Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 11.2: Friendship

Chapter 11.2: Friendship

 

 

"C-Calvix..." Pilit kong minulat ang dalawa kong mata. Hinawakan ko ang kanang pisngi ni Calvix. Hindi ko alam kung bakit ko'to ginagawa. Basta ang alam ko lang, masaya ako dahil naga-aalala sya sa akin. Hindi na ako ang bastang-basta na Janelle na baliwala sa kanya noon. Kita ko sa mata nya ang pag-aalala, "T-Thank y-you." Then, everything went black.

//

"Janelle!! Anong akala mo sa ulo mo?! Bakal?! Ha?! Sumagot ka!" Medyo galit/ mapang-asar na tanong sa akin ni Stephanie. Kakadating lang nila sa ospital. Sermon kaagad ang salubong nila sa akin.

"Ay nako! Pag nalaman yan ni Tita yari ka!" Sabi naman ni Daniele.

"Papunta na sina Tita." Sabi naman ni Jamiatra.

"Si Kuya din." Sabi naman ni Stephanie. Si bestfriend!!

Nilibot ng mata ko ang kwarto kung nasan ako. Sina Calvix at ang barkada nya ay naka-upo sa may sofa dun. Sina Andrei, Gio, Bryan, Clarence at ang iba pa ay tulog na tulog na. Gamit nilang unan ang balikat ng isa't isa. Ang iba naman ay wala, baka umuwi na siguro. Tanging si Calvix lang ang gising na nandito at nakatitig lang sya sa direksyon ko.

Umiwas ako ng tingin. Shems! Ano ba tong nararamdaman ko?! Kilig ba to?! Oh noes! Hindi! Hindi! Eraseee!!!!

"Oh! Andito na pala kayo!" Salubong ni Juztine sa lahat ng makapasok ito sa kwarto. May dala silang mga pagkain. Akala ko umuwi na sila, hindi pala.

"Fatima! Andito kaaaaa~" Masayang sabi naman ni Dylan na akmang yayakapin na si Fatima pero umiwas ito.

"Hindi! Double ganger ko lang to! Lumayo ka sa kin!" Sigaw naman nito.

Malungkot naman na nagtungo si Dylan sa sofa at dahil sa makulit sya -- Ginising nya ang lahat ng barkada nya at sinabing 'Ni-rape daw sya ni Fatima!' Oh di ba -- Ang lakas ng tama nya kay Fatima?

"Janelle!" Kaagad naman na lumapit sa akin si Andrei. Halos mapa-ngiti naman ako dahil halatang-halata sa kanya ang pag-aalala. Nakakatuwa naman. Hindi ko ine-expect na mangyayari to. Buti nalang nangyari to! ^^

"Pwede ka ng makalabas bukas. Magpahinga ka muna sa ngayon." Si Calvix naman ang sunod na lumapit sa akin.

"JANEL-----"

"KUYA!!"

"KUYA TREVOR!!"

"Bestfriend!!" Mas napa-ngiti naman ako ng sobra ng makita ang bestfriend ko na hingal na hingal sa pagtakbo.

Oh lord, ano bang ginawa kong tama ngayong araw at parang pinaparamdam nyo sa akin na ang daming nagmamahal sa akin? *u*

"Bestfriend, okay ka na ba? Masakit pa ba?!" Sunod-sunod na tanong sa akin ni bestfriend. Wow naman! Thank you lord dahil binayayaan nyo ako ng maaalahanin na bestfriend! I love you Lord ~~~

"Nagdala ako ng damit ko -- Sasamahan kita dito. Bukas pa naman uwi mo di ba?" Tumango-tango lang ako. Hindi pa din mawala ang ngiti sa labi ko. Ang bait bait ng bestfriend ko! ^^ Ilang days pa lang kaming nagkakilala talaga at naging bestfriends pero parang ang tagal na ng pinagsamahan namin. ^^

"Gusto mo bang ---" Napatigil sya sa pagsasalita dahil ngayon nya lang yata napansin sina Calvix at ang barkada nito na andito din.

Napatingin ako kay Calvix. Nakakunot ang noo nito, "Alis na kami." Biglang sabi nito at nauna ng maglakad papalabas ng kwarto.

"Janelle, pagaling ka. Sorry. Dahil nadamay ka pa." Sabi ni Andrei at hinawakan ang kamay ko.

"S-Salamat." Sabi ko nalang.

"Bye Janelle. Sorry nga din pala." Sabi at tapik sa balikatko nina Troy, Gio, at ng iba pang barkada ni Calvix. Ngayon ko lang napagtanto -- Na mabait pala ang barkada ni Calvix. Na mali lahat ang iniisip ko sa kanila.

"Anak -- Sigurado bang okay ka lang?" Tanong sa akin ni Mama.

"Opo." Sabi ko naman.

"Gusto mo bang dito na din kami matulog?" Tanong nito.

"W-Wag na po." Busy ang mga magulang ko. At ang ayoko sa lahat ay ang iniistorbo ko sila, "Andito naman po si Trevor. Dito daw po sya matutulog. Di ba bestfriend?" Tanong ko kay Trevor na kakalabas lang ng banyo. Naghilamos kasi sya.

"Ah. Opo. Ako na po bahala sa kanya." Sabi naman nito.

Binalik naman ni Mama at Papa ang tingin nila sa akin. Mukhang alam ko na ang iniisip nila, "Dito din po matutulog si Stephanie at sina Daniele. Sasamahan po namin si Janelle." Mukhang nahalata din ni Trevor ang iniisip ng magulang ko.

"Sigurado ka ba anak? We can step aside all of our works para mabantayan ka namin." Hayy. Binebaby na naman ako ni Mama.

"Ma -- Wag na po. Kaya ko na po. Andito na din naman po ang mga kaibigan ko. Hindi naman po nila ako papabayaan." Sabi ko naman. Kaya ko na ang sarili ko -- Hindi na ako bata.

"Okay fine. Susunduin ka namin tomorrow morning, okay?" Sabay halik sa noo ko ni Mama at Papa.

//

"Say ahhhh."

*Iling-iling*

"Ako na. Kaya ko na talaga." Sabi ko at pilit kinukuha kay Trevor yung kutsara.

"Ako na." Pagpupumilit pa din nya. Kanina pa kami ganto. Hayy. Sige, pagbigyan.

"Ahhhh!!!" Para kaming mag-syota sa ginagawa namin, "Ang sarap! ^^" Tas sinubuan nya akong ulit. Si Stephanie, Daniele, at Jamiatra naman ay natutulog na sa may sofa. Napagod siguro kakapanik-baba kanina. Nag-boy hunting kasi sila. Ang galing eh noh? Sa ospital pa talaga naghanap!

Parang ulo lang, inospital kaagad ako? Tas stay pa ng one night? Tss. Mga ka-ek ekan na nalalaman eh!

Pinagmamasdan ko ang tulog na si Trevor. Shet! Baka Goddess ang lalaking to? Goddess ng kagwapuhan?! Bakit napaka-kinis ng mukha nya? Para syang anghel na natutulog.

"Hmmm." Hinawakan ko kasi ang ilong nya. Ang cute cute!!! ^^ Natutulog syang naka-upo dito sa may tabi ko.  Eh kung pahigain ko nalang din kaya siya? Waaa! Di pwede! Di pwedeeeeeee!

*TING*

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa may table.

From: Unknown Number

 

Sorry. –Calvix

 

 

Napa-upo ako sa kinahihigaan ko. H-Hindi ako pwedeng magkamali! Eto ding number na'to ang nagtetext sa akin dun sa isa kong cellphone! Kaya lang yung cellphone kong yun ay nawala na! Yung nagtetext ng prank messages!

Calvix? Hahaha! Sinong maniniwala sayo?! Ako pa ang napagtripan mo! Sus! Paano magiging si Calvix yan? Eh ni-hindi nya nga alam ang number ko! Saka -- Paano naman nya makukuha ang new number ko?

From: Unknown Number

 

Good night

 

 

I received another text from the same number. Pero bakit ganto yung pakiramdam? Is this what they called butterflies in stomach? OMG! NOOOOOOOOO!!!

**

Lumipas ang mga araw mas naging close na kami ng barkada ni Patrick. I'm trying to get them know better. Minsan nga, nakikisabay sila sa pag-lunch sa amin. Sabay-sabay kaming naglulunch sa may cafeteria. Kaya ang usap-usapan din sa buong campus ay ang lalandi namin! Tss!

Oo, kulang nalang sugudin, sabunutan, i-massacre ng fangirls ng barkada ni Calvix. Pero wala silang magagawa, lagi namin silang kasama! Hahahaha!

At eto kami ngayon -- Nasa Ice Cream shop. Nagpumilit kasi si Arianne na dito kami magpalipas ng oras.

"Kuya!! Sa akin yung chocolate!!"

"Gio!! Sa akin vanilla!!"

"Gio!! Sa akin ube!!"

"Sa akin mango flavor!!"

"Sa akin kahit ano!! Basta yung malamig!!" Binatukan naman namin si Stephanie. Kahit kailan talaga napaka nitong babaeng to!!

"Arayy naman!!" Sabay pout ni Stephanie.

"Steph!! Ang cute mo.........." Napatingin kami kay Juztine na nagsalita. Di kaya't may gusto sya kay Stephanie?

"Eh talaga Juztine? Eh di crush mo na ko?" *blink eyes*

"Ang cute cute mo... Ayan tuloy, ang sarap mong kurutin gamit ang nailcutter."

BASAG!!!

"BWAHAHAHAHAHA!!" Tawanan naman naming lahat.

"GAGO!!"

"Oo, alam kong gwapo ako!" Sabay kindat pa ni Juztine dito.

"Guys! Tingin kayo dito sa camera!" Sigaw ni Arianne. Nagvivideo kasi sya, "Calvix! Christopher! Tingin!" Napatingin ako kay Calvix.

Bakit kahit pagsubo nya ang pogi pogi nya pa din?

"Oh, anong problema?" Tanong naman ni Seth ay Andrei na kanina pa na tingin ng tingin sa cellphone nya.

"Si Lyka kasi -- Kanina pa hindi nagrereply. Ni-hindi rin sinasagot ang tawag ko." Malungkot na sabi ni Andrei.

"Sus! Babae lang yan..." Sabay subo naman ni Calvix. Palibhasa, playboy ka. Tss.

"Babae lang? Sige nga -- Bakit hindi mo pa din makalimutan si Aubrey?" Agad namang nanahimik si Calvix sa sinabi sa kanya ni Troy. Ha! Aubrey lang naman pala ang pang-tapat sayo! Pero teka -- Ano ba tong nararamdaman ko? Weird.

//

"Sige, bye." Paalam namin sa isa't isa. Nagsisakayan na sila sa mga sari-sariling kotse nila. Akmang lalakad na ako --

"Janelle, hatid na kita." Sabi sa akin ni Andrei.

"Si----"

"No, ako na ang maghahatid sa kanya." Napatingin ako kay Calvix.

Tama ba ang naririnig ko? Ihahatid nya ako? Teka -- Kanino ako magpapahatid?

- - - - - - - - - - - - - -

[A/N: Sorry ngayon lang. Nagkasakit ako eh. Next chapter will be Janelle and Andrei.] 


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro