Chapter 4: Not the real Nathan
Chapter 4: Not the real Nathan
"Señorito! Mas lalo kang gumwapo!" Lumapit ang isang matandang babae dun sa Nicholai at niyakap ito. "Nathan! Hijo, ikaw na ba 'yan?! Kay tangkad na bata! Mas lalo ka ring gumwapo!" Lumawak ang ngiti ni Nathan. So, mag-bestfriends pala ang mga mokong na 'to.
Nagkagulo ang mga kababaihan. Para bang ngayon lang sila nakakita ng sobrang gwapong mga nilalang. I admit, gwapo talaga ni Nathan. Like hello, he's a Prince. That's what everyone called him. He has this red lips, cute eyes, pointed nose and fixed hair. Idagdag mo pa ang magagandang pangangatawan niya at ang height niya na nasa 6'1.
"Nathan..." Pagpapakilala niya sa mga babae rito. His even shaking his hands with them. Pero sa school, ayaw na ayaw niya sa mga babae. May mga nagiging girlfriend naman siya pero iwas rin siya sa mga babaeng naghahabol sa kanya. Sobrang kinikilig naman ang lahat. Lalo na si Marian sa may tabi ko na feeling ko namumula na ang braso ko kakahampas niya.
He was about to extend his arms on me ng makilala niya kung sino ako. I raised my eyebrows that made him confused why I am here. Tumingin siya kay Nicholai na wala namang emosyon ang mukha na para bang expected niya na andito ako. "What are you doing here?"
I crossed my arms, "Same question for you. What the hell are you doing here?"
Ang lahat ay nakatingin lamang sa aming tatlo nina Nathan at Nicholai. "Mga hijo, magkakakilala kayo?" Sunod-sunod na tanong sa amin. We're staring at each other trying to read each other's mind. Damn these two guys.
"Schoolmate ko po sa Manila." Lahat ay napa-woah sa narinig.
"Bongga ka pala 'te! Mayaman ka pala ah!" Bulong sa akin ni Marian na kinikilig pa rin sa tabi ko. Halatang-halata na gusto niya isa sa dalawa nina Nathan at Nicholai.
"Ikaw Sir Rico, kilala mo ba siya?" Napatingin ako sa direksyon ni Nicholai na nakatitig lang sa 'kin. Sir Rico? Siya ang anak ng may-ari nito? So, siya si Nicholai Rico Quen? Oh my god. Everything made sense now.
"She's a princess." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Gayun din ang lahat. "...known as a princess of Howard Academy." Pagpapatuloy nito. So he knows me as a Princess of Howard Academy. Dahil sa sinabi niyang 'yon, mas lalo yatang namangha sa akin ang mga tao dito.
I'm a princess. Yeah, a princess whose world turns upside down in just a blink of an eye.
Umubo ng peke si Nicholai at niyaya na magsikain ang lahat sa may garden. Kaya pala abala ang lahat sa pagluluto ay dahil parating ang dalawang 'to.
Imbis na makikain ako, nagpaalam ako kay Marian na babalik na ako sa palengke. Nag-aabang ako ng tricycle na dumaan ng biglang may nagpayong sa 'kin kaya naman kaagad akong napalingon sa likod ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay at lumayo ng kaunti sa kanya kaya naman muli na naman akong nainitan.
"Ang arte oh." He said with an annoying tone, "Bakit ba kasi uuwi ka na? Have some food before you go."
Hindi ko ulit pinansin si Nathan at ginawi nalang ang atensyon sa pag-aantay ng tricycle. "San ba punta mo? Hatid kita."
Napalingon ako sa kanya, "Anong sasakyan?"
"My car, ofcourse." Is he the real Nathan? Ang kilala kong Nathan ay hindi ako kinakausap.
"Where's your car?" My question that force a smiled on his lips. Ayokong sumakay sa maliit na tricycle dito sa probinsya 'no. He offered and I don't want to insist. Ilang minuto rin ang byahe at sobrang init ng panahon.
"Wait up." Tapos ay pinahawak niya sa 'kin yung payong na hawak niya kanina. Hindi naman ako ganoon katagal nag-antay sa kanya dahil ilang sandali lang ay muli na ulit nagbukas ang malaking gate at nilabas non ang sasakyan ni Nathan.
Kaagad naman akong sumakay dahil ayokong mag-assume na pagbubuksan niya ako ng pintuan ng kotse. Asa pa.
He was about to start the engine when we both heard a sound. "Te, napahiwalay lang ako sa tabi mo nabingwit mo na kaagad si pogi!" Napahawak ako sa batok ko dahil sa sobrang panghihimasok nitong si Marian. "Pogi, pasabay ako ah?" Pa-cute na tanong ni Marian kay Nathan. I stared at him and mouthing him to say no to her.
"Sure. Why not."
Damn.
"Yun oh! Thanks pogi! Parehas naman kami ng bababaan ni gandang Irene." Napapikit nalang ako. Iniisip ko palang na makakasama ko si Marian ng buong summer, nasakit na ulo ko. Feeling ko may wrinkles na ko kaagad.
Sa buong byahe, halos si Marian at Nathan lang ang naguusap. Ang dami kasing kwento ni Marian at para bang gustong-gusto naman ni Nathan ang mga kwento niya. I didn't know that he has this side na marunong makinig sa isang tao.
Makaraan ang trenta minutos, nakadating na rin kami sa palengke. Hindi na makapasok ang sasakyan ni Nathan sa loob dahil masyado ng masikip ang daan. Bumaba kaagad ako ng sasakyan without even saying thank you. What for, right? Baka nga after nitong araw na 'to, we will never see each other again. How I wish.
Ngunit pagkababa ko, nakita ko ang isang pamilyar na sasakyan sa may tapat ng isang tindahan na puro gulong at kung ano-ano pa. Tumakbo ako papalapit doon at nakita si Dad at Tita Julia. "Dad, anong nangyari?"
I even checked our car if there's damaged or what. Pero wala naman, thank God. "Flat ba?"
"Oo, anak. Kailangan pa naman nating pumunta sa tailor shop dun sa kabilang bayan." Problemadong boses ni Dad.
Kumunot ang noo ko, "Bakit? May ipapatahi po ba kayo?"
Ngumiti sa 'kin si Tita Julia, "Ikaw ang magre-Reyna Elena sa Flores De Maria ngayong taon, Irene." Nanlaki ang mga mata ko. HOLY SHIT. DAMN. KILL ME NOW.
"WHAT?!"
"Hermana sa simbahan ang Lola Lia mo. Nakausap ko siya kanina at gusto na niyang pasukatan ka na para mapaghandaan ang gown na isusuot mo." My mouth hung open.
"Ayoko ho." Malamig kong tugon na siyang nakapagpabago ng emosyon sa mukha ni Tita Julia. "I-It's just not my style. Ayoko. Pumili nalang ho kamo siya ng ibang pwedeng mag-Reyna Elena." Si Nathan ang Constantino at ayoko siyang maging Escort. Kahit sino ng hipon sa hacienda nung Nicholai na ang maka-partner ko, ayos lang. Wag lang si Nathan. It's so awkward to be with him, to walk with him and tied my arms around his.
"May sasakyan ho 'to!" Lahat kami ay napalingon sa malakas na sigaw sa may likod ko. I cursed under my breath. Ito na naman si Marian. "Siya ho ang Constantino! Bagay ho sila ni Irene, di po ba?! Balak niya rin pong magpasukat ngayon dun sa kabilang bayan! Pwede raw ho kayong sumabay sa kanya ngayon!" Hindi ako makapaniwala sa lahat ng pinagsasabi ng babaeng 'to. Kahit si Nathan ay para bang walang kaalam-alam sa nangyayari.
But sht, he just go with the flow and nodded to her. "Ah, o-opo. Ako po ang kapalit ni Nicholai, yung anak po ni Mayor Quen. Kaibigan niya po ako. Ako po ang Constantino ngayong taon." Saad ni Nathan kay Dad at Tita Julia.
Lumawak bigla ang ngiti sa mukha ni Dad, "Eh ano pang inaantay natin? Hijo, nasaan ba ang sasakyan mo?"
Damn this life. Damn being Reyna Elena and damn you Nathan, for being the Constantino.
--
Dumating kami sa Glamorosa, ang tindahan ng mga gowns. Hindi naman ako ganoon na namangha dahil mumurahin lang ang mga tela.
"Richard!" Tumayo ang isang matangkad na bading at masayang sinalubong kami. Nagyakapan sila ni Tita Julia. "Namiss kita girl!" I can say that they are friends.
"Dala ko nga pala yung anak ko. Yung magre-Reyna Elena ngayong Mayo sa bayan. Kasama ko na rin ang napiling Constantino."
Lumapit naman si Nathan dun sa bading, "Hello po." Bati nito. Halata namang nagwapuhan 'tong bakla kay Nathan. Napairap nalang ako sa ginawa ni Nathan. Ang plastik niya! Hindi siya ganto sa Manila!
"Ang gwapo at ang tangkad naman ng batang 'to!" Papuri pa nito.
Sus. Gwapo nga pero ang sama ng ugali.
I whispered. Tinulak naman ako ni Marian dun kay Richard, "Si Irene po! Ang ating Reyna Elena!" Ngumiti nalang ako dito.
"Irene po." Pagpapakilala ko.
"Kay ganda at gwapo naman! Naeexcite na ako gawan kayo ng isusuot nyo!"
Sinukatan lang kami ni Nathan. Habang sinusukatan ako, nagkukwentuhan sila ni Dad. I'm just staring at him dahil hindi ko alam na may ganto siyang side. Bibihira ko lang siya kasi makita na ngumiti sa school.
Natapos kami ng bandang-7pm dahil nagkaroon pa ng kwentuhan si Tita Julia at yung Richard. Kakalabas palang naming ng pintuan ng biglang magsalita si Nathan,
"Baka ho gusto nyong kumain?"
I raised my eyebrows on him, "Why did you asked?"
"Irene!" Saway sa akin ni Dad.
"What? I'm just asking him why." I said in an innocent tone. "If he'll treat us, then go." I whispered.
"It's my treat." Napaangat ang ulo ko. Damn he's smile. I know there's something on that smile and I won't fall for it.
"Tara na 'te! Wag ka ng maarte!"
Sa isang restaurant kami na hindi ako pamilyar. Ang sabi ni Marian sa 'kin ay masarap dito. Dito rin daw ang pinakamahal na pagkain sa bayan dahil isang chef raw ang may-ari nito nas mas ginusto ang magtayo ng restaurant sa probinsya kesa sa Manila.
"Anong gusto mong kainin?"
I scanned the menu and finally, there's a good food I can eat here, "Grilled Molasses Flank Steak with watermelon salsa."
"Irene!"
"What, Dad?"
"Pili ka nalang ng iba. Ang mahal masyado ng gusto mo." Dad complained.
"It's just 1,765php." I smirked, wanting Nathan to pay a big amount of price.
"Okay lang ho." Nagbago ang emosyon sa mukha ko. Ayos lang sa kanya? Sht! How can I make him show his true color? I want him to get mad!
"Give her what she wants." Utos niya dun sa waiter, "Kayo po? Pili lang po kayo. Ayos lang po talaga." Muli na naman akong napairap sa sobrang inis.
Lumapit ako ng kaunti kay Marian at tiningnan rin ang menu na hawak niya dahil mukhang nahihirapan siyang pumili. I grinned, "Try this, Marian. This savory garlic marinated steaks." Pointing my index finger to the dish that same price as mine.
"Masarap ba naman 'to? Teka, ang mahal yata, ayos lang kaya?"
I laughed, "Oo naman. Mayaman naman 'yan e."
"Sige! Sabi mo yan ah! Ay kuya, ako etong savory garlic chuchu!" Tinuro nalang ni Marian yung gusto niya dun sa waiter that made us laughed.
Ang inorder naman nina Dad at Tita Julia ay yung hindi kamahalan kaya naiinis ako. Gusto ko yung tipong manunulubi si Nathan.
Habang nag-aantay, I'm chatting with my friends.
Typing: Do you know a name Janus in our school?
Hindi ko pa din nakakalimutan ang ginawang pandededma sa beauty ko ng lalaking 'yon. Since Graduation ball na in the next few days, I want to see him and I'll show him what he ignored that day.
[The loner of Section A? He's an outcast as far as I know but his grades are really outstanding though.]
Typing: How did you know?
Grades are checked online. May sari-sariling kaming account sa school website. Kaya walang nakakakita ng grades ng bawat isa. Tanging sa graduation lang magkakaalaman ng GWA.
[He's the only one who got perfect on Ignacio's test! Yung terror sa Section A! Nathan got 12 mistakes that time and he got a perfect score! Nakarating ang balita na 'yon sa room natin! Well, you don't care about other boys unless they're varsity players. Wait, how did you know him?]
Lei even put an emoticon that made me rolled my eyes.
[Dinedma ako ng gagong 'yon. Hindi ba niya ako kilala?! My tarpaulin kaya ako sa school!]
Gigilgil kong type. I was about to write a message again when the order came. I put back my phone in my pocket.
Habang nakain kami ay ang saya ng kwetuhan ni Dad, Tita Julia at Nathan. Dad even tell him about my childhood that made me shy at the moment.
I excused myself while they're still chatting with each other. Maghuhugas lang naman ako ng kamay. After I washed my hands and used the hand dryer. Kumuha ako ng tissue at tinuyo ang kamay ko ng may nag-vibrate sa phone ko.
[Pupunta si Janus ng Graduation Ball! Nakita ko siya sa list!]
I smirked while staring at the message. Thank God that Lei is the organizer of the Graduation Ball. If he don't know me, then I'll make him know me. Ayoko na hindi niya ako kilala. I'm Irene Desylvia and no one ignores me... I ignore people.
- - - - - - - - - - - - -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro