Chapter 17: The feelings of the pervert guy
Chapter 17: The feelings of the pervert guy
Janelle’s POV
“Andrei, galit ka pa din ba? Waa! Pansinin mo na ko oh!” Pangungulit ko ulit sa kanya. Kanina pa nyaa ko hindi kinakausap. Buti nalang at wala kaming Teacher ngayon.
Nilayo naman nya ng kaunti ang upuan nya sa upuan ko, “Andrei! Sorry na!!” Mas nilakasan ko ang boses ko kesa kanina dahilanan para makuha ang atensyon ng iba naming ka-classmate. Pati na rin si Calvix at ang iba pang barkada nito.
Inusod ko ng kaunti ang upuan ko sa upuan nya, “Ililibre kita maya. Anong gusto mo?” Tanong ko sa kanya. Sumama daw ang loob nya kasi ang sabi nya daw kahapon sabay kami pero iniwan ko daw sya.
Pero hindi nya ako pinansin at sinaksak ang earphone sa taenga nya. Mag-uusap pa lang sana ako pero inunahan nya ako, “I’m not mad Janelle.” Bumuntong-hininga pa ito. Hindi naman pala galit ang mokong na’to! Pinahirapan pa kong suyuin sya! Tss!, “I’m angry.” =_=
“Andrei!! Sorry na kasi! Huhuhu!” Inalog-alog ko sya.
“QUIET!” Nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Calvix. Nanahimik tuloy ako bigla. Si Calvix din kaya ang president ng classroom. Kaya dapat lang na magpatahimik sya.
Tinungo ko nalang ang sarili ko sa lamesa. Big-deal ba yun? Na ako lang mag-isa ang pumunta sa bahay nila Calvix? Hayy! Ang labo mo Mr. Andrei Rodriguez!
Andrei’s POV
Konting suyo pa siguro bibigay na ko. Pero wala eh, tinigil na nya. =_=
Habang nagpapatugtog ko. Hindi ko maiwasan ang hindi maaalala ang nalaman ko kagabi.
-Flashback-
May photoshoot tayong gagawin ngayon.
Group text sa amin ni Seth. Sya kasi ang palaging kinocontact ng mga photographers ng mga magazines na aming ipophotoshoot.
//
“Ang tagal naman ni Calvix.” Sabay tingin sa sari-sariling relo namin.
“FINALLY!!” At sa wakas, dumating na din ang pinakaiintay ng lahat. Kahit kailan talaga, pa-V.I.P ang taong to.
“What took you so long? Ni-hindi ka nga pumasok. Mukhang mas busy ka pa sa amin.” Mapang-asar kong sabi dito. Ganto naman kami palagi.
“I’m on a date lately --“ Date? Haha! Wala talagang kasawaan ang gagong to!
“With Janelle.” Natigilan ako sa pagtawa ng marinig ko ang pangngalang yun.
“S-Sino? P-Paki-ulit?” Pang-uulit ko. Baka kasi nagkamali ako ng rinig.
“Me and Janelle dated.” Sagot nito sa akin at tumalikod sa akin para magpalit ng damit.
**
“Mr. Rodriguez? Are you okay?” Tanong sa akin ng photographer.
Tumango lang ako. Kanina pa ko wala sa sarili. Ni-hindi ko alam ang gagawin ko.
*CLICK*
*CLICK*
Bahala na nga.
*CLICK*
Kung ano-ano ng pose ang ginawa ko. Kuha lang naman sila ng kuha. Ni-hindi ko nga din narinig kong ano nga ba ang theme ng photoshoots na’to.
“Bro, okay ka lang ba?” Sabay tapik sa akin ni Troy.
“Oo naman.” Sagot ko dito.
Nagsisakayan na silang lahat sa mga kotse nila at pinaharurot na papauwi.
“Calvix.” Tawag ko sa pangngalan ni Calvix na sasakay pa lang sa sasakyan nya.
“Oh, bakit?” Tanong nito at sinarado ang pintuan ng sasakyan nya, “May kailangan ka ba?”
“Anong binabalak mo?” Diretso kong tanong sa kanya.
“What do you mean?” Mukhang hindi nya alam ang tinutukoy ko.
“Anong binabalak mo kay Janelle?! Kung meron, wag mo ng ituloy.” We’re looking each other’s eyes directly.
Tumawa ito, “Tell me the truth, may gusto ka ba kay Janelle?”
“S-She’s a friend, Calvix.”
“Then don’t act like you feel something about her. I’m going.” Tinapik pa ako nito sa likod at sumakay na ng sasakyan nya. I left standing there.
Wag nyang sabihing pati si Janelle?
Hindi ako papayag.
-End of flashback-
“Bakit ayaw mong pansinin si Janelle? Malungkot yung tao dahil sayo oh.” Sabay turo ni Gio kay Janelle na tila wala sa sarili.
“Ano ba kasing kinakagalit mo? Yung date nila kahapon ni Calvix ano?” Bulong sa akin ni Bryan.
“Oo. Hindi. Ewan. Siguro. Baka.” Sagot ko.
~Heto na naman
Sulyap ng 'yong mata
Na nagsasabing, ika'y nag-iisa
Pinilit kong sabihin
Ngunit di ko magawa
Na magsabing gusto kita
Tuwing makikita ka
Ang damdamin ay hindi mapigilan…
Tinitigan ko ng masama si Gio. Patamaan ba naman ako? Tss! Nag-peace sign naman ito sa akin.
“Selos ang tawag dyan.” Sabay namang sabi ni Brandon at ni Juztine.
S-Selos? Selos nga ba ang nararamdaman ko?
Sila lang kasing apat ang makakausap ko tungkol dito. Sila lang naman kasi ang sinabihan at nakakaalam ng pagtingin ko kay Janelle.
“Wag ka kasing magpa-apekto! Tingin mo may pagtingin si Calvix kay Janelle? Wala yan! Haha! Si Aubrey pa din ang mahal nun!” Sabay tawa at nag-apir pa sina Bryan at Juztine. Ayun nga ang problema ko, paano pag nahulog si Janelle? Hindi ko naman sya masasambot dahil baka sa iba sya mahuhulog -- At baka kay Calvix.
“Oh, nanahimik ka?!” Napatingin kami kay Gio na nanahimik na kanina ay may pakanta-kanta pang nalalaman. Palibhasa, maganda ang boses.
“W-Wala. Magrereview lang ako.” Sabi nito sabay balik sa upuan nya. Sinaksak nya ang earphone nya sa taenga nya at nagbuklat na ng libro. Review? Eh wala nga kaming test ngayon eh! Ni-guiz wala! Ni-assignment nga walang pina-assignment kahapon. Ano kayang nangyari ang nagbago ang mood nitong si Gio?!
//
“Diretso uwi na ko eh.” Sabi ko sa barkada. Nag-aanya na naman kasi sila na mag-bar. Wala ako sa mood ngayon. Makikipag-make out lang naman sila sa mga babae dun. Mas gugustuhin ko pa na magkulong nalang sa kwarto ko at manood ng p*** videos kesa makipagpalitan ng laway sa iba’t ibang babae.
Hindi na naman ako nila tinanong kung ano ang dahilan. Bahala na sina Gio kung anong gusto nilang idahilan. Basta ako, wala akong gana.
-
Pinatay ko na ang laptop ko. Halos tatlong oras na kasi akong nanonood. Pagod na rin ang katawan ko. Ginulo ko ang buhok ko. Hanggang panood nalang ba ako? Ako tong pinaka-pervert sa barkada pero ako virgin pa ko. Badtrip!
Sa past girlfriends ko, kahit akitin nila ako, napipigilan ko ang sarili ko. Hanggang make-out lang. Kahit na gustong-gusto kong maranasan. Siguro -- May inaantay lang ako. Tama! At sya yun. I’m reserving my first to her. Eto na naman ako. Hanggang pangarap nalang! Muli kong ginulo ang buhok ko. Bakit pagdating sa ibang babae napakalakas ng loob ko manligaw? Pero, bakit kay Janelle? Hindi pa ako nakakalapit, napanghihinaan na ako ng loob. Sa pambibiro at isang kaibigan lang ang kaya kong ipakita pagdating sa kanya.
“Bakit ba kita nagustuhan?” Tanong ko habang nakatitig sa picture nya na kinuha ko pa sa cabinet ko, “Ginayuma mo ko noh?” Natatawa ko pang sabi.
“Ang manhid mo! Hindi mo ba pansin na crush kita ha?!” Sabay pitik sa picture nya, “Sorry. Sorry.” Ilang beses ko itong hinalikan. Napatungo nalang ako sa may lamesa ko. Naging para akong isang babae na baliw na baliw sa crush nya.
“Hindi lang crush. Crush na crush. Hindi. Mahal na kita.”
*KRING*
“Oh?” Kunyari nagtatampo pa ako para suyuin nya ako.
(Andrei, punta ka sa mayfountain! Dali!)
“Fountain? Anong gagawin ko dun?”
(Basta! Bilisan mo! Nilalamig na ko!)
Pagkatapos ay binaba na nya. Ha? Fountain?
Kinuha ko ang jacket ko at sinuot ito sa akin. Kinuha ko pa ang isang jacket ko, para sana kay Janelle. Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko. It’s already 10pm! Anong pumasok sa isipan nito at gustong pumunta ako sa may fountain?
Tumakbo ako papalabas ng subdivision namin. Hirap akong tumakbo dahil naka-tsinelas lang ako. Nakalimutan ko ng magpalit sa sobrang pagmamadali. At hina pa ang katawan ko dahil pinagod ko ang sarili ko kanina.
Ilang minuto ang tinagal ng pagtakbo ko at sa wakas, nakadating na ako. Kitang-kita ko si Janelle na nakayakap na sa sarili nya at ang namumutla na nyang labi.
“You should’ve brought jacket.” Sabay patong ng jacket ko sa kanya. November na nga pala. Isang buwan nalang at pasko na. Panibagong taon na naman.
“Bakit ka andito?” Tanong ko sa kanya ng hindi sya nililingon. Nagtatampo pa nga din kasi ako. Konting suyo nalang ang kailangan ko!
“Hindi ko alam bahay nyo eh.”
“Eh paano mo nalaman ang subdivision namin?”
“Nagpatulong ako kay Calvix. Kaya lang -- Dito nya lang ako binaba. Di man lang ako hinatid sa mismong bahay nyo. Pahirapan pa bago nya sabihin kung saan ang subdivision nyo.” Napa-ubo pa sya.
“Eh ano namang gagawin mo sa bahay namin?” Sunod-sunod kong tanong sa kanya.
“Kasi pag nag-sorry ako at kaharap ang magulang mo -- Mahihiya ka sa kanila at tatanggapin mo na yung sorry ko. Oh di ba? Haha! I’m so smart!” Tumawa pa ito at muling inubo.
“Bakit sa dinami-dami na pwede mong pagtanungan sa barkada, si Calvix pa? Bakit sa dami ng pwedeng maghatid sayo dito, si Calvix pa?” I looked directly to her eyes. Ilang segundo bago sya ulit mag-salita at sinabing --
“Huh?”
- - - - - - - - - - - - - -
[A/N: Dapat kahapon pa to! Hahaha! Belated Happy Valentines! XD Sorry kung pangit ang update :) Babawi nalang ako sa susunod na chapters! xoxo
Dedicated to her -> Hi Ate! Parehas tayong love si Kim Jong In! :)]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro