang buhok nya.
Ilang minuto kami sa ganong pwesto. Kahit ngalay na ako hindi ako makaalis dahil alam kong komportable sya. Hindi na sya naiyak tulad ng kanina.
“Janelle.” Tawag ko sa pangngalan nya. Kanina pa kasi sya nakayakap sa akin. Naiilang na talaga ako.
Hindi nya pa din ako sinagot. Ilang minuto ang lumipas bago ko ulit tawagin ang pangngalan nya.
“Janelle. Uy Janelle.” Medyo inalog ko sya ng kaunti. Kinuha ko ang cellphone ko at inilawan sya.
Tulog na pala. Hayyy.
Umusod ako ng kaunti at sumandal sa may dingding dun. Inisod ko na din sa may tabi ko si Janelle. Iniilawan ko ang mukha nya gamit ang cellphone ko. Ang ganda pala nya. Ngayon ko lang kasi sya natitigan.
Napatingin naman ako sa cellphone ko na may signal pala. Nakakailang-texts na sa akin ang magulang ko pati na rin ang mga barkada ko. 11pm na kasi ng gabi. Tss. Kahit kailan talaga si Mama. Ginagawa akong isang High School Student. -_-
Magrereply na sana ako ng biglang sumandal ang ulo ni Janelle sa may balikat ko. Binalik ko ang tingin ko sa screen ng cellphone ko. Magtetext ba ko? Na nakulong kami dito? Tapos anong mangyayari? Pupunta sila dito at pagbubuksan kami?
I found myself turning off my cellphone at muling binalik sa may bulsa ko. Hindi ko alam kung bakit.
I guess, I want to spend this night with her.
Only me and Janelle…
Only us.
//
“Calvix.”
“Hmmm.”
“Calvix…”
“Wag kang magulo…”
“AHHHHHHHH!!!!!!!!”
Agad akong napamulat ng mata sa sigaw na yun kaya kaagad akong napatayo. Nagkatingin kaming dalawa ni Janelle at parehas nanlaki ang mata naming dalawa.
O________________O
“OMG! What happened --“
“C-Calvix and J-Janelle?!”
“WHAT IS THE NOISE ABOUT MS. FLOR?!!”
“SIR… si Calvix at Janelle po…”
“M-Mr. Aranillo and Ms. Fortalejo! Anong ginagawa nyo dito?!”
Bago ako sumagot, itinayo ko muna si Janelle, “Sisihin nyo ang janitor. He closed this at 6pm yesterday. It should be 7pm, right?” Sagot ko dito. Oo, 7pm talaga ang oras na dapat ng sarado nitong Computer Lab. Hindi ko alam kung anong meron kahapon at napaaga.
Kinuha ko ang bag ko pati na din ang bag ni Janelle, “Let’s go.” Then, I held her wrist.
“Bitawan mo nga ako!!” Tas tinabig nya yung kamay ko.
“Ano na naman bang problema?!!” Tanong ko sa kanya. Kagabi lang kung makayakap sya!
Lumihis sya ng tingin, “Sino ka? Hindi kita kilala!” Nag-cross arm pa to.
“Wag ka ngang mag-inarte dyan! Halika na!” Pilit kong hiniwakan ang kamay nya pero tinabig nya itong muli.
“Bakit?! Saan mo ko dadalhin?! Pupunta na naman ba tayo kung nasan si Aubrey?! Titingnan mo kung magseselos sya sa ating dalawa?!” Sigaw nito. Tiningnan ko ang buong paligid,buti nalang at walang estudyante ang nadaan.
Tinitigan ko sya, ”W-Wag mo nga kong titigan ng g-ganyan! Tss! Aalis na ko!” Pagkatapos ay kinuha na nya ang bag nya sa akin at nauna ng maglakad.
Tumakbo ako at hinila sya papaharap sa akin at sinandal sya sa pader --
I locked my arms between her, “We still haven’t our breakfast yet…” Pilit nyang iniiwas ang mukha nya sa akin.
“L-Lumayo ka nga sa a-akin.” Sabi nito ng hindi makatingin sa akin. Pilit na nilalayo ang sarili ko sa kanya.
“Let’s have a date.” Laking gulat nya ng humarap sa kin.
Pero kaagad din nya itong iniwas ng tingin, “May d-date ba na naman ngayong araw si Aubrey?”
Sinuntok ko ng malakas ang pader dahilanan para mas lalo syang magulat , “JANELLE! YOU AND I! I WANT A DATE -- A REAL ONE! THIS IS NOT BECAUSE OF AUBREY!! I SERIOUSLY WANT TO HAVE DATE…WITH YOU!” And I just found myself looking at her lips.
- - - - - - - - - - - - - -
[A/N: Ang layo ko na sa softcopy! Haha! Kaya bibilis-bilisan ko na ang update nito! XD Excited na kung mabasa nyo yung ginagawa ko ngayon eh! Sorry sa mga na-bitin sa last update. *peace* *u*
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro