Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16.2: A fake one

Chapter 16.2: A fake one

 

Calvix’s POV

 

 

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan ni Janelle.

Here @Starbucks in SM with Owen.

 

 

I was stunned for a seconds ng mabasa ko ang caption na yun sa picture na inupload ni Aubrey minutes ago. At iisang paraan lang ang naisip ko --

“I’m bored. Let’s have a date.”

 

 

Bakit sa dami-daming lalaki, si Owen pa? Baka kung anong gawin nun kay Aubrey. Alam pa naman nito ang nakaraang meron kami ni Aubrey at si Aubrey lang naman ang babaeng mahal ko hanggang ngayon.

“Calvix…” Napatigil ako sa paglalakad ko ng tawagin ni Janelle ang pangalan ko. Nakalimutan ko na may kasama nga pala ako. Pagka-park ko kasi ng sasakyan ko ay kaagad na akong tumakbo papasok sa loob.

“Sorry. Halika na.” Sabi ko sa kanya at sinabayan na ito ng paglalakad. Nililibot pa din ng mga mata ko kung nasan ang Starbucks. Isang taon na din kasi akong hindi nakapunta dito. Palagi kasing sa bar na ang tambayan ko o kaya naman sa bahay ng mga kaibigan ko.

“Ano ba yung hinahanap mo? Tulungan na kitang maghanap.” Sabi sa akin ni Janelle habang naglalakad kami.

“H-Hinahanap ko yung bilihan ng ticket. Balak ko kasing manood tayo ng sine ngayon.” Palusot ko naman.

“Sa 3rd floor yun eh.” Sabi naman nito. 3rd floor? Napapikit nalang ako dahil nagiging pamilyar ng ulit tong mall sa akin. Dito din kasi kami madalas mag-date ni Aubrey noon.

“Okay ka lang ba?” Tanong sa akin nito.

“Eh Starbucks alam mo?” Diretso kong tanong sa kanya.

Nauna itong maglakad sa akin. At ilang sandali lang ay narating na namin ang Starbucks. At kitang-kita mula sa loob sina Aubrey at si Owen. Ano na naman ba kaya ang binabalak nito?

“Let’s seat here.” Sabi ko sa kanya ng umupo ako sa isang table. Mas kita ko kasi dito ang table nina Aubrey.

“Anong gusto mo? Ako nalang ang bibili.” Sabi ni Janelle.

“Caramel Macchiato nalang.” Sagot ko dito. Tumayo na ito papunta sa may counter. Nakatingin lang ako sa direksyon nila Aubrey. Bakit sobrang saya nya? Hindi ba nya naiisip na gusto lang syang gamitin ni Owen para lang makaganti sa akin? Noon pa lang alam na nya na kaaway ko na tong si Owen.

Naalala ko tuloy bigla noong mga araw na magka-date kami. Halos labutin namin ang bawat-sulok ng mall na’to. Pag pagod na kami sa kakalakad at kaka-papamili, dito sa Starbucks ang bagsak namin. Nung una, Cappucino ang gusto ko. Ayokong-ayoko ng lasa ng Caramel Macchiato. Pero dahil sa kanya, natutunan kong gustuhin ang lasa ng Caramel Macchiato.

“You’re cruel.” Sambit ko habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Owen na masaya.

Ni-isang sorry wala akong matanggap sa kanya. Ni-salitang “I’m sorry for hurting you.” , wala akong narinig mula sa kanya. You’re really a cruel person Aubrey. But I don’t know why I’m still inlove with you.

Hindi kami nakapag-usap man lang ni Janelle dahil busy ang mata ko kakatingin sa direksyon nila Aubrey. Ubos na ang coffee nila pero todo-kwentuhan pa sila. Ilang sandali lang ay tumayo na sila sa kinauupuan nila.

“Halika na.” Kaagad kong tayo sa kinauupuan ko.

“Pero hindi ko pa ubos.”

“Dalin mo nalang.” Sabi ko sa kanya. Medyo binilisan ko ang paglakad ko para maabutan ko sila. Nakita ko sila na nakahanay upang bumili ng ticket para manood sa sinehan.

“Let’s watch this movie.” Sabi ko kay Janelle, “Can you buy a popcorn and drinks?” Tanong ko dito. Hindi nya ako sinagot at pumila nalang kung saan ang bilihan ng pagkain.

“Having a great time?” Napalingon si Aubrey at Owen mula sa likuran nito at laking gulat na makita ako.

“W-What are y-you ---“

“I’m gonna watch a movie -- With my girl.” Sabay turo ko kay Janelle na nabili pa ng popcorn at ng drinks.

“Sir, eto na po yung ticket nyo.” Muling napaharap si Owen dun sa Cashier kaya tanging si Aubrey nalang ang nakaharap sa akin ngayon.

“Calvix, eto oh.” Sabay abot sa akin ni Janelle ng popcorn at drinks.

“2 tickets. May kakausapin lang ako.” Tas inabutan ko sya ng pera.

Nabigla ako ng biglang tumawa si Aubrey, “Your girl? Si Janelle? Nagpapatawa ka ba?” She said in a sarcastic tone.

“Bakit? Iniisip mo ba na ginagamit ko lang sya? Pwes, nagkakamali ka. I’m not a guy who’ll follow like a dog to the girl who doesn’t love me.” I smirked.

Sisingit na sana usapan namin si Owen pero inunahan ko syang mag-salita, “Don’t you dare to talk. Or else, I’ll really kill you then.” Nakita ko ang pag-tikom ng palad nito.

“Halika pasok na tayo.” Pagkatapos ay inakbayan ko si Janelle.

Let’s see Aubrey. Let’s see who can play better.

//

“Saan tayo?” Tanong sa akin ni Janelle ng makalabas kami sa loob ng sinehan.

“Ummm…” Hinanap muna ng mata kung nasan sina Aubrey at Owen, “Maglakad-lakad muna tayo.” Sabi ko sa kanya.

Nakita kong pumasok ng department store silang dalawa. Para akong tanga, sinusundan ko ang date ng ex ko.

“Janelle.”

“Aysh! Calvix naman!” Sabay binaba nito ang video camera na hawak ko.

“Bakit? Ang ganda mo oh.” Sabay alis ko sa pagkakahawak nya sa video camera.

I even saw her blushed. Natawa nalang ako. Ngayon ko lang sya nakitang nagka-ganto, “Calvix! Itigil mo na yan!” Pilit nyang kinukuha yung video camera sa akin.

“Ayoko!” Sabay dila at takbo ko.

“Waaa! Calvix!!”

Napatawa nalang kami parehas dahil pinagtitinginan na pala kami ng mga tao. Naghabulan kasi kami sa loob ng department store. Kaya kahit atensyon nila Aubrey, nakuha namin. Ewan ko ba kung maiinis ako o matatawa dahil mukahng seryoso si Owen sa date na meron sila.

Iba na din ang titig sa amin ni Aubrey. Alam kong nagseselos na sya. Good, that’s what I want.

Napatigil naman ako sa paglalakad ng madaanan ko ang isang photobooth. Dito kami madalas pumunta ni Aubrey noong kami pa. Kaya ang dami naming pictures dalawa.

“Want to try?” Tanong ko kay Janelle.

Umiling sya, “Wala akong hilig dyan.” Naka-ngiti nyang sabi.

“Aysh! Wag kang KJ!” At hinila ko sya papasok dito.

“3 shots. 2 copies.” Sabi ko dun sa Cashier.

“Miss?” Muling pagtawag ko sa kanya. Mukha kasing natulala sya sa kapogian ko.

“Yes, Sir.” She said in a seductive tone. Napatinigin nalang ako sa hugis ng katawan nya. Sexy at maganda sya. Hindi sya nararapat na maging Cashier lang.

*CLICK*

Ako, naka-ngiti. Si Janelle poker face lang.

“Smile, okay?”

*CLICK*

Parehas na kaming naka-ngiti.

*CLICK*

Naka-akbay ako sa kanya tas naka-sandal ang ulo nya sa may balikat ko.

Nawala na sa mata ko sina Aubrey. Baka umalis na sila siguro. Kumain muna kami ni Janelle sa isang restaurant. Pagkatapos naman ay nagdesisyon na kaming umuwi dahil pagabi na din.

“Dyan nalang sa may black na gate.” Turo sa akin ni Janelle. Itinigil ko ang sasakyan sa isang malaking bahay. Tiningnan ko si Janelle mulo ulo hanggang paa. Napaka-simple nya lang pero hindi mo aakalain na ganto sila kayaman.

“Janelle?” Tawag ko sa pangngalan nya dahil kanina pa nakahinto ang sasakyan ko at hindi pa sya nababa. Tila nakatulala lang ito.

Huminga sya ng malalim at sinabing --

“This date -- is a fake one, right?” Seryoso nyang tanong sa akin.

“Janelle…”

Umiwas sya ng tingin at sinandal ang sarili, “You should’ve told me that you just want to stalked your ex on her date. You should’ve told me you want her to make jealous. You should’ve. Coz’ I’ll help you.” At iisang senaryo ang pumasok sa utak ko.

“You should’ve told me that it’s a game. You should’ve told me you just want to be get closed to Trevor. You should’ve told me to be just your boyfriend because you  want to know the feeling of being a girlfriend of the campus heartthrob. You should’ve. Coz’ I’ll help you.”

 

“Janelle...”

“I’m not stupid Calvix para hindi mahalata yun.” Hindi pa rin sya makatingin ng diretso sa akin.

“Janelle, I’m --“

“S-See you at school. Good night.” Pagkatapos nyang sabihin ang mga salitang yun ay lumabas na sya ng sasakyan ko.

- - - - - - - - - - - - - -

 [A/N: Next update? Secret! Hahahaha! Ilang days nalang Valentines naaaa! :) Yieee! Nafe-feel ko na talaga na may surprise sa akin si Sehun! <333 

Dedicated to her -> ; Ang 'His Bedmate' lang po kasi na story nya ang pinaka-gusto kong story sa lahat ng Non-Teen na nabasa kooo! Yiee! Love you Ate! xoxo 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro