Chapter 9: Agreement
Chapter 9: Agreement
"Drink it."
Nanginginig ang kamay ko ng tanggapin ang isang baso ng tubig kay Mr. Aranillo. Halo masamid ako ng inumin ko 'yon. Andito kami sa hacienda nila Nicholai at sobra akong nahihiya dahil napaaway sila ng dahil sa 'kin.
"Still scared?"
Tumabi sa kinauupuan ko si Mr. Aranillo. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid. Sila Nathan at Nicholai ay nasa kabilang sala at ginagamot ng mga katulong ng kanilang mga sugat. Tanging kami lang ni Mr. Aranillo ang andito.
I'm scared of you, Sir.
Tumango ako bilang sagot at pinatong ang naubos kong baso ng tubig sa isang maliit na lamesa na malapit sa 'kin.
"I told you... kung kailangan mo ng tulong andito lang ako."
I bit my lower lip. I don't know what to do. I want to ask for help... but not in him. Takot ako sa kanya.
Huminga ako ng malalim, "My life is a mess and I badly want everything to go back to where it was." Napasapo ang dalawang kamay ko sa mukha ko. I want to cry all night. Pagod na 'ko. Kung alam ko lang na magkakanda-leche leche ang buhay ko, eh di sana noon palang ay nagtabi na ako ng pera at hindi na naging magastos pa.
Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko, "Shh. Don't cry. I'm here to help you. I didn't mean to scare you..." He said in a low voice.
Pinunasan ko ang luha ko, "You told me you need my help, right? Ano ba 'yon? Is this a job?" Sunod sunod kong tanong. Para bang nawala na ako sa katinuan ko. Nilunok ko na ang nag-iisang bagay na ipinagmamalaki ko... ang pride.
Napangiti si Mr. Aranillo ng tanungin ko 'yon. He crossed his arms and leaned his back on the sofa. He placed his feet on the table. "Now, you're interested..."
I raised my eyebrows on him. Drop the honorifics, Irene!
"Because I want to wake up from this nightmare!" My voice raised.
"Give me your copy of grades and good moral." Napakunot ang noo ko. "Ah, don't worry about it. My secretary will get it for you."
"Wait... what are you talking about?"
I looked at him, still confused what he's talking about, "I'm going to enroll you, buy you a condo, return your Dad to his position and I'll help your Mom & Dad to restore their businesses in Thailand and China. Sounds great, right?"
"How can you do that?" I asked him. I can see in his eyes that he's really serious about it.
He smirked, "I'm Patrick Calvix Aranillo, hija. Mr. Sagisaka trust me more than your Dad. I can be your Dad's business partner in his small company in Thailand. I can also help him to get an investors. What do you think?"
Napaawang ang bibig ko sa narinig ko. This is a great deal!
I took a deep sighed. I was out of words. I can't think straight. There's inside me saying that I can't agree with this guy! But there's inside me saying that this guy is an angel who sent from God to help us.
"Deal."
I saw his smile again. A smiled that my hands shake in fear. How can a person smile like that? He's starting to scare the shit out of me!
"Okay then... Give me your number."
Inabot niya sa 'kin yung phone niya at nilagay ko yung phone number ko doon. "I'll text you the address. You'll go in my office."
I was about to asked him why when Nathan called my name. "Irene – Dad?"
Hawak hawak niya ang kanyang braso na may benda at gamot na rin ang kanyang mga sugat sa mukha. I looked away because he's shirtless!
"What are you two doing here?"
Tanong sa 'min ni Nathan. Damn! I can't even look at him! Naramdaman ko nalang ang pagtayo ni Mr. Aranillo sa inuupuan namin.
"Your friend explained me what happened. Don't worry, ipapakulong ko ang mga gagong 'yon." Nakita ko ang pagtapik sa balikat ni Mr. Aranillo sa kanyang anak.
"Oy, Irene! Anong sinabi mo kay Dad?"
Katabi ko na ngayon si Nathan at hindi man lang ako makatingin sa kanya. "Bakit ba hindi ka makatingin sa 'kin?!" Naiinis na niyang sabi sa 'kin.
His body is not that muscular. May abs rin siya kahit papaano pero hindi tulad ng mga nakikita kong katawan sa mga varsity players. He also has this broad shoulder that is one of his charms.
"Mag-shirt ka muna!" Sigaw ko sa kanya nang hindi pa rin siya nililingon.
"Naaakit ka ba sa 'kin?"
Nanlaki ang mata ko ng sabihin niya 'yon. Napaharap tuloy ako sa kanya ng wala sa oras! Hinampas ko siya ng mahina sa braso dahilanan para mapaaray siya.
"Hala sorry!"
Nadali ko kasi yung sugat niya. Napatayo ako sa sobrang taranta ko. Ako na nga ang dahilan kung bakit napaaway sila ni Nicholai tapos nadali ko pa yung sugat niya.
"Mag t-shirt ka na nga muna kasi!"
"Hindi nga pwede! Pinapatuyo ko yung gamot dito sa may dibdib ko!" He shouted as he groaned in pain.
Muli akong umupo at inayos ang pagkakalagay ng benda. Ilang sandali lang ay nawala na ang sakit nito at natahimik ng muli si Nathan.
"Okay ka lang ba?"
Tanong niya sa 'kin nang isandal ko ang likod ko sa may sofa. I crossed my legs at pinatong ang unan sa may hita ko.
"Ayos lang ako. Ikaw ba?"
He nodded, "I'm okay as long as you're okay."
--
Palihim akong bumiyahe ngayon papuntang Manila. Naglakas-loob ako na sumakay sa bus ng madaling-araw. Tumakas lang kasi ako sa bahay. Pag nakadating na ko sa Manila, saka ako magtetext kay Dad. Alam niya kasi na pupunta ako sa Dad ni Nathan at gusto niya akong samahan pero tumanggi ako.
Ilang oras ang byahe kaya nakatulog ako. Pagkagising ko ay nasa terminal na pala kami. Sumakay ako ng taxi at sinabi kung saan ang punta ko.
Nakatingala ako sa isang malaking building. Binasa kong muli ang text para makasigurado ako na nasa tamang lugar ako. Nagtungo ako sa may guard na bantay sa labas at tinanong ito, "Pwede po ba magtanong?"
"Oo naman, hija."
"Andito po ba si Mr. Aranillo?"
"Opo, pero hindi ko po alam kung pwede niyo siyang makausap dahil may padating pong investors ngayon galing China. Tanong nalang po kaya dyan sa loob. Dyan sa may lobby." Tinuro ito sa 'kin ng guard kaya naman nagpunta kaagad ako doon.
"Uh, may appointment po ako kay Mr. Aranillo. Pinapapunta niya po ako dito." Sabi ko dun sa babae na singkapal ng rosas ang labi. Napansin ko na halos ng workers na babae dito ay ganoon na lamang kakapal ang make-up. Napailing nalang ako. Baka nanibago lang ako. Ito yata ang epekto ng ilang buwan na nasa probinsya.
May tinawagan ito na kung sino. Hindi ko ito marinig dahil mahina ang boses nito. Ilang minuto ang lumipas at binaba na nito ang teleponong hawak niya. "Mr. Aranillo is waiting for you in his office. Guard, paki-assist siya. Utos ni Sir."
Sinamahan naman ako nung guard. I'm like a VIP person here. Ang iba'y hindi makapasok kanina na nakasabayan ko. Ang kasabay ko ngayon sa elevtor ay mga kinakabahan dahil sa job hiring ngayon sa company na 'to. Mr. Aranillo is a busy man. Lalo na ngayon pero gusto niya akong makausap. Saka, nakapayag na ako noong nasa Hacienda kami nila Nicholai ng mapaaway sina Nathan sa bar ng dahil sa 'kin.
"49th floor."
Lumabas na ang nagaassist sa 'kin na guard. Meaning, andito na kami. Tumambad sa harapan ko ang isang malaking pintuan. It's made of glass kaya kita ko na sa loob si Mr. Aranillo. He's busy looking in his laptop. Nilibot ng mata ko ang buong floor at narealize na ang buong 49th floor ay office lamang ni Mr. Aranillo.
Inikot nito ang kanyang swivel chair. Nag-angat ng tingin si Mr. Aranillo kaya naman nakita niya kami kaagad. Sumenyas siya sa guard na papasukin na 'ko. Iniscan ng pintuan ang fingerprint ng guard na 'yon at nagbukas ang pintuan. Pumasok ako at naiwan sa labas ito.
"Good morning."
Kaagad akong umupo sa may sofa don. I don't need to give him any respect. I know he knows everything about me, like me being a rude person. Tumayo siya sa kinauupuan niya at tinanggal ang salamin na kanyang suot. He drank a wine and gave me a glass of juice. Umupo siya sa tabi ko kaya naman napasuod ako ng kaunti. Tiningnan ko lang yung juice sa harapan ko. Mamaya may lason 'yon o kaya pampatulog.
Sumandal ako, gayon din naman siya. I crossed my arms, "Are you really serious about giving my Dad a last chance?" He smiled while he nodded his head. "I want to hear a conversation with you and Mr. Sagisaka as a proof." I said that made him laughed.
Pinatong niya ang hawak niyang baso sa lamesa at sumandal muli, "You're a smart girl."
"What about my tuition? My new condo? Naayos mo na ba?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Natawa lang siya that made me feel confused kung seryoso ba siya sa usapan namin na 'to. I agreed with him... without knowing what game it is. Pero wala na kong pake, basta makawala na ko sa pesteng sitwasyon na 'to. I'm tired of working all day.
Nilabas niya sa brown envelope ang enrolment certificate ko it means naka-enrolled na ko sa Howard U. That's too fast. Noong isang linggo ko lang pinasa sa kanya ang good moral, grades, etc. ko.
"How about my Dad? Did you tell him?"
Tumango ito bilang sagot, "Yeah. I said that I chosen you as my scholar student. He even joked that you're not that smart to be my scholar." I rolled my eyes on him.
"What about my new condo?"
"I already bought you one. We're going there after you meet them."
Tumaas ang kilay ko at napakunot ang noo ko, "Sinong sila?"
Tumayo ito mula sa kinauupuan niya at nagtungo sa kanyang lamesa. Kinuha niya ang phone niya at may tinawagan siya na hindi ko alam kung sino. Tumayo na rin ako at unti-unting naglakad papalapit sa kanya. "I'm asking you, sino sila?"
He smiled, his phone is still with his ear. "Ah, I forgot to say this. I'm not the –"
"Hello?" "Okay okay. She's here."
Hindi pa din mawala ang kunot sa noo ko. Hindi ko maintindihan.
*TING*
We both turned our heads nang tumunog ang elevator. Bumukas ito at nakita ang mga lalaki na nakasuot ng black suit. Hindi ko sila mabilang kung ilan ba sila. "He's one of them." Bulong sa 'kin ng Dad ni Nathan.
"Huh?"
"The one who needs your help."
At bumalik ang tingin ko sa mga lalaking ngayon ay papasok na sa loob.
- - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro