Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15: Rooftop

Chapter 15: Rooftop

 

Janelle’s POV

 

“I don’t know why I’m doing this. But please, don’t go.”

 

“C-Calvix…” Pilit akong nabitaw sa pagkakayakap nya.

 

“Don’t go.”

 

“Please Janelle. Don’t go.”

 

“Ms. Fortalejo?” Bumalik ako sa ulirat ko ng tawagin ni Ms. De La Torre ang apelyido ko.

“Yes Ma’am?” Agad akong napatayo sa kinauupuan ko, “Solve this equation.” Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. Shems! Hindi ako nakinig!

Hindi pa din ako makalakad papuntang board. Tinititigan ko muna ang equation kung ano bang klaseng solution ang isusulat ko. Lord -- Please help. Huhu.

Polynomial -- Hindi eh! Descartes’s Rule of sign? Hindi rin eh! Malayo!

“What are you thinking lately huh?” Nanginig ang buo kong katawan ng mag-usap ulit si Ma’am. Hindi ko alam kung bakit takot na takot na ako kay Ma’am. Naging iba na kasi ang trato nya sa akin simula noong isang araw. Palagi na nya akong napapansin. Lagi na din nasa akin ang mga mata nya. Yung tipong hindi na nya inaalis ang mata nya sa akin.

She’s Ms. Laine De La Torre, 5 years older than us. Sa pagkakaalam ko, maaga syang pinasok at sobrang talino nya kaya naging teacher na sya sa batang-edad.

“Ma’am ---“

“Let me answer that f****** equation.” Nagulat ako ng biglang tayo ni Calvix sa kinauupuan nya at nag-tungo sa board.

“Are you satisfied now?” Sabi ni Calvix kay Ms. De La Torre bago ito bumalik sa kinauupuan nya. Hindi ko alam pero nawala ang mukhang naiinis ni Ma’am ng magpunta si Calvix sa unahan.

“Y-You c-can take y-your seat Ms. Fortalejo.” Dahan-dahan naman akong umupo sa upuan ko.

Sa buong klase, hindi ako halos nakinig dahil palingon-lingon ako sa direksyon kung saan nakaupo si Calvix. Magtethank-you ba ako?

*LIHIS NG TINGIN*

Shemssss! Nahuli nya akong nakatingin sa kanya! Geez! Nakakahiya! =_=

“Ms. Fortalejo, did you want to sit beside Mr. Aranillo? Kesa naman patingin-tingin ka sa likod, itabi na kita sa kanya. That would be better, right?” Napapikit nalang ako. Tss! Ako na naman?!!!

“Sorr----“

“Okay let’s go back to our lesson.”Bastusan lang eh. Nakakainis!

//

“Janelle may nagawa ka ba kay Ms. De La Torre ha? Bakit parang ang init ng dugo nya sayo nitong mga nakaraang araw?” Tanong sa akin ni Arianne.

“Hindi ko nga alam eh. Ni-hindi nga kami close nun ni Ma’am eh.” Sabi ko naman. Andito kami sa may cafeteria ngayon. Kasama din namin ang barkada ni Calvix.

“Pero guys, may napasin ako!” Sabay bulong nito kay Jamiatra. Na pinasa naman kay Arianne. Na pinasa naman kay Daniele. Na pinasa naman kay Fatima. Na pinasa naman sa akin.

“What do you think? Napansin ko lang kanina gawa nung mga tingin nya kay Calvix.” Bulong pa nito.

“Correct! Napansin ko nga din yun kanina!” Sabi naman ni Fatima.

“Shhh!” Saway naman namin kay Fatima. Napalakas kasi ang boses nya. Baka marinig ng boys.

“Tas di ba naikwento mo sa min yung hug scene nyo ni Calvix sa banyo? Yung may sinabi pa sya. Yung niyakap ka nya sabay sabing -- Don’t go. OMEGED! Kinikilig na naman ako!” Sabay hampas naman ni Stephanie kay Jamiatra. Si Stephanie kasi ang pinakakinilig noong kinuwento ko yun sa kanila.

“Ah! Oo nga! Haha! Baka naman -- Nagseselos si Ms. De La Torre?” Nagkatinginan kaming lahat.

“Siguro? Hahaha! Ang haba ng hair mo girl!” Sabay hampas naman sa akin ni Stephanie. Hindi naman sya mahilig manghampas ano? =_=

Bigla namang nag-vibrate ang cellphone ko.

Rooftop tayo.

 

Tinitigan ko yung screen ng cellphone ko. Nag-text kasi si Trevor.

“Mauna na kayo sa room ha. Sunod nalang ako.” Sabay tayo ko sa kinauupuan ko at tumakbo papuntang rooftop.

Calvix’s POV

 

“Mauna na kayo sa room ha. Sunod nalang ako.” Sabay tayo ni Janelle sa kinauupuan nya at tumakbo na. Saan kaya to pupunta?

“Cr lang ako.” Sabay tayo ko.

Sinusundan ko ngayon si Janelle. Teka -- San ba to pupunta? Bakit parang sa -- Rooftop?! Anong gagawin nya dun?

“Trevor! No! Hindi! Tayo pa!”

 

Parehas kaming napatigil sa paglalakad ni Janelle sa sigaw na narinig namin. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses yun ni Aubrey. Akmang lalakad na ako papunta dito pero syang harap naman ni Janelle.

“C-Calvix? A-Anong ginagawa mo dito?” Nagtatakang tanong nya sa akin.

“Tapos na tayo! Ilang beses ko bang sasabihin yan sayo?!”

 

 

Napayukom ang palad ko. Eto pala ang lalaking pinagpalit nya sa akin.

“I swear to God Daniele would ---“

 

 

Muling napaharap sa kanila si Janelle, “D-Daniele?” Mahinang tanong nito sa sarili.

Hinawakan ni Trevor ang kwelyo ng uniform ni Aubrey. SH*T!

“Don’t you dare touch her.” Galit na tono ng boses ni Trevor dito.

Hahakbang na ako papunta sa kanila pero hinawakan ako ni Janelle at umiling-iling.

“Dadating ang bestfriend ko dito. Umalis ka na. Baka masaktan lang kita.” Inalis na ni Trevor ang pagkakahawak nito sa kwelyo ni Aubrey at lumihis na ng tingin.

“T-Trevor…”

 

“Binigay ko na naman yung gusto mo di ba? I be your boyfriend. I’d been yours. 1 year pa nga eh. Pero bakit ni-minsan hindi sumagi sa isipan mo na hindi kita minahal -- Na hindi kita kayang mahalin?”  Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinabig ang pagkakahawak sa braso ko ni Janelle.

“CALVIX!!!” Sigaw nito pero hindi ko sya pinansin.

Tumingin sa direksyon namin sina Aubrey at Trevor, “YOU BASTARD!!!!!” Kaagad kong sinuntok si Trevor.

“CALVIX!! TAMA NA!!” Awat sa amin ni Janelle. Pero patuloy pa din ako sa pagsuntok kay Trevor.

Kahit ilang beses akong saktan ni Aubrey. Wala pa ring mas sasakit pag nakita ko syang sinasaktan lang ng iba.

“CALVIX!!!!”

Maluha-luha akong nakatitig sa kanilang dalawa. Nagawa akong itulak ni Aubrey ng dahil sa lalaking to, “Aub---“

“PATRICK!! PLEASE!! FOR GOD’S SAKE!! UMALIS KA NA!!” Parang sinaksak ng sampung patalim ang puso ko ng paulit-ulit.

Inalalayan ako ni Janelle tumayo, “Sinaktan ka na’t lahat -- Hinahabol mo pa?” Tumawa pa ako para mapigilan ang sakit na nararamdaman ko, “I pity you Ms. Aubrey Dizon.” Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang yun ay kaagad na akong lumakad palayo.

Napa-upo ako sa may hagdanan. Hindi ko na kaya. Tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Bakit ba kasi si Trevor? Bakit ba hindi nalang ako?

-Flashback-

 

“Why can’t you choose the guy who loves you more than you love him?”

 

“I lo---“

“Patrick!!” Bahagya nya akong tinulak.

“Be my girlfriend again, Aubrey.”

 

Ilang minuto kaming magkakatitigan. Sa mata pa lang nya, alam kong ayaw na nya. Pero, anong magagawa ko? Mahal ko eh. Gusto kong maging akin sya ulit.

 

“Ayoko.” Iniwas nya ang tingin nya sa akin.

 

I held her wrist, “Nag-iisip ka ba?! Ako tong mahal ka! Mahal na mahal! Pero bakit -- Bakit hindi na lang ako?!” I was full of anger.

 

Tinabig nya ang kamay ko and she looked away, “I don’t want to be unfair to you again Patrick. I don’t want to hurt you again.”

 

-End of flashback-

 

“Calvix…” Umupo sa tabi ko si Janelle at hinimas-himas ang likod ko, “Tahan na…”

Para akong bata na yumakap sa kanya. Siniksik ko ang ulo ko sa may dibdib nya at dun umiyak ng umiyak, “Malabo ba ang paningin nya? Bakit hindi nya ako makita-kita?” Naramdaman ko ang pagyakap din nya sa akin.

“Malabo man o hindi ang mata nya… Kung HINDI naman ikaw gusto nyang makita… Daig pa nya BULAG, kahit nasa harapan ka nya.”

 

- - - - - - - - - - - - - -

 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro