EPILOGUE
"WE'RE sorry to say this... but the baby didn't make it." Iyon kaagad ang narinig ko nang unti-unting bumalik ang malay ko. Nakita ko kaagad si Patrick sa may paanan ko, kaharap at kausap ang isang doctor. Ano raw? Hindi yata matanggap ng puso't isipan ko 'yung sinabi no'ng doctor.
Hindi!
"Doc, bawiin mo 'yung sinabi mo," pagsasalita ko. Napatingin naman silang dalawa sa 'kin. Kita ko 'yung lungkot sa mukha ni Patrick. "Buhay pa ang baby ko, 'di ba?"
"Babe..."
"Doc, sumagot ka! Hindi nawala ang baby ko, 'di ba? Mali lang ang pagkakarinig ko sa sinabi mo kanina. Patrick, please tell me nagbibiro lang siya," pagmamakaawa ko kay Patrick. Pero gano'n pa rin ang ekspresyon ng mukha niya kaya unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko.
"Pero Sunshine, 'yon ang nangyari. W-Wala na ang baby natin."
"Hindi..." Napailing pa ako. "Hindi!"
Napabangon na lamang ako dahil sa isang panaginip. Masamang panaginip. Umiiyak na rin ako.
Bigla ko na namang naramdaman ang pananakit ng ulo at katawan ko. Nasaan ako?
"Babe..." Napalingon ako sa kaliwang banda ko at nakita ko si Patrick, kita ko 'yung pag-aalala sa mukha niya.
"Patrick, ang baby?" kaagad kong tanong. "Please tell me, walang masamang nangyari sa baby natin. Hindi ko kakayanin." Tumulo na ang luha ko. Hinaplos niya ang mukha ko at may pag-aalalang tiningnan niya ako.
"Babe, okay lang siya." Parang nabunutan naman ako ng tinik sa narinig. "Sobra akong nag-aalala sa 'yo. Hindi ako mapakali nang malaman kong hawak ka ni Sheena. Hindi ko malaman ang gagawin ko. Natatakot kasi ako sa pwede niyang gawin sa 'yo lalo na't parang nawawalan na siya ng bait ngayon.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? Sinaktan ka ba niya?" patuloy niya.
"Ngayong alam kong okay lang ang baby natin, okay na rin ako," sagot ko naman.
"Mabuti na lang at walang masamang nangyari sa inyong dalawa ng baby natin. Dahil kung nagkataon, patawarin ako ng Diyos, pero baka hindi ako makapagtimpi at kung ano pa ang magawa ko sa babaeng 'yon." Hinawakan ko naman ang mga kamay niya at saka ngumiti nang matipid.
"Hayaan na lang natin siya, Patrick. Masyado ka lang niyang minahal kaya siya nagkakagano'n. Wag na lang natin siyang isipin sa ngayon. Ang mahalaga ay nakalaya na ako sa kanya at maayos na rin ang kalagayan ng baby natin. 'Yon naman ang mas mahalaga, 'di ba?" Kumalma naman siya sa sinabi ko.
"Pero kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa 'yo! Muntikan ka na niyang mapahamak!"
"Hayaan mo na ang karma sa kanya. Makonsensya sana siya sa nangyari." Hinaplos ko naman ang mukha niya. Na-miss ko siya bigla. Akala ko, katapusan ko na.
Tipid naman niya akong nginitian.
"I missed you!" sabi niya sabay yakap sa akin.
▫▫▫🎈▫▫▫
"Sunny!"
Nagulat na lang ako nang biglang pumasok si Princess. Kasabay niyang pumasok sina James, Jecko, Miko, at Darwin. May dala pa silang bulaklak at prutas. Napangiti ako nang malapad. Na-miss ko sila!
"Grabe! Sobrang nag-alala talaga kami para sa 'yo!" sabi niya sabay yakap sa 'kin nang mahigpit. "Tuluyan na talagang nabaliw ang Sheena na 'yon para gawin sa 'yo 'to."
"Kumusta na pakiramdam mo?"
"Ayos naman. Salamat sa pagbisita niyo." Ngumiti ako.
"Buti na lang kamo at malakas ang kapit ng bata kaya walang masamang nangyari," pagsasalita ni James.
"At dahil malakas siya, I'm pretty sure na lalaki ang baby niyo, Sunshine," natatawang sabi naman ni Miko.
"Babae," biglang singit naman ni Darwin. Hay nako, hanggang ngayon pa rin ba ay puro babae pa rin ang bukambibig ng lalaking 'to?
"Lalaki," protesta ni Miko. "Babae nga, P're."
"Lalaki nga sabi!"
Aba! Mukhang may mag-aaway pa dahil lang sa kasarian ng magiging anak ko, ah?
"Paano mo nasabi?" tanong naman ni Darwin kay Miko. Para silang mga bata. Nakakatuwa.
"Kasi nga, 'di ba, malakas? Bobo mo rin minsan, 'no? Palibhasa kasi, puro babae laman ng utak mo."
"So, sinasabi mong mahina ang mga babae? Ka- hurt ka!" Tinampal pa nito ang braso ni Miko at nagpaboses babae. Nagtawanan naman kaming lahat dahil do'n.
"My god! Bumigay ka na, dude?" parang ewang sabi naman ni Jecko. Nag-make face lang sa kanya si Darwin at tumahimik na rin. Napailing na lang ako sa pinaggagagawa nila.
"Ganito na lang, kapag babae 'yan, magpapatuli na lang ulit ako."
"Yuck! Kadiri ka!" sabay-sabay naming sabi kay Miko. Napakamot naman siya ng ulo. "Wala akong maisip, eh," dagdag pa niya habang natatawa.
"Sige ba! At kapag lalaki naman 'yan, ano... papatuli na rin ako!" parang proud pang sabi ni Darwin.
"Gaya-gaya!" singhal ni Miko. Ang cute talaga panoorin ng ganitong sides nila. Kahit parang ang se- serious nilang tingnan, masaya pa rin silang kasama.
"Ano na lang, ititigil ko na ang pambababae ko." "Weh?" chorus naming sabi.
"Ewan ko sa inyo! Lalaki na nga kung lalaki! Tss." sabi na lang niya sabay upo at tumahimik. Tinawanan na lamang namin siya. Kahit papaano ay nawala ang pagod ko dahil sa kanila. Napangiti ulit ako. Nakakatawa silang kasama, lalo na si Darwin. Kahit puro babae ang nasa isip at bukambibig niya lagi, mabait at palatawa pa rin ang isang 'yan.
Dahil busy ako kangingiti dahil sa kanila, hindi ko na namalayan ang pagkapit ni Patrick sa kamay ko. Naramdaman ko na lang iyon nang pisilin niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya at nakita ko ang nakangiti niyang mukha na mas nakapagpangiti pa sa akin.
FIVE YEARS LATER...
"Summer, bumalik ka dito!"
Tawag ko sa anak ko. Ang likot niya kasi. Kanina pa siya takbo nang takbo, baka madapa pa siya. Nang hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang sa katatakbo ay hinabol ko na siya. Napakamot pa ako sa ulo habang hinahabol siya. Bakit naman kasi ang likot ng anak ko?
Nang sa wakas ay nahabol ko na siya ay ikinulong ko na siya sa braso ko. Kinarga ko na lang kahit may kabigatan siya nang kaunti. Baka kasi tumakbo pa ulit, nakakapagod lang maghabol. Haha! Umupo ako sa sofa at nagpahinga. Kapagod, ha! Niyakap ko naman siya nang mahigpit. Nakakagigil.
Happily married and proud mom na ako ngayon. I only have one child, and it's a girl. Summer ang pangalan niya. Don't ask me with the name, kasi hindi naman ako ang nagbigay ng pangalang 'yon. Sino pa nga ba? Eh 'di si Princess. Ang cute lang daw kasi pakinggan na Sunny ang pangalan ko, tapos ang anak ko naman ay Summer. Tss. Ewan ko sa kanya.
Naalala ko pa no'n, pagkatapos kong mailabas nang maayos si Summer ay nagbangayan pa sina Miko at Darwin. Kesyo tama raw si Darwin at mali naman si Miko. Ano bang ipinagpuputok ng butsi nila? Masyado bang big deal sa kanila ang kasarian ng anak ko? Haha.
And speaking of Darwin and Miko. Darwin will always be Darwin, walang pinagbago. Womanizer siya when I first met him and until now, bukambibig pa rin nito ang mga babae. Kung sinu-sino na lang ang binabanggit niya. Kesyo naka-date daw niya at kung anu-ano pa.
Bahala na nga siya sa pinaggagagawa niya. Trip niya 'yon, eh. At saka, buhay niya 'yon. Walang basagan ng trip.
Si Miko naman, nagpatayo ng bagong bar. Sa ngayon, doon na lang daw muna niya itutuon ang atensiyon niya. Hindi ko siya napansin na may pinopormahang babae o kaya ay kinakausap man lang. Masyado siyang serious sa trabaho at ginagawa niya. Pero kahit busy na sila sa kani-kanilang mga buhay, hindi pa rin naman nila nalilimutan ang bumisita sa tambayan. Nagkukwentuhan kaming lahat kapag may time.
Si Jecko naman, parang si Darwin na walang pinagbago. Nerd pa rin kahit manamit. Mamamatay yata siya kapag iba ang isusuot niya. Haha. Pero sabi nina Darwin, parang may kakaiba raw ngayon kay Jecko. Minsan na kasi nila itong nakitang palaging may katawagan at ka-text sa cellphone. Minsan daw ay ngingiti pa 'tong mag-isa. Mukhang luma-lovelife na 'to! Mabuti naman kung gano'n, eh 'di naunahan din sila? Haha!
Sina Princess at James naman, tulad namin ni Patrick ay happy family na rin. Katulad ng napagplanuhan namin ay double wedding nga ang nangyari and I think, "double" is very lucky for them. Kambal kasi ang anak nila at parehong lalaki pa!
Akalain mo 'yon? Nainggit nga ako nang malaman ko, eh.
Parang ang sarap din kasi sa pakiramdam kung magkakaroon ka ng kambal na anak. How I wish may kakambal na lang si Summer.
Binibiro nga ako ni Patrick, sundan na raw namin si Summer. Baka raw kasi magkaroon pa kami ng kambal o 'di kaya ay triplets pa! Amputek!
Who would have thought na makikilala ko silang lahat? Ang mga taong nagbigay ng saya sa buhay ko. Sinong mag-aakala na ang dating facebook friend ko lang na si Princess ay magiging bestfriend ko in real life? At higit sa lahat, sinong mag-aakala na ang dating pagkakamali ko lang, siya ng nagpapaligaya sa akin ngayon? Patrick Raveno is the most beautiful mistake I've ever made at kagaya nga ng sinabi ko, hindi ko pinagsisisihan ang pagkakamaling 'yon kasi naging masaya naman ako.
Dati, sabi ko, ang malas ko at sinisisi ko pa si Lord dahil sa kamalasang nangyayari sa 'kin. Pero ngayon, sobra naman ang pasasalamat ko. Kahit kailan, hindi ako minalas. Sadyang sinubok Niya lang talaga ako kung hanggang saan ang kaya kong gawin. Mabuti na lang at nalalagpasan ko ang lahat ng pagsubok Niya na dumarating sa buhay ko. At siyempre, hindi ko rin naman magagawa ang lahat ng 'yon kung hindi dahil sa pinakamamahal kong si Patrick Raveno.
As always, palagi niya akong pinapasaya. Araw- araw niyang ipinaparamdam sa 'kin kung gaano niya 'ko kamahal. He's really sweet... and hot too! Kaya nga mahal na mahal ko rin siya, eh.
Problema? Yes, mayroon pa rin naman kahit papaano. Hindi naman natin maiiwasan ang problema, eh. Darating talaga 'yon sa ayaw o sa gusto natin. But still, nananatili kaming malakas ni Patrick. Lalo na't may anak na kami.
"Ang lalim ng iniisip mo, ah?"
Nabalik na lang ako sa realidad nang may biglang nagsalita. Pagkalingon ko, nakatayo si Patrick sa gilid ko at karga na niya si Summer. Gulat naman akong napatingin sa sarili ko at kay Patrick. Papaanong...
"Haha! Masyado ka kasing lutang kaya hindi mo na ako napansin at ang pagkuha ko kay Sam." Sam, 'yon ang palayaw namin kay Summer. Tumayo naman ako at hinalikan siya.
"Kumusta ang lakad mo?" tanong ko sabay haplos sa balikat niya.
"Ayoko ng mag-apply! Nakakapagod lang. At saka, namimiss din kita agad, eh," sabi niya sabay ngisi. Hinampas ko naman ang braso niya.
"Loko ka! Anongipapakain mo sa 'min ng anak mo?"
"Aba, malay ko! Bigas ba 'ko?" Pinandilatan ko siya ng mga mata pero tumawa lang siya. "Haha. Joke lang. Ito naman! I love you. Hehe. Hindi ako natanggap sa opisina dahil masyado silang perpekto doon. Pero may good news ako sa 'yo."
"Ano 'yon?"
"May nag-offer sa 'kin ng trabaho. Pagmo-model. Masyado raw kasi silang confident sa ka-gwapuhan ko kaya ako ang kinuha nila." Kumindat pa siya.
"Ang yabang mo! Pero 'di nga? Seryoso ka?" 'di makapaniwalang sabi ko.
"Yes. And guess what kung sino ang magiging boss ko?"
"Sino?"
"Sino pa, eh 'di sina Jun at Ara!" Ngumiti na naman siya. Napatigil muna ako saglit, pero nang marealize ko ang mga pangalang nabanggit niya ay nanlaki ang mga mata ko.
"What? 'Di nga? Umasenso na sila nang gano'n?" gulat ko pa ring tanong. Napatango naman siya. Wow lang!
Wow. Good for them. Akalain mo nga naman, 'no? Dati, mga assistant lamang sila. Pero ngayon, umasenso na. At mabuti na lang kasi naalala pa pala nila si Patrick.
"Yeah," sabi niya sabay baba kay Sam. Nangangalay na yata siya. Haha! Sabi naman kasi, eh, may kabigatan 'tong batang 'to.
Nagkuwentuhan lang kami ng kung anu-ano nang biglang pumasok si Yaya.
"Ma'am, Sir, may sulat po kayo."
Nagkatinginan kami pareho ni Patrick. Sino naman kaya ang magbibigay ng sulat sa 'min? Kinuha ko na 'yung sulat na hindi ko alam kung sino ang sender at dali-dali ko 'yong binasa.
"Kanino raw galing?" tanong kaagad ni Patrick. "Atat lang? Kitang hindi pa nababasa, eh. Makinig
ka na lang, okay?"
"Tss." 'Yon lang ang reaksyon niya at nagsimula na akong magbasa. Malakas pa dahil 'yon ang utos ng kamahalan.
Binasa ko na lamangang nakasulat.
Bitch.
Wow. Gandang panimula, ha? 'Di ko pa man nababasa ang kabuuan ay may idea na ako kung sino ang sender. Ano na namang trip niya at after five years ay nagparamdam ulit siya?
I don't know what to say. I am speechless. Uhm. I am sorry forwhat I have done to you and my beloved Patrick. My simple apology won't beenough, but I mean it. I'm sorry.Narealize ko kung gaano ako kasamang tao. I hope that you can still accept my apology.
Noong sinabi kong mamatay ka na lang, I really don't mean it. Nadala lang talaga ako sa galit ko kaya ko nasasabi ang mga 'yon. Hindi ako gano'n kasama para gustuhing mamatay ang isang tao. Again, I'm really sorry for that.
'Yung tungkol sa singsing, siguro ay nagtataka ka kung bakit may gano'n din akong singsing na gaya kay Patrick. Ginaya ko lang talaga ang kay Patrick. One time kasi, no'ng sinundan ko siya, nalaman ko na magpapagawa pala siya ng singsing. Tinanong ko 'yung babae na naka-assign sa singsing at nagpagawa rin ako. Nagamit ko lang 'yon para mas lalo pa kitang maasar. Gusto ko kasing hiwalayan mo si Patrick dahil mahal ko nga siya. Pero ngayon, narealize ko na tama ka pala. Na marami pa ngang lalaki sa mundo. Na hindi lang si Patrick ang pwede kong mahalin. Napakatanga ko rin, 'no? Ang tagal bago ko pa narealize ang lahat.
At hindi ko pa ma-re-realize ang mga bagay- bagay kung hindi pa dumating sa punto na nakita kong dinudugo ka na. Nang malaman kong buntis ka pala, nataranta ako no'n. Natakot. Paano kung may mangyaring masama sa bata? Ayokong may madamay pang iba sa kagagahan ko lalo na at wala siyang kamuwang-muwang sa mundo. Naisip ko, tama na ang kahibangan. Tama na ang katangahan at kagagahan.
Siguro, mas mabuti kung magpakalayo-layo na lang ako. 'Yon din naman ang gusto mong mangyari, 'di ba? By the way, masaya ako nang malaman kong walang masamang nangyari sa bata. Maniwala ka man o hindi, pero masaya talaga ako. At masaya na rin ako ngayon.
Sorry sa lahat ng nagawa ko. Sorry sa inyong dalawa ni Patrick. Mas mabuti nang dinaan ko na lang sa sulat ang paghingi ko ng paumanhin dahil hindi ko alam kung kaya ko bang iharap ang pagmumukha ko sa inyo matapos ang lahat ng nangyari.
Ang dami kong sinasabi. Sige, speechless na naman ako. Bitch ka talaga!
At iyon na ang huling nakasulat sa papel. Hindi ko alam kung maiiyak, malulungkot, magagalit, o matatawa na lang ako sa kanya, eh. Well, on second thought, halos sabay ko pala silang naramdaman. Mga hirit kasi ni Sheena sa huli, eh.
Naramdaman ko na lang na may yumakap sa 'kin. Pagtingin ko, si Patrick pala. Napasandal na lang ako sa balikat niya.
"Sana, tuloy-tuloy na ang ganito. Walang problema, walang umeeksena. Masaya lang," sabi ko nang nakangiti. Hinalikan naman niya ang buhok ko.
"I promise, I'll make you happy every single day," matamis niyang sabi.
"I love you, Sunshine Bernardo," dagdag pa niya. "I love you too, Patrick Raveno."
And then, he kissed me. Sweet and gentle. He's kissing me while I'm lying on his shoulder. Nasa ganoong posisyon kami nang bigla akong tawagin ng anak ko.
"Mommy!" sigaw niya. Tinawag ko rin siya at kinarga pagkatapos ay inilibot ni Patrick ang mga kamay niya sa baywang ko at hinatak niya ako palapit sa kanya. Napangiti na lang ako.
"I love you," he mouthed.
"I love you too," I mouthed back.
And we live happily ever after? Hmm... we can't really say. Maybe yes, and maybe no.
Hindi naman kasi natin malalaman ang future natin. We can't predict what will happen tomorrow. Pero sigurado ako, kapag kasama ko ang mag-ama ko, masaya na ang buong buhay ko.
- THE END -
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro