Chapter 11.1: Falling
Chapter 11.1: Falling
Calvix’s POV
“Himala! Ayaw mong mag-kama ngayon?” Tanong na naman sa akin ni Andrei. Hindi ko sya ulit pinansin at kinuha nalang ang cellphone ko at nilagay ang earphone sa taenga ko.
“Baka nahipan ng hangin.”
“Hindi. Baka na-realized nya na baka magka-aids na sya.”
“Gago! Hindi naman siguro. Baka naman -- Nagsawa na?”
“Mga ugok! Baka naman -- May problema?”
“Tange! Pag may problema yan mas lalo nyang gusto mag-kama ng babae!”
Binato ko sila ng bag ko, “Mga ulol kayo! Rinig ko ang lahat ng mga pinagsasabi nyo!” Sigaw ko sa kanila.
Pero nagtawanan lang ang mga gago, “Eto naman! Hindi mabiro!” Sabay suntok sa akin ni Andrei. Tinitigan ko lang ng masama ang pinsan ko. Bakit ako pa ang nalabas na mas mahilig sa babae sa aming magbabarkada? Eh wala naman sa itsura ko. Bakit hindi si Andrei? Eh sya tong pinaka-pervert sa aming magbabarkada! Pero sya, virgin pa. Oo, virgin pa ang gagong yan. Hindi ko alam kung bakit -- Pero, napipigilan at kayang-kaya nya daw pigilan ang tukso. At sa babaeng mahal nya daw talaga ibibigay. Ang gay ano? Ganyan din ang sinabi ko noon. Sa babaeng mahal ko -- Pero, hindi naman ako mahal, ni-minsan hindi nagawang mahalin. Napaka-tanga ko.
“P-Patrick…”
“Game… So, that’s your game.” Natatawa pa ako noong mga oras na yon, “You should’ve told me that it’s a game. You should’ve told me you just want to be get closed to Trevor. You should’ve told me to be just your boyfriend because you want to know the feeling of being a girlfriend of the campus heartthrob. You should’ve. Coz’ I’ll help you.” Bakit kahit magalit sa kanya hindi ko magawa?
“You know I already have feelings for you when we we’re in Grade 6 students. You should’ve told me earlier that Trevor is the guy.” Tao din ako. May puso. May nararamdaman. Bading na kung bading. Pero -- Para akong isang bata na naagawan ng candy.
“Dapat hindi ka na gumawa pa ng ibang paraan para mas lalo akong mahulog. Dahil simple lang naman ang buhay ko di ba? Kahit masilayan lang kita, okay na sa akin yun. But you confessed -- that you liked me. I was really happy back then.” Kung luluhod ba ako sa harapan mo, babawiin mo ba ang sinabi mo na laro ang lahat ng yon? Na sasabihan mo ako na ‘Mahal kita Patrick.’
“But the 1 year being relationship with you -- It’s just all of your game. How stupid I am.” Ang tanga-tanga ko.
“Good job Aubrey. You accomplished everything. What a nice game.” Then, I walked away.
Alaalang halos mabaliw na ako sa sobrang sakit. Wala na akong ibang ginawa kundi ang ibuhos nalang ang sakit na nararamdaman ko sa mga taong nakapaligid sa akin.
Now I already know the feeling of being the player one.
Ano ba ang gusto mo Aubrey? Attention? Kasikatan? You should’ve told me. Kaya kong ibigay sayo. Handa naman akong magpagamit sayo. Mahal kita, alam mo yan. Dapat sinabi mo. Para sana hindi ko na binigay ang buong pagkatao ko. Pati ang respeto ko sa sarili ko, nawala na. Dahil lang sa gusto kong maranasan ng iba ang naramdaman ko -- How it feels to be the one who’s left hanging -- How it feels to lost your precious thing in someone who doesn’t love you back.
You made me like this Aubrey. But why can’t I be over you?
Why I’m still hoping you will come back to me?
“Pero Calvix, paano pag nagka-aids ka?” Nanlaki naman ang dalawa kong mata sa bulong sa akin ni Andrei.
Binatukan ko naman sya, “Ni-hindi pa nga nalampas ng lima ang naikakama ko ah! Tas aids kaagad?!” Galit kong sabi. Tss. Baka iniisip nyo na sobrang dami na ng naiisiping ko ah! Hindi ah! Mga apat pa lang siguro, kasama na dun si Aubrey. Mapili din ako pagdating sa ganyan. Saka, sanay ako ng -- make out. Pero may control pa din naman ako sa sarili ko. Kaya kahit papaano napipigilan ko pa.
“Bakit ang init parehas ng ulo nyo ni Brandon?!” Sabay turo nya kay Brandon na sobrang sama ng titig sa screen ng cellphone nya -- na kulang na lang ay mapisaot ang cellphone nya sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya.
“Oh, anong problema nun?” Tanong ko naman. Kilala ko si Brandon. Palaging nakabusangot ang mukha nyan. Never yang ngumiti. Isang beses ko lang syang nakitang ngumiti -- Ayun ay yung hinubuan ng barkada si Andrei noon. Pero pagkatapos nun, balik na naman sa dati.
“May nagtetext ba naman kasi na unknown number sa kanya. Tas ang tawag sa kanya ay babe! Haha! Ang lakas nga ng trip eh! Basahin mo din yung texts! Tas tingnan mo kung kilala mo yung number. For sure, andito lang yun sa room.” Sabi naman nito. Hindi rin si Brandon ang tipo ng lalaki na binibigay ang number nya. Kami lang yata at ibang ka-classmate namin ang laman ng contacts nyan eh.
“Ha! Let me find that number.” Nag-cross arm ako. I’m the president of this class. Also the president of the campus. Sino kaya ang nantitrip sa barkada ko? Let’s see.
**
“Uy pre! Okay ka lang ba?” Tanong ni Clarence kay Andrei na kanina pa tahimik.
“Dapat hinatid natin si Janelle kanina palabas ng gate.” Sambit naman nito.
Napatigil naman kami sa paglalakad -- Hindi kaya’t type nito si Janelle?
“Magsabi ka nga ng totoo. Tipo mo ba ang babaeng tulad ni Janelle?” Sabay pa naming tanong ni Jared. Dahil kung oo, aba! Sa akin nalang ang girlfriend nya -- Lyka. Tutal naman type na type ko yun. Napaka-bango pa.
“G*go!” Ayun nalang ang sinabi nya at nauna ng maglakad. Nagtawanan naman kaming lahat. May something nga siguro.
Nagpasya kami na sa Van muna kami ni Gio sasakay. Para naman magkakasama kaming lahat. Kesa naman sari-sariling sasakyan -- Layo-layo kami.
“Oh bakit? Type mo si Fatima? Wag! Akin yun!” Pag-aangkin ni Dylan kay Fatima. Iba pala talaga ang first love ano? Kahit ilang taon pa ang lumipas, sya pa rin talaga.
“Sinasabi ko bang type ko? Sus! Crush ako nyan! Kung makatingin sa akin kanina eh!” Mukhang naasar naman si Dylan sa sinabi ni Jared, ang sinasabing ‘cute’ sa aming barkada. Ang positive boy! Hindi yan nasuko sa isang bagay -- Minsan, may pagka-mahangin.
“Mahal naman ako nun!” Pakikipagtalo ni Dylan.
“Hindi naman kayo!” Pakikipagtalo din naman ni Jared.
“Eh di liligawan ko!”
“Ako muna!”
“Ano to? Pagkatapos mo, ako?! Sipain kita dyan eh!” Medyo nainis ng sabi ni Dylan. Hala! Minsan lang yan mainis! Kanya kasi si Fatima! Wala ng kokontra!
“Gio! Itigil mo ang sasakyan!” Sigaw ko. Binuksan ko ang bintana ng van.
“Sino yun?! Wala akong kilalang Calvix!!”
“Sinungaling. Ikaw yung kasama nya.”
“Ako? Baka nagkakamali ka lang.”
“Ikaw yun. Sigurado ako. Di ba pre sya yun?”
“Oo. Sigurado ako.”
“Janelle?” Sabay-sabay naming sabi. Napapalibutan si Janelle ng ilang mga lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, mga taga-Miller na naman to. Ang grupo ni Owen. Mas madaming lalaki ang mga ito. Mukhang kompleto sila ngayon ah. Dahan-dahan kaming nagbabaan ng van.
“Kuya naman! Wala nga po akong kilalang Calvix! Unli eh…”
“Wag ka na kasing magsinungaling! Ikaw nga yun di ba?”
“Hindi nga eh! Kulit! Makaalis na nga! Bahala kayo!”
“Hep hep! Saan ka pupunta?” Hinawakan na ng dalawang lalaki ang kamay at balikat ni Janelle.
Sh*t!
“Calvix, sandali lang…” Pilit akong pinigilan ni Troy, “Madami sila.” Sabi nito sa akin.
“Baka mapa-ano si Janelle.” Tinanggal ko ang pagkakapit nito sa kamay ko.
Pero pinigilan pa nya akong ulit, “Ni-hindi pa nga masyadong magaling ang ibang sugat natin tas makikipag-away na naman tayo?” Sabi nito.
Tinabig kong ulit ito --
“I’d rather be hurt to death than to see them holding her.”
Ano ba tong lumabas sa bibig ko?
Why am I being like this?
“Fine.” Binitawan na ni Troy ang pagkakapit sa braso ko. Nagtanguhan kaming lahat. Meaning, iligtas si Janelle sa kamay nina Owen. Sabay-sabay kaming humakbang.
“Calvix, tamang-tama ang dating mo. Nasa amin ang girlfriend mo.”
“C-Calvix…”
“BITAWAN NYO SI JANELLE!”
*BOGSH*
*BOGSH*
“C-Calvix…” Shet!
Hinarap ko sya, “TUMAKBO KA!” Sigaw ko sa kanya!
*BOGSH*
Ilan pa kayang pasa, sugat ang kayang tamuhin ng mga mukha ng mga lalaking to?
Nakakasawa na. Ayaw nila akong tigilan.
“JANELLE!!!!”
“Anong ginawa mo?!”
“H-Hindi ko a-alam! Humarang sya!” Pagkatapos ay binitawan nito ang bakal na hawak.
“FVCK! TAKBO NA!”
“Janelle! Kailangan natin syang dalin sa ospital!” Binuhat ko si Janelle at dali-daling isinakay sa may van.
“Gio! Paki-bilis naman!” Sigaw ni Christopher. May natulo na din kasi dugo sa likod ng ulo ni Janelle. I already had some blood stains in my polo shirt.
“Janelle…” Hinawakan ni Andrei ang kamay nito.
Tiningnan ko si Janelle. Napaka-inosente ng mukha nya. And I accidentally looked at her lips --
Dug dug.
Agad kong iniwas ang tingin ko. Hindi pwede to.
“C-Calvix…”
- - - - - - - - - - - - - -
[A/N: Sorry kung hindi maganda ang update. Nag-update na ako ng maaga kasi hindi ko alam kung kailan ulit ang update ko. Pat 1 lang to. Hindi ko alam kung kailan ko ipopost yung part 2. Haha! Ang busy ko po kasi! Busy sa panonood ng The Heirs, Marry Him If you Dare & When a man falls in love. Hehe. Sorry ulit. :)]
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro