Chapter 13: Goodluck kiss
Chapter 13: Goodluck kiss
Janelle’s POV
“Mas mamimiss kita pag umalis ka.”
Hanggang ngayon hindi pa din mawala sa isipan ko yang mga salitang yan. Imposible naman na sabihin sa akin ni Andrei yun. Hayy! Ilang araw na ang nakakalipas pero hindi pa din ako maka-move on sa mga salitang yan! Para kasing may kakaibang meaning!
“Oy! Mamaya manood ka ng practice ha!” Pangungulit sa akin ni Andrei. Tiningnan ko sya. How can he smile? Break na nga sila ng girlfriend nya. Oo, break na sila ni Lyka. Anong dahilan? Hindi ako sigurado. Basta kumalat nalang kasi ngayong umaga sa buong Campus ang break-up nilang dalawa ngayon ding umaga. At iisang tao ang dahilan ng pakikipag-break ni Lyka -- Si Calvix.
Tumingin ako sa direksyon kung san magkatabi si Calvix at Lyka. Nakakainis lang. Nakakatawa at nakakapaglandian pa sila ng ganyan eh kitang kakabreak-up lang nito kay Andrei. Gosh, respeto man lang sana.
Mas naging sweet sila nitong mga oras na’to. Nakakainis! Ugh! Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nahampas ng dalawang kamay ko ang lamesa, “MALANDI! UGH!” Mas nakakainis naman si Calvix! Kaibigan, no, pinsan nya si Andrei pero anong ginawa nya? Mas nakikipaglandian pa sya kay Lyka!
“Ms. Fortalejo, anong problema?” Bumalik ako sa ulirat ko ng tanungin ako ni Ma’am. Napatingin ako sa buong paligid. Agaw atensyon na naman ako. Hayy.
“Wala po.” Napatungo nalang ako. Nakakahiya. =_= Bumalik na si Ma’am sa ginagawa nya kanina.
“Oy, ano bang problema mo?” Mas inilapit ni Andrei ang upuan nya sa akin, “Saka, sinong malandi? Ako ba?” Tanong nya.
“Yung girlfriend mo at si Calvix.” Sabi ko sabay tingin kina Calvix. Grabeh! Ang landi talaga!
Napatingin din naman si Andrei sa direksyon nina Calvix at ng ex-girlfriend nya. Pagkatapos ay muli syang humarap sa akin, “May gusto ka ba kay Calvix?” Tanong nya sa akin.
O___O
“W-Wala ah! Ang sa a-akin lang -- Kaka-break nyo lang ni Lyka kaninang u-umaga! Tas biglang, may kapalit ka na kaagad? Tas kaibigan mo pa -- Mali, pinsan mo pa. Ano ang mararamdaman mo? Hindi ka ba nasasaktan?” Tanong ko sa kanya. Sinabi ko na ang totoo. Kesa naman akalain nya na may gusto ako kay Calvix. Eh wala naman! Teka -- Wala nga ba? Aysh!
Inilapit naman nya ang mukha nya sa mukha ko, “Bakit parang mas apektado ka pa kesa sa akin? Eh ako tong dapat ang nagagalit sa kanila? Iisa lang naman ang pwedeng dahilan ng inis mo -- It’s either naiiniska kay Lyka dahil sa kalandian nya o naiinis ka dahil sa sweetness nila ng kaibig---- pinsan ko? Dahil ang totoo, nagseselos ka sa kanilang dalawa? Tama ba ko?” Mahinang sabi nya sa akin.
Inilayo ko naman ang mukha ko sa mukha nya, “H-Hindi ah! E-Eh kasi -- Kaibigan na kita kahit papaano. Sino bang kaibigan ang gustong makitang nasasaktan ang kaibigan nya? Saka, naiinis ako dahil – Kaka-break nyo lang kanina pero parang nakamove-on na sya kaagad. Tas tong si Calvix naman, nakikipaglandian pa.”
Tumawa naman sya ng mahina, “Am I look like hurting? Haha! Babae lang yan. Madaling palitan.”
Tinitigan ko sya, “So, hindi ka galit kay Calvix? Kahit tampo o inis wala kang nararamdaman?” Tanong ko sa kanya. Napanganga talaga ako. Sa karaniwan kasi sa mga nababasa kong story, babae ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaaway ang magkakaibigan. Pero -- Mukhang iba si Andrei.
Sumandal sya sa upuan nya at nagcross-arms, “Why should I? I told you, babae lang yan. Madaling palitan. Saka -- I wouldn’t sacrifice our friendship para lang sa isang babae. Mas mahalaga pa din ang friendship sa akin. Pinsan ko din sya. Simula bata pa lang kami na ang magkasama. Kapatid na ang turingan namin sa isa’t isa. I wouldn’t throw all of that just because of a girl.”
Napa-ngiti naman ako sa sinabi ni Andrei. Bakit ba ang bait-bait nya? At bakit ngayon ko lang napagtanto?
“He’s lucky to have a friend like you.” Ayan nalang ang nasabi ko. Wala na ako ma-say sa sobrang kabaitan ang meron si Andrei. Sana lahat ng lalaki tulad nya.
Tinitigan nya ako, “What if I said I like you?”
O____O
Isa ba na naman tong joke mula sa kanya?
**
“Calvix, sabay na’ko sayo.” Malanding tono ng boses ni Lyka kay Calvix. Uwian na kasi kami.
Lumapit si Calvix dito at bumulong. Ano kaya ang sinabi nya? Nagka-ngitian lang sila sa isa’t isa at sabay na lumabas ng room.
“Janelle! Sabay sabay na tayong manood ng practice nila ng soccer!” Patalon-talon pa si Daniele habang sinasabi sa akin yun.
“Susunod nalang ako, okay lang ba? May pupuntahan lang ako.” Sabi ko. Pero ang totoo, may gusto akong sundan.
“Ha? San naman? Samahan na kita.” Sabi naman ni Andrei na nagmadali ng magligpit ng gamit nya.
“Hindi. Saglit lang naman ako. Susunod din ako kaagad. Byeee! ^^” Sabay kuha ng bag at sabay takbo papalabas ng room.
“Nakita nyo ba si Calvix at Lyka?” Tanong ko sa mga estudyante na nadadaanan ko.
“Calvix at Lyka? Nakita mo ba?”
“Wala akong napansin eh.”
“Saka, ba’t naman sila magkakasama?”
“Kaya nga. Eh kaibigan ni Calvix si Andrei ah.”
“Kaka-break lang nila kaninang umaga di ba?”
Nagbulungan pa sila sa isa’t isa, “Sorry pero wala eh.” Sabi nito. Hayy. Asan na ba sila? Ewan ko bas a sarili ko kung bakit ako nagkakaganto. Bakit pakiramdam ko may mangyayaring something? OMG! Utak naman eh! Bakit ganyan ka mag-isip?! Huhuhu! =_=
“I saw them.” Napatingin ako sa babaeng nagsalita, “You’re looking for Calvix, right? He’s with a new girl? Umm, I mean, Andrei’s ex-girlfriend?” Naka-ngiti nyang sabi sa akin.
“Y-Yes.” Tumango-tango ako. Englishera yata to. Pero teka -- Parang kilala ko to ah!
Ha! Sya yung nabangga ko sa may supermarket! Yung sinabi ni Andrei na girlfriend ni -- Troy!
“They’re in the back of abandon building.” She whispered, “I think they would do something private.” *GULP*
Then, she started to walked away, “Wait!” I shouted. And thank god she heard me.
“What’s your name?” I asked.
“I’m Alexa, Alexa Fuentes. Btw, nice to finally meet you Janelle.” She gave me a sweet smile and started to walked away.
Wait -- How did she know my name?
O___O
ANG GALING KONG MAG-ENGLISH!!!! Bwahahahaha!
“Oh, Andrei, ba’t ka andito din?” Tanong ko dahil nakita ko sya sa may likod ko.
Hinawakan nya ang kamay ko, “Tapos na sila.”
O___O
“Wala ka ng madadatnan dun. Halika na.” Sabay hila nya sa akin. Napatungo ako. Para sa akin ang sakit sa loob ni Andrei yun. Hindi nya lang pinapahalata.
Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hanggang ngayon hawak-hawak pa din nya ang kamay ko. Lahat tuloy ng mga estudyante nakatingin sa amin.
Ilang sandali lang ay nakarating kami sa soccer field. Ah! May practice nga pala ngayon. Inupo nya ako sa may upuan dun, “Janelle! Kanina ka pa namin iniintay!” Sabi sa akin ni Jamiatra.
“Jamiatra, tubig oh! ^^” Sabay abot ng tubig ni Clarence kay Jamiatra.
“Salamat.” Medyo nahihiyang sabi ni Jamiatra dito.
“Crush! Eto oh, binili na din kita ng tubig! ^^” Sabi din naman ni Dylan kay Fatima.
Kinuha lang ni Fatima ang tubig at hindi man lang nag-thank you, “Daniele, samahan mo ko sa may cafeteria. Bibili lang ako ng foods. Para habang nanonood nakain. Haha.” Aya ni Arianne kay Daniele.
“Sure. Halika at bilisan natin.” Sabi naman nito.
“Wait! Sama na kami!” Sabay-sabay nilang sabi lahat.
Pagkatapos nun ay isa-isa na silang tumayo, “Ikaw Janelle may ipapabili ka ba?” Tanong nito sa akin.
“Dutch milk nalang na pink.” Sabi ko.
“Oh sige.” Sabi naman nila at nagsi-alisan na. Hayy! Eh di ako na ang maiwan dito!
“Nakita mo ba?” Tanong ko kay Andrei.
Tiningnan nya ako, “Ang alin?”
“Yung ----“
“Hindi. Pero nakita ko silang dalawa na lumabas dun.” Naka-ngiti pa nyang sabi.
“Ang sama-sama nya.” Sabi ko sa isipan ko. Oo, ang sama-sama ni Calvix. How can he do that to a friend?
“Minahal mo ba si Lyka?” Tanong ko sa kanya. Dahil medyo naguguluhan ako. Kung mahal nya si Lyka, ipaglalaban nya yun.
Binalik nya ang tingin nya sa soccer field, “I like her.” Sagot nya.
“Like? Yun lang? Like lang? Hindi ba love?” Tanong ko sa kanya.
“Love? Hindi eh. Like lang talaga. Like kasi, maganda, matangkad, magaling sumayaw, mabait at --- sexy. Hahaha!”
Hinampas ko sya sa braso, “Kaya naman pala hindi ka masyadong apektado.” Sabi ko sa kanya.
“Because I had someone already in my heart Janelle.” Sabi nya ng nakatitig sa mata ko.
Iniwas ko ang tingin ko. Tumingin ako sa soccer field kung saan andun ang mga kaibigan ni Andrei. Na halos lahat ay nakatingin sa amin. Ganon din ang ibang mga players.Bakit ganto ang nararamdaman ko? Napakabilis ng tibok ng puso ko.
O____O
“Goodluck kiss.” Sabi nya sa akin at tumayo na.
O____O
Napahawak ako sa pisngi ko, “My first kiss.”
- - - - - - - - - - - - - -
[A/N: Napaaga ang update. :) Birthday kasi ni Jong In! Yieee! HAPPY BIRTHDAY MY KIM JONG IN! <33 Next update will be the Special Chapter of Gio (D.O).
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro