Chapter 6: Graduation Ball
Chapter 6: Graduation Ball
"If you want everything to go back to where it was, will you play a game with me?"
"Irene!"
I was in deep thought when Lei called out my name. Bumalik ako sa wisyo ko at muling napatakip sa taenga dahil sa ingay. We're here at World Trade Exchange, 17th floor. The night is young and everyone is busy partying.
Dito ginanap ang aming graduation ball. Hindi pa din mawala sa isip ko yung sinabi sa 'kin nung Dad ni Nathan that made me feel uneasy.
"Kinausap ka lang nung Dad ni Nathan napapaisip ka na! Now, tell me, anong binulong sa'yo ah?! Boto ba daw siya sa'yo sa anak niya?! Spill, friend." I bit my lower lip.
"This is not the right time for you to answer. I'll come and find you, Ms. Desylvia."
Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Nathan na nakatingin sa may direksyon ko. Is he curious too? Kung ano ang sinabi sa 'kin ng Dad niya?
"Alam mo bang lahat ng estudyante dito iniisip na may relasyon kayo ni Nathan?" Halos mabuga ko yung iniinom kong lemondrop.
"What the fvck?! Hindi 'no! Seriously?! Tingin mo papatol ako sa kanya?! Kadiri!" I defended.
Lei just nodded, "Baka kainin mo 'yang sinabi mo." She even smirked at me.
I slammed my drink down on the table, "Can you please stop?"
"Okay fine." Natatawang sabi ni Lei, "Puntahan ko lang sina Joanna." Dagdag pa nito at iniwan na naman akong mag-isa.
Pinagmasdan ko ang paligid. Sobrang wild ng mga estudyante. Lalong-lalo na ang mga lalaki sa dancefloor. Hindi maalis ang tingin ko sa mga lalaking varsity player sa gitna. Gusto kong lumandi ngayong gabi pero may nagpapagulo pa rin sa isipan ko. Gusto kong uminom pero hindi pwede dahil uuwi pa ako sa probinsya. I want to ask Nathan if he can drive me home pero mukhang napapasarap rin ang inom niya ngayon kaya baka hindi siya kina Nicholai tumuloy. Should I ask Nicholai nalang kaya?
Halos mapabalikwas ako ng upo ng may kumuhit sa likuran ko. Isa sa mga staff ng hotel na nagse-serve sa 'min kanina. "Bakit po?" Medyo magalang kogn tanong dahil mukhang may edad na rin naman ito.
May hawak-hawak siyang isang sobre at mukhang alam ko na kung ano 'yon. "May nagpapabigay po."
"Sino?" Tanong ko dito ng hindi pa tinatanggap yung hawak-hawak niya.
Kahit alam ko na isa lang sa mga admirers ko yung nagbibigay sa 'kin syempre curious pa din ako kung sino siya. "Now tell me, sino po ang nagpapabigay sa inyo?" Oops. My manners. Medyo tumaas na kasi ang boses ko.
"Mawawalan po ako ng trabaho pag sinabi ko sa inyo."
I took a deep breath and accepted it. Nagpasalamat naman ito sa 'kin bago umalis. Binuksan ko 'yon at binasa ang nakasulat,
You're showing too much skin, my princess.
I rolled my eyes and ripped it. Damn you! Sino ba 'to?! He's starting to creep me out! Naglakad ako papalapit sa mga kaibigan ko kasama ang mga boyfriends nila. I want to tell them about those letters pero wala rin naman silang magagawa para matigil 'yon.
"Ayos ba lang friend kung andito ka? PDA kami dito." Joanna laughed and his boyfriend, Christopher, hugged her from behind.
I rolled my eyes, "Don't care. Wag lang kayong magse-sex sa harapan ko." Hinampas naman ako ng mahina ni Joanna dahil sa kilig niya. Si Christopher naman ay natatawa nalang sa sinabi ko.
Kinuha ko nalang ang phone ko at sumandal. Gusto ko sanang maglagay ng earphones pero sobrang lakas na ng music. Nang iangat ko ang ulo ko, nakita ko kung gano ka-sweet si Lei at ang boyfriend niya. Nakaakbay lang sa kanya si Joseph tapos nagkukwentuhan sila. Hindi tulad nitong sina Joanna at Christopher na naglalaplapan sa harapan namin.
Napukaw ng atensyon ko ang lalaking mag-isa sa isang tabi. May earphones ito sa taenga that made me laughed. Is he stupid or what? Gaano kaya kalakas ang volume niya?
He's Janus Andre Rodriguez, our batch summa cum laude.
Patayo na sana ako ng may babaeng lumapit sa kanya. She's tall and pretty – No, scratch that. Ako lang ang maganda dito. She's tall and skinny. As far as I know, Section D itong babae. Tumabi ito kay Janus kaya naman tinanggal na nito ang earphones nito sa taenga.
Kaya naman umupo akong muli at pinagmasdan nalang silang dalawa. I thought he's a loner, pero may girlfriend siya? Ay, mali. I don't think na sila. Seeing him right now, para bang hindi niya rin kilala yung girl.
Nagbago ang music at naging love song ito kaya mas humina ang tunog. Out of curiosity, lumipat ako ng upuan kung saan pwede kong marinig ang usapan nila.
"Friend, what are you doing?"
Nagtataka sila sa 'king lahat. "Gusto ko lang dito. Now, move." I ordered them. I sipped on my drink as I eavesdropped.
"Want gin?"
"Eh whiskey?"
"I can get it for you."
Malanding tono ng boses na 'to. Dahil sa sunod-sunod na tanong niya, alam kong hindi siya binibigyan ng sagot ni Janus. I'm not actually familiar to his voice dahil nung nag-speech lang naman siya kanina sa stage dahil siya ang Summa Cum Laude, dun ko lang narinig ang boses niya. Tapos ang ikli-ikli pa ng sinabi niya. Pansin ko nga kanina, wala ang atensyon sa kanya ng lahat. Pero noong Magna Cum laude ang nag-speech kanina sa unahan, talagang hiyawan. Bakit? Kasi si Nathan 'yon He's just a second after all pero sikat talaga siya.
"You did that on purpose!"
Dahil sa malakas na boses nito, ilang estudyante ang nakaagaw ng pansin nito. Lumingon ako sa likod ko at nakita na ang babaeng nakatayo. Galit na galit ito habang pinupunasan ang damit niya. Tumayo ako para sana tulungan siya pero napahinto ako ng tumayo si Janus. May hawak-hawak siyang tissue at akmang pupunasan niya rin ang damit nung babae ng sampalin siya nito.
"Your mom called my mom asking me to entertain you!"
Huminto ang music kaya naman mas lalo silang agaw-atensyon sa mga tao. He's just standing there – no emotions.
"Maybe, that's why you have no friends. You're really a weird person."
Tapos ay binuhusan niya ng drinks sa mukha ni Janus that made me angry inside of me. This time, lumapit na ako sa kanila dala-dala yung drinks ko at binuhos ko rin sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya. Not expecting that Irene Desylvia will butt in a situation like this.
"Ano bang kinagagalit mo?" Medyo mahinahon kong tanong sa kanya. "Yang natapunang damit mo ba na binili mo pa sa Divisoria?" Then everyone laughed.
Akmang sasampalin niya ako pero nahawakan ko ang kamay niya, "You're starting to piss me off. I'm giving you a chance to get lost."
"Go Irene!"
"Woooo! Our princess is on fire!"
"That's Irene!"
Ngumisi ako sa kanya, "Even your Section is shouting my name." Tinabig niya ang kamay ko at galit na umalis sa harapan ko.
"Woah, friend!" Napalakpak pa sina Lei na lumapit sa 'kin. "Akala ko kakailanganin mo pa ng back-up! She's Stacy, the war-freak in Section D. Pero bitch words mo lang, tumiklop na! Idol talaga kita, friend!" Sina Christopher naman ay napalakpak-palakpak pa.
Kinuha ko yung panyo ko sa pocket ko at humarap kay Janus. Inaabot ko sa kanya yung panyo ko pero para bang nagdadalawang isip pa siya kung kukunin ba niya ito o hindi. Kaya ako na mismo ang lumapit sa kanya at pinunasan ang basa niyang mukha at buhok.
"Umm Lei, can you get me more tissue?" Utos ko kay Lei.
"A-Ah eh sige." Napatingin ako sa likod ko at nakita silang lahat na nakatingin sa 'min. I gestured my hand to tell them to go away and mouthed them to 'get lost'.
Parehas kaming napaupo at dumating si Lei na may dala-dalang isang kahon ng tissue. Minutes passed ay nasa may tabi ko pa rin siya. I also told her to get lost. Bakit parang big deal sa mga tao ang paglapit ko kay Janus?
Kinuha niya sa 'kin yung tissue at siya naman ang nagpunas sa sarili niya. Kita ko rin kasi sa mukha niya na naiilang siya sa ginagawa ko kanina.
"Remember me?"
Napaangat ang ulo niya at para bang inaalala niya kung saan ba niya ko nakita. Umiling lang siya at muling binalik ang atensyon sa pagtutuyo ng damit niya.
Ow. My pride hurts! "Y-You don't know me?"
"Should I know you?"
I took a deep breath and calm myself, "Then, I should introduce myself." I extended my right arm asking for a hand shake, "I'm Irene Desylvia." I smiled.
"Janus. Janus Rodriguez."
"You don't won't to shake hands with me?" I gave him a lonely tone. Kasi naman ay tiningnan niya lang yung kamay ko.
"Fine. Janus Rodriguez." Pagpapakilala niya. Nagshake hands kami pero sobrang saglit lang. Para bang isang segundo lang. Is he shy? I'm staring at him while fixing his hair. Para kasi siyang naligo dahil sa basa ng buhok niya.
"Should I get you towel? Para mabilis matuyo?" I asked him but he shook his head.
I stopped from talking to him when I saw him looking at my back. Napalingon din tuloy ako sa likod ko. Nagsisibulungan ang lahat. Some are laughing at us. Puro sila Section A. Meaning, puro classmates niya.
"What's the matter? They are your classmates, right?"
Napatungo naman siya, "Don't talk to me."
"Why not? May sarili akong bibig kaya kakausapin ko kung sino ang gusto kong kausap."
Napansin ko ang unting paglayo sa 'kin ni Janus nang biglang may humawak sa balikat ko, "Yow, beautiful princess! Why are you talking to that weird person? Baka mahawa ka, sayang ganda mo." Then, they all laughed.
Si Terrence. Isa sa varsity players at Section A rin siya. "Isn't he your classmate?" I asked.
"No, he's not." And they're still laughing.
I furrowed my eyebrows, "Huh? Eh di ba siya ang Summa Cum Laude?"
They just shook their heads at wala pa ring hinto ang pagtawa. "Bakit ba kayo natawa? Nababaliw na ba kayo?"
Inakbayan nila si Janus at nagulat ako ng batukan nila ito. "He's invisible. Tanging mga teachers lang namin ang nakakakita sa kanya. Right, guys?"
Nakatungo lang si Janus at wala man lang magawa. I want to ask them to stop but no words came from my mouth. I'm just staring at him and somewhere in my heart saying that he needs someone to protect him. That he needs someone who can treat him he's not invisible.
Marahan kong pinikit ang mga mata ko at huminga ng malalim, "Terrence, stop." And that made him and his friends stopped from hitting him. "Hitting him wouldn't make yourself greater than him."
This time, napaangat na ang ulo ni Janus. Nagtama ang mga mata naming dalawa.
I'm sorry I can't do anything.
"You're siding on him?"
I nodded my head, "Yes."
I saw Terrence jaw clenched. Tinanggal na niya ang pagkakaakbay kay Janus at lumapit sa 'kin. "I didn't know you have this personality who butt in others business." He hold my chin pero agad kong tinanggal 'yon.
Bigla namang dumating sina Joanna sa direksyon namin kasama ang mga boyfriends nila. "Terrence, nakainom lang 'to! Don't mind her! Pag kasi nakakainom 'to, mahilig makielam!" Lei shouted. Hinigit nila ako palayo. "Friend, tara labas na tayo!"
But before I left, I looked again in his eyes,
Next time fight back, you idiot.
And before the door closed, I saw him smiled at me.
- - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro