Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 16.1: Let's have a date

Chapter 16.1: Let’s have a date

 

Janelle’s POV

 

“Asan si Calvix?” Tanong ko kay Andrei na katabi ko ngayon. Sya na kasi ang palagi kong nakakatabi. Palagi kasi syang nakikipagpalit ng upuan kay Calvix. Kasi dati, katabi nya ang girlfriend nya. Eh dahil break na sila, nakakailang naman daw kung magkatabi pa sila. At dahil kagustuhan din naman ni Calvix na makatabi si Lyka, pumayag itong makipagpalit. Hayy. Ayaw kasi ako nung katabi.

“Absent.” Patuloy pa din ang pagsusulat nya. Ako naman hindi ko maiwasan ang hindi tingnan ang upuan kung saan naka-upo si Calvix, “Bakit mo sya hinahanap?” Napalingon ako kay Andrei na nagsalita.

“A-Ah. Wala.” Sabi ko at binalik ang sarili ko sa pagsusulat.

Dalawang araw na kasi syang absent. Pagkatapos ng nangyaring scene sa rooftop. Kinabukasan, hindi na sya pumasok. Gusto ko sana syang dalawin sa bahay nila para tingnan kung okay ba sya o hindi. Hindi ko alam pero sobra akong nag-aalala sa kanya ngayon. Nahihiya naman akong pumunta sa bahay nila dahil una sa lahat -- Ano ba ko ni Calvix? Isang hamak lang na ka-classmate.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinanong na naman si Andrei, “Pumunta ka na ba sa bahay nila? Ano ba sya may sakit o nag-iinarte lang?”

“Both.” Patuloy pa din sya sa pagsusulat nya, “If you’re worried about him, puntahan natin sya mamaya. After class, okay ba yun sayo?” Tanong nya sa akin.

Tumango lang ako.

//

Naglalakad na kami papunta ni Andrei sa sasakyan nya ng biglang nag-ring ang cellphone nya.

“Hello? Mom? What? Kayo na lang! Bakit isasama nyo pa ko?! Family bonding?! Are you kidding me?!! Fine! Fine! Papunta na ako!”

 

 

“Janelle, sorry. Si Mommy kasi eh. Pinapauwi na ako. May pupuntahan daw kami. Family bonding daw. Tss.” Natawa naman ako dito, “Aysh!” Ginulo naman ni Andrei ang buhok nya.

“Sige. Alis ka na. Baka nag-aantay na sila.” Sabi ko sa kanya.

“Pero paano ka? Tutuloy ka pa din ba?” Tanong nya sa akin.

“Oo eh.”

“Di ba pwedeng ipagpabukas nalang? Para kasama mo ko.” Sabi naman nito.

Actually, napa-isip ako sa sinabi nya, “S-Sige.” Sabi ko nalang.

Sumakay na sya ng sasakyan. As he entered his car, he wave his hand as he say goodbye.

Saan ako pupunta ngayon?!! Ayoko pang umuwi!! I’m so boredddd~ Ang mga kaibigan ko? Ayun may sari-sariling lakad. T_T

“Puntahan ko ba si Calvix?” Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad papalabas ng gate ng school.

*shake head*

“Ang sabi ni Andrei sabay daw kami bukas. Pero paano pag pumasok na sya bukas? Ayssh!!” Ginulo ko ang buhok ko. Bakit ba gustong-gusto ko syang makita ngayon mismo? =_=

“Ayshhh! Bahala na!!”

Nag-doorbell ako sa bahay nila. Oo, pumunta na ako. Magso-sorry nalang ako kay Andrei bukas dahil hindi ko na talaga matiis na hindi puntahan si Calvix.

“Sino ya--- Ate Janelle!!! ^^” Nagtatakbong pumunta sa may gate si Nathalie at pinagbuksan ako ng gate.

“Tuloy ka po Ate Janelle!! ^^” Masayang-sabi nito sa akin.

“Mommy! Andito si Ate Janelle!” Siagw naman ni Nathalie ng makapasok kami sa bahay nila.

“Good afternoon po. Balak ko lang sana pong dalawin si Calvix.” Bati ko sa kanila.

“Si Patrick? Hon, umuwi na ba ang anak natin?” Tanong ni Tito Nathan kay Tita Aliyah.

“Kakadating lang. Magpapahinga daw muna sya.” Sabi nito, “Janelle.” Sabay halik sa pisngi ko ni Tita Aliyah. Ang bango-bango naman Tita *u*

“Ay hija, may itatanong ako sayo.” Sabay hila sa akin ni Tita Aliyah papaupo sa sofa nila, “Tutal naman magka-classmate kayo. Alam mo ba kung ano ang nangyari sa anak ko? Noong isang araw pa yun ganun. Pinipilit nga naming pumasok pero ayaw. Pag gabi naman, palagi syang wala. Tas nabalik sya ng umaga. Minsan naman, after lunch. Minsan naman, gabi na ulit. Nag-aalala na ako.” Hinawakan pa ni Tita ang kamay ko.

Sabihin ko ba? Na dahil kay Aubrey?

“Tita --“

“Mommy naman!! Ano pa ba ang pwedeng maging dahilan?!!! Eh di syempre si Ate Aubrey!” Singit naman sa usapan namin ni Nathalie, “Mommy! Akin nalang tong chocolate ha!”

“Sa Kuya mo yan. Meron kang iyo ah?”

“Kinain po ni Daddy yung akin!” Nakasimangot na sagot ni Nathalie dito.

“Honey naman! Bakit mo kinain? Mag-aaway na naman yung dalawa nyan.” Kumunot noo si Tita Aliyah kay Tito Nathan na nanonood ng tv.

Umupo ito sa tabi ni Tita Aliyah at niyakap, “Bibili nalang ulit ako maya, okay? Wag ka ng magtampo.” Sabay halik kay Tita Aliyah. OMG! My virgin eyes! O__O

“PDA!!!” Sigaw naman ni Nathalie dahilanan para ma-realized nila Tita na nasa harapan pa nila ako.

Ngumiti ito sa akin at sinabing, “Panikin mo sya sa itaas. Dito ka na mag-dinner ha?” Sabi naman nito.

Sinunod ko naman ang sinabi nito. Ni-hindi na nga ako nito sinamahan pumanik sa itaas, “Calvix?” Katok at tawag ko sa may pintuan ng kwarto nito.

Nakailang tawag at katok na ko sa kanya pero wala pa ding nasagot. Kaya binuksan ko nalang ito kahit wala pang pahintulot na pumasok ako.

“C-Calvix?” Tawag ko sa pangngalan nya dahil wala sya sa loob ng kwarto nya. Asan na kaya yun? Ang sabi ni Tita Aliyah andito daw sya sa kwarto nya.

O______O

“What are you doing here?”

“Hey Janelle! I’m talking to you!”

Oh Lord. Please lang po. Sana po mag-damit na ang lalaking to.

“D-Dadalawin lang s-sana k-kita.” Sabi ko sa kanya ng nakatalikod at pikit pa din ang dalawa kong mata.

“Humarap ka nga sa kin.” Nakadamit na kaya sya?

*HARAP NG KAUNTI*

O_-

“M-Mag-damit ka muna!!” Pasigaw kong sabi at kaagad na tumalikod muli.

Bakit naka-towel lang sya at wet look pa? Lalo tuloy syang gumwapo sa paningin ko. Oh my! Ano ba tong pinagsasabi ko?! =_=

Rinig ko naman ang pagtawa nya. Tss! Hindi naman kasi ako sanay makakita ng ganung katawan w/ abs! OMEGED! “Tapos na.”

*HARAP NG KAUNTI*

-_O

Nakadamit na nga sya. Buti nalang. At baka ma-rape ko ng di-oras ang lalaking to.

“So, what brings you here? May kailangan ka ba?” Sabi nya at umupo sa harapan ng laptop nya. Tingnan mo to! Kakasabi ko lang kanina na dinadalaw ko sya eh.

“Dinadalaw ka.” Sagot ko sa kanya.

Hindi nya ako sinagot at patuloy lang sa paglalaptop nya. So hindi man lang nya ako papaupuin man lang? Tss. Nangangalay na kaya ako kakatayo dito.

“Tatayo ka na lang ba dyan?” Tanong naman nya sa akin ng hindi ako nilingon.

“A-Ah. E-Eh --“

“Take a seat.”

Umupo ako sa may kama nya. Nakaup okasi sya sa study table nya at dun naglalaptop. Eh sa pinanganak akong usisera, gusto kong makita kung ano ba ang ginagawa nya sa laptop nya.

Scroll lang sya ng scroll sa timeline ng facebook nya. Sus! Walang magawa sa buhay!

“Sya nga pala, may test tayo ----“

“I know.”

Eh di ikaw na ang madaming connections! =_=

Patuloy pa din sya pagii-scroll ng biglang mapatigil sya -- Sa pagii-scroll dahil may isang picture ang nag-appear sa timeline nya. Kung hindi ako nagkakamali, picture yun ni Aubrey at ng isang lalaki. Wait -- Hindi ko mabasa yung caption.

Inikot nya ang upuan nya at humarap sa akin at sinabing --

“I’m bored ----“

 

 

 

“Let’s have a date.”

 

- - - - - - - - - - - - - -

[A/N: Bukas ko iuupdate yung part 2 nito. Thanks. ^_^] 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro