Chapter 12: A day with him
Chapter 12: A day with him
Janelle's POV
"Ganto kasi yan..." Tas tinuruan ko si Andrei nung equation. Nung mga nakaraang araw, gets na gets na nya. Pero ngayon, halos lahat na yata ng nalalaman nya sa Calculus ay nakalimutan na nya!
Kanina pa din sya hindi nagsasalita. Kanina pa sya parang wala sa sarili. At kanina pa na sa iisang direksyon lang sya nakatingin -- Kina Calvix at Lyka na sobrang close na ngayon.
"Medyo hindi ko pa gets eh. Punta ka kaya sa bahay?" Tanong ni Lyka kay Calvix. Sa tono ng boses nya, para syang walang boyfriend! Parang ng seseduct yung voice nya! Tss! Eh ako nga hindi nagpahatid kay Calvix nun eh. Tas sya? Omg!
"Sige ba." Naka-ngiting sagot naman ni Calvix. Ganun na lang yun? Oo kaagad?! Parang hindi nya kaibi-- Pinsan ang boyfriend ni Lyka ah!
Mukhang hindi na napigilan ni Andrei ang sarili nya at tumayo na sa upuan nya, "Mr. Rodriguez! Where you going?!!" Hindi pinansin ni Andrei si Prof at patuloy pa din sa paglakad patungo sa pintuan ng may room.
Agaw atensyon tuloy kami sa klase. Tss! Andrei naman! Parehas tayong yari pag nagkataon eh! Sabihin ni Prof may ginawa ako sayo kaya nag-walk out ka!
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na din sa kinauupuan ko, "Sir, excuse lang po." Hindi ko na inintay ang sagot nito at agad ng lumabas ng room.
"Andrei!!" Sigaw ko sa kanya. Ang bilis-bilis nyang maglakad! Palibhasa, long-legged! =_=
"Uy Andrei! Balik na tayo sa room!" Sabi ko sa kanya ng maabutan ko sya sa paglalakad nya.
Hindi nya ako pinansin at patuloy pa din sa paglalakad, "Andrei naman... Yari tayo parehas kay Sir!" Sabi ko na naman sa kanya. Bakit ko ba na naisipan ang sumunod sa kanya!
Hanggang sa makadating kami sa may parking lot ng University, "Uy Andrei! Pansinin mo naman ak---"
Binuksan nya ang pintuan ng sasakyan nya, "Sakay!"
Tinaasan ko sya ng kilay, "Bakit?"
"Basta sumakay ka na lang!" Sabay tulak nya sa akin sa loob ng sasakyan.
"Saan mo ko dadalhin?!!" Natatarantang tanong ko sa kanya. Baka naman kasi kung anong gawin nya sa akin! Lalo na ngayon na depressed nya dahil sa nasasaksihan nyang super sweetness between Calvix and his beloved girlfriend! Mamaya -- Dahil sa sobrang lungkot nya -- Gamitin nya ako?! OH NOES! Mukhang nakakalimutan ko ang usapan sa loob ng room, 'Andrei Rodriguez is a pervert guy.'OMG!I NEED TO RUN! I NEED TO ESCAPE FROM HIM!
"ANDREI!!" Napasigaw ako ng pangngalan nya dahil bigla bigla nalang nyang inilapit ang mukha nya sa mukha ko.
"Ang sabi ko -- Mag-seatbelt ka. Ano bang iniisip mo at parang wala ka sa sarili mo?" Shet! Ang bango ng hininga nya! Kahit yata isang buong buwan sya wag mag-toothbrush, fresh na fresh at mabango pa din ang hininga nya. *u*
"What if I kiss you right now?" Nanlaki ang dalawa kong mata sa sinabi nya. As in sobrang laki! Kulang nalang malaglag ang eyeballs ko! Isama mo na din ang panga ko!
*GULP*
*GULP*
"B-Baka makita t-tayo ni L-Lyka sa gantong p-pwesto..."
He just smirked. Shet! Smirked lang pero bakit napaka-pogi nya? ^^ Lord, baka ako pa mismo ang mang-rape sa lalaking to! Yung lips nya -- Ang sarap halikan! Nakikita ko rin sa facebook ang mga shirtless pictures nya! And oh my!! ABS!
Oh tukso layuan mo koooooo~
"Mas mabuti nga yun eh. Ganto rin naman ang pwesto nila ni Calvix kanina hindi ba? Mas close pa nga eh. Tulad nito..." Mas inilapit pa nya ang mukha nya sa mukha ko.
Juskooo! Tukso! Layuan mo ko! Baka mahalikan ko ang lalaking to ----
"Gusto mo ba talagang ituloy ko? Haha!" Napamulat ako ng mata. SHET! AS IN SHET! SHET TALAGA! NAKAKAHIYA! BAKIT BA AKO NAPAPIKIT AT PARANG GUSTONG-GUSTO KO?!
Tawa sya ng tawa. Samantalang ako, halos mamatay na ang katawang lupa ko dahil sa sobrang hiya!
Sumandal nalang ako sa may window, "Badtrip." Bulong ko sa sarili ko.
"Wag kang mag-aalala. Mamaya, wala na ang badtrip mo." Hindi ko sya nilingon. Pero alam ko na naka-ngiti sya nung sinabi nya yun. Ilang sandali lang ay pinaandar na nya ang sasakyan nya. Teka -- Waaa! NAG-CUTTING KAMI!!!
//
"San ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya dahil kahit sampung minuto pa lang kami sa loob ng sasakyan nya, bored na bored na ako. Wala naman kasing magawa dito! Ni-hindi ko nga dala ang bag ko eh! Tas alam nyo ba kung anong tugtog sa loob ng sasakyan?! CARELESS WHISPER!!! He's really a pervert guy. =_=
Pinatay ko na yung tugtog. Hindi ko na talaga nakayanan. Masyado ng nababahiran ng masama ang inosenteng isipan ko.
"Oh bakit mo pinatay?! Chorus na eh!!" Reklamo nya.
"Sana isipin mo naman na may kasama kang babae dito sa loob ng sasakyan mo. Kung ikaw lang mag-isa, saka mo na pakinggan ang mga yan! Ang perv nito! Tss!" Inirapan ko sya. Gosh! This is the first time na ng irap ako! Sana pala kinuhanan ko ang sarili ko!
"Tss! Panira ka naman eh! Hindi ko kayang mag-drive pag walang tugtog!"
"Ang arte mo po! Kakanta nalang ako -------"
"May mga cd pa ko dyan! Hanap ka nga!"
-_- So, ayaw akong pakantahin? Sus! Baka nga pag narinig nyan ang boses ko makalimutan nyang may girlfriend sya. Hahaha!
"San ba nakalagay? Dito ba?"
O______O
OMG! OMEGED! SHET! MY VIRGIN EYES!
"Waaaa! Andrei!! Kadiri!!" Sabay takip ng mata at binalik yung mga cd's sa talagang kinalalagyan kanina. Hindi lang mga cd's ang nandun! May mga magazines pa! FHM! Holy molly!
"Haha! Ngayon ka lang ba nakakita nyan?" Tanong nya sa akin.
Tingin nya? Magugulat ba ako ng ganto kung nakakakita na ako nyan noon pa?
Tiningan ko sya ng masama. And as always, he just smirked. He's really a perv guy!
**
"Bakit tayo andito sa supermarket?" Tanong ko sa kanya habang nakuha sya ng cart.
"May bibilhin lang ako." Sabi naman nya. So nag-cutting kami para lang pumunta sa supermarket?
Naka-sunod lang ako sa kanya. Hayy. Eh di ako na ang dakilang taga-sunod.
"Is that Andrei Rodriguez?"
"Yes! Sya nga yun!"
"Pero teka -- Class hour pa ah!"
"Baka may binibiling project."
"Project sa supermarket? Ang bobo mo po."
Natawa nalang ako sa usapan nila. Haha!
Palihim akong tumawa, "Ay! Sorry po." Sabi ko sa babae na nadanggi ko. Pinulot ko din ang mga nalaglag nyang pinamili. Like napkin, ph care at isang ballot ng biscuit.
"I'm sorry too." Pagkasabi nya noon, naglakad na syang paalis.
"Janelle!" Nilingon ko si Andrei, "Sino yung kausap mo?" Tanong nya sa akin.
"Nadanggi ko lang. Taga-Howard din sya ano?" Tanong ko habang nakatingin pa din dun sa babae. Same uniform kasi kami. Pero teka, class hour pa ah! Bakit sya andito? Uso na pala talaga ang mag-cutting ngayon.
Tinitigan din naman ni Andrei yung babae. Aba at mukhang nagandahan pa!
"Wag mong sabihing type mo?" Tanong ko sa kanya.
"I know her. Pero bakit Howard ang uniform nya? She transferred?" Tanong ni Andrei.
"Aba! Ba't ako tinatanong mo? Sino ba kasi sya?" Tanong ko.
"She's Troy girlfriend. " Troy? Ah! The Gangster!
Si Troy Zamora, ang tinaguriang Gangster sa barkada ni Calvix. Ang pinagmumulan ng gulo at away. At biruin mo, may girlfriend pala yun.
"Come on." Sumunod nalang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang meron dahil puro pagkain ang nilalagay nya sa cart.
//
O___O
"A-Andrei -- Ba't tayo andito sa condo mo?" Niyakap ko ang sarili ko. Bakit ko ba naisip ang sumama sa lalaking to?!
"Mali yang iniisip mo. Magpapasama lang ako sayo. Tss." Sabi naman nya at nagtungo ng kusina.
"Umupo ka nalang dyan. Mukha namang wala ka ding maitutulong sa akin." Dagdag pa nya.
Umupo ako sa may sofa at itinaas ang paa. Andito na ko, eh di lulubus-lubusin ko na. Binuksan ko na rin yung tv. Syempre, cinemaone! Oww! Suddenly It's Magic ang palabas! Si Mario Maurer my loves!
Sa kabila ng saya ko, ako din ay nagluluksa. Bakit ba ang dami nilang kissing scenes ni Erich?! =_= </3
Tumakbo ako papuntang kusina. Ang bango kasi ng niluluto ni Andrei. Titingnan ko lang kung ano yung niluto nya, "Buffalo wings?!" This is my favorite!
"Wow! Tart? Yiee! Ang sarap!" Kumuha ako ng isang tart! Ang sarap talaga! ^^
"Oh, ba't may brownies dito? Nagbe-bake ka din?" Tanong ko sa kanya.
Tumango lang sya. Busy pa din kasi sya sa pagluluto. Tas gumagawa din sya ng dessert -- Ang FRUIT SALAD! Teka -- Ba't parang puro favorite ko to ah?
"Hmm, Andrei, di ba pwedeng ihatid mo na ko?" Sabi ko habang hawak-hawak ang busog kong tyan. Pakiramdam ko nga, hindi na ako makatayo sa sobrang sakit ng tyan ko.
Magkatabing naka-upo sa sofa ngayon, "Mamaya na. Wala akong kasama." Sabi naman nya.
"Pagabi na din kasi. Yung bags natin, andun pa sa room." Sabi ko. Pwede pa naman naming balikan yun eh.
"Bukas nalang natin kunin." Sabi naman nya.
"Pero gusto ko ng umuwi. Miss na ko ng mga magulang ko." Hindi na nya ako sinagot nun. Tss.
Pilit kong minumulat ang dalawa kong mata. Inaantok kasi ako. Ganto kasi ako pag busog. Eh hindi lang ako busog, busog na busog.
Hindi ko na nalabanan ang antok ko at unti-unti ng bumagsak ang sarili ko sa may sofa. At sa pagkahiga kong yun, naramdaman ko ang mainit na boses sa may taenga ko.
"Mas mamimiss kita pag umalis ka."
- - - - - - - - - - - - - -
[A/N: Next update? Di ko alam. Haha! Baka sa Wednesday! XD :)]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro